Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagpapaganang Pagtataya

Unang Bahagi:

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na salik na humimok sa mga Europeong mag-organisa
ng mga ekspedisyon?

A. Imbensiyon ng mga gamit sa paglalakbay


B. Krusada
C. Rekado
D. Epidemya

2. Sila ang kumontrol ng caravan routes kung kaya’t napilitang humanap ng ibang daan patungong
Silangan ang mga Eurpeong Kristiyano.

A. Intsik
B. Muslim
C. Vikings
D. Vandals

3. Naging makapangyarihang bansa ang mga ito sa Europa noong dantaon 15 maliban sa

A. Portugal
B. Espanya
C. Poland
D. Inglatera

4. Ito ang serye ng mga ekspedisyon na ginawa ng mga Kristiyano upang bawiin ang Jerusalem sa
kamay ng mga Muslim.

A. Reconquista
B. Inkisisyon
C. Krusada
D. Armada

5. Ang pinakapangunahing produktong hanap ng mga Europeo noong panahon ng eksplorasyon.

A. Rekado
B. Porselana
C. Sutla
D. Pabango

6. Sa kasunduang ito, inilipat ang hanggahan ng Espanya at Portugal sa 370 legua sa direksiyon
Silangan ng mga islang Cape Verde.

A. Kasunduan sa Zaragoza
B. Kasunduan sa Tordesillas
C. Kasunduan sa Paris
D. Kasunduan sa Versailles
7. Ang ekspedisyong Magallanes-Elcano ay binubuo ng

A. 6 na barko at 260 tauhan


B. 5 barko at 270 tauhan
C. 4 na barko at 280 tauhan
D. 3 barko at 290 tauhan

8. Kung si Fernando Magallanes ay isang Portuges, si Antonio Pigafetta naman ay isang

A. Aleman
B. Espanyol
C. Portuges
D. Italyano

9. Maituturing na may kredibilidad si Pigafetta upang maging opisyal na tagapagtalâ ng ekspedisyong


Magallanes-Elcano dahil

A. Nakapag-aral siya ng astronomiya, heograpiya, at kartograpiya.


B. Edukado siyang tao.
C. Mahilig siya sa pakikipagsapalaran at mapag-usisa sa mga bagay ng daigdig.
D. Lahat sa itaas

10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang walang batayan.

A. Si James A. Roberston ang nagsalin sa wikang Ingles ng talâ ni Pigafetta mula sa kopyang
B. Ambrosian.
C. Nailimbag ang orihinal na dyornal ni Pigafetta.
D. Tatlo sa mga nakuhang kopya ng manuskrito ni Pigafetta ay naisalin sa wikang Pranses.
E. Nailathala ni Carlo Amoretti ang Italyanong bersiyon ng manuskrito ni Pigafetta.

11. Natuloy ang ekspedisyong Magallanes-Elcano dahil sa tulong pampinansiya ng isang Alemang

may-ari ng bangko na si

A. Jacob Fugger
B. John Smith
C. James White
D. Jacob Voss

12. Ang tatlong barkong ito na kasama sa ekspedisyong Magallanes-Elcano ay nakarating sa Pilipinas
maliban sa

A. Victoria
B. Santiago
C. Trinidad
D. Concepcion

13. Ang alipin/tagasalin ni Magallanes na tumulong kay Pigafetta sa pagsusulat ng kaganapan sa

pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas.


A. Enrique de Malacca
B. Jose Rodriguez
C. Julian Cristobal
D. Benigno Agustin

14. Si Magallanes ang unang dayuhang Europeo na nakarating as Pilipinas at nakipag-ugnayan sa mga
katutubo. Ang unang pulo kung saan siya dumaong ay ang

A. Samar
B. Homonhon
C. Cebu
D. Mactan

15. Ang mga sumusunod ay mga hamong kinaharap ng ekspedisyong Magallanes-Elcano maliban sa

A. kakulangan ng pagkain
B. kakulangan ng gamit sa paglalayag
C. kakulangan ng tiwala ng mga tripulante sa liderato ni Magallanes
D. masamang pakikitungo ng mga taong nakasalamuha nila sa paglalakbay.

16. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging pinakamahalagang resulta ng paglalakbay ni
Magallanes para sa mundo?

A. Ang pagkatuklas sa Pilipinas


B. Ang patunay na ang mundo ay bilog
C. Ang pagkatuklas ng mga rekado sa Moluccas
D. Ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa ating kapuluan

17. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pagtungo at pagtuklas ng
mga lugar sa Silangan?

A. Ang pagpalaganap ng Kristiyanismo


B. Ang pakikipagkalakalan at pagpapalawak ng kapangyarihan
C. Ang pagpapasikat sa kapwa Europeong bansa
D. Ang pagtulong sa mga hindi maunlad na bansa para mapaunlad ang mga ito.

18. Alin sa mga sumusunod na katangian ng Pilipino ang hinangaan ng mga Espanyol noong sila ay
dumaong sa ating kapuluan?

A. Ang pagiging matapang


B. Ang pagiging masunurin
C. Ang mabuting pagtanggap sa mga dayuhan
D. Ang pagiging masayahin

19. Ang sanduguan ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang

A. Kapangyarihan nila sa mga dayuhan


B. Pakikipagkasundo sa mga dayuhan
C. Pagiging matapang nila sa anumang uri ng labanan
D. Pagtanggap ng relihiyon ng mga dayuhan
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi napatunayan ng ekspedisyong Magallanes-Elcano sa paglalakbay
sa Silangan?

A. Ang mundo ay bilog


B. Maaaring makarating sa silangan na ang daan ay kanluran
C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas
D. Sagana sa mga rekado at yamang likas ang Silangan.

You might also like