Professional Documents
Culture Documents
Linggwistika Group 2
Linggwistika Group 2
Linggwistika Group 2
Fil102:
PANIMULANG
LINGGWISTIKA
KAHULUGAN AT KASAYSAYAN NG
LINGGWISTIKA
LINGGWISTIKA, LINGGWISTA, AT ANG GURO
NG WIKA
ANG LINGGWISTIKA SA PAGLINANG NG
WIKANG FILIPINO
Inihanda nina:
Aquino, Estefanie C.
Bulatao, Carmela S.
Cayabyab, Julie A.
Cayabyab, Mary Ann V.
De Guzman, Mytha Erica S.
Dela Cruz, Mary Grace M.
Martin, Rosalinda M.
Parinas, Aljohn S.
KAHULUGAN AT KASAYSAYAN NG
LINGGWISTIKA
LINGGWISTIKA, LINGGWISTA, AT ANG
GURO NG WIKA
ANG LINGGWISTIKA SA PAGLINANG NG
WIKANG FILIPINO
Mga Layunin
Natatalakay ang kasaysayan ng linggwistika
Nakikilala ang mga linggwista sa iba’t ibang panahon
Natutukoy ang kahalagahan ng linggwistika sa pagtuturo ng wika.
Nailalarawan ang isang linggwista at guro ng wika
Napahahalagahan ang pag-aaral ng linggwistika sa paglinang ng
wikang Filipino
Talakayan
KAHULUGAN NG LINGGWISTIKA
LINGGWISTIKA
Sa simpleng pagpapakahulugan, ito ang maagham na paraan ng pag-
aaral ng wika.
Ang linggwistikang tinutukoy ay ang APPLIED LINGUISTICS – uri ng
linggwistikang maaaring pakinabangan ng mga guro ng wika. (Hemfill,
1962)
Ito ay naiiba sa pagiging polyglot o anawnser.
LINGGWISTA
Ang tawag sa isang taong nagsasagawa ng maagham na paraan ng
pag-aaral ng wika.
Ang linggwista ay hindi laging maraming alam na wika
Maaaring matawag na linggwista ang isang tao kahit isa, dalawa, o
tatlong wika lamang ang kanyang alam.
Nasusuri nito ang wika kahit hindi siya marunong magsalita nito sa
pamamagitan lamang ng mga impormante.
1. PROSESO NG PAGMAMASID
Ang pagtitipon ng obhektibo at walang kinikilingang mga datos at ng
mga obserbasyong hindi nakukulayan ng emosyon ay pinaka unang
hakbang na karaniwang isinasagawa ng isang lingguwistika.
Ang pinakasaligan ng lahat ng maagham na pagsusuri
Sa wika ang pagmamasid ay maaring tungkol sa katangian ng wika
mismo.
Halimbawa: mga tunog – pantig – salita – pangungusap at ang
pagbabagu-bago ng tunog o mga tunog dahil sa impluwensya ng
kaligiran
Puwede rin sa nagging epekto ng wika sa tao.
Halimbawa: mga gawi at paniniwala, pagbibigay-kahulugan sa mga
bagay-bagay at pangyayari sa paligid na nasasalamin sa wika.
2. PROSESO NG PAGTATANONG
Ang paglalahad ng suliranin o ng tanong ay maaaring
kasabay,kasunod o una sa proseso ng pagmamasid.
May mga katanungang iniiwasang ibigay at talakayin ng mga
lingguwistika sapagkat ang mga datos na kailangan ay hindi nila
matatamo sa kasalukuyan sa abot ng kanilang kaalaman at
kakayahan.
Ang tinatangka lamang itanong ay ang masasagot ng linggwista sa
maagham na paraan.
Gumagamit ng mga katawagan o mga terminolohiyang may tiyak at
malinaw na kahulugan upang siya ay maunawaan ng mga taong iniisip
niyang makikinabang sa resulta ng kanyang pag-aaral.
3. PROSESO NG PAGKLASIPIKA
Laging tinatangka ng isang lingguwistika na maisaayos ang bunga ng
kayang pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikong paraan.
4. PROSESO NG PAGLALAHAT
Ang pagtitipon o pagkolekta ng mga datos at ang pagklasipika sa mga
ito ay kailangang humantong sa paglalahat,pagbubuo ng mga
hipotesis, ng mga teorya at prinspyo ng mga tuntunin o batas.
Dapat humantong sa pagbuo ng nasabing abstraksyon ayon sa
nagging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusring
isinasagawa sa mga mga datos.
KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA
Kasaysayan ng Linggwistika sa Daigidig
Masasabing nagsimula ang maagham na pag-aaral sa wika mula ng
magtanung-tanong ang tao ng ganito:
Bakit hindi magkakatulag ang mga wikang sinasalita ng tao?
Papaano nalikha ang unang salita?
Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy
nito?
Bakit ganito o gayon ang tawag sa ganito o ganiyong
bagay? … atbp.
MGA TEOLOGO
Sa kanila nagbuhat ang unang sagot sa mga katanungan sa itaas.
Sinasabi nilang nilikha ng Diyos ang wika.
Sinasabing ang pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa daigdig ay parusa
ng Diyos sa pagmamalabis ng tao (gaya ng natalakay sa kabanata I.)
IKA-19 NA SIGLO
Nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang agham-wika.
Nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng mga wika na
humahantong sa pagpapangkat-pangkat ng mga ito ayon sa
pinagmulang angkan.
Ang pagsusuri sa wika ay hindi lamang palarawan (descriptive) kundi
sumagot pa rin sa bakit ng mga bagay-bagay tungkol sa wika.
Lumitaw ang iba’t ibang disiplina sa linggwistika.
Sa panahong ito nakilala ang tungkung-kalan sa linggwistika:
a. Franz Bopp (Sanskrit)
b. Jacob Grimm (Aleman)
c. Rasmus Rask (Icelandic)
Ang mga linggwistang ito’y sinundan ng marami pang iba tulad nina:
Rappf
Breadsdorff
Schiecher
Curtios
Madvig
Muller.
Whitney
Tinangka nila ihambing ang mga wikang tulad ng Sanskrito, Griyego,
Latin, Italyano, Espanyol, Pranses, atbp. sa wikang Ebreo na itinuturing
ngang pinakasimula ng lahat ng wika sa daigdig ng mga panahong
iyon.
Panimulang Linggwistika
Anthropological Linguistics
Panimulang Linggwistika
Panahon ng Kastila
Ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas, ayon kay Scheerer (1918) ay
isinagawa ng mga misyonerong Kastila na karamihan ay mga paring
Heswita at Dominikano sa layuning mapabilis ang pagpapalaganap
ng kristiyanismo sa dakong ito ng daigdig .
Panimulang Linggwistika
NAUUKOL SA GRAMATIKA:
1. ' Arte y Vocabulario de la Lengua Tagala'
> ni Pari Juan de Quiñones.
> nilimbag noong 1581
2.'Arte y Reglas de la Lengua Tagala'
> ni Pari Francisco Blancas, O. P
> nilimbag ni Tomas Pinpin noong 1610
3.'Arte de la Lengua Tagala'
> ni Pari Gaspar de San Agustin
> nalathala noong 1703
muling nilimbag noong 1787
4.' Nueva Gramatica Tagalog'
> ni Pari Juan Coria(1872)
5.'Ensayo de Gramatica Hispano- Tagala'(1878)
> ni Pari Torobio Minguella
6.Pari Juan de Plasencia
>sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa Tagalog at
isang katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong 1582
NAUUKOL SA TALASALITAAN:
1.'Vade-Mecum o Manual de la Conversacion Familiar Espanyol-
Tagalog,Seguido de un Curioso Vocabulario de Modismos Manileños'
> ni T.M
2.'Vocabulario de la Lengua Tagala'
> ni Pari de San Buenaventura
3..'Vocabulario de la Lengua Tagala'
> nina Pari Juan de Noceda at Pari de San Lucar(1754)
4.'Nuevo Diccionario Manual Español-Tagala'
> ni Rosalio Serrano
Panimulang Linggwistika
Panahon ng Amerikano
Ang pagsakop ng Amerikano sa Pilipinas ang nagging sanhi ng
panibagong pagtingin sa pag-aaral sa mga wikang laganap sa
kapuluan.
Ang pangunahing layunin ng mga Amerikano ay maihasik sa
sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko.
Naging suliranin ng mga prayleng Kastila at sundalong Amerikano ang
kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang
maisakatuparan ang kani-kanilang layunin.
Inaral din ng mga Amerikano ang mga pangunahing wika ng kapuluan.
Dahil magiging madali ang pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino kung
mauunawaan ng mga guro ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles
sa iba’t ibang wika sa kapuluan.
WIKANG INDONESYO
Dito umano nagmula ang mga wika sa Pilipinas (malaban sa
Chavacano, lumaganap sa Cavite, Zamboanga, at Ermita , buhat sa
wikang Espanyol).
Panimulang Linggwistika
Ayon kay Conant (na nanatili mula noong 1903 hanggang 1936 sa
Pilipinas) bilang tagapagsaling-wika ng pamahalaan, karamihan sa mga
wika sa Pilipinas ay may tunog na g sa RGH na katinig, na ang ibig
sabihin ay nagiging g sa karamihan ng wika sa Pilipinas ang PMP *R,
bagamat ang ilan ay nagiging r,l, o kaya’y y.
Pinangkat ni Conant ang mga wika sa Pilipinas ayon sa kinauuwian ng
RGH sa katinig.
Sa pagsusuri niya:
Tagalog, Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Kinaray-a,
Romblomanon, Ibanag, Magindanao, Tausug, Sulu, at Bagobo –
ay may wikang g
Ilokano at Tirurai – ay wikang r
Pangasinan, Kankanai, Ibaloi, Bontoc, at Calamian – ay wikang l
Pampango, Ivatan, at Sambal – ay wikang y
PANAHON NG KALAYAAN
Panimulang Linggwistika
CEBUANO
Anderson – nagsagawa noong 1965 ng paghahambing sa pagsusuri
ng Cebuano at Ingles na ginamitan ng ‘Transformational Model’ ni
Chomsky.
John Wolff (1966 – 1967) – magkasunod na nag palathala ng 2
bolyum ng mga aralin sa Cebuano. Ang gramarika ng Cebuano ay
ayon sa modelo ni Bloomfield.
ILOCANO
H.MacKaughan at J. Forster (1952) – nagsagawa ng unang
deskripsyon ng gramatikang Ilokano pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdiv na inilahad sa kanilang ‘Intensive Course’.
Ito ay inihanda upang magsilbing patnubay o modelo sa paghahanda
ng katulad na mga gramatika sa ibang wika sa Pilipinas sa darating na
mga taon.
Ito ay batay sa ‘Outline Ilocano Syntax’ ni Bloomfield.
Isa naming Transformational-Generative Grammar ng Ilocano ang
isnulat ni Constantino (1959) para sa kanyang disertasyon sa Ph. D.
kung saan ang modelong ginamit ay ang kay Chomsky sa ‘Syntactic
Structures’.
B. Sibayan – nagsagawa ng pahambing na pagsusuri sa mga
ponemang segmental ng Ilocano at ng Ingles noong 1961 sa kanyang
disertasyon sa Ph. D.
KAPAMPANGAN
Castrillo (1955) – ang kanyang tesis sa M.A. sa UP ay tumalakay sa
balangkas ng mga pangungusap sa Kapampangan.
Clardy (1958) – gumawa ng disertasyon sa Ph.D. na sumusuri sa mga
ponema ng Kapampangan, ang kanilang mga alopono at distribusyon.
Tabasondra (1962) – gumawa ng artikulong sumusuri sa ponema ng
Kapampangan at inihambing sa mga ponema ng Ingles.
Perez (1964) – nagmula siya sa PNC at nagsulat ng tesis sa M.A. na
may pamagat na ‘Pampango ang Pilipino Cognates: Sound and
Spelling Relationship’
HILIGAYNON
Juntado (1961) at Ruiz (1963) – sumuri at naghambing ng balangkas
ng Hiligaynon sa Ingles sa kani-kanilang disertasyon sa Ph. D.
WARAY
J. at I Wolff (1967) – sumuri sa Waray sa pamamagitan ng kanilang
aklat na “Beginning Waray-waray” kung saan batay ito sa modelo ni
Bloomfield.
PANGASINAN
Schachter (1959) – sumuri at naghambing ng Pangasinan sa Ingles sa
kanyang disertasyon para sa Ph. D. kung saan ito ay nagging batay sa
modelong transpormasyonal ni Chomsky sa kanyang ‘Static Structure’
Binansagan niya ang kanyang gawa ng ‘From Pangasinan to English’.
Panimulang Linggwistika
BALARILA
Sa mga nakaraang taon mas pinahalagahan at binigyang diin ang
panitikan kaya nga’t pagkaraan ng ilang taon ay bigla na lamang
tayong namulat na lubha pala nating napabayaan ang balarila ng wika.
Nanangan tayo sa akalang ang wikang pambansa ay mapapaunlad
lamang sa panitikan. Ito rin ang dahilan kung bakit nahihirapan tayo sa
paksang teknikal, tulad ng agham, matematika, medisina, batas,
inhinyerya at iba pa.
Sanggunian:
Santiago, Alfonso O. (2004). Panimulang Linggwistika. Quezon City,
Philippines. Rex Printing Company, Inc.