Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 46

Ang Mga Pagkakatulad at Pagkakaiba sa Kultura ng mga

Bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Thailand at ang

Epekto nito sa Interkultural na Pagkilala

Isang pananaliksik

Upang maisakatuparan ang mga pangangailangan

Para sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Konteksto Tungo Sa Pananaliksik

Sirius Marie M. Daquigan

Marianne B. Lanada

Eara Jamille M. Mabunga

Rica Gabrielle S. Ortiz

Ipinasa kay

Propesor Emma Olila Sison, PhD

Ika-28 ng Nobyembre, 2016

Pamantasang De La Salle – Manila


I. Ang Suliranin at ang Kaligiran

A. Introduksyon

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga pagkakatulad at pagkakaiba sa kultura

ng mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas sa mga aspeto ng edukasyon,

social values, sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya, at pagdating sa relihiyon at

pagpapakasal. Sa katapusan ng pananaliksik, napag-alaman ng mga mananaliksik na higit na

nangingibabaw ang mga pagkakatulad sa kultura ng mga bansang nabanggit kaysa sa mga

pagkakaiba. Sa kabila ng mga pagkakaiba, ang mga pagkakatulad ang siyang nagpapatibay

ng interkultural na pagkilala sa pagitan ng apat na bansang nabanggit, at sa iba pang mga

bansa.

B. Batayang Teoretikal

KAALAMAN

Kaalaman at pag-unawa sa
kasaysayan, kultura, mga
kaugalian at paniniwala.

Culturally
PAGGAWA Capable PAGKATAO

Pagkilos at pag-uugaling Kamalayan, katotohanan at


angkop sa kutura. pagkabukas ng isipan sa sariling
pagpapahalaga at paniniwala.
Teoryang Cultural Capability

The Aboriginal and Torres Strait Islander Cultural capability ay isang teroyang gawa

nina Aboriginal and Torres Strait Islander na nagbibigay ng basehan sa pagbuo ng cultural

capability. Ang teorya ay pinapakita ang tatlong domain ng cultural capability, na kinuha sa

the Knowing, Doing, and Being framework gamit nina Snook et al (2012) . Sa bawat domain,

mayroong core at functional area ng capability na pwedeng gamitin sa kahit anong pag-uuri.

Ang bawat indibidwal maging Malaysian, Indonesian, Thai o Pilipino man ay dapat maging

culturally capable. Upang makamit ito, kailangan munang magtamo ng kaalaman at pag-

unawa sa kultura ng sariling bansa at maging ng ibang bansa. Ikalawa, kailangan maging

angkop ang ugali at kilos sa kultura ng bansa. Panghuli, kailangang maging buo ang

kamalayan at bukas ang isipan sa mga pagpapahalaga at paniniwala na nakapalibot sa

bansang nasabi.

C. Paglalahad ng Suliranin

Mga Tiyak na Suliranin

Paano nakakaapekto ang pagkakahawig at pagkakaiba sa kultura ng mga bansang Indonesia,

Malaysia, Pilipinas at Thailand sa pagsusulong ng interkultural na pagkilala.

Tiyak na Suliranin:

1. Ano ang iba’t ibang kultura ng bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Thailand.

a. Struktura ng edukasyon sa mga bansang nabanggit

b. Mga umiiral na social values ng mga bansang nabanggit

c. Mga umiiral na sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya

d. Mga kaugalian pagdating sa kasalan at mga umiiral na relihiyon


2. Ano ang mga pagkakahawig sa kultura ng bansang Pilipinas, Indonesia, Malaysia at

Thailand.

a. Struktura ng edukasyon sa mga bansang nabanggit

b. Mga umiiral na social values ng mga bansang nabanggit

c. Mga umiiral na sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya

d. Mga kaugalian pagdating sa kasalan at mga umiiral na relihiyon

3. Ano ano ang pagkakaiba sa kultura ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas at

Thailand.

a. Struktura ng edukasyon sa mga bansang nabanggit

b. Mga umiiral na social values ng mga bansang nabanggit

c. Mga umiiral na Sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya

d. Mga kaugalian pagdating sa kasalan at mga umiiral na relihiyon

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang pagkakahawig at

pagkakaiba sa kultura sa aspeto ng edukasyon, pagpapakasal at relihiyon, pamilya, at etika ng

mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas at kung paano ito nakakapekto sa

interkultural na pagkilala.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong himukin ang mga Asyano na yakapi ang

iba’t-ibang kultura at kaugalian na siyang magpapatibay sa interkultural na pagkilala.

E. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang sistema ng edukasyon,

kaugalian sa pagpapakasal at relihiyon, pagpapahalaga ng pamilya, at ang iba’t ibang

alituntunin sa pag-uugali sa mga nasabing bansa.


Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang sa mga datos na kaugnay at patungkol

lamang sa interkultural na relasyon ng mga tao mula sa Malaysia, Indonesia, Thailand at

Pilipinas, at sa mga pinagkuhanan na ilang libro ukol sa iba’t ibang gawain ng apat na

bansang nabanggit sa mga nasabing aspeto ng kultura: edukasyon, pagpapakasal at relihiyon,

pamilya, at etika, kung kaya’t maaring hindi maturing na komprehensibo ang pag-aaral ng

iilan.

F. Terminolohiya

1. Arranged Marriage – Isang kasal na binalak at sinang-ayon ng pamilya ng babae

at lalaking ikakasal na may kaunti o walang maipapahayag ukol sa kasunduan.

2. Bapak – mula Indonesia, tawag sa pinakamatandang lalaki sa pamilya, ang

pinuno ng pamilya.

3. Budismo - isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha

Sakyamuni (Siddhartha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE

4. Comprehension – proseso ng pag-unawa; kakayahan ng isip na umintindi at

umunawa; kahulugan ng isang katawagan; pagsasama-sama.

5. Compulsory – kailangan; iniuutos; ubligado.

6. Communitarianism - Isang idelohiya na nagbibigay atensyon sa responsibilidad

ng bawat indibidwal sa komunidad at ang panlipunang kahalagahan ng yunit ng

pamilya.

7. Consensual approach - Ang pananaw o desisyon ay base sa isang

pangkalahatang kasunduan sa lahat ng mga kasapi.

8. Contextualisasyon (Theolohiya) – Ginagamit sa pag-aaral ng mga iba’t ibang

salin ng Bibliya na may kaugnayan sa kanilang mga may-katuturang kultural na

kapaligiran.
9. Electives – isang opsyonal na asignatura; kurso na pinipili ng isang mag-aaral sa

maraming alternatibong pagpipilian.

10. Enhanced Basic Education Act of 2013 – batas na ipinapatupad ang

implementasyon ng K-12 Curriculum sa lahat ng paaralan sa Pilipinas, at ang

implementasyon ng karagdagang dalawang taon sa high school o Senior High

School (Grades 11 at 12).

11. Evaluation – pagsusuri ng pisikal o mental na kalagayan ng isang mag-aaral

12. K-12 Program – isang programa ipinapaloob ang kindergarten at labindalawang

taon ng basic education upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral

na maging bihasa sa iba’t ibang asignatura at maging “life-long learners”.

13. Kindergarten Education Act of 2012 – batas na ginagawang compulsory ang

Kindergarten sa bansang Pilipinas.

14. Lower Secondary Evaluation – pagsusulit na kinukuha ng mga mag-aaral sa

Form 3, ang huling taon ng lower secondary level ng paaralang sekundarya ng

Malaysia, bago magpatuloy sa upper secondary level at mamili sa tatlong

specialized streams: Academic Stream, Technical and Vocational, at Religious.

15. Malaysian Certificate of Education Examination – pagsusulit na kinukuha ng

mga mag-aaral sa Form 5 ng upper secondary level ng paaralang sekundarya sa

Malaysia bago magpatuloy sa sa kolehiyo o sa Form 6, isang opsyonal na baitang

bago magpatuloy sa isang unibersidad; kinakailangan ang pagsusulit na ito upang

makapagtapos ang isang mag-aaral ng paaralang sekundaryo sa Malaysia.

16. Matthayom – katumbas ng paaralang sekundarya o high school sa bansang

Thailand.
17. National Educational Test – pagsusulit na kinukuha ng mga mag-aaral sa

Thailand sa katapusan ng bawat antas (Prathom 1-3, Prathom 4-6, Matthayom 1-3,

at Matthayom 4-6) upang makapagtapos.

18. National-type Schools – mga paaralan sa Malaysia na gumagamit ng ibang

wikang panturo tulad ng Chinese at Tamil.

19. Nonsectarian – tawag sa isang institusyon na hindi kaanib o limitado sa isang

tiyak na relihiyon.

20. Nuclear family – binubuo ng mag-asawa at kanilang mga anak. Pinakasimpleng

yunit ng pamilya.

21. Prathom – katumbas ng elementarya sa bansang Thailand.

22. Preschool – isang paaralan para sa mga batang edad tatlo hanggang lima kung

saan tinuturuan sila ng alpabeto, mga numero, hugis, kulay, at iba pa sa

pamamagitan ng paglalaro; baiting bago ang elementarya.

23. Primary School – elementarya; mababang paaralan.

24. Primary School Achievement Test (PSAT) – pagsusulit na kinukuha ng mga

mag-aaral sa Year 6, ang huling taon ng elementarya sa Malaysia, bago

magpatuloy sa paaralang sekundaryo.

25. Research – isang sistematikong pagsusuri at imbestigasyon sa isang paksa upang

tumuklas ng mga bagong kaalaman o baguhin ang mga naunang tuklas, teorya, at

iba pa.

26. Secondary School – paaralang sekundaryo; mataas na paaralan; isang paaralan sa

pagitan ng elementarya o mababang paaralan at sa kolehiyo o pamantasan.

27. Tamil – wikang Dravidian ng mga Tamil na ginagamit sa mga bansang India at

Sri Lanka.
28. Tertiary Education – ang susunod na antas ng edukasyon matapos ang paarang

sekundarya.

29. Sin sod – terminolohiya mula Thailand. Seremonya ng paghahandog ng lalaki ng

pera sa pamilya ng babaeng kanyang pakakasalan sa araw ng kanilang kasal.

II. Kaligirang Pangkasaysayan

A. Edukasyon sa Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas

Ang Timog-Silangang Asya ay isang rehiyon na nagkakaiba sa maraming aspeto tulad

ng heograpiya, pamumuhay, at tradisyon sa buong kasaysayan nito. Base sa mga mapa ng

Timog-Silangang Asya, ang mga bansang Malaysia at Thailand ay nabibilang sa Mainland

Southeast Asia, isang continental na bahagi ng Timog-Silangang Asya na matatagpuan sa

silangan ng Indian subcontinent at timog ng Tsina, at napapalibutan ng Indian Ocean sa

kanluran at Pacific Ocean sa silangan. Samantalang ang mga bansang Indonesia at Pilipinas

ay nabibilang sa Maritime Southeast Asia, kung saan ang mga nananaig na kultura ay

paglalayag sa karagatan dahil ang mga bansang kasama dito ay hiwa-hiwalay at

napapalibutan ng mga katawan ng tubig na kabaligtaran ng Mainland Southeast Asia kung

saan ang mga bansa ay magkakasama sa isang tangway.

Dahil sa heograpiya na ito, iba’t ibang impluwensiya ang nakuha nila sa mga

kanluranin at karatig na bansa kung saan umusbong ang sari-saring paraan ng pamumuhay at

tradisyon ng mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas, at kabilang na dito ang

sistema ng edukasyon na umiiral sa mga nasabing bansa.

Ayon sa United Nations Development Programme o UNDP (1990), ang edukasyon ay

kabilang sa limang pangunahing pangangailangan sa pag-unlad ng tao. Ang iba pa ay ang

kalusugan, nutrisyon, kapaligiran, trabaho, at ang kalayaang pampulitika at ekonomiya.


Ayon kay Mohottige (2005), ang edukasyon ay itinuturing na pinakamabuting paraan

upang simulan, makamit, at ipagpatuloy ang pag-unlad ng isang bansa. Higit rito, kaya ring

mapagaan ng edukasyon ang pagkakaiba ng mga tao pagdating sa kanilang katayuan sa

lipunan. Samakatuwid, ang edukasyon ay ang pinakamabisang instrumento sa pagkamit ng

mga layunin ng isang bansa.

***

Ayon sa Ministry of National Education and Culture, hindi kinakailangan pumasok ng

isang bata sa preschool sa bansang Indonesia, ngunit ang baitang na ito ay may layon na

ihanda ang isang mag-aaral sa pagpasok sa primary school. Sa Indonesia, kinakailangang

pumasok sa paaralan ng labindalawang taon ang mga mamamayan nito. Maaari silang mamili

sa mga non-sectarian na pampublikong paaralan na pinangangasiwaan ng Department of

National Education, at mga pribadong religious schools (na kadalasan ay Islamic) na

pinangangasiwaan naman ng Department of Religious Affairs. Ang unang semestro ay mula

Hulyo hanggang Disyembre, at ang ikalawang semestro ay mula Enero hanggang Hunyo.

Ang primary school sa Indonesia ay tumatagal ng anim na taon, ngunit ang ilang mga

paaralan ay mayroong accelerated learning program kung saan ang mga mag-aaral na

nangingibabaw ay maaaring makapagtapos sa loob ng limang taon lamang. Sinusundaan

kaagad ng tatlong taon ng junior high school ang primary school, ngunit maaari ring matapos

ng isang mag-aaral ang junior high school ng dalawang taon sa pamamagitan ng accelerated

learning program ng iilang mga paaralan. Tatlong taon ng high school ang kasunod ng junior

high, na maaari ring mabawasan ng isang taon dahil sa nasabing acceleration program. Sa

makatuwid, kung ang isang mag-aaral ay napanatili ang kahusayan mula primary school

hanggang high school, maaari niyang matapos ang basic education sa loob lamang ng siyam

na taon sa halip na labindalawa.


Bukod pa sa high school, maaari ding mamili ang mga mag-aaral sa apatnapu’t pitong

programa ng mga vocational at pre-professional high school na nahahati sa mga sumusunod

na larangan: techonology and engineering, kalusugan, sining, turismo, information at

communication technologies, agro-business at agro-technology, at business management.

Bawat larangan ay nangangailangan ng tatlong taon bago matapos.

(http://www.kemdikbud.go.id)

***

Ayon sa website ng Ministry of Education ng bansang Malaysia, ang sistema ng

edukasyon ay nahahati sa preschool education, primary education, secondary education, post-

secondary education, at tertiary education, at maaaring matamo mula sa pampublikong

sistema ng paaralan ng pamahalaan ng Malaysia, sa mga pribadong paaralan, o sa

pamamagitan ng homeschooling. Nagsisimula ang school year sa Enero at nagtatapos sa

ikatlong lingo ng Nobiyembre. Ayon sa batas ng bansa, kinakailangang makapagtapos ng

primary education ang mga mamamayan nito. Katulad ng ibang mga bansa sa Asya,

nagbibigay ng mga standardized tests ang mga paaralan sa mga mag-aaral nito.

Hindi kinakailangang pumasok ng isang bata sa preschool sa bansang Malaysia. Dahil

dito, walang pormal na kurikulum ang preschool education sa bansa at sa mga lungsod

lamang matatagpuan ang karamihan sa mga paaralang ito.

Ang primary school ay nahahati sa dalawang antas, ang Level One (Year 1 hanggang

Year 3), at Level Two (Year 4 hanggang Year 6). Ang mga mag-aaral ay nagpapatuloy sa

susunod na baitang ano pa man ang kanilang kalagayan sa klase at kinakailangang pag-aralan

ang Malay at Ingles sa lahat ng paaralan sa bansa. Mula taong 1996 hanggang 2003, ibinigay

ang Level One Evaluation sa mga mag-aaral sa Year 3. Ang kahusayan sa nasabing

pagsusulit ay maaaring gawing daan upang malaktawan ng isang mag-aaral ang Year 4 at
makapasok kaagad sa Year 5. Inalis ang pagsusulit sa taong 2001 dahil sa panggigipit ng mga

magulang at guro sa mga mag-aaral na ipasa ang pagsusulit.

Sa katapusan ng Year 6, ang huling taon sa primary school, isinasagawa sa mga

paaralan ang Primary School Achievement Test na sumasaklaw sa anim na asignatura: Malay

comprehension, Malay writing, English comprehension, English writing, Science, at

Mathematics. Sa mga Chinese schools kabilang ang Chinese comprehension at writing

habang sa mga Tamil schools, kabilang naman ang Tamil comprehension at writing.

Malay ang wikang panturo sa mga paraalan pagdating sa secondary education,

subali’t kailangan pa ding pag-aralan ng mga mag-aaral ang Ingles. Mula taong 2003

hanggang 2011, ang mga asignaturang Science at Mathematics ay itinuro sa wikang Ingles

hanggang muling ibinalik ang wikang Malay sa pagtuturo ng mga ito sa taong 2012.

Tumatagal ng limang taon ang secondary education sa Malaysia, at nahahati sa

dalawang antas: ang Lower Secondary Level na kinabibilangan ng Form 1 hanggang 3, at ang

Upper Secondary Level na kinabibilangan naman ng Form 4 at Form 5. Ang mga mag-aaral

na nanggaling sa mga national-type schools, o mga paaralang hindi wikang Malay ang

wikang panturo gaya ng mga Chinese at Tamil schools, ay kinakailangan magkaroon ng

minimum grade na C sa kanilang Primary School Achievement Test at kung hindi nila

maabot ang marking ito, kailangan nilang pumasok sa isang transition class bago payagang

magpatuloy sa Form 1.

Tulad ng sa primary education, ang mga mag-aaral sa secondary schools ay

ipinahihintulutang magpatuloy sa susunod na baitang, ano pa man ang kanilang katayuan sa

kanilang mga klase. Sa katapusan ng Form 3, ang huling taon ng Lower Secondary Level,

kukuha ang mga mag-aaral ng isang pagsusulit kung saan ipapakita sa kanila ang

pinakamagandang stream na maaari nilang pasukan sa Upper Secondary Level na naaayon sa


kanilang kakayahan na tinatawag na Lower Secondary Evaluation. Mayroong tatlong stream

na maaaring pagpilian ang mga mag-aaral: ang Academic Stream, kung saan napapabilang

ang sciences at arts, ang Technical and Vocational Stream, at ang Religious Stream. Sa

katapusan naman ng Form 5, kinakailangang kuhanin ng mga mag-aaral ang Malaysian

Certificate of Education Examination bago sila pahintulutang makapagtapos ng kanilang

secondary education.

Pagtapos ng Form 5, may isang opsyonal na baitang, ang Form 6 o pre-university,

kung saan kukuha pa ang mag-aaral ng isang pagsusulit, ang Malaysian Higher School

Certificate Examination. Ang mga kadalasang kumukuha ng Form 6 ay ang mga mag-aaral

na nais makapasok sa mga lokal na pampublikong pamantasan sa Malaysia, kung saan

mabigat ang pagsusuri sa mga matatanggap na mag-aaral.

Ang institusyon na mayroong tertiary education ay kadalasang binibigyan ng subsidy

ng pamahalaan. Bago ang taong 2004, ang mga guro sa mga pamantasan ay kinakailangang

magkaroon ng post-graduate qualifications gaya ng Master’s degree at Doctorate degree.

(http://www.moe.gov.my)

***

Apat na taon na ang nakakaraan nang ibahin ng bansang Pilipinas ang sistema ng

edukasyon mula na sampung taon na basic education tungo sa kasalukuyang K12 Program.

Ayon kay Dating Pangulong Benigno Aquino III, ang K12 Program ay “naglalayon na bigyan

ng pantay-pantay na pagkakataon ang lahat ng mag-aaral na magtagumpay sa buhay,

makatanggap ng mataas na kalidad ng edukasyon, at magkaroon ng mga kapaki-pakinabang

na mga trabaho.” Ayon sa website ng Department of Education ng bansang Pilipinas, ang

K12 ay sumasaklaw sa kindergarten, anim na taon sa elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat
na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at dalawang taon ng senior high school

(Grade 11 at 12).

Libre ang edukasyon sa lahat ng pampublikong preschool, elementarya, at high school

ngunit elementarya lamang ay itinakdang kinakailangang tapusin ayon sa 1987 Constitution.

Binago ito ng Kindergarten Education Act of 2012 kung saan ginagawa nang compulsory ang

kindergarten at ang Enhanced Basic Education Act of 2013 kung saan ginagawang

compulsory ang elementarya, junior high school, at senior high school.

Mayroong apat na track na maaaring pagpilian pagpasok ng senior high school. Ito ay

ang Academic Track, Technical and Vocational Track, Sports Track, at ang Arts & Design

Track. Ang mga mag-aaral ng senior high school ay magkakaroon ng karanasan sa

pagtatrabaho hatid ng work immersion na kukuhanin nila sa Grade 12. Katumbas ito ng on-

the-job training sa kolehiyo. Ang kurikulum ng senior high school ay binuo kasama ang

kurikulum ng Commision on Higher Education (CHED) para sa kolehiyo upang masiguro na

ang mga magtatapos ng senior high school ay mayroong mga kasanayan na kailangan nila

pagtungtong nila ng kolehiyo. Isang epekto ng K12 ay ang pagkakaron ng mas kaunting

General Education units pagpasok nila ng kolehiyo.

Kinukumpleto ng senior high school ang basic education dahil inihahanda nito ang

mga mag-aaral sa pagtatrabaho, pagnenegosyo, at pagpasok sa kolehiyo.

Isa pang pagbabagong hatid ng K12 ay ang paggamit ng Mother Tongue bilang

wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Pagpasok ng mag-aaral ng Grade 1,

ipinakikilala na ang Ingles ngunit hindi ito ginagamit na wikang panturo.

Ang tertiary education sa Pilipinas ay nahahati sa apat na uri—ang State Universities

& Colleges (SUCs), Local Universities & Colleges (LUCs), Special Higher Education
Insitutes (Special HEIs), at ang mga pribadong pamantasan. Ang SUCs ay pinangangasiwaan

ng pamahalaan ng Pilipinas, habang ang LUCs ay pinangangasiwaan naman ng mga iba’t

ibang local government unit (LGUs) sa buong bansa. Ang mga Special HEIs ay ang mga

institusyon na naghahanda sa mga mag-aaral para sa palingkurang pangmadla o public

service. Halimbawa ng mga Special HEIs ay ang Philippine Military Academy (PMA),

Philippine National Police Academy (PNPA), at iba pa. (http://deped.gov.ph)

***

Ang Thailand ang tanging bansa sa Timog-Silangang Asya na hindi nasakop

kailanman ng anumang kanluraning bansa, kung kaya’t naging mabagal ang ebolusyon ng

edukasyon sa bansa. Ayon sa Ministry of Education ng Thailand, nahahati ang kanilang

sistema ng edukasyon sa apat na antas: ang Prathom 1 hanggang 3 na katumbas ang unang

tatlong taon ng elementarya, ang Prathom 4 hanggang 6 na katumbas ang ikalawang tatlong

taon sa elementarya, ang Matthayom 1 hanggang 3 na katumbas ang unang tatlong taon sa

high school, at ang Matthayom 4 hanggang 6 na katumbas ang ikalawang tatlong taon sa high

school. Mayroong isinasagawang National Education Test sa katapusan ng bawat antas bago

pahintulutan na makapagtapos ang isang mag-aaral. Ang mga mamamayan ng Thailand ay

kinakailangang makapagtapos ng Prathom 1 hanggang 6, at kahit tatlong taon man lang ng

high school. Ang unang semestro ay mula Mayo hanggang Oktubre, at ang ikalawang

semestro ay mula Nobiyembre hanggang Marso. Ang mga paaralang rural ay kadalasang mas

kaunti ang mga pasilidad laban sa mga paaralang na sa mga lungsod.

Sa elementarya (Prathom 1 hanggang 6), walong larangan ang itinuturo sa mga mag-

aaral: wikang Thai, Mathematics, Science, Social Science, Physical Education and Health,

Music and Arts, Technology, at mga foreign language.


Ang Matthayom 4 hanggang 6 ay ang antas kung saan nagiging specialized ang mga

pinag-aaralan ng isang mag-aaral. Upang makapagpatuloy ang isang mag-aaral sa Matthayom

4 hanggang 6, kinakailangan nitong makapasa sa entrance exam ng paaralan na nais niyang

pasukan. Maaari mamili ang mga mag-aaral sa dalawang stream: ang Academic, kung saan

inihahanda sila upang pumasok sa mga pamantasan, at ang Vocational kung saan inihahanda

sila sa pagpasok sa mga pamantasan at sa pagtatrabaho. Sa kasalukuyan, animnapung

bahagdan (60%) ng mga mag-aaral ay pumapasok sa Academic Stream. Ang pamahalaan ng

Thailand ay nagsisikap na mas pagbutihin ang mga programa sa Vocation Stream upang

maging pantay ang porsyento ng mga mag-aaral na pumapasok dito at sa Academic Stream.

May mga special programs na inihahandog sa elementarya at high school ang ilang

paaralan: ang English at Gifted Program. Sa English Program, ang mga mag-aaral ay inaaral

ang lahat ng kanilang mga asignatura sa wikang Ingles maliban sa Thai at Social Sciences. Sa

Gifted Program naman, advanced ang Mathematics at Science ng mga mag-aaral na kasali sa

programa, katumbas ng Science High School Systems ng bansang Pilipinas.

Ang mga pamantasan sa Thailand ay tumatanggap ng suportang pinansyal galing sa

kanilang pamahalaan na may layunin na pagbutihin ang mga pananaliksik na isinasagawa sa

loob ng mga pamantasan na ito. Maliban sa Education at Architecture na nagtatagal ng

limang taon at ang Dentistry, Medicine, Pharmacy, at Veterinary Medicine na tumatagal ng

anim na taon, ang mga bachelor’s degree sa Thailand ay tumatagal ng apat na taon.

(http://www.moe.go.th/en)

B. Ang mga Panlipunang Pagpapahalaga

Ayon kay Cornell (1998) Sa bansang Indonesia, binibigyan ng halaga ang maayos na

pakikipag-ugnayan ng bawat isa at pag-uugali na alinsunod sa nakaugalian. Hindi nila gusto

ang pagkakaroon ng mga eskandalo lalo sa sa publiko at para sa kanila, walang sinuman ang
maaaring mabastos o hindi mabigyan ng respeto sa publiko. Ang kapurulan ay marahas, ang

pagiging maingay ay walang pakundangan, at ang pagiging agresibo ay pagpapakita ng

masamang ugali. Ayon sa pagsusuri ni Siapno (2006) sa Indonesia, ang oras ay nababanat.

Hindi nila minamadali ang isa’t isa. Ang kulturang penomena na ito ay tinatawag nilang jam

keret na nangangahulugang “elastic time” Ang pagiging maagap ay hindi nakatanim sa

kanilang kultura. Ayon naman kay Adams (2006) Ang herarkiya rin ay binibigya ng halaga,

ang status ng isang tao ay dapat nirerespeto sa lahat ng pagkakataon. Ang status ay

nakadepende naman sa edad ng isang tao pati na rin sa kaniyang trabaho at posisyon.

Karamihan sa mga Indonesian, lalo na ang mga nakatataas – ay kailangang kabitan ang

pangalan ng Bapak para sa mga lalaki at Ibu naman sa mga babae. Ayon kay Quito (2008),

Mahalaga rin na ang paguusap ay panatilihing mahinahon at hindi malakas. Masasabing

pinaka mahalaga sa kanila ang pagkakaroon ng matiwasay na ugnayan, mas pinipili nilang

hindi maging tuwiran sa pagpupuna sa isang tao kaysa sa pagiging totoo ng nakalahad. Para

sa kanila, ang pagbibitaw ng mga masasakit na salita ay hindi magandang asal, hangga’t kaya

mas pipiliin nilang maging mapayapa at maayos ang usapan.

Sa pagsusuri ni Gombak, Yusof, et al. (2008), Ang bansang Malaysia naman ay

itinuturing na “Asia in Miniature” dahil sa maraming kultura ang nakapaloob dito kabilang na

ang Chinese at Indian. Ang mga Malaysians ay nagsusumikap upang mapanatili nag konsepto

ng “face” at maiwasan ang kahihiyan maging sa pribado at publiko. Ang “Face” ay isang

personal na konsepto na yumayakap sa mga katangian gaya ng pagkakaroon ng magandang

pangalan, maayos na pag-uugali, at paggalang mula sa mga taong malapit sayo. Ito ay

maaaring ibigay sa iyo, mawala, makuha ng iba o iyong paghirapan. Ang pagnanais na

mapanatili ang konsepto ng “face” ang siyang gumagabay sa mga Malaysians upang

magkaroon ng matiwasay na ugnayan. Bilang ekstensyon ng konseptong ito, ang mga

Malaysians rin ay nagtitiwala sa di berbal na komunikasyon gaya ng facial expression, body


language, at tono ng boses. Ang uri ng komunikasyon na ito ay maituturing na hindi tiyak at

subtle. (Gombak, J., Yusof, A., et al.) Ayon kay Goulet (2008) Bilang isang bansang Islam

ang pangunahing relihiyon, sila ay konserbatibo pagdating sa pananamit. Ang mga babae ay

nagsusuot ng tudung – isang klase ng hijab. Ang mga babaeng hindi nagsusuot ng tudung ay

binibigyan ng negatibong perspektibo. (Goulet, Benjamin) Sa pag-aaral ni Mckinley (1998)

Ang class position dito ay nakadepende sa iyong pulitikal na koneksyon, sa kakayanan na

gamitin ang Ingles at sa pampamilyang kayamanan. Sa pangkalahatan, ang mga lalaki ay mas

makapangyarihan kaysa sa mga babae. Ang pangingibabaw ng mga lalaki ay nakasaad sa

batas.

Ayon kay Quito (2008), Ang lipunan ng Pilipinas ay inilalarawan sa pamamagitan ng

maraming positibong katangian. Kabilang sa mga ito ay ang paggalang sa awtoridad, at

mataas na pagsasaalang-alang para sa amor proprio (pagpapahalaga sa sarili) at maayos na

relasyong interpersonal. Ang labis na amor propio sa bawat isa ay nakakatulong sa

pagpapanatili ng pagkakasundo. Ayon naman kay Maggay (2008), Mayroong tatlong

pagpapahalang panlipunan, ang Hiya, Pakikisama, at Utang na loob. Ang hiya o kahihiyan

ang siyang rason sa likod ng pagkakaroon ng maayos na pag-uugali lalo sa harap ng mga tao.

Ito ay itinuturing na social propriety. Naniniwala ang mga Pilipino na kailangan nilang

tanggapin ang mga pamantayan sa lipunan at kung hindi man nila ito maisakatuparan ay

isang kahihiyan hindi lang para sa kanilang sarili kung hindi pati sa kanilang pamilya. Ayon

naman kina Gorospe at Vitaliano (1997), Ang mga Pilipino ay binibigyang halaga ang

pakikisama at pakikipag-bayanihan. Para sa kanila, importante na maayos ang iyong

pakikitungo at pakikisama sa mga taong nakapaligid sa iyo at maging sa iyong kapaligiran.

Ayon sa pag-aaral ni Enriquez (1997), Ang natural na pagiging masiyahin ay kitang kita kahit

sa panahon ng mga sakuna gaya ng bagyo, lindol, at kung ano-ano pa. Ang kakayahan upang

pagtawanan ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga mabigat na suliranin ay isang
mahalagang mekanismo na tumutulong sa emosyonal na balanse at sa kapasidad upang

malagpasan ang mga suliranin. Kinikilala nila ang sangkatauhan at isinasaalang-alang ang

respeto at pakikiramay. Sa pag-aaral ni Kaut, ang "utang na loob" bilang palitan ng kalakal at

pabor ang naging tanyag na interpretasyon nito. Ang pagsusuri naman ni De Mesa (1997) ng

"utang na loob" bilang pangako sa "pagkakaisa ng tao" ay mas malapit sa lohika ng ugaling

Pilipino at ang gamit nito sa ating wika. Ayon kay De Mesa, gumagana ito bago pa ang

pagtanggap ng isang pabor. Ang "utang na loob" ay isang kahalagahan na gumagalaw para

makilala, ma-irespeto, maitaguyod, at minsan ma-ipatanggol ang pangunahing karangalan ng

bawat tao.

Ayon sa Thai National Character, n.d., sa bansang Thailand, ang mga tao ay may

natatanging ego orientation, sila ay hindi umaasa sa iba. Ang paglapastangan sa self-esteem

ng isang tao ay hindi katanggap tanggap, ito ay isang pangunahing patakaran sa lipunan ng

Thailand (Thai National Character, n.d.). Ayon sa pag-aaral ni Cornwell-Smith, Philip (1997)

Mayroong tatlong kahalagahan pagdating sa ego orientation, ang face saving value kung saan

kapag may problema, ang isang Thai ay inaasahang unahin ang pananatili ng maayos na

mukha at hind ipakita ang galit ng direkta. Ikalawa ay ang Criticism-avoidance value, sa

Thailand, ang pagpapahayag ng matibay at direktang kritisismo sa harap ng publiko ay

itinuturing na isang insulto. Pang huli ay ang Kreng Jai value: ang pundasyon ng

pangunahing konsepto ng mabuting asal, ang pagiging maunawain. Sa pagsusuri naman ni

Claydon, n.d. (1997), ang mga Thai din ay nakikibagay sa pangyayari o “flexible” pagdating

sa mga alituntunin. Naniniwala sila na ang mga patakaran ay maaaring magbago ayon sa

sitwasyon. Sa Thailand, lubos na pinahahalagahan ang pagtutulungan. Bilang resulta,

nagkakaroon ng co-existence ang iba’t-ibang pangkat etniko. Ayon din sa pag-aaral ni

McCelland, ang pagmithi sa tagumpay ay hindi binibigyang pansin ng mga Thai. Para sa

kanila, mas mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa mga taong malapit sa iyo
kaysa sa pagkamit ng mga ambisyon. Ayon kay Wiens (2006), Ang kultura ng mga Thai ay

nagbibigay importansya rin sa ilang mga bahagi ng katawan. Hindi mo dapat ituro ang iyong

mga paa sa ibang tao, hindi rin dapat madikit ang iyong paa sa ibang tao at hindi ito maaaring

ipatong sa upuan o mesa, higit sa lahat, hindi mo dapat hakbangan ang isang taong nakaupo o

nakahiga sa sahig. Kaiba naman sa paa, ang ulo ay mas binibigyan ng halaga. Iwasang

hawakan ang mga tao sa ulo dahil hindi ito magandang asal para sa kanila (Wiens, Mark). Sa

pag-aaral naman ni Wilson (2006) Ang social relationship ay nangangahulugang ang isang

tao ay nakakataas kaysa sa isa. Halimbawa, ang magulang ay mas mataas kaysa sa mga anak,

guro sa kanilang mga mag-aaral, at manedyer sa kaniyang mga empleyado. Binibigyang diin

rin ng mga Thai ang pagpapakita ng pitagan, respeto, genial demeanor, at pagiging

mahinahon para sa pagpapanatili ng matiwasay na ugnayan.

C. Sistema at Pagpapahalaga sa Yunit ng Pamilya

Sa aspeto naman ng pamilya, ayon kay Kozlowska at Hanney (2002), ang pamilya ang

pinakamaliit na yunit ng lipunan na nagbabago kasabay ng mga pangangailangan ng mga

indibidwal at ng lipunan (Kozlowska at Hanney, 2002).

Ayon kay Ooms (sipi mula kay Patterson, 2002), may mahahalagang gamit ang pamilya

sa lipunan. Ilan dito, ang pagbuo ng pamilya at mga miyembro nito, pagsuporta sa ekonomiya

ng bansa, paghubog at pakikipagkapwa-tao, at pangangalaga sa mahihinang miyembro

(Ooms, sipi mula kay Patterson (2002). Sa kabilang banda, ang sinasabi naman ni Levine

(sipi mula kay Shaffer, 2000), ang kaligtasan, pagiging self-sufficient ng ekonomiya ng bansa

at self-actualization ay nais ng bawat pamilya para sa kanilang mga anak (Levine, sipi mula

kay Shaffer, 2000)

Sa aspeto naman ng pamilya, ayon sa website ng Univeristy of Minnesota (sipi mula kay

Vandeusen et al, 1980), ang pamilya sa mga bansang kabilang sa Southeast Asia, kung saan
kabilang ang Indonesia, Malaysia, Thailand at Pilipinas, ay karaniwang extended o yung

pamilyang binubuo ng nanay, tatay, anak at iba pang mga kamag-anak tulad ng lolo, lola, tito,

tita at iba pa (University of Minnesota, sipi mula kay Vandeusen et al, 1980)

Sa kabuuan, ayon kina Arnold at Kuo (1984); Knodel at Prachuabmoh, (1976);

Wongboonsin at Ruffolo (1995), ang pamilya sa bansang Indonesia, Malaysia, Thailand at

Pilipinas ay walang ideyal na kasarian para sa magiging anak. Ayon kina Pong (1994); Noor

Laily, Tan, at Tey (1984), tanging ang mga Malaysian Chinese lamang ang may ideyal na

lalaki ang gustong anak (Pong, 1994; Noor Laily, Tan, & Tey, 1984).

Ayon kina Niaz at Hassan (2006), ang lipunan sa Timog-Silangang Asya ay patriarchal sa

kabuuan. Ang kaugalian at paniniwala dito ay “ang mga kababaihan ay dapat alagaan mula

pagkapanganak hanggang sa buong buhay nila” at “ang mga kalalakihan ay pinapanganak

upang magtrabaho, kumita at suportahan ang buong pamilya” (Niaz at Hassan, 2006).

Ayon sa website ng University of Minnesota (ND), sa timog-silangang asya, bata pa

lamang ay tinuturuan na ang mga anak sa kahalagahan ng relasyon at obligasyon sa pamilya.

Kung kaya’t ang mga matatandang miyembro ng pamilya ay karaniwang inaalagaan ng mga

apo o apo sa tuhod. Hindi sila karaniwang dinadala sa bahay ng matatanda (University of

Minnesota, ND).

Ayon sa U.S Department of Commerce Economics and Statistics Administration, Bureau

of the Census, Center for International Research (August 1992), ang Indonesia ang pang-apat

na bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo (U.S Center for International

Research, 1992). Mula sa government website ng Global Affairs Canada, mayroon silang

kasabihan na "Mangan ora mangan asal ngumpul" na ang ibig sabihin ay may pagkain man o

wala, ang pinakamahalaga ay magkakasama (Global Affairs Canada, 2014).


Ayon kay Ilfeld at Hanssen (1997), ang mga sanggol sa Indonesia ay kinakarga hanggang

pitong buwang gulang, hanggat hindi nila naaabot ang edad na ito ay hindi sila maaaring

ibaba o makatapak sa lupa. Ito rin ang karaniwang dahilan ng pagiging malapit ng mag-iina

(Ilfeld at Hanssen, 1997).

Ayon sa tala ng Malaysia Department of Statistics (2016), ang Malaysia ay may

populasyon na 31.7 milyon. Ito ay binubuo ng Malay, Tsino, Indian at iba pang minorya.

Ayon kay Hirschman (2016), ang relasyon ng pamilya sa mga kamag-anak ay may

tatlong uri: “patrilineal” na sumusunod at nakaayon sa pamilya ng lalaki, “matrilineal” na

nakaayon sa pamilya ng babae at “bilateral” kung saan pantay ang katayuan ng pamilya ng

babae at lalaki.

Ang titirhan ng bagong kasal ay may kaugalian na sinusunod base na rin sa kanilang mga

pamilya. Mayroon silang dalawang konsepto dito.

(a) Patrilocality – kung saan ang bagong kasal ay titira sa bahay ng pamilya ng lalaki o

bahay malapit dito at kailangan nyang makisama sa mga kagustuhan ng pamilya nito.

(b) Matrilocality – kung saan ang bagong kasal ay titira sa bahay ng pamilya ng babae o

bahay malapit dito. Sa ganitong uri karaniwang may pamana na naipapasa sa anak.

Ang mga Malay ay hindi gumagamit ng apelyidong maaaring ipasa sa maraming

henerasyon ngunit dinadala nila ang pangalan ng kanilang ama sa isang henerasyon

(Hirschman, 2016).

Ayon kay Djamour (1965, p. 23), gumagamit ang mga Malay ng mga terminong panawag

sakanilang mga kamag-anak tulad ng Sepupu (pinsan), Emak saudara (tita), Bapa saudara

(tito), Datuk (lolo) at Nenek (lola) (Djamour, 1965).


Mula kina Lenski (1966; 2005) Friedl (1975), at Blumberg (1984), pagdating sa aspeto ng

paghahanap-buhay, karaniwang para sa lalaki ang mga trabahong mabibigat at kinakailangan

ng ibayong pisikal na lakas samantalang ang babae ang namamahala sa tahanan, naghahanda

ng makakain ng lalaki upang magkaroon ng lakas sa pagahahanap-buhay (Lenski, 1966;

2005; Friedl, 1975; Blumberg, 1984). Sa mahihirap na pamilya, tumutulong din ang lalaki sa

pag-aalaga ng anak (Noor Laily Abu Bakar at Rita Raj Hashim (1984, p. 91).

Ayon kay Sombat Topanya (2012), ang Thailand ay pangatlo sa may pinakamalaking

popolasyong sa Timog-Silangang Asya sunod sa Indonesia at Myanmar. Noong 2009, naitala

ng National Statistical Office ng Thailand na ang populasyon ng bansa ay umabot na sa 67

million (Sombat Topanya, 2012).

Ayon pa kay Sombat Topanya (2012), ang relasyon ng pamilya ang pinakaimportante sa

bawat isang Thai. Ang mga Thai ay may kasabihang “dern tam poo yai mamai kad” na ang

ibig sabihin ay “Sumunod ka sa matanda at hindi ka kakagatin ng mga aso” na ang ibig

sabihin ay ‘di ka mapapahamak kung susunod ka sa matanda. May paniniwala rin ang

kanilang gobyerno na “chuer poo nam chard pone pai” na ang ibig sabihin ay “Makinig ka sa

iyong pinuno at maililigtas ang nasyon”. Ilan lamang ito sa nga pahiwatig ng katangian ng

mga Thai (Sombat Topanya, 2012).

Ayon kina Maccoby at Martin (1983), karamihan sa mga pag-aaral ay nagtutuon ng

pansin sa apat ng uri ng pagpapalaki ng mga anak ; authoritative, authoritarian, permissive

and neglectful (Kotrajaras at Yongkittikul, 2002; Maneesri at Uwanno, 2003).

Mula kay Fitzpatrick (2006), ideyal sa mga pamilyang Thai na nasa middle-income at

upper-income ang pagwawagi kung kaya’t pinipilit ng mga magulang na ipasok ang kanilang

mga anak sa mga tutorial schools na makikita sa lungsod (Fitzpatrick, 2006).


Ang mga Pilipino ay family-oriented. Ayon kay Timbreza (2003), ang tagumpay ng

pamilya ang batayan sa tagumpay ng mga Pilipino sa kanilang buhay. Inilista nya ang ilang

mga kasabihan na nagpapakita ng pagtingin nila sa pamilya.

“Mabuti pa ang kubo na ang nakatira ay tao, kaysa isang bahay na bato na ang nakatira

aykuwago” na kasabihan mula sa mga tagalog na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging

tao ng isang Pilipino at hindi pagtingin sa materyal na aspeto lamang.

“Ang familia nga nagatanum ug kaayohan nag-ani ug kapalaran; ang nagatanum

ugkadautan, nag-ani og lonlon kasakitan” na kasabihan ng mga Boholano na nagsasabing ang

pamilyang nagtatanim ng magkakasama ay aani ng biyaya, at ang pamilyang nagtanim ng

lungkot ay aani ng paghihirap. Ang kasabihang ito ay tumutukoy sa konsepto ng karma”

(Timbreza, 2003).

Ang relasyong ito ng mga Pilipino sa kanilang mga kamag-anak ay makikita sa kanilang

pagtutulungan sa ano mang mga bagay. At tulad sa Malaysia, mayrooon din silang konsepto

ng Patrilineal, Matrilineal at Bilateral system depende kung saan sila nabibilang. Ang

pinakakaraniwan sa tatlo ay ang Bilateral.

Ayon kay Timbreza (2003), “ang responsibilidad ng magulang ay nangangahulugugang

pananagutang pangmagulang” kung kaya’t responsibilidad at obligasyon ng isang magulang

na Pilipino na palakihin ang kanyang mga anak ng mabuti. Dahil dito, ang pagkakamali ng

anak ay tinuturing ding pagkakamali ng magulang na nagpalaki sa kanya (Timbreza, 2003).

D. Ang Relihiyon at Ang Pagpapakasal

Ang pagkakaroon ng maraming immigrante galing sa iba’t ibang bansa ay naging

malaking impluwensya sa dibersidad sa relihiyon ng Indonesia. Ang bansang Indonesia ay

kinikilala ang anim na relihiyon sa bansa nila; ang Islam, sunod ay Kristyanismo,
Protestanismo, Katolisismo, Hinduismo, Budismo at Konfusyanismo. Ayon sa batas ng

Indonesia, kinakailangan na ang bawat mamamayan ng bansa ay may identity card na

mayroon isa sa mga anim na relihiyon. Hindi nila kinikilala ang atheismo at iligal ang

blasphemy o pagsasalita laban sa Diyos o mga banal na bagay. (http://www.indonesia-

investments.com/culture/religion/item69?)

Pagdating sa kasal sa Indonesia, ayon kay Jill Forshee, ang kasal para sa kanila ay

isang seremonya sa pagpasok ng pagkatanda at kilalang miyembro ng komunidad. Ang hindi

pagkakaroon ng asawa ay isang social aberration sa mga Indonesians. Higit na umiiral ang

customary o arranged marriage sa Indonesia kaysa sa malayang pagpili ng kakasalin mula sa

Kanluran. Ang ideyal na kasal ay lalakas ang samahan kung ang babae ay hahawak sa

pinansyal at pag-alaga ng mga bata habang ang lalaki ay nagtatrbaho. Minsan lang ang

pagmamahal o pagnanais ang makikita sa kasal. Ang mga salitang tinggi (high) and rendah

(low) ay mahalaga sa pagkasundo ng kasal sa mga Indonesian kin na nababahala sa estado.

Sa ibang lugar, ang lalaki ay maaring magpakasal sa babae na may mababang estado sa

buhay, ngunit ang kabaliktaran ay minsan lang mangyari. Sa ibang komunidad, tulad ng mga

Muslim, maaring magpakasal ang lalaki sa maraming babae. Ang mga seremonya ay iba’t-iba

sa bawat pulo, mula sa mga rituwal hanggang sa pagtanan. Sa Bali, ang pagtatanan ay

karaniwang paraan ng pagpapakasal at alam ng kanilang mga magulang ito. Ang mga

seremonyang kasal ay magarbo dahil ito ay may pari at isasagawa sa templo. Ang mga

Javanese naman ay magpapakasal sa paraan ng pagkita sa bahay ng bride at pagiging parte ng

slametan (seremonyal na kaninan) kasama ang buong pamilya nila at pumunta sa isang

opisyal para sa kanilang kasal. Ang mga kasalang kanluran ay sikat at prestihyoso sa mga

Kristyano. Kadalasang nagaganap sa mga simbahan at dinidiwang ang resepsyon. Ang kasal

ay tumutulong sa pagtuloy ng mga lineages at pagkakasundo ng pamilya. (Forshee, J.)


Tulad ng Indonesia, ang Malaysia, ayon sa kanilang opisyal na yearbook noong 1990-

1991, ay multikultural sa relihiyon. Ang umiiral na relihiyon ay ang Islam, na panagalawa sa

pinakamalaking populasyong Islam sa mundo, sunod sa Indonesia, ang Kristyanismo,

Hinduismo at ang tradisyunal na mga relihiyong Tsino. Ito din ay itinakda ng Hari ng

Malaysia bilang “Relihiyon ng Federasyon” upang mapakita ang kahalagahan nito sa bansang

Malay. Ang religious harmony o pagkakaroon ng pag-unawa sa iba’t-bang relihiyon ay ang

dapat unahin ng mga namumuno sa Malaysia. Ito din ay konektado sa unang prinsipyo ng

Rukunegara (pambansang ideolohiya) na “Belief in God” (1990-1991).

Ayon kay Harold Stephens et al., sa kasal, maraming seremonya ang kailangan daanin

bago ang mismong pagdiriwang. Ang mga seremonya ay ang mga sumusunod: ang Hantar

Tanda o ang pagsalita ng pamilya ng groom, Bertunang o ang engagement, Bersanding o ang

enthronement, Akad Nikah o ang mismong kasal at ang Berinai o ang seremonya kung saan

nilalagyan ng henna ang kamay ng babae at lalaki. Sa seremonya ng Bersanding, uupo ang

ikinasal sa itinaas na dais (pelamin). Sa likod ng ikakasal ay ang mga magsisilbi sa kanila

habang sila ay nakaupo. Pagkaupo nila, sisimula ang seremonya. Kukuha ng maliliit na mga

dahon at petals (bunga rampai) at ikakalat sa bukas na palad ng bagong kasal. Dapat simulan

sa kanang palad ng lalaki at itapon sa kaliwang palad ng bride. Sunod, kumuha ng mga unting

dahon at isawsaw sa likido. Maglagay ng konting patak sa bukas na palad ng bride at groom

(menepung tawar) at magkalat naman ng saffrom rice sa balikat nila. Kapag ito ay

nakumpleto, bibigyan ang mga bisita ng bunga telur o isang itlog na nakalagay sa gintong

lalagyanan bilang simbolo ng pagkamayabong. (Stephens, Harold et al.)

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay mayaman dahil sa pagsakop ng iba’t ibang bansa at isa sa

mga naging impluwensya nito ay ang relihiyon. Ayon kay Athyal, ang Pilipinas ang

sinasabing ikaapat sa pinakamalaking kristyanong bansa sa mundo (Athyal, J.). Ito din ang

unang relihiyon sa bansa, sumunod naman ay ang Islam. Mayroon ding mga Philippine
Independent Churches na umiiral tulad ng Iglesia ni Kristo, na pinamumuno ni Felix Manalo,

at ang Aglipayan Church. Dumating din ang mga Jehoviah’s Witnesses noong panahon ng

mga Amerikano at ang mga Mormon. Mayroon din mga maliliit na populasyon sa bansa na

umiiral pa rin ang tradisyunal na relihiyon tulad ng Animism at Shamanism.

(http://tagaloglang.com/religion-in-the-philippines/)

Pagdating naman sa kasalanan, ayon kay Jones (2001), ang malayang pagpipili ng

papakasalan ay higit na umiiral sa Katolikong bansa kaysa sa mga Muslim na bansa sa Timog

Silangang Asya (Jones, G.). Ayon naman kay Borlongan, nagsisimula ang lahat sa courtship

o panliligaw ng lalake, hindi lang sa babae, pati rin sa pamilya nito. Kapag nakuha na ng

lalake ang pahintulot ng pamilya, siya ay bibisita sa bahay ng babae upang makita ang

pamilya at magbibigay ng regalo, na maari ring maging isang uri ng Dowry. Kapag

napagkaisahan na ng dalawa na magpakasal, ang pamamanhikan ay susunod. Kung nakuha

na nila ang basbas ng pamilya, pagpapaplanuhan nila ang petsa ng kasal. Halos lahat ng

Pilipino ay pipiliin ang pormal na kasal sa simbahan maging anumang estado sa buhay.

Mayroon ngang kasabihan na sa Pilipinas, isang beses ka lang magpapakasal sa buong buhay

mo, maliban kung biyuda ka. Ito ay dahil walang batas ng Diborsyo sa bansa. Sa mga

probinsya naman, halos ang buong baryo ay imbitado sa kasal. Ito ay dahil ang mga Pilipino

ay kilala sa pagiging magiliw sa panauhin. Ang pagdiriwang ay tumatagal ng buong araw o

minsan mga ilang araw pa. Ang mga gastusin ay nababalik din dahil sa money dance o

pagsayaw ng ikinasal ng pandanggo at paglagay ng pera sa damit nila habang sumasayaw na

sumisimbolo ng kasaganaan ng ikinasal. Kapag nagsimula na ang buhay ng ikinasal, maari na

silang humiwalay sa kani-kaniyang pamilya ngunit dahil sa pagiging malapit ng mga Pilipino,

mas pipiliin nila manatili lamang. (Borlongan, J.)


Sa Thailand, ang opisyal na relihiyon ay Theravada o Hinayana Buddhism na

nagmula sa tagapagtatag, si Gautama Buddha ng Nepal. Dumating din ang Hinduismo dahil

sa mga debosyon sa mga diyos ng India na sina Vishnu at Siva. (Yee, K. et. al)

Sa kasal, ang ibang mga Thai ay nilalagyan ng tema mula sa kanluran para sa

resepsyon o kaya’t sa kasalang interracial. Sa araw bago ang kasal, ang seremonya ng mga

Buddhist ay nagsisimula na. Sa seremonyang ito, ang ikakasal ay dadalaw sa mga ninuno ng

bride, mayroong siyam na monghe ang uupo na may tubig at baso sa harapan nila. Ang

ikakasal ay uupo sa harap ng unang monghe at isang banal na sinulid ang ibibilog sa ulo nila

at ilaladlad sa kamay ng monghe. Malapit sa monghe ay isang mangkok ng holy water at

kandila. Suot ng lalaki at babae ang tradisyunal na damit ng mga Thai para sa kasal, luluhod

sila at ang banal na sinulid ay ibibilog sa kanila muli at matatapos sa lalaki. Sa lumang

tradisyunal na kasal ng mga Thai, mayroong seremonya ng paghugas ng paa ng lalaki at ang

babae ay luluhod sa paa ng asawa at huhugasan ito; ito ang sumisimbolo sa pagkakaisa niya

sa kanyang asawa.

III. Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay naglikom ng mga material na gagamitin sa pag-aaral gaya ng

mga libro na tumatalaky sa kultura ng Malaysia, Indonesia, Thailand at Pilipinas sa silid

aklatan ng Pamantasang De La Salle.

Kumuha rin ang mga manananaliksik ng mga datos mula sa online journals, internet theses at

opisyal na website ng mga kagawaan ng mga nasabing bansa.

BUWAN PETSA GAWAIN


Pag-iisip ng paksa at
OKTUBRE 17
suliranin
Pagtukoy sa pangunahing
19 suliranin at mga tiyak na
suliranin
20
21 Pangangalap ng datos sa
22 silid-aklatan
23
24 Pagsasapinal at pagsasaayos
25 ng mga suliranin
Paghahanap ng theoretical
26
framework
Pagbabasa at pag-aaral ng ma
27
materyales
28
Pagbuo ng Talaan ng
29
Sanggunian at pagsusuri ng
30
Mga Kaugnay na Literatura
31
1
NOBYEMBRE
2
3
Paglilista ng mga
4
Terminolohiya at Pagbuo ng
5
Theoretical Framework
6
7 Pagsulat ng Saklaw at
8 Limitasyon
Diskusyon ng mga
9
mananaliksik
Pagsulat ng Layunin at
10 Kahalagahan ng Pag-aaral at
Metodolohiya
14
15
Pagsusuri ng Datos
16
17
19
Pagbuo ng Buod at
20
Konklusyon
21
28 Oral Defense

IV. Paglalahad at Pagsusuri ng Datos

Apat na pagkakatulad ang kapansin-pansin sa sistema ng edukasyon ng mga bansang

Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas: (1) ang pagkakaroon ng specialization sa mga

pinag-aaralan sa mga huling taon ng secondary education na nagsisimula sa Form 4 sa

Malaysia, high school sa Indonesia, Matthayom 4 sa Thailand, at Senior High School


naman sa Pilipinas, (2) ang mga nasabing bansa ay may mga Technical & Vocational

Programs para sa mga mag-aaral pagpasok nila ng antas kung saan sila ay nakatakdang

mamili ng specialization, (3) ang school year sa apat na bansa ay nahahati sa dalawang

semestro, ngunit nagkakaiba sa buwan ng pagbubukas ng klase, (4) at higit sa lahat, ang

mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas ay mayroong humigit-kumulang

labindalawang taon ng basic education na kinakailangang matamo ng kanilang mga

mamamayan.

Ang edukasyon ay isang mahalagang salik sa pagtukoy ng Gross Domestic Product

(GDP) at Human Development Index (HDI) ng isang bansa. Bagamat ang dalawang ito

ay mga sukat ng kaunlaran, maituturing pa rin itong mahalaga sa kultura ng isang bansa

dahil kung maunlad ang isang bansa, patuloy ring lumalago ang kultura nito.

HDI Rankings
World Rank Country HDI
62 Malaysia 0.779
93 Thailand 0.726
110 Indonesia 0.684
115 Philippines 0.668
Batayan: 2015 Human Development Reports, United Nations Development Programme
[ http://hdr.undp.org/sites/default/files/2015_human_development_report.pdf ]

Kung pagbabasehan ang Human Development Index (HDI) o ang kabuuang sukat ng

mga katuparan sa mga pangunahing aspeto ng pag-unlad ng isang tao—mahaba at malusog

na buhay, pagkakaroon ng edukasyon, at pagkakaroon ng disenteng pamantayan ng

pamumuhay—sa kaunlaran ng apat ng bansa, nangunguna ang Malaysia, sumusunod ang

Thailand, Indonesia, at panghuli ang Pilipinas ayon sa pinakahuling Human Development

Reports (HDR) ng United Nations Development Programme (UNDP) noong taong 2015.
GDP Rankings
SEA Rank World Rank Country GDP
1 16 Indonesia US$ 963,648
2 27 Thailand US$ 409,824
3 33 Philippines US$ 310,108
4 35 Malaysia US$ 309,872
Batayan: World Economic Outlook Database, International Monetary Fund (Oct 2016)
[ http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2016/02/weodata/index.aspx ]

Kung titignan naman ang Listahan ng Mga Bansa Sa Timog-Silangang Asya ayon sa

kanilang Gross Domestic Product (GDP) na inilabas ng International Monetary Fund (IMF),

nangunguna ang Indonesia, sunod ang Thailand, Pilipinas, at panghuli ang Malaysia.

Maaaring nagtataka ang karamihan na ang GDP ng apat na bansa na ito ay

nangunguna pa sa GDP ng bansang Singapore na siyang ikalabing-isa sa mga nangungunang

HDI sa buong mundo at pang-una sa Timog-Silangang Asya. Ngunit ang GDP ay hindi ang

pinakamabisang sukat ng kaunlaran ng isang bansa dahil tanging kalagayang pang-

ekonomiya lamang ang sinusukat nito at hindi isinasama ang kondisyong medikal o

pamantayan ng edukasyon sa isang bansa na ginagawa naman ng HDI.

Ayon kay King (2011), ang isip ng tao ay may kakayahang gawing posible ang pag-

unlad, mula sa mga pagsulong sa larangan ng medisina, pagbabago sa agrikultura, mabisang

pampublikong administrasyon, at paglaki ng pribadong sektor, at upang makamit ng isang

bansa ang mga ito, kinakailangang nilang kilalanin ang potensyal ng mga mamamayan na

maaari lamang makamit sa pamamagitan ng edukasyon kung kaya’t maituturing na

pinakamahalagang sukat ng HDI ang edukasyon.

Ayon naman kay Brasseur (2014), ang edukasyon ay ang susi sa pag-ahon ng mga tao

mula sa kahirapan sapagka’t binibigyan nito ang mga mahihirap ng kakayahang hindi lamang

kumita ng pera, kundi pati na rin mapabuti ang kanilang pang-araw-araw na kaalaman.

Halimbawa, ang edukasyon ay nagbibigay-daan sa mga developing countries na pigilan ang


iba’t ibang sakit dahil ang mga edukadong tao ay may kakayahang unawain kung ano ang

mabubuti at masasamang gawi sa kalusugan; ang isang edukadong ina ay may kakayahang

bigyan ng malusog na pagpapalaki ang kanyang mga anak.

Samakatuwid, ang edukasyon ay isang malaking salik sa pagbabatay ng kaunlaran ng

isang bansa, kung kaya’t kailangan itong bigyang-kahalagahan ng mga pamahalaan.

Pasok ang Malaysia at Thailand sa isang-daang mga bansa sa buong mundo na

pinakamaunlad ayon sa kanilang HDI at maaari na itong gawing sapat na dahilan upang

sabihing sapat na ang kalagayan ng edukasyon sa dalawang bansa bukod sa mga maliliit na

suliranin gaya ng mga resulta ng national exams.

Hindi nagkakalayo ang Indonesia at Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong

mundo ayon sa HDI. Gayon pa man, mas mababa pa rin ng limang puwesto ang Pilipinas sa

Indonesia at masasabi na mas kailangang bigyang-pansin ng Pilipinas ang sistema ng

edukasyon nito.

Isa sa mga posibleng dahilan ng pagiging panghuli ng Pilipinas ay ito ang huling

bansa sa Timog-Silangang Asya na nagpatupad ng labin-dalawang taong compulsory basic

education at ang unang pangkat ng K12 Program ay hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral,

kung kaya’t hindi pa masusukat sa ngayon ang epekto ng reporma sa HDI ng bansa.
Alokasyon ng Budget Para Sa Edukasyon
30

25 27

20

15

10 12 12
10
5

0
Malaysia Indonesia Thailand Pilipinas

Education Budget (in US$ billions)

Batayan: 2016 National Budgets of Malaysia, Indonesia, Thailand, and the Philippines
[http://www.gov.ph/2015/09/08/education-tops-2016-budget/]
[https://www.imoney.my/articles/recalibration-malaysia-budget-2016-highlights]
[http://www.bb.go.th/budget_book/eBook2559/FILEROOM/CABILIBRARY59/DRAWER01/GENERAL/
ATA0000/inBrief2016.pdf]
[http://www.indonesia-investments.com/news/todays-headlines/politics-of-indonesia-houseapproves-
2016-state-budget/item6103]

Malaking problema ang kakulangan sa budget na nakalaan para sa pagpapabuti ng

edukasyon sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ang may pinakamababang alokasyon ng budget

(US$ 10 billion) sa pagitan ng mga bansang Malaysia (US$ 12 billion), Indonesia (US$ 27

billion), Thailand (US$ 12 billion) at lahat ng bansang kasama sa Association of Southeast

Asian Nations (ASEAN). Nagreresulta ito kakulangan ng pasilidad tulad ng mga silid-aralan,

aklat-pampaaralan, mga upuan, at mga guro. Sa kabila ng kakulangan sa budget na nakalaan

para sa edukasyon, hindi pa din abot-kaya ang pagpapaaral para sa mga pamilyang Pilipino

na hindi ganoon kayaman at ang mga mag-aaral na nakakapasok ng first year college ay ang

mga kabataang galing lamang sa mga may-kayang pamilya.

***

Sa pangkalahatan, mahihinuha natin na nangingibabaw ang pagkakatulad pagdating sa

mga pagpapahalagang panlipunan ang mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand at


Pilipinas. Maraming positibong katangian ang umiikot sa mga nasabing bansa at nangunguna

dito ang (1) pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo. Ang mga

Malaysian, Indonesians, Thai at mga Pilipino ay binibigyang ng malaking halaga ang

matiwasay na relasyong interpersonal. Pakikisama ang nagsisilbing pundasyon ng mga

bansang ito tungo sa matiwasay na galaw ng lipunan. Isa pa ay (2) ang konsepto ng

kahihiyan sa publiko. Ang ugaling ito ay sumasalamin sa apat na bansang kasama sa pag-

aaral. Lahat ay pinangangalagaan ang kanilang pagpapahalaga sa sarili o “self-esteem” at

patin na rin ang sa ibang tao. Higit na iniiwasan ang mga bagay na magdudulot ng kahihiyan

sa sarili o sa ibang tao. Para sa kanila, hindi kaaya aya ang kapurulan, pagiging maingay at

agresibo lalo na sa publiko. Pinapahalagahan din ng mga Malaysians, Indonesians, Thai at

mga Pilipino ang (3) di-berbal na komunikasyon. Mas pinipili itong gamitin sa panahon ng

problema, mas pinipili nilang maging mahinahon at mapayapa ang pag-uusap. (4)

Pinahahalagahan din ng apat na bansa ang pagkakaroon ng social hierarchy. (5) Ang

paggalang sa awtoridad at sa nakatatanda ay kapansin-pansin rin sa apat na bansang

nabanggit.

Pagdating naman sa mga pagkakaiba, ang mga Pilipino ang may maigting na

konsepto ng “utang na loob” habang sa Thailand naman, binbigyan ng pansin ang ilang

bahagi ng katawan lalo na ang ulo. Para sa kanila, ang ulo ay sagrado at kailangan ingatan.

Isa pa ay ang paniniwala na ang mga patakaran ay maaaring magbago ayon sa sitwasyon. Sa

Malaysia naman, masasabi natin na sila ang pinaka konserbatibo sa apat na bansa dahil na rin

sa kanilang relihiyon. Sa bansang Indonesia naman ay nangingibabaw ang pagkakaroon ng

“elastic time”.

***
Sa aspeto ng pamilya, makikitang ang bansang Indonesia, Malaysia, Thailand at

Pilipinas ay maraming pagkakatulad. Una, ang pamilya sa mga bansang ito ay karaniwang

extended sapagkat malaki ang pagpapahalaga nila sa mga miyembro ng pamilya. Mas

pinahahalagahan ng bawat pamilya ang pagiging buo at magkakasama kaysa sa yaman.

Itinuturing din nilang regalo ng Panginoon ang mga anak kung kaya ang paggamit ng

contraceptives ay hindi pa gaanong kinikilala sa mga bansang ito.

Mula sa opisyal na website ng Central Intelligence Center (cia.gov, 2016),

mapapansin sa graph sa ibaba na mas mataas ang birth rate ng mga bansang Indonesia,

Malaysia, Pilipinas at Thailand kung ikukumpara sa mga bansang United States, China,

South Korea at Japan.

Birth Rate (as of July 2016)

Japan 7.8

South Korea 8.4

China 12.4

United States 12.5

Thailand 11.1

Philippines 24

Malaysia 19.4

Indonesia 16.4

0 5 10 15 20 25 30

Birth Rate (as of July 2016)

Batayan: Central Intelligence Agency website (July 2016)

BANSA Ranggo Kumpara Sa Buong Mundo


(226 na bansa)
Indonesia 113
Malaysia 85
Pilipinas 61
Thailand 177
Batayan: Central Intelligence Agency website (July 2016)
Pangalawa, nangingibabaw ang patriarchal na sistema sa mga bansang ito o ang

pagkakaroon ng mas mataas na kapangyarihan ng mga lalaki sa lipunan. Kung kaya’t sa

pamilya, ang huling desisyon ng ama ang nasusunod at ang ina ay pangalawa lamang sa ama.

Kahit na maraming mga babae ang nagtatrabaho na rin, karaniwang mga lalaki pa rin ang

gumagawa ng mga mabibigat na trabaho at ang mga ina’y karaniwang nasa bahay lamang.

Pangatlo, walang ideyal na kasarian para sa magiging anak ang mayorya ng pamilya

sa mga nasabing bansa. At pang-apat, malaki ang pagpapahalaga ng mga nasabing bansa sa

paggalang sa nakatatandang miyembro ng pamilya. Bata pa lang ang mga anak ay tinuturuan

na silang gumalang at paglaki’y alagaan ang kanilang lolo, lola, ama at ina. Ang mga

pagkakatulad na ito ay masasabing ugat at pundasyon ng epektibo at positibong interkultural

na relasyon na maaaring magkaroon ang mga nasabing bansa.

Sa aspeto naman ng pagkakaiba, may ilang pagkakaiba ang mga bansang Indonesia,

Malaysia, Thailand at Pilipinas sa aspeto ng sistema at pagpapahalaga sa pamilya. Una,

kumpara sa Indonesia, Malaysia at Pilipinas, ang bansang Thailand ay masasabing strikto

lalung-lalo na sa mga anak. Matindi ang pagpapahalaga nila sa edukasyon at pinipilit nilang

pag-aralin ang mga anak sa lungsod bilang ideyal ang pagiging middle-income at upper-

income ng pamilya. Pangalawa, sa mga Malay, ang apelyido mula sa ama ay ginagamit sa

isang henerasyon lamang. At panghuli, ang mga sanggol sa Indonesia ay kinakarga hanggang

sa kanilang ika-pitong buwan. Hanggang sa araw na iyon ay hindi sila maaaring mailapag sa

lupa. Ang mga pagkakaibang ito ay maaaring makaapekto o hindi sa interkultural na relasyon

ng nasabing mga bansa.

***
Sa pagkakatulad ng Malaysia, Indonesia, Pilipinas at Thailand, ang mga bansang ito

ay naimpluwensyahan ng iba’t-ibang relihiyon. Ang bansang Indonesia, Malaysia at Pilipinas

ay may relihiyong Islam at Kristyanismo. Ang Thailand, Indonesia at Malaysia naman ay

nagkatulad sa mga umiiral na relihiyon na Hinduismo at Buddismo. Pagdating naman sa

kasal, ang pagkakatulad ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Thailand; ito ay itinuturing na

mahalaga at magarbong okasyon. Pinapahalagahan din nila ang mga tradisyunal na

seremonya at ang pahintulot ng mga pamilya nila.

Sa pagkakaiba naman ng apat na bansa, ang Pilipinas ay mayroon pa ring mga

relihiyong tradisyunal tulad ng Aminism at Shamanism at sa ibang bahagi ng bansa,

mayroong mga maliliit na sektor ng Philippine Independent Churches tulad ng Iglesia ni

Kristo at Aglipayan, at iba pang relihiyon tulad ng Jehovah’s Witnesses at mga Mormon. Sa

Indonesia, mayroon pang umiiral na relihiyon sa kanilang bansa na Konfusyanismo. Ang mga

mamayan ay kailangan mayroong identity card na nakalagay ang isa sa mga anim na

relihiyon na pinaniniwalaan nila. Sa Malaysia naman, mayroon silang mga tradisyunal na

relihiyong Tsino at naniniwala sila sa religious harmony. Ang Thailand ay mayroong

dalawang uri ng Buddismo, ang Theravada at Hamayana.

Sa Pagpapakasal, higit na umiiral sa Pilipinas ang malayang pagpili ng ikakasal. Ang

panliligaw naman ng lalake ay hindi lang sa babae, pati rin sa pamilya ng babae. Ang

Pilipinas lamang ang walang Diborsyo. Sa mga probinsya, ang baryo o baranggay ay

imbitado sa kasal at resepsyon dahil na rin sa pagiging magiliw sa panauhin ng mga Pilipino.

Sa Indonesia naman, ito ay isang seremonya sa pagpasok ng pagkatanda at kilalang

miyembro ng komunidad. Higit na umiiral ang customary o arranged marriage sa Indonesia

kaysa sa malayang pagpili ng papakasalan. Ang mga seremonya ay iba’t-iba sa bawat pulo.

Ang kasal ay tumutulong sa pagtuloy ng mga lineages at pagkakasundo ng pamilya. Ang

ikinaiba ng Malaysia sa apat ay ang mahabang seremonya bago ang mismong kasal: ang
Hantar Tanda o ang pagsalita ng pamilya ng groom, Bertunang o ang engagement,

Bersanding o ang enthronement, Akad Nikah o ang mismong kasal at ang Berinai o ang

seremonya kung saan linalagyan ng henna ang kamay ng bagong kasal. Sa Thailand naman,

ang ibang mga Thai ay mayroong tema mula sa kanluran para sa resepsyon o kaya’t sa

kasalang interracial. Sa araw bago ang kasal, mayroong seremonya ng mga Buddhist Monks

para sa ikakasal.

V. Buod
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kultura ng mga bansang Indonesia, Malaysia,

Pilipinas at Thailand sa aspeto ng edukasyon, social values, sistema at pagpapahalaga sa

yunit ng pamilya at pagdating sa relihiyon at pagpapakasal. Layunin ng pananaliksik na ito na

tukuyin ang pagkakahawig at pagkakaiba sa apat na aspeto ng kultura ng mga bansang

nabanggit at kung paano ito nakakapekto sa interkultural na pagkilala. Ito ay naglalayong

himukin ang mga Asyano na yakapin ang iba’t-ibang kultura at kaugalian na siyang

magpapatibay sa interkultural na pagkilala. Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang

sa iba’t ibang sistema ng edukasyon, kaugalian sa pagpapakasal at relihiyon, pagpapahalaga

ng pamilya, at ang iba’t ibang alituntunin sa pag-uugali sa mga nasabing bansa. Ang mga

mananaliksik ay naglikom ng mga materyal na gagamitin sa pag-aaral gaya ng mga libro na

tumatalakay sa kultura ng apat na bansa sa silid aklatan ng Pamantasang De La Salle.

Kumuha rin ang mga mananaliksik ng mga datos mula sa online journals, internet theses at

opisyal na website ng mga kagawaan ng mga nasabing bansa.

Mula sa mga datos na nalikom ay napag-alaman na higit na nangingibabaw ang

pagkakahawig ng apat na bansa kaysa sa pagkakaiba.

Pagdating sa edukasyon, Apat na pagkakatulad ang natukoy: (1) ang pagkakaroon ng

specialization sa mga pinag-aaralan sa mga huling taon ng secondary education (2) ang mga

nasabing bansa ay may mga Technical & Vocational Programs (3) ang school year sa apat na
bansa ay nahahati sa dalawang semestro (4) at higit sa lahat, ang mga bansang Malaysia,

Indonesia, Thailand, at Pilipinas ay mayroong humigit-kumulang labindalawang taon ng

basic education na kinakailangang matamo ng kanilang mga mamamayan.

Sa aspeto naman ng social values, maraming positibong katangian ang umiikot sa mga

nasabing bansa at nangunguna dito ang (1) pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa mga taong

nakapaligid sa iyo. Ikalawa (2) ang konsepto ng kahihiyan sa publiko. Ikatlo ang (3) di-

berbal na komunikasyon. (4) Pinahahalagahan din ng apat na bansa ang pagkakaroon ng

social hierarchy. (5) at pang-huli ay ang paggalang sa awtoridad at sa nakatatanda. Pagdating

naman sa mga pagkakaiba, ang mga Pilipino ang may maigting na konsepto ng “utang na

loob” habang sa Thailand naman, binbigyan ng pansin ang ilang bahagi ng katawan lalo na

ang ulo. Isa pa ay ang paniniwala na ang mga patakaran ay maaaring magbago ayon sa

sitwasyon. Sa Malaysia naman, masasabi natin na sila ang pinaka konserbatibo sa apat na

bansa at panghuli, sa bansang Indonesia ay ang pagkakaroon ng “elastic time”.

Sa aspeto ng pamilya, makikitang ang bansang Indonesia, Malaysia, Thailand at Pilipinas

ay maraming pagkakatulad. Una, ang pamilya sa mga bansang ito ay karaniwang extended.

Mas Itinuturing din nilang regalo ng Panginoon ang mga anak kung kaya ang paggamit ng

contraceptives ay hindi tinantangkilik. Ikalawa, nangingibabaw ang patriarchal na sistema sa

mga bansang ito. Ikatlo, walang ideyal na kasarian para sa magiging anak ang mayorya ng

pamilya. At pang-apat, malaki ang pagpapahalaga ng mga nasabing bansa sa paggalang sa

nakatatandang miyembro ng pamilya. Ang mga pagkakatulad na ito ay masasabing ugat at

pundasyon ng epektibo at positibong interkultural na relasyon na maaaring magkaroon ang

mga nasabing bansa. May ilang pagkakaiba ang mga bansang Indonesia, Malaysia, Thailand

at Pilipinas sa aspeto ng sistema at pagpapahalaga sa pamilya. Una, ang bansang Thailand ay

masasabing strikto lalung-lalo na sa mga anak. Ikalawa, sa mga Malay, ang apelyido mula sa
ama ay ginagamit sa isang henerasyon lamang. At panghuli, ang mga sanggol sa Indonesia ay

kinakarga hanggang sa kanilang ika-pitong buwan.

Sa pagkakatulad ng Malaysia, Indonesia, Pilipinas at Thailand, ang mga bansang ito ay

naimpluwensyahan ng iba’t-ibang relihiyon. Ang bansang Indonesia, Malaysia at Pilipinas ay

may relihiyong Islam at Kristyanismo. Ang Thailand, Indonesia at Malaysia naman ay

mayroong Hinduismo at Buddismo. Pagdating naman sa kasal, ang pagkakatulad ng

Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Thailand; ito ay itinuturing na mahalaga at magarbong

okasyon. Pinapahalagahan rin nila ang mga tradisyunal na seremonya at ang pahintulot ng

mga pamilya nila. Sa pagkakaiba naman ng apat na bansa, ang Pilipinas ay mayroon pa ring

mga relihiyong Aminism at Shamanism at sa ibang bahagi ng bansa, mayroong mga maliliit

na sektor ng Philippine Independent. Sa Indonesia, mayroon pa ring Konfusyanismo. Sa

Malaysia naman, mayroon silang mga tradisyunal na relihiyong Tsino at sa Thailand ay

mayroong dalawang uri ng Buddismo, ang Theravada at Hamayana. Sa Pagpapakasal, higit

na umiiral sa Pilipinas ang malayang pagpili ng ikakasal at sila lamang ang walang Diborsyo.

Sa Indonesia naman, higit na umiiral ang arranged marriage upang maituloy ang

pagkakasundo ng pamilya at ito ay itinuturing na isang seremonya sa pagpasok ng

pagkatanda at kilalang miyembro ng komunidad. Ang ikinaiba ng Malaysia sa apat ay ang

mahabang seremonya bago ang mismong kasal: ang Hantar Tanda o ang pagsalita ng pamilya

ng lalaki, Bertunang o ang engagement, Bersanding o ang enthronement, Akad Nikah o ang

mismong kasal at ang Berinai o ang seremonya kung saan linalagyan ng henna ang kamay ng

bagong kasal. Sa Thailand naman ay mayroong tema mula sa kanluran para sa resepsyon o

kaya’t sa kasalang interracial at sa araw bago ang kasal, mayroong seremonya ng mga

Buddhist Monks para sa ikakasal.


VI. Kongklusyon

Sa katapusan ng pananaliksik, napag-alaman ng mga mananaliksik na higit na

nangingibabaw ang mga pagkakatulad sa kultura ng mga bansang Malaysia, Indonesia,

Thailand, at Pilipinas sa aspeto ng edukasyon, social values, relihiyon at pagpapakasal, at sa

sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya.

Ang kultura ang siyang nagbibigay ng pagkakakilanlan ng isang bansa sa buong

mundo, kung kaya’t mahalaga ito sa pag-aaral ng mga relasyon ng iba’t ibang bansa. Ang

pagiging bukas-isip at may kamalayan sa iba’t ibang kultura ang susi sa interkultural na

pagkilala, at sa pagitan ng mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas, madaling

maging bukas sa kultura ng ibang bansa dahil, ayon sa napag-alaman sa pananaliksik, higit na

nangingibabaw ang mga pagkakatulad sa kultura kung kaya’t hindi na kinakailangang

tumingin sa malayo ang isang mamamayan ng mga nasabing bansa upang unawain ang

kultura ng mga kalapit nitong bansa.


Sanggunian:

1. Abinales, P. N., & Amoroso, D. J. (2005). State and society in the Philippines.

Lanham, MD: Rowman & Littlefield.

2. Athyal, J. (Ed.). (2015). Religion in Southeast Asia: An encyclopedia of faiths and

cultures. Santa Barbara, California: ABC-CLIO.

3. Chomchai, P. (1974). Curriculum Reform with Reference to General Education in

Southeast Asia. Bangkok, Thailand: ASAIHL.

4. Education and Poverty in the Philippines. (n.d.). Education, Poverty, Malnutrition

and Famine : Education as a Humanitarian Response.

doi:10.5040/9781472593344.ch-007

5. Education and Poverty in the Philippines. (n.d.). Education, Poverty, Malnutrition

and Famine : Education as a Humanitarian Response.

doi:10.5040/9781472593344.ch-007

6. Francia, L. (2010). A history of the Philippines: From Indios Bravos to Filipinos.

New York: Overlook Press.

7. Jones, G. W., Hull, T. H., & Mohamad, M. (Eds.). (2011). Changing Marriage

Patterns in Southeast Asia: Economic and Sociocultural Patterns. Abingdon, Oxon:

Routledge.

8. Lowenberg, P. H. (1983). Literacy in Indonesia. Annual Review of Applied

Linguistics, 4, 124. doi:10.1017/s0267190500000118

9. Musa, M. (2007). Towards a competitives Malaysia: Development challenges in 21st

century. Petaling Jaya: Strategi Information and Research Development Center.


10. Philippines - Education. (n.d.). Foreign Law Guide. doi:10.1163/2213-

2996_flg_com_155063

11. Progress In Education In The Philippines. (1913). School Science and Mathematics,

13(2), 156-156. doi:10.1111/j.1949-8594.1913.tb07668.x

12. Puthucheary, M. (1978). The politics of administration: The Malaysian experience.

Kuala Lumpur: Oxford University Press.

13. S. (2005). Malaysia: Recent Trends and Challenges. Institute of Southeast Asian

Studies.

14. Santiago, E. M., Kahayon, A. H., & Limdico, M. P. (1989). Panitikang Filipino:

Kasaysayan at pag-unlad: Pangkolehiyo. Metro Manila, Philippines: National Book

Store.

15. Silcock, T.H. (1964). Southeast Asian University. Durham, North Carolina: Duke

University Press.

16. Student assessment in Thailand. (2016). Reviews of National Policies for Education

Education in Thailand, 133-188. doi:10.1787/9789264259119-8-en

17. Thailand - Education. (n.d.). Foreign Law Guide. doi:10.1163/2213-

2996_flg_com_185063

18. Thumboo, E. (1996) Cultures in ASEAN & the 21st Century, New York: Unipress

19. Winzeler, Robert L., ed. Indigenous Peoples and the State: Politics, Land, and

Ethnicity in the Malayan Peninsula and Borneo, 1997.


20. Global Affairs Canada (2016) Cultural Information – Thailand. Retrieved from:

https://www.international.gc.ca/cil-cai/country_insights-apercus_pays/ci-

ic_id.aspx?lang=eng

21. Alampay, L. P. & Jocson R. M, Attributions and Attitudes of Mothers and Fathers in

the Philippines. NCBI, US National Library of Medicine, National Institutes of

Health.

22. Philippine Commision on Women (2014), Population, families and household

statistics. Retrieved from: http://pcw.gov.ph/statistics/201405/population-families-

and-household-statistics

23. Philippine Statistics Office (2012), Civil Registration - Legitimation. Retrieved from:

https://psa.gov.ph/civilregistration/legitimation

24. Pondoyo, G.A.C. (n.d), The Filipino Family and Filipino Values. Retrieved from:

https://www.scribd.com/doc/74642455/The-Filipino-Family

25. Villareal-Aguila, M.C., (2003), Parenting Styles: A Comparison. Miriam College

Faculty Research Journal.

26. Jocson, R.M., Alampay, L.P. & Lansforn, J. E. (2012), Predicting Filipino Mothers’

and Fathers’ Reported Use of Corporal Punishment From Education, Authoritarian

Attitudes, and Endorsement of Corporal Punishment. doi:

10.1177/0165025411428249

27. Alampay, L. P (2013), Parenting in the Philippines. Retrieved from:

http://link.springer.com/chapter/10.1007%2F978-94-007-7503-9_9

28. Ilfeld, E.M., Ed. & Hanssen, E., Ed., (1997), Gender Issues. 6 The Lope, Haydenville,

MA, Consultative Group on Early Childhood Care and Development. Retrieved

from: http://files.eric.ed.gov/fulltext/ED413078.pdf
29. Hirschman, C. (2016), Malaysian Journal of economic Studies Vol 53 No. 1 – Gender,

the Status of Women, and Family Structure in Malaysia. Retrieved from:

https://faculty.washington.edu/charles/new%20PUBS/A127.pdf

30. Department of Statistics Malaysia, Official Portal (n.d.), By Themes – Population &

Demography. Retrieved from:

https://www.statistics.gov.my/index.php?r=column/ctwoByCat&parent_id=115&me

nu_id=L0pheU43NWJwRWVSZklWdzQ4TlhUUT09

31. McGoldrick, M., Giordano, J. & Garcia-Preto, N. (2005), Ethnicity & Family

Therapy Third Edition. New York, London, The Guilford Press.

32. Central Intelligence Agency (n.d), The World Factbook. Retrieved from:

https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/id.html

33. Central Intelligence Agency (n.d), The World Factbook. Retrieved from:

https://www.cia.gov/library/publications/resources/the-world-factbook/geos/my.html

34. Central Intelligence Agency (n.d), The World Factbook. Retrieved from:

https://www.cia.gov/library/publications/resources/the-world-factbook/geos/th.html

35. Central Intelligence Agency (n.d), The World Factbook. Retrieved from:

https://www.cia.gov/library/publications/resources/the-world-factbook/geos/rp.html

36. Central Intelligence Agency (n.d), The World Factbook. Retrieved from:

https://www.cia.gov/library/publications/resources/the-world-factbook/geos/us.html

37. Central Intelligence Agency (n.d), The World Factbook. Retrieved from:

https://www.cia.gov/library/publications/resources/the-world-factbook/geos/ch.html

38. Central Intelligence Agency (n.d), The World Factbook. Retrieved from:

https://www.cia.gov/library/publications/resources/the-world-factbook/geos/ja.html

39. Religion in the Philippines: Brief Overview. (2009). Retrieved November 19, 2016,

from http://tagaloglang.com/religion-in-the-philippines/
40. Borlongan, J. (n.d.). Filipino Customs and Traditions: Courtship, Engagement and

Marriage [Editorial].

41. Investments, I. (n.d.). Religion in Indonesia. Retrieved November 19, 2016, from

http://www.indonesia-investments.com/culture/religion/item69

42. Malaysia Official Yearbook 90/91. (1991).

43. Stephens, H., Black, S., & Brooke, M. (n.d.). Insight Guides: Malaysia (5th ed.).

44. Yee, K., & Gordon, C. (1999). Do's and Don'ts In Thailand (3rd Revised ed.). Saun

Luang, Bangkok: Book Promotion & Service.

45. Cooper, R., & Cooper, N. (n.d.). Culture Shock! A Guide To Customs And Etiquette:

Thailand.

46. Amir, D. (n.d.). Malaysian Customs and Etiquette: A Practical Handbook.

47. Moore, W. (1991). Introduction to Malaysia. Odyssey Guides.

You might also like