Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Seksyon 23 ng Batas Republika blg.

9165 o mas kilala sa tawag na Plea Bargaining ay ang kasunduan


ng tagausig at nasasakdal na may kinalaman sa paggamit o pagpuslit ng iligal na droga kung saan napag-
uusapan ang pagbawas ng sintensya sa kulungan ng mga taong may kinalaman sa pagpuslit o paggamit
ng iligal na drogang may bigat na 10 gramo pababa (Buan, 2018).

Halimbawa ay kung ang isang tao ay makukulong ng 12 hanggang 20 taon dahil siya ay nahulian ng 300
gramo ng marijuana, maaari na lamang siyang mag plea bargaining kung saan aamin na lamang siyang
nagmamay-ari ng iligal na paraphernalia. Sa ganitong paraan, siya ay makukulong na lamang ng siyam na
buwang hanggang apat na taon sa kulungan.

Gayunpaman, ayon kay Tupas (2018), ang plea bargaining ay ipinagbabawal sa seksyon 5 Batas
Republika 9165 o ang Comprhensive Dangerous Drug Act of 2002 kung saan sinusugpo ang paggamit at
pagpuslit ng droga. Kung ang Plea Bargaining ay isang batas na lumalabag sa isa pang batas, hindi ito
maituturing na isang aksiyon para mapaunlad an gating bansa.

* Ayon kay Jail Senior Inspector Jayrex Joseph Bustanera, sa pamamagitan ng Plea Bargaining ay
mababawasan ang populasyon sa mga kulungan kaya naman hindi na magiging over-populated ang ma
ito.

-Kahit mabawasan ang populasyon ng mga nakakulong, madadagdagan naman ang populasyon ng mga
taong malayang gumawa ng sala sa labas at sa huli ay babalik at babalik din sila sa kulungan. Ito ay
napatunayan ni Jail Senior Inspector Edward Samonte ng Manila Police District station 3 sapagkat halos
50 na tao ang nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining ngunit 15 porsiyento ng mga ito ay muling
nakulong dahil nahulian na naman sila ng iligal na droga at pagpupuslit nito sa loob lamang ng dalawang
buwan. Ang Plea Bargaining ay hindi nababawasan ang populasyon sa kulungan sapagkat mayroon pa rin
mga nakalaya na bumabalik sa dating masamang gawi dahil alam nilang maaari naman silang mag Plea
Bargaining ulit kapag sila’y nahuli.

* Para kay Tagaytay Regional Trial Court Executive Judge Jaimie Santiago, sa pamamagitan ng Plea
Bargaining ay nabibigyang pagkakataon ang mga taong nagkasala na magbago. Hindi na sila
maiimpluwensiyahan sa loob ng kulungan at sila’y makakapag bagong buhay na kapag nakalaya.

-Hindi ba’t napatunayan ni Jail Senior Inspector Edward Samonte na mayroon at mayroon pa rin
bumabalik sa kulungan dahil binalikan nila ang dating masamang gawi noong sila’y nakalaya na. Kapag
ang isang tao ay nagkaroon na ng kinalaman sa paggamit at pagpuslit ng iligal na droga ay kailanman
hindi na ito matatanggal sa kanya. Ayon sa pahayag ng National State on Drug Abuse, “Addiction is a
chronic disease characterized by drug seeking and use that is compulsive, or difficult to control, despite
harmful consequences. The initial decision to take drugs is voluntary for most people, but repeated drug
use can lead to brain changes that challenge an addicted person’s self-control and interfere with their
ability to resist intense urges to take drugs. These brain changes can be persistent, which is why drug
addiction is considered a "relapsing" disease — people in recovery from drug use disorders are at
increased risk for returning to drug use even after years of not taking the drug” (Brande, 2018). Sa
medaling salita, walang taong maaaring tuluyang makapagbago at tumalikod sa paggamit o pagpuslit ng
iligal na droga kahit pa matagal na nila itong hindi ginagawa. Dahil nga ito ay isang relapsing disease, ito
ay magpapatuloy hanggang sa kamatayan.
* Ayon kay Salvador Espinosa Jr. (2018), maaaring magbenepisyo ang pamahalaan sa pamamagitan ng
Plea Bargaining sapagkat mababawasan ang gastusing 1.49 bilyong piso sa mga pampublikong abugado
sa mga 82,000 na taong nadawit lamang sa paggamit ng iligal na droga sa kadahilanang hindi na ganoon
katagal ang kanilang serbisyo sa mga nasasakdal.

- Sa War on Drugs ni Pangulong Duterte ay pumapatay ang mga namamahala ng mga tao ngunit bakit
ang paggastos ng pamahalaan para sa ikabubuti ng bayan ay nananatiling problema? Ayon sa legal
expert na si Antonio La Viña, kailanman ay hindi dapat tinitipid ang pagpapabuti ng bayan. Sabihin na
nating makatitipid nga ang pamahalaan dahil sa Plealea Bargaining, ang dulot naman nito sa labas ng
kulungan ay malala. Ang mga nakalaya ay maaaring bumalik sa dating gawi, manghimok ng mas
maramin tao, gumawa ng masama, at mapabagsak ang Sistema ng Pilipinas. Kaya bakit titipirin ang
pagpapabuti sa bansa?

Ang Plea Bargaining ay tila isang prosesong nagpapabuti sa kalagayan ng mga kulungan ngunit hindi sa
kalagayan ng buong bansa. Marapat lamang na huwag na tayong mag bulag-bulagan sa inaakalang
pagbabago ng mga nagkasala sapagkat ilang beses na rin naloko ang mga mamamayang Pilipino. Ayon
kay Rommel Bagares, walang pinagkaiba ang Plea Bargaining sa panghihimok gumawa ng mali. Ito ay
dahil mas nagaganahan lamang gumawa ng mali ang mga tao dahil alam nilang mayroon Plea Bargaining
na mas mapapaikli ang sintensya nila. Ani pa niya, bakit hindi ang mga kulungan ang palakihin at hindi
ang bilang ng mga nagkasalang pinapalaya? Kung si Pangulong Duterte ay handang pumatay para
masugpo ang kalakaran ng iligal na droga, bakit hindi handa ang Pilipinas para mas palakihin ang mga
kulungan? Hindi na dapat ipinatupad ang Plea Bargaining sa dalawang kadahilanan: kasaysayan at
sentido kumon.

You might also like