Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Holy Cross College

Sta. Ana, Pampanga

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Self-Learning Module:
FILIPINO SA PILING LARANGAN
(AKADEMIK)
Inihanda ni:
JOSELITO T. MACAPAGAL, LPT
Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

Aralin 2 Pagbuo, Pag-uugnay at Pagbubuod ng mga Ideya

ABOT-TANAW

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga

sumusunod:
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagbuo, pag-uugnay at pagbubuod
ng mga ideya sa isang akademiko at mapanuring sulatin;
• Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng mga anyo ng pagbuo, pag-
uugnay at pagbubuod ng mga ideya; at
• Nakakagawa ng buod ng isang sulating akademiko.

PAGLILINANG

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa kahon at
isulat sa patlang bago ang tambilang.

abstrak buod sinopsis

sisntesis presi hawig

________1. Ito ay naglalaman ng pangunahing ideya ng may akda na gamit ang sariling
salita o pangungusap ng isang indibidwal.

________2. Ito ay karaniwang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng

pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

________3. Ito ang tinatawag na paraphrase sa Ingles.

________4. Ito ay buod ng buod.

________5. Ito ay ang pagsasama-sama ng dalawa o higit pang buod upang makabigay
ng koneksyon sa pagitan ng isa o higit pang sulatin.

PAGHAHASIK

I. MGA TERMINONG MAHALAGANG TANDAAN

• Buod. Ito ay siksik at pinaikling bersiyon ng teksto.
• Hawig. Ito ay ang paglalahad ng mga ideya sa isang bagong anyo o estilo.
• Presi. Ito ay pinaikling buod at halos ang pinakatesis na ng akda ang tinatalakay.
• Sinopsis. Ito ay ang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
• Sintesis. Ito ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling
pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa iba’t ibang
pinanggalingan ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang kabuuan.

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 2

Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

• Teksto. Ito ay maaring babasahin, pinanood o pinakinggan na naglalaman ng mga

ideya tungkol sa iba’t-ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay.

II. PAGTALAKAY SA ARALIN

Basahin ang pahina 64-81 sa inyong aklat na Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
para pagtalakay.

PAGSUSUHAY
I. PANUTO: Basahing mabuti ang teksto na nasa ibaba. Pagkatapos, gawan ito ng buod at
prezi.

Para saan ang COVIDSafe app?

Ang COVIDSafe app ay bahagi ng gawain ng Pamahalaang Australya upang pabagalin ang
pagkalat ng COVID-19. Sa pagkakaroon ng kumpiyansya na mahahanap at makokontrol natin
ang mga pagsulpot (outbreak) nang mabilis ay nangangahulugan na maaari nang paluwagan
ng mga pamahalaan ang mga paghihigpit habang pinapanatili pa ring ligtas ang mga
Australyano. Ang COVIDSafe app ang tanging contact tracing app na inaprobahan ng
Pamahalaang Australya.

Ang bagong COVIDSafe app ay ganap na boluntaryo. Ang pag-download ng app ay isang
bagay na magagawa mo para protektahan ang iyong sarili, ang iyong pamilya at mga kaibigan
at iligtas ang buhay ng iba pang mga Australyano. Kung mas maraming mga Australyano ang
kokonekta sa COVIDSafe app, mas mabilis na mahahanap ang virus ng mga opisyal ng kalusugan
sa estado at teritoryo at makokontak ang mga tao na maaaring nalantad sa COVID-19.

Pinabibilis ng COVIDSafe app ang kasalukuyang manwal na proseso ng paghahanap sa mga

tao na nakisalamuha sa isang taong may COVID-19. Nangangahulugan ito na ikaw ay mas mabilis
na makokontak kung ikaw ay nasa panganib. Binabawasan nito ang mga tyansa na ikaw ay
maglipat ng virus sa iyong pamilya, mga kaibigan at iba pang mga tao sa komunidad.

Maaari lamang ma-access ng mga opisyal ng kalusugan sa estado at teritoryo ang

impormasyon ng app kung ang isang tao ay nag-positibo sa test at sumang-ayon na ang
impormasyon sa kanilang telepono ay ma-upload. Maaari lamang gamitin ng mga opisyal ng
kalusugan ang impormasyon ng app upang maalertuhan ang mga taong maaaring kailangang
ikuwarentena o ipa-test.

Pinanggalingan:https://www.health.gov.au/sites/default/files/documents/2020/06/papel-pangkaalaman-ang-
kailangan-mong-malaman-tungkol-sa-coronavirus-covid-19-coronavirus-covid-19-what-you-need-to-
know.pdf

Buod ng teksto:
________________________________________________________________________________________

Prezi:

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 3

Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

II. PANUTO: Magsaliksik at ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng VARIANT at

STRAIN ng Coronavirus. Gamitin ang Venn diagram sa ibaba.

STRAIN VARIANT

PAGAKAKATULAD

II. PANUTO: Magsaliksik patungkol sa iba’t ibang bakuna laban sa corona virus at gawan ng
sintesis grid ang mga ito. Gamitin ang matrix sa ibaba. Pagkatapos ay ipaliwanag
ang pangkalahatang ideya sa loob ng lima hanggang pitong pangungusap.

Bansang
Markahan Sino/sino-sino
pinanggalingan
ng ✔ kung Paraan ng ang pwedeng Mga
Bakuna at
aprubado ng paggamit paggamitan side effect
kompanyang
FDA nito?
gumawa nito

Pfizer-
BioNTech

Moderna

Jansenn

CoronaVac

Covaxin

AztraZeneca

Sputnik V

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 4

Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

PAGHAHAWAN

I. PANUTO: Tukuyin kung ano ang inilalahad sa bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay isang maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu,

proceedings, at papel-pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain
na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
A. Sintesis B. Abstrak C. Sinopsis D. Abstrak

2. Ito ay ginagamit upang ilahad ang ideya ng awtor sa bagong estilo.

A. Pagbubuod B. Paghahawig C. Paglalagom D. Paglalahat

3. Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang

sari-saring ideya o datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan ay mapagsama-sama at
mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad.
A. Sintesis B. Abstrak C. Sinopsis D. Abstrak

4. Kalimitan itong tinatawag na jacket blurb.

A. Sinopsis B. Analisis C. Sintesis D. Paraphrasis

5. Ito ay isang uri ng pagbubuod na kalimitang ginagamit sa mga akdang na sa tekstong

naratibo o kadalasan ng piksyon.
A. Buod B. Sinopsis C. Abstrak D. Analisis

6. Isang hakbang sa pagbuo ng sintesis na kung saan nakapaloob dito ang pangalan ng
may-akda, pamagat, impormasyon tungkol sa may-akda, teksto at paksa.
A. Introduksiyon B. Katawan C. Kongklusyon D. Rekomendasyon

7. Ang sintesis ay mula sa salitang Griyego na ____________.

A. Synthai B. Syntithenai C. Sysnthenai D. Syntinai

8. Isang hakbang sa pagbuo ng sintesis na ibunubuod ang nakitang mga impormasyon

at pangkalahatang koneksiyon ng iba-ibang pinagsamang ideya. Maaaring
magbigay-komento rito o kaya’y magmungkahi.
A. Introduksiyon B. Katawan C. Kongklusyon D. Rekomendasyon

9. Ito ay pagsama-sama ng mga ideya tungo sa isang pangkahalatang kabuuan.

A. Sintesis B. Paraphrase C. Sinopsis D. Paghahawig

10. Ito ang buod ng buod.

A. Sintesis B. Prezi C. Sinopsis D. Abstrak

II. PANUTO: TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag
kung hindi, isulat ang MALI sa patlang bago ang tambilang.
______________11. Isa sa katangian ng abstrak ay gumagamit ng mga simpleng
pangungusap.
______________12. Sa pagbuo ng sintesis, organisahin ang mga ideya upang masuri kung
may nagkakapareho.
______________13. Hindi na kailangan gumagamit ng mga simpleng pangungusap sa isang
abstrak.
______________14. Kabaligtaran ng analisis ang sintesis.
______________15. Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil nanggagaling
ang mga ito sa iba’t ibang batis ng impormasyon.

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 5

You might also like