Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

1

Ustp Villanueva campus

Filipino 101 bsemt (abc)


TAKDANG ARALIN

PANGKATANG GAWAIN:
1. Basahin ang mga impormasyong nakapaloob sa bawat grupo ng mga tao sa
Pilipinas.
2. Ilista sa loob ng talahanayan (table) ang mga natukoy na natatanging kultura ng
nasabing grupo.
3. Uriin ang mga nailistang kultura ayon sa Materyal at Di-materyal na Kultura.

PAALAALA: Mas Mabuti kung makapagsaliksik pa at makahanap ng mga karagdagang


impormasyon na hindi nakasaad sa tekstong babasahin kaugnay sa mga naiaatas na
paksa sa bawat pangkat. Isang papel lang bilang awtput ang ipapasa ng bawat
pangkat.

Natatanging Kultura Material na Kultura Di-materyal na Kultura

PANGKAT 1 – ARALIN 3.1


PANGKAT 2 – ARALIN 3.2
PANGKAT 3 – ARALIN 3.3
PANGKAT 4 – ARALIN 3.4
PANGKAT 5 – ARALIN 3.5

Aralin 3: Ilang Grupo sa Pilipinas na May Natatanging Kultura

May mga katanungan marahil ang ilan sa pag-usbong ng iba’t ibang grupo o pangkat na may
natatanging pinapaniwalaan na iba sa karaniwang mga samahan o pangkat na kilala na sa
buong Pilipinas tulad ng Rotary, Lions, Samahan ng mga Magsasaka, Couples for Christ , Ang
mga Mangagawang Pilipino, at marami pang iba. Ang kakaibang mga grupong ito ay may mga
kaugalian na taliwas kung minsan sa mga sinusunod ng iba. Naging palaisipan sila sa hindi
nakakaalam at kung makikilala naman sila ay lalong naging misteryoso ang gawain nila sa
pagtingin ng mga nag-iisip na hindi sila normal na mga indibidwal. Ang mga paghuhusgang ito
ay mabibigyan kasagutan o pagpapaliwanag sa bahaging ito kahit man lang sa kaunting
impormasyon tungkol sa mga grupong ito. Naririto ang iilan sa kanila.

3.1 Ang mga Rizalian sa Lungsod ng Dapitan


2

(mula sa pananaliksik nina: Ana Rheza B. Blase, Mary Cris E. Manlangit at Precious I. Salaveria)

Kilala ang mga Rizalian sa kanilang magaling na pagmamasahe at pagboboluntaryong


pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng parke ng Rizal Shrine. Nakadamit sila ng puti
kaya misteryoso sa mga mata ng mga taong bago pa lamang sila nakita. Isang samahan sila na
makikita sa Lungsod ng Dapitan. Tagasunod at naniniwala sila na si Dr. Jose Rizal ay isang Diyos.
May bagong kulturang umusbong sa likod ng samahan mayroon sila. Ang kulturang ito ay
nakasuporta sa interpretasyon nila sa Bibliya, kaya naman lahat ng kanilang ginagawa at
pinaniniwalaan ay binatay sa Bibliya. Mayroon din silang mahabang kasaysayan lalo na sa
simula ng kanilang pananampalataya kay Jose Rizal.

May sarili silang bersyon ng kasaysayan ng buhay ni Rizal na hindi sinabi sa mga aklat.
Ang sumusunod ang bersiyon nila ng kwento:

May isang reyna sa bansang England na nagngangalangang Victoria na nagdadalantao


habang nasa Pranses at bilang reyna kailangan niyang umuwi sa sarili niyang bansa para ang
kanyang anak ang mamuno at magmana ng kanyang trono. Habang nasa barko pauwi ay
ipinanganak niya ang isang babae na pinangalanan niya ring Victoria. Nang malapit na silang
makarating nanganak ulit siya ng isang lalaki. Nakita niya nang lumabas ang bata na malaki ang
ulo nito at hindi kaaya-ayang tingnan para sa kanila kaya napagdesisyunan niya na piliin ang
batang babae lalo na sa pamumuno at pagmana ng kanilang kaharian. Ibinalot niya ang batang
lalaki, inilagay sa kahon at pinaanod sa dagat. Napadpad ang bata sa kaharian ng Italya na agad
namang sinagip ng kaharian. Ang batang ito ay naging prinsipe at tagapagmana ng lahat ng nasa
kaharian pati na ang pagpunta sa Pilipinas.

Nang minsan itong bumisita, umibig ito sa isang babaeng Pilipina na kanyang nabuntis.
Dahil may dugong bughaw, hindi puwede sa kanila ang umibig sa hindi dugong bughaw. Dito
isinilang ang isang batang lalaki na pinangalanang Jose Protacio Rizal. Dahil ang babae ay hindi
mayaman dinala niya ang bata sa mayamang pamilya ni Doña Teodora Realonda Alonzo at Don
Francisco Mercado. Kaya sinabi ni Jose Rizal sa kanyang isang liham na “It seems that I am an
illegitimate child of the Mercado Family cause I am the only Rizal.” Dahil tatlong araw matapos
siyang ibigay ng kanyang ina kay Don Francisco, pagbukas nila ng lampin ay may pangalan na
itong Jose Protacio Rizal. Napagtanto nina Doña Teodora na ang bata ay hindi isang ordinaryong
bata lamang dahil noong dalawang taong gulang pa lamang siya ay marunong na itong
magbasa.

Sa murang edad ni Rizal ay mayroon na itong tatlong propesiya. Una, ang mapalaya ang
nakulong niyang ina; pangalawa gumawa siya ng rebulto ng sarili niyang imahen na
nagpapahiwatig na sa hinaharap ang lahat ng bayan sa Pilipinas ay gagawa ng kanyang imahe o
rebulto para kilalanin ang kanyang pangalan; at ikatlo, tinawag niyang Philippines in Century
Hills o ang Pilipinas sa ikasandaang taon. Nang nabubuhay pa si Rizal, isa ang lungsod ng
Dapitan sa Mindanao sa kanyang naging tahanan sa loob ng apat na taon bago siya ipinadala sa
Maynila para hatulan ng kamatayan noong 1896. Sa mga taong ito naging malapit sa kanya ang
lungsod, lalo na ang mga taong naninirahan mismo sa Barangay Talisay. Ibinahagi niya ang
3

kanyang mga kaalaman sa mga tao at hindi tumigil sa kanyang pagtulong at pagsasaayos ng
lugar. Naging guro siya ng mga bata at naging doktor sa lahat ng maysakit. Isa sa kanyang
inoperahan ay ang ama ni Josephine Bracken na naging kabiyak niya sa buhay at kinasama sa
Dapitan. Naging katuwang niya ang kanyang asawa sa lahat ng bagay at minsan na silang
biniyayaan ng anak ngunit nakunan si Josephine. Sa kanyang pagkamatay, hindi ito naging
dahilan para matigil ang kanyang nasimulan at hindi makalimutan ng mga tao ang kanyang mga
nagawa. Ipinagpatuloy nila ang mga nagawang ito ni Rizal at pinahalagahan ang mga bagay na
kanyang naipundar.

Isang taga-Lungsod ng Dapitan na pinangalanang Filemon O. Reambonanza ang minsang


dinalaw ni Rizal sa panaginip taong 1952. Sa unang gabing pagdalaw ni Rizal kay Filemon, higit
limang beses na nanaginip ang huli, at hanggang sa kanyang paggising ay nakita nito mismo si
Rizal na nakatayo sa kanyang paanan. Matapos ang kaganapang ito, hindi mapigilan ni Filemon
na sabihin sa mga tao ang mga nangyari sa kanya. Makalipas ang ilang araw nagpakita sa kanya
ang Panginoon at nagalit ito dahil ipinagkalat niya ang kanyang napanaginipan. Doon niya
napagtanto na iisa lamang si Hesus at si Rizal. Hindi pa binigyan ng atensyon ni Filemon ang
pangyayaring iyon. Noong 1970 nangyari ulit ang panaginip at dito na sinabi sa kanya ni Rizal
na ang Espiritu ng Panginoon ay nasa kanya at inatasan niyang si Felimon ang magbahagi ng
magandang balita sa mga tao at sabihing si Rizal ang Panginoon. Sa tulong ng boses na kanyang
naririnig, nagagawa niyang magbigay ng interpretasyon sa Bibliya. Hulyo 27, 1975 nang
sinimulan niya ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa mga kasamahang panday at sinulat
niya ang lahat na binigay sa kanyang karunungan. Agosto 5, 1975, tumigil siya sa pagtatrabaho
at pumunta sa Maynila para makilala ang mga nananampalataya kay Rizal na “Watawat ng
Lahi.”

Bago niya binuo ang kanilang samahan ay marami na ang kapareho nila ng paniniwala—
paniniwalang panginoon si Jose Rizal ng mga taga-Maynila na kilala sa tawag na “Watawat ng
lahi” at pinamumunuan ni Arceño de Guzman noong binuo niya ang grupo noong 1914. Si
Arceño de Guzman ay kaklase ni Jose Rizal at kaunaunahang pinakitaan ni Jose Rizal ng
kanyang espiritu. Sinabi ni Jose Rizal na siya ang Diyos at inatasan si de Guzman na bumuo ng
sekta na mananampalataya sa kanya.

Sumunod naman ang mga kwento nina Parabuac, Felix Milgar ng Ozamiz, Anastasio
Balase ng Zamboanga del Norte at Ruben Ecleo Sr. ng Surigao. Nagkaraoon ng hindi
pagkakaunawaan ang mga lider na nauwi sa pagkakawatak-watak ng ibang kasapi ng samahan.
Pumunta lahat ng mga lider sa Dapitan para malaman kung sino sa kanila ang pinili ng Diyos na
pasukan ng espiritu. Napili si Filemon na pasukan ng espiritu at nanirahan sa parke sa Dapitan.
Naging basehan nila ang pagkakaroon ng Pitong Espiritu ng Panginoon na makikita kay Felimon.
Ang pitong Espiritong ito ay ang banal na dugo ni Hesus, utak o karunungan at ang limang
pandama at kagustuhan ng gobyerno.

Sinasabing sa simula pa lamang ng daigdig, nang nabubuhay pa si Adan at Eba, ang


Balaang Espiritu ay nasa sa kanila na. Pagkatapos kay Adan ang mga sumunod na lalaki sa
Bibliya ay pinasukan din ng Espirtu: si Abraham, ang kilala na Father of All Nations; si Noah na
4

gumawa ng arko; at si Hesus, ang huling pinasukan ng Espiritu na isinaad sa Bibliya bilang anak
ng Diyos at siya ang ikaanimnapu na pinasukan ng Espiritu.

Naniwala sila na si Hesus at si Rizal ay iisa lamang sapagkat pumasok ang espirito kay
Rizal. Sina Hesus lamang at Rizal ang kanilang pinaniniwalaan at hindi ang Holy Trinity. Hindi sila
naniniwala sa Ama at Balaang Espiritu. Lahat ng kanilang pinaniniwalaan ay nakabatay sa Bibliya
dahil para sa kanila ang Bibliya ay may apat na bahagi—ang Kasaysayan, Agham, Matematika at
Propesiya.

Nang umakyat na sa langit ang espiritu ni Hesukristo, sinasabing lumilipat na sa mga


maimpluwensyang tao sa mundo ang Espiritu ng Panginoon sa loob ng labimpitong taon
matapos mamatay ang taong huling pinasukan ng espiritu. Ilan sa mga pinasukan Tiberius
Claudius Caesar Augustus Germanicus (Enero 24, 41 A..D-Oktobre 13,54 A.D), si Haring
Humabon ng Cebu, at si Jose Rizal na pandalawamputpitong tao na pinasukan ng espiritu.
Maliban sa mga makasaysayang nagawa ni Rizal at mataguriang bayani, siya rin ang Third
Witness of God at nagdeklara ng Mindanao is the Land of Promise. Kaya tinawag na The Land of
Promise ang Mindanao dahil ito ang pinaniniwalaang susunod na Mesapotamia o ang banal na
lugar na magiging langit sa hinaharap. Sinasabing hindi nagkakalayo ang mga nagawa ni Jose
Rizal sa mga nagawa ni Hesus noong nabubuhay pa siya sa mundo at nagkatawang tao. Ilan sa
mga ito ang pagtuturo sa mga bata maging sa matatanda tungkol sa magandang balita,
pagtulong sa kapwa sa kanilang pangangailangan lalo na ang may mga sakit (bilang isang
doktor), at ang pag-aalay ng sarili nitong buhay para iligtas ang buhay ng karamihan, na
itinuturing na makasay-sayang gawaing kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa
buong mundo.

Taong 1982 nang magsimulang dumami ang mga tagasunod ni Filemon sa Dapitan at
patuloy itong dumarami hanggang taong 1992. Sa taong ito naaprubahan sa Maynila ang
kanilang samahan bilang isang organisasyon na makikita sa Mindanao na may seksyon na
CN201410709 at pinangalanan nilang Kingdom of God ang mas kilalang Rizalista o Rizalian.
Kingdom of God ang kanilang pinangalan sa kanilang organisasyon dahil sa ideya na ang Dapitan
ang The Land of Promise, ang bagong Jerusalem at Mesapotamia. Mula rin ito sa Bibliya na
nangangahulugang kaharian ng Diyos. Si Filemon O. Reambonanza, bilang pinuno ng
samahan,ang nagbibigay ng mga utos at patakaran, maging ng kanilang mga pangangailangan.

Ang salitang Rizal ay mula sa salitang Espanyol na Ricial na ibig sabihin ay field where
wheat is cut while still green, and sprouts again. Naniniwala ang mga Rizalista na matapos
patayin si Jose Rizal sa Bagumbayan, isang Rizal ang isisilang pagkaraan ng labimpitong taon
mula ng kanyang kapanganakan noong taong 1861. Pinaniniwalaan ng mga Rizalista na si
Filemon, na ipinanganak noong taong 1931, ang bagong Rizal na tulad ni Jose Rizal ay pinasukan
ng Espiritu at siyang susunod na maghahari sa buong mundo at magpapatuloy sa mga nagawa
ng Panginoon. Ayon sa mga Rizalist; ang salitang Rizal ay hindi lamang tumutukoy kay Jose Rizal
dahil lahat ng tao na naniniwala kay Jose Rizal ay matatawag na Rizal kahit pa hindi ito
naniniwala na siya ay Diyos. Ang batayan ng pagiging Rizalian ay ang pananampalataya ng isang
tao at ang malalim na paniniwala na Diyos si Jose Rizal. Kaya ang naniniwala kay Rizal bilang
5

Jose Rizal lamang at hindi ang Rizal na Diyos ay hindi itinuturing na Rizalista o kasapi ng
samahan.

Nakabatay ang lahat ng kanilang paniniwala sa King James Version, Bibliya ng mga
Katoliko dahil sinasabi nilang malapit ito sa orihinal na bersiyon ng Bibliya at wala masyadong
binago. Sa tulong na rin ni Jose Rizal na dumadalaw sa panaginip ni Felimon, ay nabigyan ang
Bibliya ng interpretasyon na pinagbabatayan ng kanilang paniniwala.

Iba ang Rizalian ng Kingdom of God sa Talisay sa mga Rizalian na makikita sa ibang
bahagi ng bansa at iba rin ang tawag ng kanilang simbahan. Naging iba na ito sa mga grupong
may kapareho nila ng paniniwala sa dahilang nagiging tiwalag na ang ibang grupo sa totoong
paniniwala nila at may masasama nang adhikain. Ang pagkakatulad lamang nila ay ang
paniniwala na si Jose Rizal ay reinkarnasiyon ni Hesukristo. Sila ay iisa pero iba-iba ang
pamamaraan ng bawat grupo sa pagsamba. Sa Kingdom of God nakabatay lahat sa Bibliya ang
kanilang paniniwala.

Bilang pinuno ng samahan, si Filemon O. Reambonanza ang nagbibigay ng mga utos at


patakaran, maging ang pagbibigay ng kanilang pangangailangan. Para mas maging madali ang
gawain ni Filemon, mayroon siyang labindalawang (12) Apostoles at labindalawang (12) pari na
nagkakasal sa kanila. Bumibisita at nag-iikot-ikot sa iba’t ibang bayan ang mga ito para
magbahagi ng magandang balita sa mga bahay-bahay.

Hindi lahat ng mga miyembro ay ipinanganak na isa nang Rizalian dahil ang iba sa kanila
ay Katoliko o may ibang relihiyong kinalakhan. Pero minsan na rin silang dinalaw ni Jose Rizal sa
kanilang panaginip o di kaya sa panahong nangangailangan sila. Katulad na lamang nang
muntik nang may namatay ay nagpakita si Jose Rizal at sinasabing humawak ito sa taong
nangangailangan ng tulong para gamutin. Dahil nasaksihan ng iba na agad namang gumaling
ang mga ginagamot, nahikayat silang sumali sa samahang Rizalian. May iba namang minana na
lamang sa mga magulang ang pagiging Rizalian. Ang iba naman ay matanda na nang sumali sa
samahan. Karamihan sa mga sumasali sa samahan ay nagmula lang din sa Lungsod ng Dapitan.
Sa ngayon, tinatayang nasa humigit-kumulang 50,000 ang mga miyembro ng Rizalian sa buong
kapuluan. Nagiging daan sa pagsali sa samahan ang tatlong bagay–panaginip, pakikinig sa
radyo, at sakit.

Ngayon, itinuturing nilang Hari si Filemon O. Reambonanza o kilala sa tawag na Mahal


na Hari o Supremo dahil sa pagpasok ng espirtu sa kanya. Siya ang pinaniniwalaan nilang huling
papasukan ng espiritu sa mundo, matapos kay Jose Rizal. Bilang huling tao na pinasukan, siya
rin ang The Last Adam dahil 70 taon matapos ng kanyang kapanganakan wala nang sumunod na
pinasukan ng espiritu sa Pilipinas. Noong 2001, ang espiritu ni Adam, ang isinaad sa Bibliya na
kauna-unahang pinasukan ng espiritu ng Diyos, ay lumipat sa kanya. Dahil dito, matatawag na
rin si Mahal na Haring Filemon O. Reambonanza na Adam. Nakapag-asawa si Filemon ng limang
beses. Isa rito ay namatay na at ang apat ay kasama niya sa templo. Ang pagaasawa ng marami
ni Filemon ay hango sa pag-aasawa ni Hakub ng apat. Dalawa sa kanyang asawa ay kilala sa
6

tawag na Eba at Josephine Bracken dahil ang dalawang babaeng ito ay pinasukan ng espiritu
nina Eba at Josephine.

Binibigyang galang naman ng hindi mga Rizalian na nakatira sa lungsod ang mga
paniniwala at kulturang mayroon ang Rizalian sapagkat mayroon silang mabubuting nagawa at
naiambag sa kanilang komunidad o sa kapwa tao. Marami sa kanila ang nagsasabi na may
mabubuting puso at marunong makipagkapwa tao ang grupong ito.

3.2 GOSPEL MINISTRY OF SALVATION

(mula sa pananaliksik nina Angelica Dumasapal, Fatma M. Jamali, Josa Marie M. Labis, at
Princess L. Tado)

Isang puting palasyong bahay na makikita sa Barangay Pala-o, Iligan City sa Lanao del
Norte, Mindanao. Ang nagmamay-ari sa Kingdom Filipina Hacienda ay si Dr. Salvacion Legaspi o
kilala sa tawag na “Majesty”. Sa bahay na ito nakabase ang pinakaopisina ng isang Monarchy
Government. Tinatawag ang gobyernong ito na Gospel Ministry of Salvacion (salvation). Ayon
sa nakapanayam ng aming grupo na si Alden Kerubin, ang punong direktor ng kanilang opisina;
ito ang pinakamataas na hukom sa lahat ng hukom. Sinabi rin niyang ang opisinang ito ang
pinaka- opisina, kahit pa nakaayon ito sa palasyong nakabase sa England. Ang ilan sa mga
bakanteng kwarto ng palasyong ito ay nakalaan sa mga magiging trabahante o sa mga
magtatrabaho sa palasyo. Iminumungkahing layunin ng hukom na ito na pag-isahin at gawing
isang barangay ang buong mundo, mayroon silang sariling watawat, pera, pasaporte at plaka ng
kotse. Bukod pa rito, plano ng hukumang ito na gagawa ng sariling bangko na kung saan doon
magiging epektibo ang kanilang ginawang pera.

Makikita sa kanilang pera ang larawan ng kanilang itinuturing na Majesty. Ang bawat
pera ay may partikular na larawan. Nakabatay ang larawang ito sa pitong (7) sagradong
katawagan sa kanya. Tinagurian siya bilang Queen of Salvation, Queen of South, Queen of
Islam, Queen of Light, Queen of Flowers, Queen of Motherland at ang Alpha and Omega.
Sapagkat iminumungkahi ng kanilang Majesty na pagmamay-ari niya ang Pilipinas, kaya niya
gumawa ng pera at mag-imprenta nito. Bawat isang AU dollar ay may katumbas na pitong
daang piso (P700). Bukod pa rito, gumawa rin sila ng sarili nilang watawat na kung saan ang
watawat na ito ay sumisimbolo sa layunin at responsibilidad na ayon kay Kerubin, ibinigay ng
diyos kay Majesty. Ayon kay Kerubin, ang dalawang tig-aanim na mga bituin sa itaas at ibabang
bahagi ng watawat ay sumisimbolo sa labindalawang (12) tribu noong unang panahon na
binanggit sa Bibliya. Ang isang araw sa gitna ay sumisimbolo kay Majesty na siyang magiging
tagapagligtas ng buong sinasakupan. Makikita rin ang isang buwan at isang bituin sa ibabaw na
bahagi ng watawat na ayon sa nasabing impormante, ang buwan at bituin ay sinisimbolo ng
Diyos.
7

Ang kanilang adhikain ay nakabatay sa nakasulat sa Bibliya at sa Efra Law (tumutukoy sa


batas sa mga lupain). Sinasabi ng grupong ito na ang Iligan ay ina ng lahat ng kalupaan sa
mundo. Nagsimula ang lahat ng pangyayari noong unang panahon sa lugar na ito kaya dito
inilagay ang pinakabase ng Kingdom Filipina Hacienda ni Dr. Salvacion Legazpi. Binanggit din ni
Kerubin na ang Iligan ay ang tinatawag noon na Garden of Eden. Ayon sa kanya, hinanda siya ng
Panginoon upang tulungang iligtas ang mga tao sa mundo. Kaya, inutusan siyang gumawa ng
bagong mundo sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong gobyerno na tutulong sa mga tao upang
guminhawa ang kanilang buhay. Ang panawagang (calling) ito ayon sa kanya ay kusa niyang
naramdaman nang minsan siyang bumabasa ng Bibliya at nakita niya ang salita ng Diyos na para
bang tinatawag siya ng Banal na Ispirito para sa ganitong responsibilidad.

Ayon kay Majesty, masasabing pag-aari niya ang bansang Pilipinas dahil siya lamang ang
may hawak ng titulo nito. May pinanghahawakan siyang kasunduan o dukomento ng Treaty of
Paris na nilagdaan at inaprobahan ng lahat ng hukom. Unti-unti niyang tinitipon ang mga
mahahalagang dukomentong gagamitin niya sa pagbuo ng bagong gobyerno, bagong mundo.
Una niyang magiging hakbang ay ang paggawa ng sariling bangko na tatawagin niyang Tribunal
Bank na itatayo niya sa mismong kinatatayuan ng kanyang palasyo. Ang unang makikinabang ng
bangkong ito ay ang mga naunang miyembro o kasapi ng kanilang kaharian. Aniya, ang ID card
na gawa nila ay magiging isang pinakamahalagang bagay upang makapasok at makalabas sa
bansang Pilipinas sapagkat darating ang panahon na walang sinuman ang makakapasok at
makalalabas ng bansa kung wala silang maipapakitang ID card na katulad ng nasa larawan at
maisasakatuparan lamang ito kung matutuloy ang plano niyang isara ang bansa. Sa panahon na
iyon, wala nang mga taong maghihirap sapagkat ang pera ay hindi na po-problemahin ng mga
tao at mawawala na rin ang pagsingil ng tax dahil ayon kay Majesty, tax ang nagpapahirap sa
mga tao. Ito ang lahat ng paniniwala ng miyembro ng grupo nila.

3.3 ILAGA: ANG MGA MILITANTENG KRISTIYANO SA MINDANAW

(Isinalin sa Filipino ng may-akda mula sa internet sa panayam kay Dennis Arcon, News5, 2013)

Ang ilaga sa Visayas ay nangangahulugang daga sa Filipino. Ngunit sa Mindanao, ang


Ilaga na nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng grupong Kristiyano na ang karamihan
ay mga magsasaka sa simula na lumaban sa mga Morong ekstrimist o Islamist, Nagsimula ang
grupong ito ng kanilang kilusan noong 1970 at lalong nakilala noong 1971 nang maibalita ang
pinakamadugong ginawa nila na pagpatay sa animnapu’t limang (65) sibilyan sa isang moske.

Isa sa pangunahing adhikain ng kilusang ito ang protektahan ang mga Kristiyanong
komunidad sa pag-atake ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa New
People’s Army (NPA) na nasa Sentral Mindanao ng mga panahong iyon. Sunud-sunod ang
pakikipaglaban ng kilusan sa kanilang pinaniniwalaang sila lamang ang makaprotekta sa
8

komunidad ng mga Kristiyano. May mga bali-balita noon na sinusuportahan sila ng gobyerno sa
pakikipaglaban sa mga rebeldeng MNLF at NPA. Sunud-sunod din noon ang panalo ng mga Ilaga
sa kalaban. Sinasabing ang kilusan ay isang kulto, may talisman o anting-anting, di-tinatablan ng
bala at higit sa lahat, kumakain ng tao. Lumaganap noon ang balita na takot na takot sa kanila
ang kanilang kalaban dahil sa sila na mismo ang kinakain nila.

Ginamit daw sila ng pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa pagsugpo


ng karahasan sa Mindanaw dahil sa kakulangan ng sangay ng mga sundalo. Ngunit nang
makialam na ang ibang bansa, pinatigil na ng dating pangulo ang kilusan. Unti-unti na itong
tumamlay at nawala ang popularidad nito nang lubusan.

Noong 2013, binuhay ang kilusan ni Mike Santiago, isang kumander sa North Cotabato
at naging tagapagsalita rin nila. Tinawag ang dating Ilaga na Reform Ilaga Movement na may
45,000 na miyembro sa buong Mindanaw. Ilan sa mga dating kilalang mga lider nila ay sina
Kumander “Bukay”ng M’lang- North Cotabato at Kumander “Toothpick”ng Upi-Maguindanaw.

3.4 ANG MGA MONCADISTA

(isinalin sa Filipino ng may-akda mula sa Ethnic Group of the Philippines, 2016).

Ang Isla ng Samal ay napakagandang isla na makikita sa gulpo ng Davao. Ito ay kilala sa
napakaganda dahil sa kulay asul nitong karagatan na may puting buhangin. Noong panahon ng
Komonwelt naging mas kilala ang lugar na ito nang bumuo si Hilario Moncado ng isang sektong
panrelihiyon na tinawag niyang Filipino Crusaders World Army (FCWA). Tinawag na mga
Moncadista ang mga kasapi nito na sumunod sa katuruan ng kanilang ispiritwal na lider.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming mga tao mula sa iba’t ibang
lugar sa PIlipinas ang pumunta sa Samal upang maging tagasunod ng relihiyong ito at upang
lalong malapit sa punong-kwarter nila. May dalawampu’t tatlong (23) ektaryang lupa sila sa
Babak at labingsiyam (19) naman sa Limao na pinaninirahan ng mga Moncadista at pinatayuan
ng tinawag nilang White House. Ang ibang miyembro nila ay nasa Makilala, North Cotabato;
Marawi City, Lanao del Sur; Kitawtaw, Bukidnon, at sa Sudlon II. Sa Cebu ay may tatlong palapag
sila na gusali na tinawag naman nilang Moncado Hotel.

Si Hilario Moncado na taga-Bamba, Cebu ay tinawag na punong–kumander ng kanyang


mga nasasakupan. Siya ay may di-pangkaraniwang kapangyarihan na makakakita ng di-
pangkaraniwang nilalang na siya namang pinaniniwalaan ng kanyang milyon-milyong
tagasunod. Ang kapangyarihang ito ay taglay na rin ng kanyang matagal nang mga miyembro.
(Batay sa karanasan ni Dr. Nerissa L. Hufana,dating Moncadista ang asawa at pamilya nito.).
Ipinanganak siya noong Nobyembre 4, 1898 at sa batang edad ay nangibang bansa-sa Hawaii at
dito nagtrabaho siya sa isang plantasyon ng tubo. Kinalaunan ay lumipat siya sa Amerika at
doon nanirahan. Noong 1925, itinatag niya ang Filipino Federation of America na naging pugad
9

ng pagtitipon ng lahat ng mga migranting Pilipino sa buong Amerika at Hawaii. Dalawang


grupong panrelihiyon ang bumuo sa organisasyon—ang Equifrilibricum World Religion at ang
Moncadian Church of the Philippines.

Sa Isla ng Samal ang may pinakamaraming miyembro nila hanggang sa


kasalukuyan.Hindi sila kumakain ng karne ng hayop lalo na iyong may apat na paa. Nagtatanim
sila ng gulay dahil ito ang pinakaulam nila. Bawal ang panlasa sa pagkain tulad ng asin at bitsen.
Kilala sila na ang kinakain kung maaari ay hilaw na pagkain (raw food). Bilang pagsunod sa
Diyos, nagpapahaba sila ng buhok at balbas. Hindi sila naninigarlyo at nag-iinom ng alak.
Ginagawa rin nila ang pag-aayuno lalo pa kung baguhan pa sila sa federasyon para na rin daw
mapalayo sa temptasyon. Ang pagsimba nila ay araw ng Sabado at pinagbabasa sila ng Bibliya
sa ilalim ng pangangasiwa ng isang ispiritwal na direktor.

Marami ring kontrobersya ang inabot ng sektong Moncadian kaya naging dahilan ng
unti-unting paglaho nito. Maraming miyembro ang bumalik sa dati nilang relihiyon at ang iba
naman ay sumapi sa mga bagong relihiyon. Nang mamatay si Hilario noong 1956, may bagong
akting na presidente ang inihalal sa isang kombensyon ng organisasyon para ipagpatuloy ang
bisyon ng namatay na dating punong-kumander.

Ngayon, ang White House na itinayo sa Isla ng Samal ay naging atraksyon na lamang sa
mga turista na bumibisita sa lugar, banyaga man o lokal. Ang estatwa ni Hilario Moncado ay
nakatayo pa rin sa Limao bilang alaala sa kanya.

3.5 PHILIPPINE BENEVOLENT MISSIONARIES ASSOCIATION

(Isinalin ng may-akda sa Filipino mula sa https//wikipedia org>wiki>Phil)

Ang Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc. ay itinatag ni Ruben Edera


Ecleo Sr. noong 1965 sa Isla ng Dinagat sa Pilipinas. Nang mamatay si Ecleo Sr. noong 1987,
humalili ang kanyang anak na si Ruben B. Ecleo Jr. May humigit kumulang na milyong miyembro
ang asosasyong ito sa Sentral at dakong Timog ng Pilipinas at sa ibang bansa. Narehistro ito sa
Securities & Exchange Commission (SEC) sa Makati, Philippines noong Oktubre 19, 1965 sa
ilalim ng Rehistrasyon blg. 28042. Ang pinakaopisina nito ay nasa San Jose sa probinsya ng Isla
ng Dinagat.
10

Ayon sa doktrina nila, si Ecleo Sr. ay biniyayaan ng mga “boses”na makapagbabasa at


makasusulat nang mahusay sa Arabic, Hebrew, Sanskrit (sinaunang wika sa mga iskriptyur at
klasikal na mga tula ng India), at Aramaic (dayalekto sa Syria na ginamit na lingua franca sa Near
East noong 6th century B.C.. Hinay-hinay na pinalitan niya ang Hebrew na wika sa lugar na iyon
at kinalaunan ay nadagdagan ito ng Arabik.) para mainterpreta ang mga sinaunang misteryo sa
buhay. May mga hula siya sa mga darating pa na mga pangyayari. Inilarawan nila si Ecleo Sr. na
katulad ni Kristo na makapagbubuhay ng patay. Ang kakayahan daw niyang manggamot ay
galing sa Banal na Ama at sa mga banal na dasal na kanyang pinag-aralan. Sinabi ng mga
tagasunod ni Ecleo Sr. na mula pagkabata ay makikita siya sa mga lugar na nangangailangan ng
tulong at sa mga taong kailangan siya. Ang mga misyonaryong gawa niya ay umabot sa Agusan
del Sur at Samar.

Sinasabing ang mga miyembro ng PBMA ay may sariling mga sandata para proteksyunan
ang kanilang lider na si Ecleo Jr. Handa silang mamatay para sa kanya. Napatunayan ito nang
magkaroon ng kaso si Ecleo Jr. dahil sa pagpatay niya sa kanyang asawa at sa iba pang kaso
laban sa gobyerno. Nagkaroon ng putukan nang ipagtanggol ng mga miyemro nito si Ecleo Jr.
Marami sa mga miyembro ang namatay. Nahatulan si Ecleo Jr. na mabilanggo sa loob ng
tatlumpong (30) taon dahil sa paglabag sa kontratang panggobyerno na may kinalaman sa pera
at ikinalugi ng gobyerno. Ang kaso niyang pagpatay ay wala pang linaw hanggang sa
kasalukuyan.

You might also like