Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Tik-ti-la-ok! Tik-ti-la-ok!

Ingay na parating naririnig ni _____ araw-araw bago pumasok sa eskwela.


Ngayong ay unang araw niya dapat sa paaralan, mag-aaral sa bilang na 12. Dali daling
bumangon si _______, tumakbo papuntang sala upang tignan ang mga gamit na nabili
ng kaniyang Tatay kagabi pagkagaling mangalakal sa buong maghapon. Ngunit, sa
halip na tuwa, ay lungkot ang bumungad sa kanya.

“Pasensya ka na kuya, sa susunod na lingo ka na pumasok. Hindi sapat ang


nakalakal ko kahapon, pero di bale, babawi ako sa iyo. Sigurado na ito sa susunod na
lingo.” Bulong ng tatay kay _____.

“Ayos lamang po, itay. Wala pa naman masyadong ginagawa.” Tugon niya.

Halata ang pagkadismaya sa pananalita niya dahil noong nakaraang taon ay


ganoon na rin ang nangyari, at sa mga ibang taong nakalipas pa. Palagi siyang
nahuhuli kapag pasukan dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang niya sa
pangangalakal. Sila ay kumikita lamang ng 300-500 kada araw at pinaghahati at
pinagkakasya pa ito pangkain ng pamilya at baon nilang lahat na siyam na
magkakapatid. Hindi n asana siya mag-aaral, ngunit dalawang lingo bago ang pasukan
ay tinawagan siya ng guro niya sa ika-11 baitang upang bigyan ng isang magandang
balita.

“Hello, _____, nasaan ka ngayon?”, tanong ng kanyang guro. “Nasa bahay lang
po, Ma’am, nagpapahinga at katatapos lamang po mangalakal kasama sina inay.”
Tugon ng bata. “Ganon ba, maaari ka bang pumunta bukas sa paaralan at tutulungan
kitang makapag-apply ng scholarship kay Mayor, naghahanap sila ng mga batang
nangangailangan na masisipag mag-aral, at alam kong isa ka sa mga iyon.” sa ng guro.

Dali-daling sumagot ng oo si _____ dahil alam niya na hirap ang mga magulang
sa pambayad ng kanyang matrikula lalo na rin ang kanilang allowance sa eskwela,
kung kaya naman ay kinabukasan din ay pumunta sila ng kanyang guro sa opisina ng
Mayor at nag-apply. Natanggap naman di kalaunan si _____ bilang isa sa mga iskolar.

Pagalipas ng isang linggo, ginising si ____ ng kanyang ina.


“Anak, bangon na, maaga ka pa sa eskwela.” Wika ng ina. Nagtataka si ______
kung bakit ang ina ang gumising sa kanya at hindi ang ingay ng manok na hindi
pumalya sa pagtilaok sa umaga. Walang anu-ano ay ipinaliwanang ng in ana ibinenta
ng kanyang ama ang kanilang manok bilang pandagdag pambili ng kaniyang
magagamit para sa paaralan. Maluha-luha pa si _____ habang tinignan at kinuha ang
mga gamit.

“Salamat po, nay, tay. Babawi po ako sa inyo kapag nakapagtapos na ako. Hindi
niyo na rin po poproblemahin ang matrikula ko dahil natanggap po akong iskolar ni
Mayor noong nag apply ako.” Ani _____. “Talaga anak. Pagbutihin mo. Susuportahan
ka naming lagi.” Wika ng mga magulang.

Dali-daling naghanda si _____ ng pagkain at gamit atsaka kumaripas ng takbo


papuntang eskwela dahil sa labis na pagkasabik.

Pagdating sa paaralan ay nagpakilala siya sa guro at mga kamag-aral. Dali dali


rin naman siyang pinapasok dahil hinahanap na rin siya sa isang linggong pagkahuli sa
klase. Hindi pinalagpas ni _____ ang bawat pagkakataon na maging aktibong bata sa
loob ng klase, Isa kasi siya sa mga may matataas na grado sa kanilang klase ang kung
papalarin ay magiging Valedictorian na siya naming nasungkit niya sa huli bunga ng
pagiging pursigido sa kanyang pag-aaral. Hindi naging madali ang dinaanan ni _____
sa senior high at habang isinasabit ang mga medalyang nakuha sa kanilang sala, ay
bigla nga niyang naalala ang mga masasakit na dinanas bago makamit ang tagumpay.

Una noong nasunog ang bahay nila sa kalagitnaan ng gabi at lahat ng mga
gamit sa pag-aaral ay natupok. Pangalawa ay noong hindi siya agad nakapagpasa ng
proyekto sa Science bilang parte ng kanyang marka sa midterms na maaaring
makaapekto sa marka niya. At panghuli noong muntik na siyang huminto dahil halos
isang buwan na nilagnat ang mga magulang at pinagsasabay niya ang pag-aalaga sa
magulang, kapatid, pag-aaral sa umaga at pangangalakal sa hapon.

Tumulo ang luha niya sa galak dahil naisip niya na kung sumuko siya noon ay
baka hindi siya makakapagtapos ng high school. Ngayon ay patungo na siya sa
panibagong yugto ng buhay, ang pag-aaral sa kolehiyo.

You might also like