Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BASURA???

Hindi na bago ang salitang ito, tila nakatatak na ito sa isipan ng maraming tao.Basurang nagkalat kung
saan saan, kalat dito kalat doon, tila wala ng mapaglagyan ang mga ito.Lubhang napakarami ng
nalalason dahil dito.Isa itong salot kung maituturing.Kasabay ng pagdami ng mga makabagong
kagamitan, pagdami ng mga taong yumayaman,at ang biglaang paglobo ng populasyon ay ang unti
unting pagkasira ng ating kapaligiran dahil sa mga basurang itinapon kung saan saan. Kung ako ang
tatanungin masakit na ito sa aking paningin para bang nakikita kong lusaw na lusaw na ang totoong
kulay ng ating kapaligiran sapagkat sa bawat sulok na aking nakikita ay ang mga basurang nagkalat. Isa
lang ang masasabi ko rito, resulta ito ng unti unting pagkawala ng disiplina ng maraming tao. Linikha ng
Panginoon ang kapaligiran upang ito ay ating pangalagaan hindi para ilapastangan lang. Kung ikaw ang
tatanungin gaano ba karami ang iyong naitatapon sa kapaligiran? Simpleng maliit na balat lang ng kendi
ay may malaking epekto na sa ating kapaligiran, simpleng balat ng saging na ating pinagkainin, sobrang
paggamit ng mga kemikal na lumalason sa mga ilog at marami pang iba.Aminin man natin o hindi,
nakakasiguro tayong hindi tayo mabubuhay kung wala ang kapaligiran. Kaya’t habang maaga pa agapan
na natin ang pagkasira nito, tayo ay umaksyon na upang makita na natin ang bagong pag-asa.

You might also like