Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

“Tik-ti-la-ok! Tik-ti-la-ok!

Ingay na parating naririnig ni Terrence araw-araw bago pumasok sa eskwela.


Ngayong ay unang araw niya dapat sa paaralan, mag-aaral sa bilang na 12. Dali daling
bumangon si Terrence, tumakbo papuntang sala upang tignan ang mga gamit na nabili
ng kaniyang Tatay kagabi pagkagaling mangalakal sa buong maghapon. Ngunit, sa
halip na tuwa, ay lungkot ang bumungad sa kanya.

“Pasensya ka na kuya, sa susunod na lingo ka na pumasok. Hindi sapat ang


nakalakal ko kahapon, pero di bale, babawi ako sa iyo. Sigurado na ito sa susunod na
lingo.” Bulong ng tatay kay Terrence.

“Ayos lamang po, itay. Wala pa naman masyadong ginagawa.” Tugon niya.

Halata ang pagkadismaya sa pananalita niya dahil noong nakaraang taon ay


ganoon na rin ang nangyari, at sa mga ibang taong nakalipas pa. Palagi siyang
nahuhuli kapag pasukan dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang niya sa
pangangalakal. Sila ay kumikita lamang ng 300-500 kada araw at pinaghahati at
pinagkakasya pa ito pangkain ng pamilya at baon nilang lahat na siyam na
magkakapatid. Hindi na sana siya mag-aaral, ngunit dalawang lingo bago ang pasukan
ay tinawagan siya ng guro niya sa ika-11 baitang upang bigyan ng isang magandang
balita.

“Hello, Terrence, nasaan ka ngayon?”, tanong ng kanyang guro. “Nasa bahay


lang po, Ma’am, nagpapahinga at katatapos lamang po mangalakal kasama sina inay.”
Tugon ng bata. “Ganon ba, maaari ka bang pumunta bukas sa paaralan at tutulungan
kitang makapag-apply ng scholarship kay Mayor, naghahanap sila ng mga batang
nangangailangan na masisipag mag-aral, at alam kong isa ka sa mga iyon.” sa ng guro.

Dali-daling sumagot ng oo si Terrence dahil alam niya na hirap ang mga


magulang sa pambayad ng kanyang matrikula lalo na rin ang kanilang allowance sa
eskwela, kung kaya naman ay kinabukasan din ay pumunta sila ng kanyang guro sa
opisina ng Mayor at nag-apply. Natanggap naman di kalaunan si _____ bilang isa sa
mga iskolar.
Pagalipas ng isang linggo, ginising si Terrence ng kanyang ina.

“Anak, bangon na, maaga ka pa sa eskwela.” Wika ng ina. Nagtataka si Terrence


kung bakit ang ina ang gumising sa kanya at hindi ang ingay ng manok na hindi
pumalya sa pagtilaok sa umaga. Walang anu-ano ay ipinaliwanang ng in ana ibinenta
ng kanyang ama ang kanilang manok bilang pandagdag pambili ng kaniyang
magagamit para sa paaralan. Maluha-luha pa si Terrence habang tinignan at kinuha
ang mga gamit.

“Salamat po, nay, tay. Babawi po ako sa inyo kapag nakapagtapos na ako. Hindi
niyo na rin po poproblemahin ang matrikula ko dahil natanggap po akong iskolar ni
Mayor noong nag apply ako.” Ani Terrence .“Talaga anak. Pagbutihin mo.
Susuportahan ka naming lagi.” Wika ng mga magulang.

Dali-daling naghanda si Terrence ng pagkain at gamit atsaka kumaripas ng takbo


papuntang eskwela dahil sa labis na pagkasabik.

Pagdating sa paaralan ay nagpakilala siya sa guro at mga kamag-aral. Dali dali


rin naman siyang pinapasok dahil hinahanap na rin siya sa isang linggong pagkahuli sa
klase. Hindi pinalagpas ni Terrence ang bawat pagkakataon na maging aktibong bata
sa loob ng klase, Isa kasi siya sa mga may matataas na grado sa kanilang klase ang
kung papalarin ay magiging Valedictorian na siya naming nasungkit niya sa huli bunga
ng pagiging pursigido sa kanyang pag-aaral. Hindi naging madali ang dinaanan ni
Terrence sa senior high at habang isinasabit ang mga medalyang nakuha sa kanilang
sala, ay bigla nga niyang naalala ang mga masasakit na dinanas bago makamit ang
tagumpay.

Una noong nasunog ang bahay nila sa kalagitnaan ng gabi at lahat ng mga
gamit sa pag-aaral ay natupok. Pangalawa ay noong hindi siya agad nakapagpasa ng
proyekto sa Science bilang parte ng kanyang marka sa midterms na maaaring
makaapekto sa marka niya. At panghuli noong muntik na siyang huminto dahil halos
isang buwan na nilagnat ang mga magulang at pinagsasabay niya ang pag-aalaga sa
magulang, kapatid, pag-aaral sa umaga at pangangalakal sa hapon.
Tumulo ang luha niya sa galak dahil naisip niya na kung sumuko siya noon ay
baka hindi siya makakapagtapos ng high school. Ngayon ay patungo na siya sa
panibagong yugto ng buhay, ang pag-aaral sa kolehiyo.

Sinubukang tahakin ni Terrence ang kursong Bachelor of Secondary Education


major in Mathematics sapagkat naniniwala siya na ang bawat kabataan ay marapat
lamang na mabigyan ng pagkakataong maipakita ang kani-kanilang galling at talino sa
iba’t-ibang larangan. Ani niya “ Kung natapos ko ng matagumpay ang elementarya at
sekondarya, ngayon pa baa ko susuko kung kailan sa loob ng apat na taon na lang
malapit ko ng mapatunayan kina ama at ina na karapatdapat akong mag-aaral gaano
man kabigat at kahirap ang buhay na aming tinatamasa.”

Pinili niya ang kursong iyon upang maging ehemplo sa mga kabataan at
magpaglinang ang kanyang kakayahan sa lohika at matematika sapagkat noong siya’y
nasa high school ay natatakot ang kaniyang mga kaklase sat wing sasapit na ang
orasan sa matematikal na talakayan kaya nais niyang ibahin ang pananaw ng bawat isa
na kapag nakakatagpo ng matematika ay huwag mangamba dahil kaya niya itong
ipaliwanag sa mas malinaw at madaling paraan.

Bakas sa mga salita ni Terrence ang kanyang pagpupursigi upang makatapos ng


pag-aaral, tinatayang ilang kilometro ang kanyang tatahakin sa kanyang pagpasok at
paguwi galling eskwela ngunit ito ay hindi alintana sapagkat ang dedikasyon niyang
makatapos ay talaga naming kamangha mangha.

Unang araw sa kaniyang pagpasok sa eskwela ay tila mayroon kaagad silang


pagsusulit sa Algebra ngunit walang naihandang papel na gagamitin si Terrence sa
kanilang klase. Isang mahinhin na dilag ang nagkusang loob abutan ng ½ lengthwise si
Terrence sabay sabing “heto tanggapin mo, classmate”. Halata sa mga mata ng dalaga
ang busilak na intensyon na mayroon siya upang maibsan ang problemang dala-dala ni
Terrence, kaya naman agad na nahumaling at namangha ang binatilyo sa kabaitan ng
dalaga, at sabay pakilala nito sa binata na “Ako ng apala si Prima Donna Machiavelli”.
Agad natanaw ni Terrence at kanyang naalala na ang apelidong sinambit ng dalaga ay
isa sa mga sikat at tanyag na pamilya sa kanilang lugar at may matayog na
pagkakakilanlan sa politika. Kaya naman hindi na ito kumibo tungkol dito ngunit dama
sa ere ang pagkahumaling ng dalaga sa binata. Natapos ang pagsusulit at uwian na,
tila bagang nagtataka si Terrence na parang mayroong sumusunod sa kaniya mga ilang
minuto na ang lumilipas at tila naaaninag niya ang dalaga. Napasulyap ito sa kaniyang
likuran at natanaw ang dalaga na mayroong mala kahel na pisngi at mamula mulang
mga labi at nakatrintas na ayos ang buhok tila pinaghandaan ang kilang pagkikita kahit
na ilang minuto palang sila nagkakilanlan. Nagpakita ng motibo ang dalaga na si
Terrence ay kanyang napupusuan. Tila na love at first sight ito sa binate, ngunit bakas
sa mga mata ni Terrence ang pagaalinglangan.

Lumipas ang ilang buwan, patuloy pa din sa paghahabol ang dalaga kay
Terrence ngunit natatakot si Terrence na patulan ito sapagkat alam na niya ang
mangyayari kapag nagkataon, kaya naman sinuklian nalang nito ang dalaga sa
pamamagitan ng pagtuturo rito sa mga leksyong hindi maintindihan ng dalaga upang
kahit sa ganoong paraan ay makatulong ito rito. Nagtapat si Terrence sa kanyang
nararamdaman ngunit tila hindi matanggap ng dalaga ang kanyang nalaman.

“Ang dalang ko na lang umibig at magmahal tila bakit kahit ikaw ay hindi ako
tanggap, ano bang mal isa akin? Chaka ba ako? Mabaho ba ako? Ani ng dalaga.

“Walang mal isa iyo. Perpekto ka Prima ngunit hindi ko lang kayang ibigay ang
mga bagay na mayroon ka at hindi ko masusuklian ang kabutihan na mayroon ka kaya
minabuti ko lamang na linawin ang intensyon ko s aiyo upang hindi ka lubusang
masaktan.

Nagdaan ang mga araw at panahon na upang gumawa na ng thesis si Terrence


at ang kanyang mga kaklase at laking gulat nito na si Prima ay kanyang kagrupo. Sa
kabila ng paglipas ng panahon, nagkaroon ng magandang pakikitungo ang dalawa yun
nga lang ay buo at puro na ang intensyon ng mga ito sa isa’t-isa. Kaya naman isang
araw, naisipan nilang magovernight upang magsagawa ng pagsulat para sa ikaunang
bahagi ng kanilang thesis. Sa paglipas ng panahon ang buong pag-aakala ni Terrence
ay wala ng pagtingin ang dalaga ngunit hindi pa din daw ito kumukupas at nawawala.
Tila bagang mas lalo pa itong nahulog sa binata sa mga pinapakitang kabutihan at
pagiging responsible nito ngunit muli itong kinlaro at lininaw ni Terrence sa dalaga.
Natapos ang gabi at tila patapos na ang mga magkakagrupo sa kanilang pagsusulat ng
Chapter 1.

Lumipas ang mga buwan ay kanial ng pinaghahandaan ang presentasyon para


sa kanilang final defense, ngunit makikita sa dalaga na siya ay hindi handa dahil sa
natamong pagkadismaya kay Terrence kaya naman agad itong nilapitan ng binate
sabay turing “Kung ano man ang namagitan sa atin noon sa panandaliang panahon,
pag-usapan nalang natin pagkatapos ng defense upang hindi ito makaapekto sa ating
pag-aaral dahil kapag hindi natin ito napagtagumpayan, hindi tayo makakapag Practice
Teaching sa susunod na semester.” Napagaan ni Terrence ang kalooban ng dalaga
kaya naman nagpatuloy sila at matagumpay na naisagawa ang kanilang Research
defense at nakakuha ng mataas na marka.

Huling semester nalang at nalalabi na ang mga araw sa kanilang pinakahihintay


na sandal- ang kanilang Gawad ng parangal at pagtatapos, ngunit namomroblema si
Terrence kung paano nya matutugunan ang mga gastos na kaniyang kakailanganin sa
kanyang Practice Teaching, kaya naman siya ay masikap na gumawa ng mga liham ng
solisitasyon at buong lingo itong naglilingon ng mga liham sa mga establisimento at
mga negosyante sa kanilang bayan. Ngunit tila hindi pa sumasangkapat ang kaniyang
halagan nakolekta sa mahabang panahon na kanyang nilakad. Agad itong nabalitaan ni
Prima, kaya naman nagpadala ito ng mga kagamitan at mga pagkain nagagamitin ni
Terrence para sa kanyang PT dalawang araw bago ito magpresenta. Hindi lubos
akalain ni Terrence na tutulungan ito ni Prima sa kabila ng kaniyang naranasan ay hindi
niya ito pinabayaan. Nag abot ng taos pusong pasasalamat si Terrence kay Prima at
nagbigay ito ng mahigpit ng yakap sa dalaga ngunit laking gulat ng pamilya ni Terrence
na nakasunod pala ang ama ng dalaga at agad itong sumigaw “Prima, lumayo ka sa
pamilyang iyan, hindi ka nararapat sa kaniya at hindi mo sila kailangan.”

Sumigaw si Prima ng “iniibig ko si Terrence at siya lang ang nagparamdam sa


akin ng tunay at Dalisay na pagpapahalaga kung sino at ano ako sa mundong ito.”
Kinuha si Prima ng mg body guard ng ama at agad itong isinakay sa kanialng Ford
Everest na sasakyan.
Lumipas ang mga panahon, at graduation na ng mga mag-aaral na
masisipagtapos. Tinanghal na best in Thesis ang grupo nila Terrence at Prima ngunit
katapos ng parangal ay agad ng umalis si Prima at patagong inilagay ang liham na
nakalaan kay Terrence. Maluha luhang binasa ito ni Terrence

“Dear Terrence,

Hindi man ako ang iyong pinili sa huling sandali, alam ko sa aking sarili na
nagawa mo iyon dahil sa iyong pamilya, bukod sa ikaw ang inaasahan ay ikaw din ang
magtataguyod sa kanila sa kabila ng inyong nararanasan sa pang araw-araw. Alam ko
na kung hindi man tayo para ngayon ay nakalaan tayo para sa maayos na kinabukasan.
Nga pala, bukas na ang aking lipad patungong New Zealand hindi ko na din ito nasabi s
aiyo sapagkat ako ay binalaan ni Daddy tungkol rito. Paalam Terrence kong mahal,
hanggang sa muli nating pagtatagpo aking Puhon!

You might also like