Kompan 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

WIKANG PAMBANSA

• Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa isang wikang


ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan
ng isang bansa. Ito ang tinuturing na opisyal na wika o
isa sa mga opisyal na wikang ginagamit ng pamahalaan
at sistema ng edukasyon .Sapagkat itoy nag –iisang
ginagamit batay sa kultura ng lipunan , nagiging
batayan din ito ng identidad o pagkakakilanlan ng
grupo ng taong gumagamit nito.
ANG TAGALOG , PILIPINO AT FILIPINO
TAGALOG
•Katutubong wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng pilipinas (1935)
PILIPINO
•Unang tawag sa ppambansang wika
ng pilipinas (1959)
FILIPINO
•Kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng
pilipinas ,lingua franca ng mga pilipino, at isa
sa mga opisyal na wika sa pilipinas kasama
ng ingles (1987)
Tandaan na iba ang wikang opisyal sa pambansang wika.
Noong 1987 lamang ginawang Pambansang Wika ang
Filipino. Bago ito, ang pambansang wika ay walang
pangalan, sinabi lamang sa Konstitusyon ng 1935 na ang
pambansang wika ay batay sa Tagalog. Sa Konstitusyon ng
1973, sinabi naman na ang Kongreso ay magsasagawa ng
mga hakbang upang makabuo ng pambansang wika na
tatawaging Filipino. Ngunit hindi opisyal na ginagamit ang
salitang Filipino bilang pambansang wika.
Ang Wikang Panturo at Wikang Opisyal ay nagkakatulad
ng baybay ngunit magkaiba ito ng kahulugan at
kahalagahan. Nakapaloob sa Konstitusyon 1987 ng
Republika ng Pilipinas ang Filipino bilang wikang
pambansa o opisyal na wika. Ang dating wikang Tagalog
na napalitan ng Filipino ay patunay lang na patuloy na
umuunlad ang ating bansa lalo na ang ating bokabularyo.
Bukod sa wikang opisyal tinatawag din itong pambansang
lingua franca dahil ito ang ginagamit ng magkausap
kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika.
AYON SA SEKSYON 6 , ARTIKULO XIV NG
KONSTITUSYON 1987 , ANG WIKA FILIPINO AY:
•Ang wikang pambansa ng pilipinas ;
•Dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika
ng pilipinas at sa iba pang wika at;
•Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng filipino bilang:
1. Midyum ng opisyal na komunikasyon ; at
2. Wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA

Bakit Tagalog ang napiling batayan ng


Pambansang Wika?
• Unang-una gaya ng nakasaad sa resolusyon ng Surian ng
Wikang Pambansa (SWP), Tagalog ang tumutugon sa lahat
ng pangunahing kailangan ng Batas 184. Lumitaw sa pag-
aaral ng SWP na Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa
estruktura , mekanismo, at panitikan ,at ito rin ang wikang
ginagamit ng nakararaming mamamayan . Isa sa mga
nakapagpanayam ng panulaang Tagalog ay ang makatang
si Francisco “Balagtas “Baltazar , ang itinuturing na “Ama ng
Panulaang Tagalog” , na kinilala dahil sa kaniyang Florante
at Laura bukod sa iba pa niyang mga sinulat.
• Bago pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 noong
Nobyembre 13, 1936, si Pangulong Quezon ay pinadalahan
ni Norberto Romualdez, Tagapangulo ng Komite sa
Pambansang Wika ng Unang Pambansa Asamblea, ng
Memorandum Sobre la Lengua National , na nagsasaad na sa
lahat ng katutubong wika, ang tagalog ang may
pinakamaunlad ma katangian panloob : estruktura ,
mekanismo, at panitikan , at bukas sa pagpapayaman at
pagdaragdag ng bokubularyo. Ito rin ang pinakakatanggap-
tanggap sa nakararaming mamamayan; ginagamit na ito ng
marami kaya’t di na magiging suliranin ang adapsiyon nito
bilang pambansang wika ng Pilipinas.
Gayunpaman, hindi idineklara ang Tagalog na pambansang
wika, kundi”base sa Tagalog “ ang pambansang wika. Sa
kaniyang pananalita noong Disyembre 30, 1937 ,
iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
pagpapatibay sa adapsiyon ng Tagalog bilang basehan ng
pambansang wika ng Pilipinas at idinagdag , “ ang hereby
declare and proclaim the national language so based on the
Tagalog dialect ,as the national language of the Philippines.”
Sinabi rin ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa loob
ng mahigpit tatlong daang taon ng pananakop ng
Espanya , Espanyol ang opisyal na wika ngunit hindi ito
kailanman naging wika ng mga mamamayan . Mahigit
nang isang henerasyon mula nang mananakop ang
mga Amerikano at naging Ingles ang opisyal at
wikang panturo . Ngunit ang Ingles ay hindi naging
pangkahalatang wika ng mga mamamayan.
• Ayon kay Pamela Constantino (sinipi ni Vega 2010 ) , dalawang
konsiderasyon ang naging batayan sa pagpili sa Tagalog:
sentimentalism o paghahanap ng pambansang identidad: at
instrumental o batay sa gamit ng wika sa lipunan . Ang isang
katutubong wika ,hindi wikang dayuhan, ang
makapagpapahayag ng damdamin ng mga Pilipino. Tungkol
naman sa instrumental na dahilan , idinagdag ni Constantino ang
dalawang pangunahing isyu : (a) pagbubuo at pagpapadali ng
komunikasyon (internal at external) na tutulong para mas epektibo
at pantay na matamo ang pangangailangan at interes ng
populasyon ;at (b) paniniguro na ang iba’t ibang wika ay
magkakaraon ng pantay na oportunidad na makilahok sa sistema
•Nagpunyagi si Pangulong Manuel L. Quezon
na magkaroon ng isang wikang Pambansa
batay sa isang katutubong wika . Binanggit
niya sa isang talumpati na mahirap sa isang
pangulo ang maging banyaga sa sariling
bayang pinagmulan kaya kailangan
magkaroon ng wikang pambansang
magbubuklod sa mga mamamayan. €

You might also like