Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

9 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 16:
Pagpapaliwanag sa mga Salitang
may Higit sa Isa ang Kahulugan

May-akda: Jhoan U. Dionog


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin – Pagpapaliwanag sa mga Salitang may Higit sa Isa
ang Kahulugan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang mga salitang may higit sa isang kahulugan; at
B. naipaliliwanag ang mga salitang may higit sa isang kahulugan

Subukin
Bago tayo magpatuloy sa aralin, piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon. Ang


salitang nakasalungguhit ay nangangahulugang _____________
a. Pag-asa b. Simula c. Moderno d. Lahat ng nabanggit

2. Uri ng panitikang tuluyan na naglalahad ng sariling opinyon o pananaw ng


may-akda ukol sa isang isyu.
a. Balita b. Sanaysay c. Anekdota d. Nobela

3. Lumuwag ang tali at kami’y nakalaya. Ang kahulugan ng nakasalungguhit


ay
a. makawala b. makatakas c. makahinga d. wala sa nabanggit

4. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang


sanaysay na impersonal naman ay ________
a. Pormal b. Naglalarawan c. Nang-aaliw d. Di-pormal

5. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa


bahay-kinakailangang ikahon ako. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. Itali b. Pagbawalang lumabas c. Ikulong d. Lahat ng nabanggit

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagpapaliwanag sa mga Salitang
Aralin
may Higit sa Isa ang Kahulugan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapaliwanag sa mga salitang


may higit sa isa ang kahulugan. Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa
ang mga gawain.

Balikan
Magkaroon muna tayo ng balik-aral sa nakalipas na aralin. Gamit ang
dayagram, balikan ang sanaysay ni “ Sitti Nurhaliza.” Ginintuang Tinig at Puso ng
Asya.”

Salitang Naglalarawan Anyo Kaantasan

Tuklasin
A. Panimula

Alam kong malawak na ang iyong kaalaman sa pagbibigay kahulugan. Halika


at magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng bilog sa susunod
na pahina at pagkatapos ay bumuo ng mga kaisipan batay sa salitang ito.

KALAYAAN

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gabay na Tanong:

 Alin sa mga kaisipang binuo ang nagbigay sa iyo ng linaw sa tunay na


kahulugan ng kalayaan? Ipaliwanag
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Sa natapos na gawain naibigay mo ang iyong kaisipan tungkol sa salitang


Kalayaan. Halika at mas palawakin pa natin ang kaalaman at kakayahan mo
tungkol dito.

Panuto: Isulat mo ang iba’t ibang uri ng Kalayaan sa loob ng kahon pagkatapos ay
pumili ka kung alin sa mga ito ang nais mong makamit bilang indibidwal.

HAL. Kalayaang
makapag-aral

 Bakit ang kalayaang ito ang iyong napili? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Maliban sa salitang kalayaan na iyong binigyang kahulugan sa Tuklasin ay may


makikita ka pang mga salitang may isa o higit na kahulugan sa liham na iyong
babasahin. Ikahon mo ang mga salitang ito at ibigay ang kahulugan.

B. Pagbasa
Basahin mo ang liham ng isang Javanese mula sa Indonesia. Maaari mo
rin itong basahin gamit ang link na
https://www.slideshare.net/bizayangAmazona/kay-estella-zeehandelar

KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR


Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese

Japara, Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong


babaengmalaya, nakapagmamalaki’t makaaakit ng aking loob! Iyong masaya, may
tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at
sagisag pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligayahan kundi

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong
sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi
ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting
kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.Kung pahihintulutan
lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob
ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europa;
subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyon hindi maaaring suwayin. Balang
araw maaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang
panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng
tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang
panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas,
kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa
kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga
institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng
paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking
sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga
buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito
ang pagmamahal na iniuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga
taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong
wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at
kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo? Ngunit hindi
lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na
Europa ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang
kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang
salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang
hindi maabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito sa akin para hangarin ang
pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso
ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot
na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.Patuloy na lumapit ang
mga tinig na galing sa malalayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng
ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing
sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at
sumigla.Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang
magkakilala tayo.Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara.
Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario
Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong
kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na
nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat- ang sibilisasyong
Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng
iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kaunlarang minana
sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking
nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na
lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng
karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang
kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at
naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming
mga babae’y bahagya ng magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin
sa kahigpitan ng aming mga lumang tradisyon at kumbensiyon. Labag sa aming
kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-
araw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man,
liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong
maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng
grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang
taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at
pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong
hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang
estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking
ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman
kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga
magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit
wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang
tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na
pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam
kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y
ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang
Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito – ito lamang ang nag-iisang liwanag na
nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa
akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng
kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t
tagapagligtas – ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga
yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga
lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba,
ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang
mga di-inanyayahang panauhin. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas
nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking
kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At
mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng
mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa
poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands), “opisyal”
na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-
unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin
at pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon.
Anong dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad
namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”;
naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na rito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya
ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang
yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating
sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi
iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong lumaya
upang makatayong mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit
sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. Ngunit dapat tayong mag-asawa,
dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng
isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng
isang katutubong babae sa kaniyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin –
mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi
magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung
pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang
lahat ng kaluwaga’y para sa kaniya lang?

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
C. Paglinang ng Talasalitaan

PANUTO: Makikita sa unang hanay ang mga salitang nakapaloob sa sanaysay.


Ibigay ang kahulugan nito at gamitin sa makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap


Hal.
1. Lumuwag ang tali makalaya Ang mga Javanese ay nagnanais na
makalaya sa lumang tradisyon.

2. Emansipasyon

3. Ikahon

4. Nabibilang

5. Bagong Panahon

D. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga tanong mula sa binasang akda.

Gabay na tanong:

1. Sino ang sumulat ng liham para kay Estella Zeehandelaar?


______________________________________________________________________
2. Ano ang kalagayan ng mga kababaihan sa panahong ito ay naisulat ?
______________________________________________________________________
3. Saang bansa nagmula ang ganitong kaugalian o paniniwala?
______________________________________________________________________
4. Kailan isinulat ng prinsesang Javanese ang kaniyang liham?
______________________________________________________________________
5. Paano inilarawan ang paraan ng pag-aasawa ng isang babaeng Javanese?
______________________________________________________________________
6. Bakit hindi pinahihintulutang mag-aral ang mga babaing Javanese noong
panahong naisulat ang akda?
______________________________________________________________________

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin
ALAM MO NA BA…..
Ang isang salita ay may higit sa isang kahulugan ay nakabatay sa
kung paano ito ginamit sa pangungusap, gaya ng iyong ginawa sa mga
naunang pahina.

Kasiya-siya ang iyong mga isinagawa, alam kong naunawaan mo na ang


araling ito, sapagkat nasagutan mo nang may malawak na pang-unawa ang bawat
tanong.

Pagyamanin

Magbigay ng isa o higit pang kahulugan sa mga salitang nasa loob ng bilog.
Ipaliwanag ito ayon sa mga kahulugan na iyong ibinigay.

Kahulugan: __________________
Paliwanag:___________________
__

Kahulugan: _______________ Kahulugan: _______________


Paliwanag:________________ Paliwanag:________________

Kahulugan: __________________
Paliwanag:___________________
__
Kahulugan: __________________
Paliwanag:___________________
__

Kahulugan: _______________ Kahulugan: _______________


Paliwanag:_______________ Paliwanag:________________
_

Kahulugan: __________________
Paliwanag:___________________
__

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kahulugan: __________________
Paliwanag:___________________
__

Kahulugan: ______________ Kahulugan: ______________


Paliwanag:_______________ Paliwanag:______________
___

Kahulugan: __________________
Paliwanag:___________________
__
Pamantayan Porsyento Puna ng Guro
Angkop na 20%
Salita/kahulugan
Tiyak na Paliwanag 20%
Wastong gamit ng salita 10%
at pagbabaybay
KABUOAN 50%

Isaisip
Gamit ang gawaing #Sharekolang, sa pamamagitan ng pagdurugtong sa
parirala. Dugtungan mo ang mga salitang nasa loob ng kahon.

Natutuhan ko sa aralin sa araw na ito ay


_____________________________________________________________________
Isasapuso ko ang mga
______________________________________________________________________
Isasagawa ko ang
_____________________________________________________________________________

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Mula sa sanaysay na iyong nabasa, bumuo ng tatlong pangungusap
gamit ang mga salitang nakapaloob sa sanaysay na may isa o higit na
kahulugan. Gayahin ang halimbawa na nasa kahon.

Halimbawa:
LUMUWAG ANG TALI
1. Ang mga Javanese ay nagnanais na makalaya sa lumang tradisyon.
2. Ninanais ng mga kababaihan na makaalis sa kanilang gawain.
3. Makawala sa pagkakagapos ang nais ng mga bilanggo.

IKAHON BAGONG PANAHON


1. 1.
2. 2.
3. 3.

NABIBILANG
1.
2.
3.

Tayahin
Tiyak akong naunawaan mo na ang ating aralin, ngayon ay sukatin
naman natin ang iyong natutuhan. Gumupit o gumuhit ng larawan ng isang
kalapating lumilipad at isang balik-bayan box na sarado. Ibigay ang isa o
higit na kahulugan mula rito na ang isang salita o kahulugan ay ginamit sa
akdang binasa. 10 puntos sa bawat larawan. Ilagay sa hiwalay na papel ang
sagot.

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Lumikha ng isang spoken word
poetry tungkol sa pagpapahalaga sa kababaihan. Tiyaking gumamit ng mga
salitang may isa o higit na kahulugan. Ang iyong likha ay maaari mong ipasa sa
pamamagitan ng social media. Gamitin ang pamantayan sa Pagyamanin.

Muli, isang pagbati sa iyong ipinakitang sigasig sa pag-aaral sa modyul na


ito. Hanggang sa muli!

Susi ng Pagwawasto

Sanggunian

AKLAT
Peralta, Romulo et al., 9 Panitikang Asyano (Kagamitang Mag-aaral sa Filipino)
Peralta, Romulo et al., 9 Panitikang Asyano (Gabay sa Guro sa Filipino)
Aileen G. Baisa-Julian et al., 9 Pinagyamang Pluma Aklat 1

Bidyo
https://www.slideshare.net/bizayangAmazona/kay-estella-zeehandelar

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jhoan U. Dionog (Guro, CISSL)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like