Silaw NG Pag-asa-Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Silaw ng Pag-asa

Sanaysay
Parang bombang sumabog sa ating lahat nang inanunsyong opisyal nang
pandemya ang nararanasan natin noong una-una ng taong 2021. Walang handa,
walang plano, at higit sa lahat—walang nakapag-predikta ng mangyayari. Ang
dating mahirap, ay lalo pang naging dukha hanggang sa umabot sa puntong hindi
na nila alam kung saan kukuha ng ipanglalaman sa kani-kanilang mga sikmura sa
bawat araw na nagdadaan. Napilitan tayong manatili sa loob ng apat na sulok ng
ating tahanan, malayo sa paaralan na ating araw-araw na tinatapakan.

Isang malaking dagok para sa lahat ang nangyari lalo na sa mga frontliners
na patuloy na lumalaban sa pagtigil ng paglaganap ng sakit na bumabalot sa ating
mundo ngayon. Tinitiis nila ang sakit at pagod ng katawan sa bawat paglubog ng
araw, sakripisyong kagila-gilalas kung iisipin. Sa kabila ng mga pangyayaring ito,
nais kong ipadala ang mensaheng ito para sa mga taong patuloy lumaban at
lumalaban upang manatili kaming lahat na ligtas sa pagsubok na aming
nararanasan ngayon. Ang inyong paglilingkod sa ating lipunan ay hindi
matutumabasan ng kung ano mang bagay. Patuloy kaming mananalangin para sa
inyong katatagan ng loob at sa patuloy na pagtupad ng inyong mga tungkulin.
Isang mainit at mahigpit na yakap ang layon kong maiparamdam sa inyo sa mga
panahong ito. Kayo ay maituturing na bayani ng ating makabagong panahon. Ang
patuloy niyong paglaban para sa pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan ng
bansa ay hindi kailanman matatawaran, hatid ko ang isang pagsaludong paghanga
ang dala.

Sa panahon ng kagipitan, laging may kabayanihan na lumalabas sa puso ng


lahat. Serbisyo at sakripisyo nilang lingkod sa mga mamamayan ay nagpapakita
lamang ng pagmamahal sa bansa, bayan, at kapwa ng mga ito. Muli, galak akong
nagpapasalamat sa inyong lahat. Hangad ko na sa huli ay matapos na ang
pandemyang ito at nang makapagpahinga na kayo sa bigat at pagod na inyong
nararamdaman ngayon dulot nito.

You might also like