Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANALANGIN AT PAGBABASBAS PARA SA ALAGANG HAYOP

N. + Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo

B. Amen.

N. Kahanga-hanga ang Iyong mga gawa, O Panginoon.

B. Purihin ang ngalan ng Panginoon, ngayon at kailanman.

N. Nilikha ng Diyos ang mga hayop na naninirahan sa himpapawid, sa lupa, at


sa tubig. Ang kanilang pag-iral sa mundo ay maihahalintulad din sa ating
mga tao. Sa katanuyan, bahagi sila ng buhay nating mga tao at may
mahalagang papel dito. Kaya nga, tinuring ni San Francisco de Asis na mga
kapatid ang mga hayop – mailap man o maamo.

Habang inaalala natin ngayon ang dakilang pag-ibig ni San Francisco sa mga
kapatid nating ito, ating hilingin ang pagpapala ng Diyos para sa ating mga
alagang hayop, at pasalamantan din natin ang ating Panginoong Lumikha sa
pagpapahintulot na makasama at makasalamuha natin ang lahat ng nilikha
dito sa mundo.

Kaya’t purihin natin ang Diyos na Lumikha sa lahat ng nabubuhay na


kinapal, upang sa pagbabasbas sa mga hayop na ito, ating maisaloob ang
pagsunod sa utos ng Diyos bilang mga katambal sa kanyang buhay na
marangal.

Pagbasa mula sa Aklat ng Genesis

Lumikha ang Panginoong Diyos ng mga hayop sa parang at ibon sa


himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan
sa mga iyon.

Kung ano ang kanyang itawag; iyong ang magiging pangalan nila. Ang tao
nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging
maamo o mailap.
Ang Salita ng Diyos.
B. Salamat sa Diyos.

N. Mga Kapatid, manalangin tayo sa Diyos Ama na siyang Lumikha sa mga


hayop upang makatulong sa ating lahat.

Ama naming Lumikha, niloob Mong kalingain ang mga hayop para
makatulong sa pangangailangan ng mga tao at upang makasama namin sa
buhay bilang aming mga alaga. Pakundangan sa pagdalangin ni San
Francisco de Asis na tumuring sa mga hayop bilang kanyang mga kapatid,
maganap nawa ang Iyong kalooban para sa Iyong mga nilikhang hayop na
amin ngayong inaalagaan at kasa-kasama sa buhay.

Basbasan Mo ang mga alaga naming hayop upang makatulong sa aming


buhay at magbigay sa Iyo ng dangal at puri.

Sa aming pangangalaga sa mga hayop na ito, maalala nawa naming lagi na


sila ay Iyong nilikha na dapat naming matapat na kalingain at arugain. Sa
lahat ng Iyong pagpapala, bahaginan nawa namin ang aming kapwa. Gawin
Mo kaming kasangkapan at paraaan ng Iyong kabutihan at pagmamahal,
alang-alang kay Kristong aming Panginoon.

B. Amen.

N. Nawa ang Diyos na lumikha ng mga hayop sa mundong ito bilang tulong sa
ating mga tao, ay patuloy na kumalinga at mangalaga sa atin sa
pamamagitan ng biyayang dala ng kanyang pagpapala, ngayon at
magpakailaman.

B. Amen.

N. San Francisco de Asis,

B. Ipanalangin mo kami.

N. + Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B. Amen.

You might also like