Professional Documents
Culture Documents
BS Psy-1106-Group 4
BS Psy-1106-Group 4
Pantao (Universal
Declaration of Human Rights o UDHR)
Ang UDHR ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda
sa deklarasyong ito kayat ang instrumentong ito‘y dapat ipatupad sa
ating bansa. Binibigyang diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang Pantao na lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pantay-
pantay na dignidad. Itinakda nito ang pangunahing prinsipyo ng
pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa diskriminasyon upang matamasa
ang karapatang pantao at ang mga pangunahing kalayaan ng tao.
Glyrine Punzalan
— Batay sa aking nabasa tungkol sa Pandaigdigang deklarasyon ng
Karapatang Pantao. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na
tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isinilang.Karapatan ng tao na
matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay
nang may dignidad bilang tao. Ang pagkakamit ng tao ng mga
pangangailangan niya tulad ng pagkain , damit,bahay, edukasyon at iba
pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang
karapatan. Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang
matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao.
Sinumang umagaw sa ating mgapangangailangan o kumitil sa ating buhay
ngang walang dahilan ay lumabag as ating karapat bilang tao. Maari
tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating
karapatan. Maraming karapatan ang nakalatag na marapat ay para sa
atin. Subalit sa pag unlad ng ating lipunan , minsan ba ay sumagi sa
inyong isipan kung lahat ba ng karapatang iyon ay patuloy pa rin nating
natatamasa. Samakatuwid ay masasabi ko na tayong lahat ng tao ay
magkakaiba ng estado sa buhay kaya marahil ay may mga karapatang
pantao ang bawat isa na malimit ay malabag ng ibang tao mas nakakataas
sa kanila. Isa sa halimbawa ay ang mga padidiskusyon sa mga kaso o
krimen. Marahil ay normal na sa atin ang sitwasyong mahirap laban sa
mayaman. Na sa karapatang pantao natin ay nalalabag ang isang
karapatan na magkaroon tayo ng kalayaan lalo't higit ay wala tayong
kasalanan. Subalit dahil nga sa yaman o kapangyarihan o sa estado na din
ng buhay na iyong tinatayuan , doon masusukat kung paano ka maapak-
apakan at mawawalang bisa ang karapatang pantao na iyong tinatamasa
at pinanghahawakan.
Angel Masongsong
— Ang pananaw ko patungkol sa isyung karapatang pantao ay sa
sitwasyon ng ating lipunn ngayon, maraming mga tao na ang lumalabag at
nagsasawalang bahala sa patungkol sa isyung ito. Napapabayaan na ng
ating pamahalaan ang kahalagahan ng hindi paglabag dito. Hindi pa man
napapatunayan na may nalabag ngang karapatang pantao ang ating
pamahalaan o kasalukuyang administrasyon ay inuudyok naman ng ating
pamahalaan na makalabag ang mamamayan sa karapatang pantao na alam
nating mali. Nasa tao na din ang desisyon kung susunod ba sila o hindi.