Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Arali Pagtutukoy sa Pagitan mula sa

n Pinakamababa hanggang sa
Pinakamataas na Tono ng Isang
1 Musika

Alamin Natin

Essential Learning Competency:

 Determines the range of a musical example: 1. wide 2. narrow

Ang aralin na ito ay magtuturo sa inyo kung paano tukuyin ang pagitan o range ng kanta
gamit ang wide at narrow range.

Balikan Natin

Isulat ang bilang ng interval ng mga sumusunod na tunog sa patlang.

1. ___________________________

2. __________________________

3. __________________________
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
1

Tuklasin Natin
Kantahin ang awiting “PARUPARONG BUKID”.

Source: https://www.pinterest.ph/pin/270778996325629427/

Ano-ano ang iyong napansin sa mga pagitan o range ng kanta?

2

Suriin Natin
Ang range ay ang pagitan mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na tonong
maaawit o matutugtog. Mayroong makitid at malawak na range. Ang narrow range ay
binubuo lamang ng kaunting tonong pagitan mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas
na tono samantalang ang wide range ay sumasakop ng maraming tonong pagitan.

Narrow Range

Wide Range

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Pagyamanin Natin
Subukang kantahin ang awiting “Magtrabaho” at sagutin ang mga katanungan na
nasa ibaba.

Magtrabaho

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
3
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ilang pagitang tono mula pinakamababa hanggang pinakamataas na tono ang nasa lirikong
“Magtrabaho, magtrabaho”? Ano ang range nito?
2. Sa linyang “Kung ikaw ay mayrong pangarap”, ilang pagitang tono ang nakapaloob at
tukuyin ang range.
3. Tukuyin naman ang range ng lirikong “kabuhayan”, at “nais mong umahon”.
4. Ano iyong ang napapansin kung ang range wide? Narrow?

Isaisip Natin
Tandaan!

Ang range ay ang pagitan mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na tonong

maaawit o matutugtog. Mayroong makitid at malawak na range. Ang narrow range ay
binubuo lamang ng kaunting tonong pagitan mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas
na tono samantalang ang wide range ay sumasakop ng maraming tonong pagitan.

Narrow Range

Wide Range

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Isagawa Natin
Panuto: Tukuyin kung narrow range o wide range ang mga liriko at linya mula sa
awiting “Kalayaan” ni Jose O. Barcelo. Sukatin ang pagitan mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas na tono ng bawat parirala ng
awitin.

1. __________________________

2. __________________________

3. ____________________________
4
4. ____________________________

5. ____________________________

Susi sa Pagwawasto

Balikan Natin:
1. 4th
2. 6th
3. 7th

Tuklasin Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Essential
Pagyamanin Natin: Learning
1. 6 Compete
2. 9 ncies-
3. Narrow Range MAPEH
5- Q2
Isagawa Natin: Music
1. Wide 4. wide W5
2. Narrow 5. wide
3. Narrow https://w
ww.pinte
rest.ph/pi
Sanggunian:
n/270778
9963256
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
29427/
Halinang Umawit at Gumuhit 5

Aralin Paggamit ng Complementary

2 Colors sa isang Landscape Painting
5

Alamin Natin

Learning Competency:
 Sketches using complementary colors in landscape painting
Balikan Natin

Noong nakaraang aralin ay tinalakay natin ang pagpapakita sa kasiningan ng mga sikat na
Filipino Artists sa pagpipinta ng iba’t-ibang landscapes.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-ano ang ibat’ ibang landscapes ng mga sikat na Filipino Artists?

2. Bakit mahalaga ang pagpipinta ng landscapes?

Tuklasin Natin

Tingnan ang color wheel na nasa ibaba.

Ano-ano ang mga kulay na direktang nakaharap sa color wheel?

_____________________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Suriin Natin

Ang mga kulay na direktang magkaharap sa color wheel ay tinatawag na mga

complementary color. Kapag ipinaghalo ang mga ito, makabubuo ng kulay abo, puti, at itim.
Pero kung gagamitin ito na kumbinasyon sa pagkukulay, ito ay makapagbibigay ng kakaibang
ganda sa gawaing sining lalo na at ilalapat ang iba pang element at prinsipyo sa paggawa ng
likhang-sining

Batay sa color wheel chart, ang mga complementary colors ay ang mga sumusunod:

Green Blue Yellow

Red Orange Violet

Yellow Orange Red Orange Red Violet

Blue Violet Blue Green Yellow Green

Pagyamanin Natin

Magagandang Tanawin sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga tourist destination o dinarayo ng mga turista sa
buong mundo. Taun-taon maraming mga turista ang bumibisita at nagbabakasyon sa Pilipinas
dahil sa mga magagandang tanawin na ipinagmamalaki ng mga Pilipino tulad ng Banaue Rice
Terraces, Chocolate Hills, Hundred Islands, at marami pang iba. Biyaya ng Poong Maykapal
kung maitututing ang mga nakabibighaning tanawin sa ating bansa. Halina’t tuklasin natin ang
kagandahan ng Pilipinas!

Pilipinas Kay Ganda!

Banaue Rice Terraces, Ifugao

Sirao Garden, Cebu City

Coron Palawan

Chocolate Hills, Bohol

Northern Blossom Farm,

Atok, Benguet

Sources:
https://edition.cnn.com/travel/article/tagaytay-taal-volcano-philippines/index.html
https://www.philstar.com/headlines/2019/04/02/1906618/chinese-built-banaue-rice-terraces-
lonely-planet-under-fire
https://indianexpress.com/article/express-sunday-eye/a-bohemian-in-bohol-a-chance-
encounter-with-chocolate-hills-and-philippine-gems
https://www.azamara.com/ie/coron-palawan-philippines-cruises
https://www.lantaw.com/2018/11/atok-beauty-of-northern-blossoms.html
https://steemit.com/philippines/@alvibokz15/2xp6of-promoting-cebu-philippines-a-brief-
Gawain: Ang mga larawan na nasa itaas ay iilan lamang sa mga magagandang tanawin saa ting
bansa. Pumili ng isa na paborito mo o gusto mong puntahan. Iguhit ang napiling lugar at kulayan
gamit ang mga complementary color.

Mga Kagamitan:

 lumang pahayagan
 cartolina
 mga iba’t ibang uri ng brush
 lapis
 pambura
 poster color o water color

Hakbang sa Paggawa:

1. Ilatag ang mga lumang pahayagan sa lugar ng pagpipintahan.

2. Ihanda ang lahat ng kakailanganin sa pagpinta tulad ng paint brush at water color.
3. Pumili ng isang magandang tanawin.
4. Iguhit sa cartolina ang napiling magandang tanawin.
5. Ipinta ito gamit ang complementary colors.
6. Kapag tapos na, patuyuin ang larawang naipinta.

Rubrik Para sa Landscape Painting

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod
Mga Sukatan pamantayan pamantayan sa pamantayan
nang higit sa subalit may ilang
inaasahan pagkukulang
5 3 2
1. Nakilala ang iba’t ibang
magandang tanawin sa
Pilipinas.
2. Nakapagpinta ng mga iba’t
ibang magagandang
tanawin sa Pilipinas.
3. Nakasunod nang tama sa
mga hakbang sa paggawa
ng likhang-sining.
4. Nakakikitaan ng harmony
ang likhang likhang sining
sa tamang pagkakaayos ng
mga kulay.

Isaisip Natin
Kulay ang nagbibigay ng buhay sa mga bagay sa paligid. Ito ay maaring mapusyaw at
maaari ring matingkad. Kapag ginamit ang kulay sa isang obra o likhang-sining,
nakapagpapahawig ito ng iba’t ibang kahulugan.

Ang mga complementary colors ay ang mga kulay na direktang nakaharap sa color
wheel. Kapag ipinaghalo ang mga ito, makabubuo ng kulay abo, puti, at itim.

Nagagamit ang wastong kumbinasyon ng mga kulay upang maipakita ang harmony sa isang
landscape painting.

10

Panuto: Batay sa color wheel chart, tukuyin ang complementary color ng mga sumusunod:

Red
Yellow
Blue
Yellow Orange
Blue Green
Red Violet

Isagawa Natin

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang ipinapahayag ng pangunguap at ekis
(X) naman kung hindi.

______1. Ang complementary color ay ang magkasalungat ng kulay sa color wheel.

______2. Ang color complement ng dilaw (yellow) ay pula (red).
______3. Gumaganda ang likhang-sining kapag may wastong kumbinasyon ng mga kulay.
______4. Kapag ipinaghalo ang complementary colors, makakabuo ng kulay abo, puti, at kahel.
______5. Nagagamit nag wastong kumbinasyon ng kulay upang maipakita ang harmony sa
landscape painting.
______6. Kahel (orange) ang color complement ng asul (blue).
______7. Ang blue-green at red orange ay halimbawa ng complementary colors.
______8. Yellow orange ang color complement ng blue-violet.
______9. Ang color complement ng berde (green) ay asul (blue).
______10. Red-violet ang color complement ng Yellow-Green.
11

Susi sa Pagwawasto
Isagawa Natin
Balikan Natin
Maaaring magkaiba nag sagot. 1. √
2. X
Tuklasin Natin 3. √
Maaaring magkaiba nag sagot. 4. X

Isaisip Natin 5. √
Red – green 6. √
Yellow – violet
7. √
Blue – orange
Yellow orange – blue violet 8. √
Blue green – red orange 9. X
Red violet – yellow green
10. √

Sanggunian:
https://edition.cnn.com/travel/article/tagaytay-taal-volcano-philippines/index.html

https://www.philstar.com/headlines/2019/04/02/1906618/chinese-built-banaue-rice-terraces-

lonely-planet-under-fire
Pagyamanin Natin
https://indianexpress.com/article/express-sunday-eye/a-bohemian-in-bohol-a-chance-encounter-
Maaaring magkakaiba ang
pagganap.
with-chocolate-hills-and-philippine-gems

https://www.azamara.com/ie/coron-palawan-philippines-cruises

https://www.lantaw.com/2018/11/atok-beauty-of-northern-blossoms.html

https://steemit.com/philippines/@alvibokz15/2xp6of-promoting-cebu-philippines-a-brief-

introduction-of-sirao-flower-garden

LRMDS Division of Cabanatuan

The 21st Century MAPEH in Action, Worktext in Music, Arts, Physical Education, and Heath,

REX Bookstore

Sing, Sketch, Stretch, and Stay Healthy, ABIVA Publishing House

Musika at Sining, Kagamitan ng Mag-aaral

12
Aralin Mga Kasanayang Nalilinang sa Larong
3 “Agawang Panyo”

Alamin Natin

Essential Learning Competencies:

 Explains the nature/background of the games
 Observes safety precautions
 Executes the different skills involved in the game
 Displays joy of effort, respect for others and fair play during participation
in physical activities.
Ang aralin na ito ay magtuturo sa inyo kung paano laruin ang “Agawang Panyo”.
Malalaman mo rin dito ang mga mekaniks at alituntunin ng laro, mga babala na dapat tandaan
upang maiwasan ang mga sakuna at disgrasya sa paglalaro, at maunawaan ang kahalagahan sa
pagpapakita ng isang magandang katangian bilang isang mabuting manlalaro.

Balikan Natin

Pangalanan ang mga larong Pinoy na ipinapakita sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa patlang.

1. _________________________ 2. _______________________ 3. _____________________

Source:

https://en.wikipedia.org/wiki/Traditional_games_in_the_Philippines#/media/File:Traditional_games.jpg

13
Tuklasin Natin
Tingnan ang larawan!

Source: http://justintheniksoftime.blogspot.com/2011/07/hataw-sa-bolinao-part-3.html

1. Ano kaya ang kanilang nilalaro?

2. Ano sa tingin mo ang pangunahing kagamitan sa larong ito?
3. Paano kaya ito lalaruin?

Suriin Natin
Agawang Panyo

Source: http://www.claretschool.edu.ph/homepage/home-category-blog/199-pagdiriwang-ng-
buwan-ng-wika-at-kasaysayan-wikang-katutubo-tungo-sa-isang-bansang-filipino.html

14
Agawang Panyo

Masaya at nakawiwili ang larong agawan panyo. Kani-kaniyang istratehiya

kung paano makukuha ang panyo nang hindi natataya. Ginawa na nga ring football
ang panyo para lang makuha at madala sa base ng team.

Ang layunin ng araling ito ay higit pang malinang ang mga gawaing
nakapagpapaunlad ng kalusugang pisikal upang magkaroon ng sapat na bilis at liksi.

Ang bilis (speed) at liksi (agility) bilang mga kasa- nayan kaugnay ng mga
sangkap ng fitness ay bibigyang pansin upang lubos na maunawaan ang kahala-
gahan nito sa paglalaro at paggawa ng mga pang- araw-araw na gawain.

Mga dapat gawin sa paglalaro ng “Agawang Panyo”.

1. Bilis at liksi upang manalo.
2. Kailangan ang sapat na ingat para hindi masaktan.
3. Pagkakaisa o teamwork
4. Marunong tumanggap ng pagkatalo dahil isa ito sa mga
magagandang katangian ng isang mabuting manlalaro.

o
Isulat sa papel na nakalagay sa ibaba ang kahalagahan ng pagiging sports o
pagkakaroon ng magandang katangian ng isang mabuting manlalaro.

15
Isaisip Natin
1. Paano lalaruin ang “Agawang Panyo”?

_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga paraan o mekanik sa paglalaro nito?

_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3.

Pamamaraan o
Mekaniks ng larong
Agawang Panyo.

16
Isagawa Natin
Maghanap ng mga kalaro (kapatid o mga magulang) at laruin ang Agawang Panyo. Sundin
ang mga pamamaraan, alituntunin at babala ng laro na nakasaad sa ibaba.
Pamamaraan:
1. Bumuo ng dalawang grupo na may lima o higit pang kasapi.
2. Bigyan ng bilang ang bawat manlalaro ng bawat pangkat at pumila ayon sa
pagka-kasunod- sunod ngbilang.
3. Pumila nang magkaharap ang magkabilang panig na magkatapat ang bawat
bilang na iniatas.
4. Pumili ng isang kalaro na hahawak ng panyo at tatawag sa numero.
5. Sa hudyat ng naghahawak ng panyo, tatakbo sa gitna ang manlalaro, lalapit sa
hinahawakang panyo at dadamputin o aagawin ang panyo at babalik sa puwesto.
6. Siguraduhing hindi mataya ng kalaban upang makapuntos ang grupo.

Babala:
 Mag-ingat sa paglalaro.
 Iwasang makapanakit ng kalaro.
 Matalo o manalo, dapat manaig ang
katangian ng isang mabuting manlalaro o ang
diwa ng totoong sportsmanship.
 Magtulungan at magkaisa para
manalo.

Rubrik

Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Bahagyang Pang
(4) (3) Mahusay Paunlarin
(2) (1)
1. Nasusunod ang mga
pamamaraan at
babala sa paglalaro.
2. Naipapakita ang magandang
katangian ng isang mabuting
manlalaro.
3. Nakapaglalarong may
kahusayan at
pakikiisa sa grupo.

Susi Sa Pagwawasto 17

Balik Natin:
1. Luksong Tinik
2. Luksong Lubid
3. Tiyakad
Pagyamanin Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot
Isaisip Natin:
1. Maaaring magkakaiba ang sagot.
Sanggunian:
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Halinang Umawit at Gumuhit 5

Essential Learning Competencies-MAPEH 5- Q2 Health

http://www.claretschool.edu.ph/homepage/home-category-blog/199-pagdiriwang-ng-buwan-ng-wika at-
kasaysayan-wikang-katutubo-tungo-sa-isang-bansang-filipino.html

http://justintheniksoftime.blogspot.com/2011/07/hataw-sa-bolinao-part-3.html

18

18
Aralin Usaping Pangkalusugan Kaugnay ng
4 Pagbibinata at Pagdadalaga

Alamin Natin

Essential Learning Competency:

 Describes the common health issues and concerns during puberty

Balikan Natin

Ano-ano ang mga isyung pangkalusugan sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga ayon sa

agham?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ano-ano ang mga suliranin o problema ang iyong nararanasan hinggil sa iyong pagdadalaga o
pagbibinata?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ano-ano ang mga paraan sa pangangalaga kapag may regla? Kapag tinutuli?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________

19

Tuklasin Natin
Suriin ang larawan. Ano ang masasabi mo ukol dito?

Sources:
Retrieved from https://clipartart.com/categories/clipart-pimple.html
Dreamstime. (2020). Retrieved from https://www.dreamstime.com/illustration/boy-underarm.html
webstock. Retrieved from https://webstockreview.net/image/breath-clipart-fresh-breath/2318523.html

Sagutin ang mga tanong:

1. Bakit nangyayari ang mga pagbabagong ito sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Ano ang nararapat gawin upang maiwasan ang mga suliraning tulad nito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

20

Suriin Natin

Sa panahon ng pagdadalaga ay makararanas ka ng di-nais-nais na pakiramdam tulad ng

pananakit ng likod, ulo, kapaguran at paninigas ng tiyan. Ang sanhi ng mga ito ay ang
pagbabagong nagaganap sa loob ng katawan.
Ang dibdib ay nagiging malaki at masakit kung mahawakan o masagi. Ang iba ay
nagiging balisa, malungkutin at mukhang pagod.
Ang iba naman ay nagkakaroon ng tagihawat. Kung nararanasan mo ito, hindi ka dapat
mabahala dahil likas na ganito ang mangyayari sa yugtong ito ng iyong buhay.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga isyu/usapin sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata.
1.) Mga isyung pang-nutrisyon
2.) Pagbabago-bago ng kasalukuyang emosyon
3.) Di kanais-nais na amoy
4.) Pangangalaga sa ngipin at ibang bahagi ng bibig
5.) Pagkakaroon ng taghiyawat
6.) Pagkahukot
7.) Mga usapin sa pagreregla ng babae
8.) Maaga at di inaasahang pagbubuntis

Mga paraan upang masolusyunan ang problemang pangkalusugan:

1. Kumain ng mga masusutansiyang pagkain.
2. Maligo araw-araw.
3. Maglagay ng mild deodorant o tawas sa kilikili,
4. Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
5. Gumamit ng dental floss.
6. Iwasan ang mga sugary at acidic na pagkain.
7. Huwag manigarilyo.
8. Mag-ehersisyo araw-araw.
9. Iwasan ang pagpupuyat.
10. Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw.
11. Sumunod sa payo ng mga magulang at nakakatanda.

Pagyamanin Natin

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Sumulat ng mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang
pagkakaroon ng mga ganitong problemang pangkalusugan.

1.

21

2.
3.

4.

5.

22
Sources:
(2020). Retrieved from https://www.canstockphoto.com/teen-guy-body-odor-physical-change-
60226999.html
http://www.clipartpanda.com/clipart_images/bad-breath-girl-clipart-65020109
https://www.illustrationsof.com/230295-royalty-free-pimple-clipart-illustration
https://www.lybrate.com/topic/stomach-pain/health-feed/tips
https://www.clipart.email/clipart/good-posture-clipart-42330.html

Isaisip Natin
Ang pagkakaroon ng mga suliraning pangkalusugan ay bahagi lamang ng pagbibinata at
pagdadalaga o puberty. Ngunit maari naman itong iwasan at maagapan kung susundin lamang
natin ang mg angkop na pamamaraan ng pangangalaga sa ating katawan.

Panuto: Kompletuhin ang graphic organizer na nasa ibaba sa pamamagitan ng paglalahad sa

mga problemang pangkalusugan sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga at pagbibigay ng
mga paraan upang maiwasan ang mga suliraning pangkalusugan.

MGA ISYUNG PANGKALASUGUAN

Mga Problemang Pangkakalusugan Mga Solusyon

Isagawa Natin

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang isinasaad ng pahayag at ekis (X) naman
kung hindi.

_______1. Ugaliin ang matulog nang maaga upang magkaroon ng walo hanggang sampung oras
na pagtulog at pahinga.

23

_______2. Ang pag-eehersisyo ay ginagawa kung may panahon lamang.

_______3. Walang halaga ang tubig sa katawan.

_______4. Magsepipilyo ng ngipin bago kumain.

_______5. Kumain ng mga sugary at acidic na mga pagkain para maging malusog.

_______6. Mgalagay ng tawas o mild deodorant sa kilikili.

_______7. Sumama sa mga barkada at makipag-inuman.

_______8. Bawal gumamit ng dental floss.

_______9. Magkaroon ng dental check-up.

_______10. Maligo isang beses sa isang buwan.

Susi sa Pagwawasto

Balikan Natin: Isaisisp Natin:

 Maaaring magkakaiba ang sagot Maaaring magkakaiba ang

sagot

Tuklasin Natin Pagyamanin Natin

 Maaaring magkakaiba ang sagot Maaaring magkakaiba ang

sagot
Isagawa Natin:

1. √
2. X
3. X
4. X
5. X
6. √
7. X
8. X
9. √
10. X

24

Sanggunian:
LRMDS Division of Cabanatuan

The 21st Century MAPEH in Action, Worktext in Music, Arts, Physical Education, and Heath,
REX Bookstore

Sing, Sketch, Stretch, and Stay Healthy, ABIVA Publishing House

Retrieved from https://clipartart.com/categories/clipart-pimple.html

Dreamstime. (2020). Retrieved from https://www.dreamstime.com/illustration/boy-underarm.html

webstock.

Retrieved from https://webstockreview.net/image/breath-clipart-fresh-breath/2318523.html

(2020).

Retrieved from https://www.canstockphoto.com/teen-guy-body-odor-physical-change-60226999.html

http://www.clipartpanda.com/clipart_images/bad-breath-girl-clipart-65020109

https://www.illustrationsof.com/230295-royalty-free-pimple-clipart-illustration
https://www.lybrate.com/topic/stomach-pain/health-feed/tips

https://www.clipart.email/clipart/good-posture-clipart-42330.html

25

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City

You might also like