Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Division of Marinduque

Republic of the Philippines


Santa Cruz East District
TAMBANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Tambangan, Santa Cruz
SY 2021 – 2022
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
PANGALAN:____________________________ PETSA:________________________
BAITANG:____________________________ PUNTOS:_______________________
A. PAKIKINIG: Makinig sa babasahin ng guro sa bawat bilang at sagutan ang tanong sa ibaba.
1. Ano ang ibig sabihin ng Pandora?
A. Gintong Susi C. Alaala ng mga diyos
B. Alaala ng kahapon D. Isang magandang babae
2. Anong katangian ang ipinagkaloob ni Venus kay Pandora?
A. Pagka - usyuso C. Kagandahang natatangi
B. Hilig sa musika D. Dunong at kakayahan sa paghabi
3. Sino ang lalaki na naging kabiyak ni Pandora?
A. Jupiter C. Merkuryo
B. Apollo D. Epimetheus
4. Ano ang laman ng kahon ni Pandora?
A. Gintong susi C. Mga impakto sa daigdig
B. Mga alahas at Damit D. Mga litrato ng nakalipas
5. Ano ang naiwan sa loob ng kahon ni Pandora?
A. Pag - asa C. Katakawan
B. Kalupitan D. Kasalaulaan

B. PAGBASA. Basahin at unawaing mabuti ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Si Gilgamesh ay hari ng Uruk na 2/3 diyos at 1/3 na tao. Sa simula ay kinaiinisan siya ng mga tao dahil sa
pinaglalaruan niya ang mga mag – asawang bagong kasal kaya nilikha ng diyos si Enkidu. Naglaban ang dalawa at
nagwagi si Gilgamesh. Iyon ang naging simula ng kanilang pagkakaibigan. Pumunta nag dalawa sa Cedar upang
patayin ang halimaw na si Humbaba. Pagkatapos nila itong mapatay ay bumalik sila sa Uruk. Sumunod ay napatay nila
ang toro ng langit na naminsala sa lupa. Dahil ditto, nagalit ang mga diyos at binawi ang buhay ni Enkidu na labis na
ikinalungkot ni Gilgamesh. Hanggang sa naglakbay si Gilgamesh upang alamin ang sikreto ng pagkakaroon ng buhay
na walang hanggan subalt siya’y nabigo. Sa huli ay masaya na niyanng tinaggap ang pagiging mortal
-buod ng Epiko ni Gilgamesh

6. Sino ang hari ng Uruk na 2/3 diyos at 1/3 na tao?


A. Enkidu C. Gilgamesh
B. Ishtar D. Humbaba
7. Sino ang ipinadala ng mga diyos upang maging katapat ni Gilgamesh?
A. Enkidu C. Gilgamesh
B. Ishtar D. Humbaba
8. Bakit kinaiinisan ng mga tao si Gilgamesh?
A. Mahina si Gilgamesh
B. Dahil mayabang si Gilgamesh
C. Hindi marunong mamuno si Gilgamesh
D. Pinaglalaruan niya ang mag – asawang bagong kasal
9. Sino ang halimaw na pinaslang nina Gilgamesh sa Kagubatan ng Cedar?
A. Humbibo C. Humbaba
B. Humbiba D. wala sa nabanggit
10. Bakit binawi ng diyos ang buhay si Enkidu?
A. Nagalit ang diyos sa pagkakagapi ng kanyang mga sugo
B. Dahil hadlang sa kanyang kapangyarihan si Enkidu
C. Dahil walang mapaglibanagan ang mga diyos
D. Wala sa nabanggit

C. PAGLINANG NG TALASALITAAN.
I. Ayusin ang mga titik sa loob ng panaklong upang mabuo ang salita na kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.

11. Hindi malaman kung papaano nag – ugat ang La Tomatina Festival. (gasiaunlm)
12. Ang pagputok ng water cannon ay senyales nang pagsisimula ng pagbabatuhan ng kamatis. (yhtaud)
13. Kailangang lamasin muna ang kamatis bago ito ibato. (uudgnir)

II. Gamit ang hagdan, ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan mula sa pinakamababa
hanggang sa pinakamataas.

14. Kagunggungan
Kahangalan
Kabaliwan
Kalokohan

15. Galit
Poot
Muhi
ngitngit

16. Kinupkop
Inalagaan
Tinangkilik
Kinalinga

17. Hapis
Lungkot
Pighati
Lumbay

18. Hagikhik
Ngiti
Tawa
Halakhak
III. Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang at ibigay ang kahulugan ng mga salitang initiman
batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Pumili ng sagot sa kahon sa ibaba.
________19. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi.
________20. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.
________21. “O, kahabag – habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lamang ng baso.
________22. Kung kani – kanino siya nanghiram, lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit na ang mga
gipit na kasunduan, kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot.
________23. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali – halina, kaibig – ibig, maging
tampulan ng papuri at pangimbuluhan ng ibang babae.

Kagandahan nababalot Kaawa- awa kainggitan


Nag – aatubili mahirap maninipsip pag - agawan

D. WIKA AT GRAMATIKA
I. Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang mula sa
ibinigay na pagpipilian sa loob ng panaklong.

24. _______ (Siya’y, Ika’y, Kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay
isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
25. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala_________(akong, kaming, siyang)
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na magdudulot ng salapi.
26. Malimit na sa pagmamasid_______(niya, nito, siya) sa babaeng Briton na gumaganap ng ilang pangangailanagn
niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso.
27. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa _____(nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.”
28. Sumapit ang inaasam (naming, kong, niyang) ________araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si
Madame Loisel.

II. Isulat kung ang pandiwang may salungguhit ay nagpapahayag ng aksyon, pangyayari o karanasan.
________29. Nagbigay si Venus ng kagandahan kay Pandora.
________30. Si Apollo ay naghandog ng hilig sa musika
________31. Natuwa ang mmga diyos at diyosa sa kanilang likha
________32. Natukso siya buksan ang takip nito
________33. Nangilabot siya sa kanyang nakita

E. PAGSULAT. Sumulat ng sariling mitolohiya na may temang pag – ibig sa loob ng 5 hanggang 10
pangungusap o higit pa.

Rubriks:
7 – Nailahad ng maayos ang mitolohiya
5 – Nailahad ngunit hindi kumpleto ang ideya
3 – Nailahad ngunit hind angkop sa paksa
0 – Walang paliwanag

GOOD LUCK!!!

Inihanda ni:
MA. KATHLEEN E. JOGNO
SST – I
Iniwasto ni:
RAMER M. MANSALAPUS
TIC/SST - II

You might also like