Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Paggamit ng wika

1. Sumulat ng 3 halimbawa kada letra na nagpapakita ng paggamit ng wika, 4 na diyalogo


kada isang halimbawa.

A. Phatic
● Lalaki: Ayos ka lang ba?

Babae: Oo ayos lang ako, bakit mo naman natanong?

Lalaki: Nagaalala kasi ako sa iyo eh.

Babae: Huwag ka magalala para sa akin dahil marami ka pang gawain na


kailangang tapusin diba?

● Lalaki 1: Natanggap mo na ba ang regalo ko sa iyo?

Lalaki 2: Huh? Anong regalo?

Lalaki 1: Regalo para sa iyong kaarawan, di mo ba natanggap ang


ipinadala ko?

Lalaki 2: Hindi eh, tingnan ko nalang ang aking korreo, maaaring


naruruon ang ipinadala mo.

● Guro: Nakagawa na ba kayo ng inyong takdang-aralin?

Estudyante: Ay naku! Hindi pa po kami nakagagawa ng aming


takdang-aralin dahil nakalimutan po namin.

Guro: Dahil wala kayong ginawang takdang-aralin, lahat kayo ay


may markang zero.

Estudyante: Patawarin niyo po kami aming guro sa aming


nagawang kapalpakan.

B. Emotive
● Bata 1: Nakakaumay talagang kumain ng sobrang daming tsokolate.

Bata 2: Di kaya! Masarap ang mga tsokolate at kahit madami ay nakabubusog at


nagpapasaya.

Bata 1: Mali ka diyan, alam mo ba na maari kang magkasakit sa sobrang daming


tsokolate at sinabi pa yan ng aking doktor!

Bata 2: Ay ganoon ba, sige kakauntihan ko nalang ang aking pagkain ng


tsokolate para di ako magkasakit.
● Babae 1: Nakakainis talaga kapag nakakaiwan ka ng payong tuwing
tag-ulan!

Babae 2: Kumusta ka, makauuwi kaba ng maayos?

Babae 1: Hindi eh, naiwan ko payong ko sa bahay.

Babae 2: Gusto mo sabay ka na sa akin?

Babae 1: Sige! Pasensiya ka na at nagdala pa ako ng abala.

Babae 2: Walang problema.

● Turista: Nakakatuwa naman ang hayop na ito na ang tawag ay


hippopotamus.

Eksperto: Naku mag-iingat ka kapag malapit diyan sa hayop


nayan, kaya niyan na hatiin sa dalawa ang isang buwaya gamit
ang kaniyang malaking bunganga, di rin sila mag dadalawang isip
umatake ng tao, paminsan-minsan ay kumakain din sila ng karne.

Turista: Ganoon po ba, salamat po sa paalala.

Eksperto: Walang anuman, basta kaligtasan ng nakararami ay


gagawin ko ang aking trabaho.

C. Expressive
● Probinsyano: Mas gusto ko talagang umihip ng sariwang hangin kaysa sa
hanging siyudad.

Taga-siyudad: Sangayon ako, dahil pangit ang hangin sa siyudad, hindi kayang
talunin ang hanging probinsya.

Probinsyano: Madali bang magkasakit sa hangin ng siyudad?

Taga-siyudad: Oo, masakit din ito sa ilong.

● Siyentipiko: Mas ayaw ko talaga sa mga taong di naniniwala sa siyensiya.

Taong naniniwala sa patag na lupain: Mali naman kasi ang mga tinuturo
niyo, tama ang mga tinuturo namin, patag ang mundo, hindi ito pabilog.

Siyentipiko: Puro kayo salita lamang, kung talagang patag nga ang
mundo, nasaan ang ebidensya niyo.

Taong naniniwala sa patag na lupain: O ito, galing ito sa Facebook,


patunay yan na patag ang mundo.
Siyentipiko: Di mo ba alam na di lahat ng nasa internet ay totoo, at ang
sinasabi mong “patunay” ay mga hula-hula lamang ng mga taong walang
pinagaralan, tingnan mo ang lalaking nagpapaliwanag sa bidyo na ito ay
isa palang manloloko, nahuli na din siya noon dahil sa mga nagawa
niyang panloloko.

Taong naniniwala sa patag na lupain: …

● Pulis: Palagay ko may mga droga ka sa kotse mo, amoy


ko ito.

Kriminal: Palagay niyo lang po iyon, lalabas na ako ng


kotse.

Pulis: Ano pala ito?

Kriminal: Sayang ang buhay mo baboy!

*bang bang bang

Pulis: Kung di ka lang lumaban ay napagusapan natin


sana ito.

Kriminal na nasugatan: Ahhh! Ang sakit!

You might also like