Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GAWAIN 1- MODYUL 3-4 MIDTERM

INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA


UNANG SEMESTRE

I. Ipaliwanag ang kasagutan sa pamamagitan ng sanaysay.


1-10- Sa inyong sariling palagay bakit nagkakaroon ng pag-babago ang ating wika?

Para sa aking opinyon, nagkakaroon ng pagbabago ng wika dahil sa paglipas ng


panahon mas nagiging madali ang pagkakaintindi at pagbigkas nito. Maaaring ito rin ay
naiipluwensyahan ng teknolohiya at mga dayuhang banyaga na kung saan ay pumapatok o
malaki ang nagiging impluwensya sa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon. Dahil
dun, nagkakaroon ng pagbabago sa wika at nakakabuo ng ibat- ibang baryasayon na kung
saan ay unti- unti na nitong nababago ang ating wika.

11-20- Bakit nga ba kailangang makipagsabayan ng ating Wikang Pambansa sa mapaghamong


panahon na ating kinabibilangan ngayon?

Kailangang makipagsabayan ng ating Wikang Pambansa sa mapaghamong panahon


na ating kinabibilangan ngayon upang hinde ito mapag-iwanan at patuloy na makasunod
sa kung anu ang uso at maaari din itong maging daan upang mapataas ang antas ng ating
wika.

21-30- Bilang isang kabataang Pilipino at kabilang sa mga tinatawag na Millienial People, ibigay
ang sariling opinion patungkol sa mga makabagong pananalita na nauuso sa kasalukuyang
panahon, karapat dapat ba itong maisali sa ating Wikang Pambansa?

Para sa aking opinyon, Karapat- dapat lamang na maisali ang mga makabagong
pananalita na nauuso ngayon sa ating Wikang Pambansa dahil ito na ang trend o nauuso
sa kasalukuyang panahon. Dahil sa kasalukuyan, mas nabibigyang-pansin na ang pag-
usbong ng mga makabago ring salita. Kumbaga, panibago ring henerasyon ng ating wika. At
ang karaniwang tawag sa mga salitang ito ay “millennial slangs”.
Ang millennial slang say uri ng mga salitang pangkaraniwang ginagamit ng
mgakabataan o "millennials" kung tawagin, sa panahon ngayon. Ginagamit ito sa
pamamaraang ang pananalita ay pinapaikli o kaya naman binibigyan ng panibago at
malilikhaing mga kahulugan. Ang paggamit nito ay masasabing nakatutulong marahil
upang mas lumawak pa ang ating bokabularyo at upang mas maipahayag pa ng mga
kabataan ang kanilang damdamin o opinyon sa mga bagay-bagay. Nakatutulong din ito sa
pagpapalawak ng kaalaman ng mga millennials pagdating sa lenggwahe o sa pananalita. Ito
rin ang nagpapatunay sa kung paanong nagkakaisa ang mga kabataan pagdating
salarangan ng wika sa ating bansa.

31-40- Bilang isang mag-aaral alin sa mga gamit ng wika ang pinaka gamitin mo sa tuwing ikaw ay
nakikipag-komunikasyon sa iyong mga kamag-aral.

“Ang wikang Filipino ay kunwari na tinatawag nating salamin ng kultura ng ating


bansa at ang tanging puso ng ating bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian
ng ating bayan, Pilipinas. Ang isang bansang walang sariling wika at hindi matapat na
tinatangkilik ng mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang kultura.”
-http://tungkolwika.blogspot.com/2016/07/ang-pitong-gamit-ng-wika.html-

Bilang isang guro, halos lahat ng gamit ng wika ay nagagamit ko sa pakikipagtalastas


at paghahatid ng kaalaman. Ngunit para sa akin, ang pinakagamitin ay ang
INSTRUMENTAL na kung saan ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng mga
tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito upang
mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o
pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay
panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba pa.

II. Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.


41-60- Lumikha ng abstraktong sining na kung saan maipapakita mo ang pinaniniwalaan mo sa
mga teorya ng wika, sa kung paano ito nabuo at namuhay sa bawat tao. Makikita sa ibaba
ang ilang halimbawa ng abstraktong sining upang maging gabay ninyo sa pag-gawa ng
gawaing ito.

Ang teoryang mas kapanipaniwala pra sa akin ay ang Teorya ng BOW-Wow na kung
saan ang teoryang ito ay nagsasabi na maaaring nagmula ang wika ng mga tao sa panggaya
o panggagad ng tunog na galing sa kalikasan. Sinasabi rin dito na dahil primatibo lamang
ang mga tao, sinusunod lamang nila ang kanilang naririnig na mga bagay-bagay.

You might also like