Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGPAPATUPAD NG DRIVER’S LICENSE REGULATION SA PILIPINAS

A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


Sa panahon ngayon ay marami na ang mga naglilipanang sasakyan. Isa ito sa mga
pagbabago na mapapansin sa mga lansangan, hindi lang sa kalakhang Maynila, maging sa iba
pang lugar sa ating bansa.
Kapansin-pansin na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ating bansa ay unti-unti nang
lumalala. Isa ito sa nagiging suliranin ng bawat mamamayan sa Pilipinas lalo na ang mga nasa
lungsod. Ito ay nagdudulot ng problema sa bawat indibidwal lalo na sa mga mag-aaral at mga
manggagawa dahil hindi lang ito nakakapagdulot ng pagod, maging ang oras ay naaaksaya sa
paghihintay sa pag-usad ng mga sasakyan. Ang pangunahing sanhi ng matinding trapiko ay ang
pagdami ng mga sasakyan ng bawat indibidwal na walan maayos na paradahan.

m
er as
Dahil dito, ang ating bansa ay nangangailangan ng isang batas na makatutulong sa

co
eH w
pagbawas ng mga sasakyang nakaparada sa mga lansangan upang maging maluwag ang daloy
ng trapiko. Hindi maaaring bigyanng driver’s license ang mga mamamayan na walang maayos at

o.
sariling paradahan. Kung ito ay maipapatupad, tiyak na makatutulong ito sa pagpapaluwag ng
rs e
ou urc
kalsada at ang patuloy na pagsikip nito na siyang matagal ng problema ng ating bansa.
o

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


aC s

I. Layunin
vi y re

Layunin ng panukalang ito na mabigyang solusyon ang suliranin sa mabigat na


daloy ng trapiko sa ating bansa. Layunin din nitong mabigyang disiplina ang bawat
ed d

motorista sa maayos na pagpaparada ng kani-kanilang sasakyan.


ar stu

II. Plano ng Dapat Gawin


Ang mga panukalang proyekto ay pumapasa bilang batas kapag ito ay
is

naaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Senado ay ng Pangulo ng Pilipinas.


Th

1. Paghahanda Ng Panukalang Proyekto


Ito ay pag-iisipang mabuti upang hindi magkaroon ng butas sa kung paano ito
gagawin at ipapatupad. Susuriin at aalamin ang kahinaan nito.
sh

2. Unang Pagbasa
3. Pagsasaalang-Alang/Aksyon Ng Committee
Kung magdesisyon ang Committee na kinakailangan ng pampublikong mga
pagdinig, itatakda nito ang mga oras para doon, ang pag-isyu ng mga pampublikong

This study source was downloaded by 100000811555144 from CourseHero.com on 11-01-2021 19:06:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/82283413/PANUKALA-SA-PAGPAPATUPAD-NG-DRIVERdocx/
notice at pag-imbita sa mga resource person mula sa pampubliko at pribadong sektor,
mula sa akademya at mga dalubhasa sa ipinapanukalang batas.
Kung dinesisyunan ng Committee na walang mga pampublikong pagdinig ang
kinakailangan, itatalaga nito ang mga iskedyul para sa pagtalakay ng bill sa loob ng
Committee.
4. Pangalawang Pagbasa
5. Ikatlong Pagbasa
Ang bill ay maaaprubahan sa pamamagitan ng boto na may pagsang-ayon ng
karamihan ng mga Miyembrong dumalo. Kung ang bill ay naaprubahan, ipapadala ito sa
Archives (koleksyon ng mga dokumento).
6. Paghahatid Ng Mga Inaprubahang Bill Sa Senado
Ang inaprubahang bill ay ipapadala sa Senado para sa pagsang-ayon nito.

m
er as
7. Aksyon Ng Senado Sa Inaprubahang Bill Ng Mababang Kapulungan

co
eH w
Sasailalim ang bill sa parehong lehislatibong proseso sa Senado.

o.
8. Conference Committee (Komite Ng Pagpupulong)
rs e
ou urc
9. Paghahatid Ng Bill Sa Pangulo
Ang mga kopya ng bill, na pinirmahan ng Senate President at ng House Speaker
o

at sinertipikahan ng Kalihim ng Senado at ng Secretary General ng Mababang


aC s

Kapulungan ay ipapadala sa Pangulo.


vi y re

10. Aksyon ng Pangulo sa Bill


a. Kung ang bill ay inaprubahan ng Pangulo, ito ay lalagyan ng RA (Republic Act)
number at ipapadala sa kung saang Kapulungan ito nagmula.
ed d
ar stu

b. Kung ang bill ay na-veto (hindi inaprubahan), ang bill kasama ang isang
mensahe na nagbabanggit ng mga dahilan para sa veto, ay ipapadala sa Kapulungan
kung saan ito nagmula.
is

11. Aksyon sa Inaprubahang Bill


Th

Ang bill ay gagawan ng mga kopya at ipapadala sa Official Gasette Office para sa
paglilimbag at pamamahagi sa mga magpapatupad na mga ahensya. Pagkatapos ay
isasama ito sa taunang koleksyon ng Acts and Resolutions.
sh

12. Aksyon sa Hindi Inaprubahang Bill


Ang mensahe ay isasama sa Order of Business. Kung magpapasya ang Kongreso
na balewalain ang veto, ang Mababang Kapulungan at ang Senado ay dapat na sumulong
ng magkahiwalay upang muling isaalang-alang ang bill o ang mga bahagi ng bill na na-
veto.

This study source was downloaded by 100000811555144 from CourseHero.com on 11-01-2021 19:06:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/82283413/PANUKALA-SA-PAGPAPATUPAD-NG-DRIVERdocx/
Kung ang bill o ang mga bahagi nito na na-veto ay pumasa sa pamamagitan ng
pagboto ng 2/3 ng mga Miyembro ng bawat Kapulungan, ang bill o ang mga bahagi nito
ay magiging isang batas.
III. Badyet
Kapag naipatupad ang panukala na ito ay gobyerno ang magpopondo upang
maisagawa ang proyektong ito. Maraming proyekto ang pamahalaan para maibsan ang
daloy ng trapiko kaya naglaan ito ng P53.3 Billion na badyet para sa Department of
Transportation.

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito


Ang pagpapatupad ng panukalang ito ay magiging kapakipakinabang sa lahat ng
mamamayan sa Plipinas; sa mga mag-aaral dahil isa rin sa nagiging problema nila ay ang

m
mabigat na daloy ng trapiko sa pagbyahe papunta sakani-kanilang eskuwelahan na siyang

er as
nagiging dahilan ng pagiging huli nila sa kanilang klase. Maging ang mga manggagawa ay

co
makikinabang dito dahil sa kanilang pagbyahe papunta at pauwi ay hindi na sila makararanas ng

eH w
pagkainip sa byahe at makakatipid pa ang lahat sa oras.

o.
rs e
Makatutulong din ito sa pagkakaroon ng disiplina sa sarili ng mg motorista sa
ou urc
pagkakaroon ng maayos na paradahan ng kanilang sasakyan. Tiyak na luluwag ang lansangan
dahil bukod sa mababawasan ang mga sasakyan na nakaparada lamang sa tabi ay mababawasan
rin ang pagbili at pagdamin ng mga sasakyan na siyang nagdudulot ng mabigat na daloy ng
o

trapiko sa Pilipinas.
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000811555144 from CourseHero.com on 11-01-2021 19:06:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/82283413/PANUKALA-SA-PAGPAPATUPAD-NG-DRIVERdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like