Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Filipino, Wika Mo at Wikang Katutubo

Wikang Filipino at iba pang wikang katutubo


Ngayo’y nawawala na sa mundo
Ingles, Intsik, at iba pa katulad ng Nippongo
Ilan lang yan sa mga papalit sa wikang katutubo

Itong pagakalimut ay dapat iwasan


Dahil kung ikaw ay Pilipino, huwag kalimutan
Ang pagkalimut at pagiwan sa pinagmulan
Ito ay malaking kasalanan

Ang wikang katutubo ay maraming ituturo


Isang kulturang luma at malayo
Sa mata ng iba, ito ay bago
Sa mata ng pamahalaan, ito’y di lalago

Ang wikang luma dapat ituro


Ang wika mong pinaglakihan, tawag dito ay Filipino
Ang wikang papalitan wag naman sanang kalimutan
Ituro padin sa taong may interes, taga dito man o dayuhan

Wikang Filipino ay parang isang malaking silid aklatan


Madaming libro, madami ka ding magugustuhan
Ang kulturang ito ay pinatatanggal sa edukasyon
Bakit ito tatanggalin kung ito ang puso ng iyong nasyon.

You might also like