PAMANAHONG-PAPEL UNFINISHED 1,4 and 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

EPEKTO NANG COVID – 19 SA TURISMO

NG PILIPINAS

Isang Pamanahong Papel na Iniharap kay Gng.Rebecca Gabriel Guro ng Pagbasa at


Pagsulat sa Iba't – Ibang Disiplina

Isang pananaliksik ng Bachelor of Science in Hospitality Management

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailan sa Asignaturang Filipino: Pagbasa at


Pagsulat sa Iba't- Ibang Disiplina

Nina:

Doniego, Marinel U.

Franco, Alexandra

Navida, Daisyry O.

Pinuela, Alfredo III

Villamor, Ma. Naomie

Marso 2021
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng subjek na Pagbasa at Pagsulat sa
Iba't-Ibang Disiplina. Ang Pananaliksik na ito na may Pamagat na “EPEKTO NANG
COVID – 19 SA TURISMO NG PILIPINAS” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga
mananaliksik mula sa BSHM – C2019 na binubuo nina:

Marinel U. Doniego Daisyry O. Navida


Alexandra, Franco Pinuela, Alfredo III
Villamor, Ma. Naomie

Tinanggap ng ngalan ng Kagawaran ng Filipino kolehiyo ng Edukasyon, Taguig


City University, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino.
“Pagbasa at Pagsulat sa Ibat – Ibang Disiplina”

Rebecca D. Gabriel
Propesor sa Filipino
PASASALAMAT
Taos puso naming pinasasalamatan ang lahat ng taong tumulong
paramaisagawa ang aming pananaliksik at sa suportang na tanggap namin at
nagbigay patnubay upang matapos ang pag aaral na ito:

- Sa mga awtor, mga editor, at mga riserter ng mga akdang aming pinaghanguan
at pinagbasehan ng mga mahahalagang impormasyon na ginamit ng mga
mananaliksik

- Sa mga Respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa


pagsagot nang tapat sa aming kuwestiyoner at mga surbey

- Sa aming kapwa Mag-aaral at Kaibigan na nagbigay tulong, inspirasyon at


suporta upang matapos ang pananaliksik na ito.

- Kay Gng. Rebecca D. Gabriel, Guro ng Taguig City University sa asignaturang


“Pagbasa at Pagsulat sa Ibat – Ibang Disiplina”. Na aming minamahal na Guro
at tagapayo. Ipinapaabot po namin ang aming pasasalamat dahil sa inyong
walang sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay at pag-unawa samin habang
isinasagawa namin ang aming pananaliksik at lalong lalo na sa pagbibigay ng
inyong kaalaman ukol dito.

- Sa aming mga magulang na tumulong at umintindi samin sa panahong abala


kami sa paggawa ng pag- aaral na ito. Sa pagbibigay ng suporta, motibasyon,
moral at pinansyal na suporta upang maisagawa ng mga mananaliksik ang llahat
ng kanilang makakaya sa pananaliksik na iyo.

- At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa aming grupo ng


determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag aaral at
pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming pananaliksik. Sa pagdinig
sa aming mga panalangin lalong lalo na sa panahong kami ay pinanghihinaan ng
loob na matapos ito ng takdang panahon.

Muli, Maraming-maraming Salamat po sa inyong lahat.

- Mga Mananaliksik
- TALAANG NG NILALAMAN

Panimula Pahina
PAMAGAT …………………………………………………………………. i
PAGPAPATIBAY …………………………………………………………. ii
PAGPAPASALAMAT ……………………………………………………. iii
TALAAN NG NILALAMAN ………………………………………………. iv

Kabanata I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Kabanata II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL.
Kabanata III. METODOLOHIYA
Kabanata IV. PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA
DATOS
KABANATA V. KINALABASAN NG PAG AARAL, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
KABANATA II.
MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

may kaugnay sa isinasagawang pag-aaral.

Ayon kay Raiza F. Cabugwang (2020) sa kanyang aklat o isinulat na artikulo


masasabi niya na pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang laban sa
pagsugpo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng matinding krisis,
hindi lamang sa bansa pati na rin sa buong mundo. Mula nang unang iniulat ng World
Health Organization (WHO) noong Disyembre 31, 2019 ang pagdami ng kaso ng
pneumonia sa Wuhan City, Hubei Province, China, naging aktibo na ang DOH sa
pagmomonitor ng nasabing virus at sa pagbabalangkas ng iba’t ibang mga hakbang
upang matugunan ang nasabing hamon. Ipinag-utos ng Kagawaran noong Enero 6 ang
paghihigpit sa pag-uusisa sa mga pasaherong papasok ng bansa. Noong ika-11 ng
parehong buwan, hinikayat ng DOH ang mga may travel history galing China na
magpakonsulta agad sa mga pasilidad pangkalusugan. Upang mas mapaigting ang
pag-monitor sa kundisyon ng mga pumapasok sa bansa, ipinag-utos ng Kagarawan
noong Enero 17 na gawing mandatory ang pagsagot ng Health Declaration Cards sa
lahat ng mga paliparan at daungan sa Pilipinas. Pagsapit ng Enero 20, binuo ng DOH
ang nCOV Task Force na inatasan ng Kagawaran na sumubaybay sa sitwasyon ng
bansa at magbigay ng rekomendasyon sa pagsugpo ng COVID-19. Sinimulan naman
nito ang daily case tracker ng mga apektado, nasawi, at hinihinalang biktima ng COVID-
19 noong Enero 28. Mas pinalawig din ng ahensya ang komunikasyon nito sa publiko
sa pamamagitan ng regular na press briefings upang mas makapagbahagi ng kaalaman
tungkol sa virus. Noong Enero 27, muling nagtipon-tipon ang miyembro ng IATF-EID
upang suriin ang kalagayan ng bansa. Alinsunod sa naging resolusyon ng IATF at sa
rekomendasyon ng DOH, agad na naglabas ang Pangulo ng temporary travel ban sa
lahat ng byahe na nagmumula at patungo sa Wuhan at Hubei, China. Kasabay ng travel
ban, sinimulan na rin ang pagbuo ng repatriation plan upang maiuwi sa bansa ang ating
mga kababayan na naapektuhan ng health emergency sa China. Ito ang naging
blueprint ng iba pang repatriation at quarantine programs na ipinatutupad sa bansa
hanggang sa kasalukuyan. Kaugnay sa aspeto ng contact tracing, inanunsyo ng DOH
noong Pebrero 1 ang pagpanaw ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 na naitala sa
bansa. Samantala, noong Pebrero 10 ay naglabas naman ang Philippine Health
Insurance Corporation, isang government-owned and controlled corporation sa ilalim ng
DOH, ng circular patungkol sa pagpapataas ng benefit package para sa mga apektado
ng nasabing karamdaman. Sa buwan ding iyon, matagumpay na naiuwi ng DOH,
katuwang ang Department of Foreign Affairs, ang Overseas Filipinos na lulan ng M/V
Diamond Princess cruise ship, ang barkong nakilala dahil sa COVID-19 outbreak na
nakaapekto sa napakaraming crew at pasahero nito. Lalo pang pinaigting ng DOH ang
pagresponde nito sa naturang pandemya pagsapit ng Marso, ang buwan kung kailan
idineklara ang State of Public Health Emergency sa buong bansa sanhi ng COVID-19.
Inilabas din ng DOH sa buwang ito ang Public Advisory ukol sa mga panuntunan sa
pampublikong pagtitipon, Public Advisory na magiging gabay ng mga institusyon kung
magkakaroon ng Person Under Investigation (PUI) o kumpirmadong kaso ng COVID-19
sa kanilang tanggapan, at mga panuntunan para sa pangangalaga ng mga pasyenteng
posibleng o kumpirmadong may COVID-19.

Ayon naman kay Ivy E. Atompag (2020) sa kanyang aklat o isinulat artikulong
“Turismo sa bansa, tiyak ang pagbangon mula sa epekto ng COVID-19 – DOT” Muling
makakabangon ang estado ng turismo sa bansa pagkatapos ng ilang buwang
quarantine at maibabalik muli ang trabaho ng mga Pilipinong nasa industriya at labis na
naapektuhan ng pandemya. Ito ang ipinahayag ni Department of Tourism (DOT)
Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Laging Handa virtual press briefing noong
Hunyo 25. “I have high hopes that the significant share of employment the tourism
industry provides, as consistently indicated by the PSA’s annual reports, will help spur
our sector’s recovery from the impact of this pandemic,” pagtitiyak ni Puyat. Noong
2019, 12.7 percent ang naiambag ng industriya ng turismo sa Gross Domestic Product
ng Pilipinas at nakapagbigay ito ng 5.7 milyong trabaho noong nakaraaang taon din.
Pinayagan na ng DOT na magbalik-operasyon ang turismo sa mga lugar na nasa ilalim
ng modified general community quarantine nitong Mayo 30, 2020. Ayon kay Puyat,
mahalaga na untiunting mabuksan ang sektor ng turismo sa bansa nang hindi
nakukumpromiso ang kaligtasan ng mga turista. Siniguro ng ahensya na sinusunod ng
mga hotel, resort, at iba pang establisyimento ang mga health at safety protocol na
inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious
Diseases. Sa kabila nito, binigyang-diin ng Kalihim na malaki ang papel ng local
government units (LGUs) sa pagtukoy ng mga tourist spots na maaari nang magbukas
sa kani-kanilang lugar. Gayunpaman, hiningi ni Sec. Puyat ang kooperasyon ng lahat
upang tulungang mapabilis ang pagbangon ng industriya na isa sa mga pangunahing
sektor na labis na naapektuhan ng pandemya. “With your support, open-mindedness,
and cooperation, the tourism industry can once again prosper while setting the bar with
new standards for hospitality, sustainability, health and safety, and guest satisfaction,”
panawagan ni Sec. Puyat. Ayon sa ulat na inilabas ng ahensya noong Hunyo 29,
inaasahahang ang lokal na turismo ang magtutulak sa pagbangon ng industriya sa
bansa dahil maraming Pilipino ang nagpahayag ng pagnanais na magtungo sa
malalapit na destinasyon dala ng banta ng COVID-19. Isinusulong din ngayon ng DOT
at ng mga kakabit na ahensya nito ang ‘digital tourism’ upang mapanatili ng bansa ang
‘market presence’ nito sa buong mundo. Naglunsad ito ng online trainings at webinars
pati na rin promotional videos upang hikayatin ang publiko na maglakbay nang hindi
kinakailangang umalis sa kani-kanilang tahanan. Tampok sa mga maiksing videos na
ito ang mga magagandang tanawin at aktibidad na matatagpuan sa iba’t ibang parte ng
Pilipinas. “The DOT will continue to optimize the role of technology to promote tourism
and digital learning to provide new opportunities across the tourism sector,” paliwanag
ni Sec. Puyat. Inilunsad din ng ahensya ang kanilang sariling virtual presser upang
ipagbigayalam sa publiko ang mga mahahalagang updates sa industriya. Tulong sa
mga Istranded na Turista at OFW Sa kasagsagan ng community quarantine ay tiniyak
ng DOT ang pagtulong sa mga nangangailangang turista at overseas Filipino workers
(OFWs). Ayon sa ulat ng ahensya noong Hunyo 2, nakapagbigay na ito ng tulong at
serbisyo sa 36,947 istranded na dayuhan at lokal na turista mula nang nagkaroon ng
restriksyon sa iba’t ibang uri ng transportasyon dahil sa enhanced community
quarantine noong Marso. Kabilang dito ay ang pagtulong sa 27,620 dayuhang turista sa
pamamagitan ng pakikipagtulungan ng ahensya sa LGUs, embassies, at mga airline
companies upang mabigyan ang mga ito ng pansamantalang tirahan, pagkain, at
magawan ng paraan ang pag-uwi ng mga ito sa kani-kanilang bansa. Tinulungan din ng
ahensya ang 9,237 lokal na turistang na-istranded sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Sa
pakikipagtulungan naman ng DOT at iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng
Department of Foreign Affairs at Department of Health, nabigyan ng hotel
accommodation ang mga nagbabalik na OFW na kailangang sumailalim sa quarantine
bago makauwi sa kani-kanilang probinsya. “The overwhelming show of support of the
hotel sector to our government’s call to make their rooms available to OFWs should
somehow ease their anxiety, having to wait for another two weeks till they eventually
reunite with their families,” saad ni Sec. Puyat bilang pasasalamat sa mga miyembro ng
pribadong sektor na sumuporta sa inisyatibo.

At ayon naman kay Ma. Florinda Princess E. Duque (2020) sa kanyang aklat o
isinulat na artikulong “Laban ng gobyerno sa COVID-19” Binulabog ng Coronavirus
disease 2019 (COVID-19) ang buong mundo sa pagsulpot ng unang kumpirmadong
kaso sa Hubei Province, China noong Disyembre 31, 2019 na lubhang nagdulot ng
matinding pangamba sa lahat ng tao. Sa kasalukuyan, nananatiling walang lunas ang
naturang sakit na ayon sa tala ng World Health Organization ay kumitil na ng higit
kalahating milyong buhay sa buong mundo. Sa kabila ng mga pangyayaring ito, patuloy
pa rin ang pag-aaral at pagtuklas ng mga eksperto sa lunas na inaasahang
magpapagaan sa nararamdamang takot at pangamba ng mga tao tuwing lalabas ng
kani-kanilang tahanan. Sa gitna ng walang katiyakang kapaligiran, naging sandigan ng
bawat Pilipino ang pamahalaan. Sa pamamagitan ng mga hakbang at desisyon na
masusing pinag-isipan bago inilatag bilang National Action Plan (NAP) laban sa COVID-
19, naagapan ang inaasahang mas malala pa sanang epekto ng pandemya sa bansa.
Kung hindi isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Luzon sa enhanced community
quarantine (ECQ), marahil mas mataas pa ang bilang ng mga nagpositibo at namatay
ngayon. Tunay nga na malaking bahagi ang ginampanan ng ating “science experts” sa
mga naging desisyon at istratehiya ng ating gobyerno upang labanan ang COVID-19.
Ito ay upang matiyak na tayo ay ligtas mula sa COVID-19 habang patuloy na ginagamot
ang mga natamaan ng sakit at maiwasan ang paglaganap pa nito. Sa lumipas na
dalawang buwan, bumuhos man ang luha mula sa mga pasyente at kanilang mga
pamilya, pagod at hirap ng ating mga healthcare worker at frontliner na talaga namang
hindi matatawaran ang serbisyo sa bayan, unti-unti naman tayong bumabangon sa
kasalukuyan. Sa pag-alalay ng gobyerno, dahan-dahan na tayong pumapasok sa “new
normal” na nagbibigay ng lakas ng loob sa ating lahat upang ipagpatuloy ang laban. Sa
kabuuan ng pagsubok na ito, kung may natutunan man tayo sa mga pangyayari, ito
marahil ay kung paano nakatutulong ang pagiging disiplinado at responsable ng isang
mamamayan sa katatagan ng gobyerno ng isang bansa sa gitna ng matinding
pagsubok. Nagiging matibay na pundasyon ng isang bansa ang isang mamamayan na
nakikibahagi sa solusyon at may pagnanais na makapaglingkod nang walang bahid ng
personal na interes. Ipinakita ng gobyerno ang buong tapang at malasakit sa
pagbibigay ng serbisyo publiko sa panahon na ito sa pamumuno ng Inter-Agency Task
Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na binubuo nang 33 mga
ahensya. Ang naturang pangkat ang bumubuo ng mga polisiya at alituntunin para ating
sundin. Kasama rin dito ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na siya
namang namamahala sa implementasyon at operasyon mula sa national level pababa
sa mga lokal na pamahalaan. Kaloob ang Republic Act No. 11469 o ang “Bayanihan to
Heal As One Act”, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ng ayuda
ang ating mga kababayan sa ilalim ng Social Amelioraton Program (SAP). Sa
pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development, nabigyan ng tulong
ang mga mahihirap nating kababayan na lubhang naapektuhan ng community
quarantine. Para naman sa mga manggagawa na natigil ang trabaho dahil sa
pandemya, umalalay ang Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng
mga programang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at Tulong
Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD). Maging ang
ating mga bagong bayani na overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan
pansamantala ng hanapbuhay sa ibang bansa ay inalalayan ng administrasyong
Duterte sa pamamagitan ng programa ng DOLE na Abot Kamay ang Pagtulong
(AKAP).
Ang mga ito ay iilan lamang sa mga pagsisikap at hakbang na isinagawa ng
gobyerno upang maibsan ang paghihirap nating mga mamamayan. Sa kasalukuyan,
patuloy ang pag-aaral at paglikha ng solusyon ng mga miyembro ng gabinete ni
Pangulong Duterte upang mabigyan ng kaukulang tugon ang iba’t ibang isyu at suliranin
na idinudulot ng pandemya.

KABANATA III

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang Pag-aaral na ito ay tungkol sa “Epekto ng Covid-19 sa Turismo ng

Pilipinas”. Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptiv-analitik na

pananaliksik. Ang deskriptiv-analitik ay ang nakita ng mga mananaliksik na

magiging Mabisa sa pag- aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na

magiging epektibo sa pananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang

disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangagalap ng

mga datos mula sa maraming respondent. Ang aming pangunahing layunin sa

paggamit ng deskiptiv na pamamaraan ay upang ipabatid at mailarawan ng

maayos ang mga resultang makakalap. Sa pamamagitan nito makukumpara at

mapupunan ang nararapat na impormasyon na kailangan sa aming pananaliksik.

2. Respondante

Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay mga estudyante

sa Departamento ng Hospitality at Tourism Management sa Taguig City

University 2020-2021 at ang mga nagtratrabaho sa Tourism at Hospitality


Industry sa Pilipinas. Ang aming pananaliksik ay hahanap ng limampu (50)

respondante. Sila ang napiling respondante ng mga mananaliksik dahil angkop

sa kanila ang aming paksa.

3. Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey

questionnaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na

magagamit sa pag- aaral. Layon nitong makakalap ng angkop at sapat m

impormasyon at datos upang matukoy ang kanilang opinyon at kaalaman ukol sa

aming pananaliksik. Nangalap rin ang mga mananaliksik ng impormasyon mula

sa Internet.

4. Tritment ng Datos

Sapagkat ang pamanahong papel na ito ay panimulang pagaaral lamang,

walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pagaaral na ito

sa pamamagitan ng matatas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Pag

tatally at pagkuha lamang ng porsyento ang ginawa ng mga mananaliksik

You might also like