Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 8:
Mapanuring Pag-iisip sa
Pagtuklas ng Katotohanan
ESP – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 8: Mapanuring Pag-iisip sa Pagtuklas ng Katotohanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cristy Joy B. Brasales


Editor: Lenith C. Linda
Tagasuri: Lenith C. Linda, Rima D. Magdayao, Maribeth F. Palma
Tagaguhit: Ria Rose D. Garaygay
Tagalapat: Cristy Joy B. Brasales
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Cynthia G. Diaz- REPS, ESP
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- Division EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Juliet L. Sison- EPS , ESP

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Mapanuring Pag-iisip sa
Pagtuklas ng Katotohanan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Katotohanan , Aking Susuriin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Self-Learning


Module (SLM) ukol sa Katotohanan , Aking Susuriin!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

iv
Alamin

Maligayang araw! Handa ka na ba sa bagong aralin na ating


matututunan ngayong linggo?

Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa pagsusuri sa mga


sitwasyon batay sa tamang pamamaraan o pamantayan.

Naranasan mo bang naging bahagi ng usap-usapan? Kung


oo, papaano mo ipinakita ang iyong pag-uugali upang mas
maintindihan ang sitwasyon o ang mga tauhan sa inyong
usapan?
Naging responsable ka ba sa iyong mga sinasabi?

Madali lang para sa atin na makibahagi ng opinyon sa mga


usap-usapan ngunit ang hindi natin alam ay sa bawat usapan na
ating naririnig dapat din nating nasusuri at naiintidihan ito
upang mas madali nating matukoy ang tunay na pinanggalingan
ng kuwento at magkaroon ng wastong pagninilay-nilay.

Ang modyul na ito ay nahati sa isang aralin:


• Aralin 1: Katotohanan, Aking Susuriin!

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagsasagawa ng tamang pamamaraan ng pagsusuri sa


pagtuklas ng katotohanan.

1
Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang


titik ng tamang sagot sa kalakip na sanayang papel.

1. Nakita mong nag-uusap sina Aling Lita at Aling Linda


tungkol sa sensitibong usaping mag-asawa. Ano ang
iyong gagawin?
a. Maglalaro ako sa harapan nila.
b. Sasali ako sa kanilang usapan.
c. Tatawag ako ng iba pang kapitbahay.
d. Iiwas ako sa kanila at uunahin ko ang importanteng
gawain.

2. Napansin mong malungkot ang iyong kapatid dahil sa


nasagap niyang hindi magandang balita. Ano ang
mabuti mong gawin?
a. Tatanungin ko ang nagkalat ng tsismis.
b. Hahayaan ko na lamang ang kanyang
nararamdaman.
c. Ipagsasabi ko sa mga kapitbahay ang tunay na
nangyari.
d. Aalamin ko ang totoong nangyari at bibigyan ko siya
ng magandang payo.

3. Habang ikaw ay naglalakad ay may nangyaring


aksidente. Ano ang iyong gagawin?
a. Manood ako sa pangyayari.
b. Hihingi ako ng tulong sa pulisya.
c. Sasali ako sa mga taong nanood sa aksidente.
d. Pagtatawanan ko ang kanilang pinagdaraanan.

2
4. Ang iyong kaibigan ay nagpakalat ng tsismis tungkol sa
problema ng iyong pamilya. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko siya kakaibiganin.
b. Isusumbong ko siya sa iba pang kaklase.
c. Gagawa ako ng kuwento laban sa kanya.
d. Pagsasabihan ko siya at tuturuan kong itama niya
ang kanyang pagkakamali.

5. Napansin ng iyong kaklase na iba ang paniniwala ni


Ramon kaya pinagtawanan siya ng iyong kaklase.
Papaano mo susuriin ang sitwasyon ni Ramon?
a. Pagtatawanan ko rin siya.
b. Hindi ko siya papansinin.
c. Pagsasabihan ko siyang baguhin ang kanyang
paniniwala.
d. Tatanungin ko si siya upang maunawaan ang
kanyang paniniwala.

6. Ikaw ang taong inaalam muna ang katotohanan at


pinagmulan ng kuwento bago ito ipinagsasabi sa iba.
Anong pag-uugaling meron ka?
a. Mapanuri c. Matiisin
b. Masunurin d. Mapagpasensiya

7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita


ng pagiging mapanuri?
a. Ipinagsasabi agad sa iba ang narinig na balita
b. Sinisisi ang tunay na may kasalanan
c. Madaling magalit kapag mali ang nakalap na balita
d. Tinutukoy ang pinagmulan ng kuwento bago
maniwala

3
8. Matagal nang magkaibigan sina Jose at Julia. Nang
dahil sa narinig na tsismis ay nasira ang kanilang
pagkakaibigan. Papaano mo kaya muling maibabalik ang
tiwala nila sa isa’t-isa?
a. Paghihiwalayin ko silang dalawa.
b. Babaguhin ko ang tsismis tungkol sa kanila.
c. Susubukan kong pagbabatiin at sosolusyunan ang
kanilang problema.
d. Ipagbibigay alam ko sa kani-kanilang mga
magulang ang kanilang pinag-aawayan.

9. Dali-daling ibinalita sa inyo ni Arturo ang mga


reklamong narinig mula sa mga tao sa barangay.
Maniniwala ka ba sa kanya?
a. Oo, kasi kilalang tao si Arturo sa barangay.
b. Oo, kasi marami siyang alam tungkol sa tsismis.
c. Hindi, kasi huli nang dumating si Arturo
d. Hindi, kasi kailangan niya nang sapat na
impormasyon at hindi pansariling opinyon lamang.

10. Ano ang magandang maidudulot ng pagiging mapanuri?


a. Marami kang makakaaway.
b. Hindi ka paniniwalaan ng ibang tao.
c. Madali mong mauunawaan ang totoong nangyari.
d. Maraming kang tsismis na maipagsasabi sa ibang
tao.

4
Aralin
Katotohanan, Aking
4 Susuriin!
Alam kong marami kayong naririnig na mga balita sa ating
paligid. Pero alam niyo ba kung sino ang dapat ninyong
paniwalaan? Paano ninyo masasabi na tama at totoo ang inyong
narinig?
Ang pagiging mapanuri ay kinakailangan ng masusing pag-
iimbistiga at sapat na kaalaman mula sa taong pinagmulan ng
kuwento upang malaman natin ang katotohanan. Kailangan
natin ito upang maiwasan ang paghuhusga sa sitwasyon ng iba
at magkaroon ng malalim na pagkakaintindihan.

Balikan

Kumusta ang pagsagot mo sa panimulang gawain kaibigan?


Ang dali lang, di ba? Ngayon, aalamin natin kung naaalala mo pa
ang iyong nakaraang leksiyon.
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa linya
sa kalakip na sanayang papel.

1. Bakit kailangan ng striktong patnubay at gabay ng


magulang sa panonood ng mga palabas sa telebisyon?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga positibong naidudulot ng internet?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5
Mga Tala para sa Guro
Sa modyul na ito ay malalaman mo ang
kahalagahan ng mapanuring pag-iisip sa pagtuklas ng
ng katotohan na may tamang pamamaraan o
pamantayan. Mapapaunlad mo ang iyong kakayahan
sa pagsusuri sa mga sitwasyong makikita sa mga
pagsubok at mga gawain.
Maaaring humingi ng tulong sa mga magulang o
nakakatandang kapatid kung kinakailangan.

Tuklasin

Kumusta naman ang araw mo kaibigan? Alam kong


handang-handa ka na sa araw na ito. Kaya umpisahan mo na.
Galingan mo ha!

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Payo ni Nanay

Isang araw habang bumibili ng pagkain si Ruben sa


karinderya ay narinig niyang nag-uusap ang magkaibigang sina
Aling Lerma at Aling Aida.

6
“Alam mo ba Lerma napapansin kong gabi nang umuuwi
mula sa trabaho iyang si Cardo.” tanong ni Aling Aida. “Oo nga
ano, hindi niya yata nabibigyan ng panahon ang kanyang
pamilya. Kawawa naman si Karina at mga anak nito,” sabi
naman ni Aling Lerma. Ano kaya ang mga pinagkakaabalahan
niya?” tanong ni Aling Aida. “Tiyak kong mauuwi na naman sa
pag-aaway iyan,” dagdag pa ni Aling Lerma.
Nang nakuha na ni Ruben ang kanyang pinamiling pagkain
ay agad-agad siyang umuwi sapagkat tinatawag na siya ng
kanyang ina na si Aling Marina na naghihintay sa kanya.
Pagdating niya ng bahay, ibinigay niya ang kanyang bitbit na
pagkain at nagsabi, “Inay, kawawa naman si Aling Karina dahil
wala nang panahon si Mang Cardo sa kanya, hindi gaya sa atin
palaging may oras si Itay.” “Saan mo naman nasagap ang
kuwentong iyan?” tanong naman Aling Marina. “Kina Aling
Lerma at Aling Aida po. Narinig ko po habang sila ay nag-uusap,”
ang sabi pa ni Ruben. “ ‘Kaw talagang bata ka. Sa susunod
huwag kang makikinig sa mga usap-usapan ng mga matatanda
at huwag mo agad itong paniniwalaan hangga’t wala kang sapat
na kaalaman. Hindi natin alam ang tunay na nangyayari sa
buhay ng ibang tao. Marahil nakikita lamang natin ang mga
ginagawa nila. Ang pagkakaalam ko anak ay masaya ang
pamilya nina Cardo at Karina. Kaya nga madalas nag-oovertime
si Cardo kasi magkokolehiyo na ang kanilang panganay na
anak,” wika ni Aling Marina. “Ah ganun po pala! Naintindihan ko
na po ang sitwasyon nila,” ang sabi ni Ruben. “Kaya sa susunod
dapat suriin mo muna ang mga bali-balita o usap-usapan na
narinig upang maiwasan mo ang maling paghuhusga sa iyong
kapuwa,” payo ni nanay. “Opo Inay!” dagdag pa ni Ruben.

7
Suriin

Tiyak akong naintindihan mo ang kuwento. Tara na’t


subukan natin!

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa linya


sa kalakip na sanayang papel.
1. Kani-kanino narinig ni Ruben ang balita tungkol sa
kanilang kapitbahay?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano ang natutunan ni Ruben mula sa kanyang ina?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang batang si Ruben, susunod ka ba sa


paalala ng iyong inay tungkol sa balitang napakinggan?
Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Tandaan Natin

Ang pagiging mapanuri ay ugaling dapat taglayin ng isang


batang katulad mo. Ang mga balitang ating narinig ay kailangan
ng masusing pag-iimbestiga ng tunay na pinagmulan at upang
maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

Ang paggawa ang kuwento o tsismis ay ikakasira sa buhay


ng iba lalo pa’t hindi patas at gawa gawa lamang ang kuwentong
ibinabahagi. Marami rin ang namimihasang gamitin ang
8
facebook, twitter at iba pang social media upang siraan ang
kanilang kapuwa na inaakala ng iba ay walang kaparusahan.

Ayon sa Artikulo 26 ng New Civil Code ng Human Rights,


sinasabi nito na “ ang lahat ng tao ay dapat irespeto ang
dignidad, personalidad, privacy o pagsasarili at kapanatagan ng
pag-iisip o peace of mind mula sa ibang tao”. Ang mga
sumusunod ay hindi matatawag na krimen ngunit maaring
panggagalingan ng karapatan upang magsampa ng kaso at
pagbabayarin ng danyos ( damages) at iba pang pagbabawal ay:
1. Pagsisilip o pagbubulatlat ng privacy ng katabing bahay o
tirahan;
2. Pangingialam o pagdisturbo sa pribadong buhay o family
relation of another;
3. Pag-iintriga upang layuan ang isang tao ng kanyang mga
kaibigan;
4. Pambubwisit o panghahamak/pang-aalispusta ng isang tao
dahil sa kaniyang religious beliefs, estado sa buhay, lugar ng
kapanganakan physical defect or other personal condition.

Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang slander o oral


defamation ay may katapat na parusa at babayarang danyos.
Maari ring sabayan ang slander ng kasong alienation of affection
na magiging sanhi ng pagkalayo ng isang tao sa kanyang mga
mahal sa buhay.

Ang kasong libel ay isang ring uri ng defamation o


paninirang puri.

9
Pagyamanin

O di ba? Alam kong nasasabik ka nang ipakita ang


iyong galing sa pagsagot sa mga gawain. Ano pa ang
hinihintay mo? Umpisahan mo na! Kaya mo yan!

Gawain
A. Sa kalakip na sanayang papel, lagyan ng tsek sa unahan
ng bilang kung ang gawain ay nagpapakita ng ugali ng isang
mapanuri at kung hindi naman ay isusulat mo ang tamang
gawin sa ibinibigay na sitwasyon.

________1. Sinabihan ni Marlo na huwag kakaibiganin ni Donna


si Marie sapagkat hindi maganda ang kanyang pag-
uugali.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
________2. Nakitang inalok ni Edsel ng pagkain si Edwin
kaya pinuntahan at pinuri niya ito.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_______3. Hindi nagustuhan ni Norma ang pag-uugali ng kanyang
asawang si Rey kaya ipinagsasabi niya ito sa kanyang
mga kapitbahay.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

______4. Maganda ang pagsasama ng mag-asawang sina Nenita


at Oscar dahil hindi nila pinapansin ang anumang
tsismis.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

10
______5. Mapalad si Tonyo sa kanyang mga kaibigan na sina
Rose at Belen sapagkat wala siyang narinig na paninira
mula sa kanila.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

B. Basahin nang mabuti ang sitwasyon. Isulat sa


patlang sa loob ng lobo ang iyong mga gagawin kung
papaano mo maipapakita na ikaw ay isang batang
mapanuri. Isulat ang iyong sagot sa kalakip na
sanayang papel.

Narinig mong nagkukwentuhan ang iyong mga kaibigan


tungkol sa iyong di kanais-nais na pag-uugali.

Ako ay…
Ako ay…
____________
____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________
____________

11
Isaisip

Unti -unti ka nang natututo sa bawat gawain. Kaya,


galingan mo sa pagsagot kaibigan!

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa


kalakip na sanayang papel.

1. Ikaw ba ay batang mapanuri? Papaano mo


masasabi na ikaw ay mapanuri?
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga magagandang maidudulot ng


pagiging mapanuri sa iyong buhay?
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano-ano naman ang hindi magagandang


maidudulot nito sa iyong buhay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

12
Isagawa

Isang masayang araw sa iyo kaibigan! Subukan naman


natin ang iba pang gawain na susubok ng galing mo. Alam kong
kayang-kaya mo, kaibigan!

Gawain

A. Piliin sa mga sumusunod na larawan ang nararapat mong


gawin kapag may narinig kang usap-usapan tungkol sa
ibang tao. Ilagay ang titik ng tamang sagot sa loob kahon at
isulat sa patlang ang iyong pagpapaliwanag.Isulat ang iyong
sagot sa kalakip na sanayang papel.

A. B.

C. D.

Sagot: _____
Pagpapaliwanag:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
______
13
B. Magbigay ng di-makakalimutang karanasan na kung saan
naipapakita mo ang pagiging mapanuri. Maaaring ito ay
iyong karanasan sa tahanan o sa paaralan. Isulat ang
dalawang (2) bagay na iyong ginawa. Isulat ang iyong sagot
sa kalakip na sanayang papel.

Karanasan:
___________________
___________________
Ano ang iyong ginawa?
___________________
1. _________________________
________

2._________________________

C. Ayusin ang bawat pangungusap ayon sa wastong


pagsunod-sunod ng pangyayari. Isulat ang numerong 1-5
sa patlang ayon sa pagkasunod-sunod nito. Isulat ang
iyong sagot sa kalakip na sanayang papel.

_____1. Humingi ng tawad si Karen kay Daniela.


_____2. Sinabi ni Daniela ang problema niya Kay Karen.
_____3. Ipinagkalat ni Karen ang kanilang sekreto ni Daniela sa
kanilang mga kaklase.
_____4. Nagsumbong si Daniela sa guro.
_____5. Kinausap ng guro si Karen.

14
Tayahin

Ngayon, alam mo na ang mga gagawin at mga pag-uugaling


dapat mong taglayin sa bawat sitwasyon. Sana makakuha ka ng
mataas na marka. Kaya umpisahan mo na!

Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung


ang pangungusap ay nagpapakita ng magandang pag-
uugali ng pagiging mapanuri at malungkot na mukha
naman kung hindi.

________1. Hindi mahilig makipagkuwentuhan ang


magkaibigang sina Reycil at Rebecca tungkol sa
buhay ng ibang tao.
________2. Agad ibinalita ni Aling Delia sa barangay ang
hindi pagkakaunawaan ng magkapatid na Cruz.
________3. Pinagsasabi ni Kasyo ang pagtatalo nila ni Lino.
________4. Pinasalamatan ni Marites ang kanyang pamilya
na tumulong upang masolusyunan ang kanilang
problema.
________5. Hinintay muna ni Joy na sabihin ng kaibigan ang
totoong nangyari bago niya ito sinasabi sa
iba.
________6. Pinagsabihan ni Rosa ang kapatid dahil mali ang
impormasyong ibinigay nito.
________7. Nagmukmok sa loob ng bahay si Carla dahil
hindi nagustuhan ang balitang narinig.
________8. Sinabihan ni nanay si Rolando na huwag
makinig sa mga tsismis.
________9. Pinagkalat ni Aling Lorna ang hindi pag-sang
ayon niya sa napiling relihiyon ni Jun.
_______10. Masaya ang buhay pamilya nina Rommel at
Nierose dahil hindi sila naniniwala sa tsismis.

15
Karagdagang Gawain

Tagumpay! Tingnan natin ang galing mo sa


panibangong gawain.

A. Isulat sa loob ng kamay ang iyong pangako na


nagpapakita na ikaw ay isang batang mapanuri.
Isulat ang iyong sagot sa kalakip na sanayang papel.

Ang Aking
Pangako
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
Binabati kita sa iyong kahusayan! Matagumpay mong
_____________
napaunlad ang iyong mapanurig pag-iisip sa pagtuklas ng
_____________
katotohanan. Ngayon, handa____ ka nang harapin anoman ang
hamon na iyong tatahakin.

16
17
Subukin Balikan Suriin
Maaring iba-iba Maaring iba-iba
Pagyamanin
1. D ang sagot ang sagot A.
2. D
3. B 1.Maaaring iba-
4. D iba ang sagot
5. D 2. √
6. A 3. Maaaring iba-
7. D iba ang sagot
8. C 4. √
9. D 5. √
10.C B.
Maaring iba-iba
ang sagot
Karagdagang
Isaisip Isagawa Tayahin Gawain
Maaaring A. B 1. 😊
iba-iba Maaaring iba-iba
ang sagot Maaaring iba- 2. ☹ ang sagot
iba ang sagot
3. ☹
B. Maaring iba- 4. 😊
iba ang sagot
5. 😊
C. 6. 😊
1. 5 7. ☹
2. 1
3. 2 8. 😊
4. 3 9. ☹
5. 4
10. 😊
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Abac, Felamer E. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Kagamitan ng Mag-aaral. Meralco Avenue, Pasig City.
Department of Education-Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS).2015

Esternon, A Parusa sa tsismoso, tsismosa. Retrieved from


http://saksingayon.com/special-report/parusa-sa-
tsismoso-tsismosa/ (2019, June 11).

18
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like