Professional Documents
Culture Documents
Week 4
Week 4
Week 4
PAGTATALA
Kaugnay na Tanong
Ang social media ay binubuo ng iba’t ibang mga website na nag-uugnay sa tao
tulad ng Facebook (FB), Twitter, Instagram, Messenger, Yahoo, Blog at iba pang mga
website na maaring gamitin sa pakikipag-unayan sa loob at labas ng bansa gamit ang
internet na likha ng makabagong teknolohiya.
Itinatag ni Mark Zuckerberg kasama ang mga kaibigan niyang sina Dustin
Moskouitz at Chris Hughes ang facebook kung saan ayon sa kanila ito ay
pansamantala lamang ugnayan nilang magkakaibigan sa pamantasan ng Harvard na
hindi naglaon ay umabot ng 2 milyong user sa bansang Amerika.
Youtube
Ang youtube ay karaniwang libangan ng mga taong nais balikan ang mga
palabas, pelikula o video na kanilang napanood mula noong unang panahon hanggang
sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng site na ito lalo na sa mga guro napapabilis at
nagiging makateknolohiya ang kanilang pagtuturo kung ginagamitan ng mga video na
may kaugnayan sa paksa ang bawat aralin.
Messenger
PAGTATALA
PAGPAPAYAMAN
Mas marami ang tumatangkilik ng tabloid dahil mas maliit ito kumpara sa
broadsheet, ang tabloid din ay tinatawag na pahayagang pang-masa. Karaniwan na
nagbabasa ng tabloid ay ang mga driver, tindera/o, mga ordinaryong tao at kung
minsan pa ay mga mag-aaral. Mas madalas na mababasa sa pahayagang tabloid ay
ang mga usaping sensasyunal, kwento ng krimen, astrolohiya, mga isyu at tsismis
tungkol sa mga artista at palabas sa telebisyon. Samantala, madalas na ang
mambabasa ng mga broadsheet ay mga propesyunal at nakakaunawa ng wikang Ingles
sapagkat mababasa rin sa pahayagang ito ang mga usaping internasyunal. Mas higit na
seryoso at totoo ang paraan ng pagbabalita sa broadsheet.
Bulgar – Disyembre 1990 nang unang lumabas ang pahayagang bulgar. Ito ay
pagmamay-aari ng isang pribadong korporasyon na Sison’s Publishing Corporation.
PM (Pang-masa) – Itinatag noong 2003 na kung saan marami ring mga tabloid
ang naglabasan sa panahon na iyon. Isa ang pahayagang ito sa mga naglalabas ng
maiinit na balita sa buong Pilipinas.
Kaaliw-aliw sa mambabasa ang mga tabloid lalo na kung ang front page o ang
pang-ulong pahina nito ay nagpapakita ng mga babaeng nakasuot ng panloob na damit
lamang at makahulugan ang pamagat nito lalo na kapag may pagka-sensasyunal.
Layunin ng ganitong pamamaraan na mapukaw ang intensyon ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng mga nakagigimbal na mga ulong-balita.
DAHIL SA ALAGA NI MISTER,
MISIS INATAKE!
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga salitang ginagamit sa tabloid na may
iba’t ibang kahulugan tulad ng bomba, dedo, himas, hiyas, kepyas, kinabayo,kinadyot,
nota, ratrat, sakote, salsal, subo, tepok, tigbak, timbog, tuhog, utas at wetpu.Kapansin-
pansin ang mga halimbawang salita ay may pagkahulugang seksuwal ngunit ang mga
ganitong salita ang madalas na nangingibabaw lalo na sa mga pahayagang pamg-
masa.
Samantala, sa ibang mga probinsya gaya ng Baguio City, may mga estasyon na
gumagamit ng rehiyunal na wika ngunit kapag may kinakapanayam sila sa ibang linya
ay Filipino pa rin ang uri ng kanilang pagtatanong.
Pitak na pitak sa mga radyo ang mga love confessions na madalas ang mga
tagapakinig nito ay mga nagtatrabaho sa gabi na mga security guards, mga
kasambahay at pailan-ilang mga mag-aaral.
90.70 Love Radio True Love and Wild Confessions with Papa Jack
Baranggay LS 97.1 Talk to Papa
Yes Fm 101.1 Yes Dairies with Chico Loco
M0R 101.9 Dear MOR
IFM 93.9 Confessions with Papa Churlz
Ayon kay Rebugio (2019) “Ang pakikinig ng radyo ay isang daan upang
maihayag ang mga damdaming naguumapaw ng iba’t ibang emosyon. Ito rin ang
pamamaraan ng mga taong may mabigat na dalahin upang sila ay mapakinggan ng
ibang tao na hindi nakikilala ang kanilang mga personal na identidad. Sa pamamagitan
ng pagbibigay alyas napoprotektahan ang kanilang sarili na maibahagi ang mga
saloobin na walang halong takot, pangungutya at alalahanin.
Ayon sa sarbey na isinagawa ng Kantar Media (Aranda, 2014) ang Pilipinas ang
may pinakamahabang oras na inilalaan sa panonood ng telebisyon kumpara sa
Hongkong at Singapore na 3 hanggang 4 na oras lamang ang inilalaan.
Halimbawa:
Katuwang na Tauhan
1. Sino-sino ang katuwang na tauhan sa palabas o pelikula?
2. Sino-sino ang mga artistang gumanap sa mga karakter sa palabas o
pelikula?
3. Paghahambing. May malaki bang kaibahan ang kwento na napanood mula sa
mga dating palabas? Naipakita ba ang pagkakasunod-sunod ng mga serye ng
batay sa pagkaunawa ng mga manunood?
4. Ugnayan ng mga Diyalogo. Ang bawat diyalogo ba ng mga tauhan sa palabas
ay angkop sa lenggwahe sa takbo ng bawat eksena at kabuang kaganapan ng
palabas?
5. Musika. Naipapaliwanag ba ang esensya ng paglalapat ng musika, tunog at
boses sa mga bahagi ng pelikula?
6. Kabuuang Mensahe. Nangibabaw ba ang “puso” sa pelikula. Nagtataglay ba ing
mga kaisipan na kikintal sa isipan ng manunuod. Maiuugnay ba ang mga
damdamin na pumailanglang sa mga karanasan sa buhay.
7. Mga Kaisipan o Aral sa Pelikula. Nakapagkintal ba ng mga imahe, larawan o
simbolismo sa kaisipan ang mga palabas o pelikula na napanood?