Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KAHIRAPAN

Talagang tanyag ang kahirapan


Sa ‘di maunlad na mga bayan.
Para ‘tong sakit na kumakalat
Na kasimbilis ang isang kidlat.

Ang mga tao ay naghihirap,


Nawawala ang lahat ng sarap.
Kanilang pera’y nagsisiwala
Pati kanilang mga biyaya.

At dahil sila ay nagigipit,


Sila tuloy ay napapakapit
Sa kutsilyo at mga patalim.
Kanilang buhay ay dumidilim

Ngunit ano bang mga dahilan


Kung bakit tayo’y nahihirapan?
Sino ba ang dapat nating sisihin
Sa lahat nitong ating pasanin?

Edukasyon ang isa sa mga dahilan.


Ang tao’y kulang sa kaalaman.
Sila ay hindi nakapagaral
Kung kayat sila ay mga hangal.

Tayo ay dapat ding magsumikap


Upang magkaron ng hinaharap.
Dapat gumising sa kamusmusan
Para sa ating kinabukasan.

Ang katapata’y kailangan din


Upang umunlad ang ating bayan.
Ang karunungan ay pagsikapan
Upang talino’y ating makamtan.

Ang aral nitong tulang sinulat


Ay tungkolsa ‘ting pagiging salat
Sa mga biyaya ng ating daigdig
At mga bagay na ating ibig.

Tayo man ngayon ay nahihirapan


‘di natin dapat ‘to pabayaan.
Ang dapat nating pinupuntirya
Sa kahirapa’y maging malaya.

You might also like