Professional Documents
Culture Documents
Finals Modyul Fil 406
Finals Modyul Fil 406
Finals Modyul Fil 406
MODYUL
ng
Pagtuturo-Pagkatuto
sa
Filipino 406
Inihanda ni:
LABETORIA, JUSPER L.
Instruktor, CoEd
1|Page
Catbalogan City
Lungsod Catbalogan, Samar
I. Deskripsyon ng kurso
Ang kursong ito ay may katumbas na tatlong yunit. Tatalakayin sa kursong ito
ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan. Nangangailangan ito ng hilig, tiyaga,
kusa at pagkawili para muling makagawian ng mga mag-aral ang magkaroon ng
oras at magbuklat ng babasahin upang ganahin ang kanilang guni-guni at hasain
ang kanilang talino at makabuluhang pagbabasa para sa mabisang pag aaral na ito.
Sa tulong ng pag-aaral sa asignaturang ito ay mabubuksan ang isipan ng ating
mga mag-aaral sa kahalagahang moral, ispiritwal, pisikal at mental na siyang
magiging daan sa pagpapahalaga sa ugnayan ng wika, kultura at lipunan.
II. Paksa/Aralin
II. NILALAMAN
UNANG BAHAGI
(FINALS)
PAKSA 1:))
2|Page
Patricia M. Melendrez-Cruz
Wikang Panturo:
Isyung Pulitikal
Instrumento ng Kolonisasyon ng Isipan
Ingles pa rin ang gustong gamitin kahit nakasasama ito sa aspektong pedagogikal,
sikolohikal at pulitikal
Signipikasyon ng wika: "isang kultura, isang disenyo ng kaisipan-damdamin, isang uri ng
pamumuhay"
WIKA AT EDUKASYON
Ipinakilala sa mga "bihag na isipan" ang iba pang kanluraning mga ideya
Patuloy na "mis-edukasyon" at pagbihag ng isipan
Ang mga batayang aklat at sanggunian ay umaalinsunod sa oryentasyong kanluranin
3|Page
Patakarang Bilinggwal
Tunay na sanhi: patakarang wikang panturo
Paano matututong mabuti ang mga mag-aaral kung sa simula pa lamang ay sagabal na
ang mismongkaparaanan ng pagkatuto?
Nag-aambag o nagpapalala sa mabababang kalidad ng edukasyon
Ang mag-aaral ay tagapagtanggap lamang ng pang-aklat na kaalaman
Nagiging palaasa sa kanluraning teorya at metodolohiya kaysa maging malikhain at
mapanubok
Ipinauubaya kung hindi man inaangkin sa mga mauunlad na bansa ang pagbalangkas ng
mga teorya at metodolohiya
Tinatanggap lamang natin ang kanluraning balangkas konseptwal
Ipinalaganap ng mga Amerikano ang Ingles para maihasik ang kanilang mga ideolohiya,
pero ito ang naging sangkap upang mabigo ang demokratikong proseso sa bansa
Nagbunga ng di-pagkapantay-pantay
"Third largest English speaking country" pero hindi naman ma-ekspres ang sarili gamit
ang Ingles
MAKABAYANG EDUKASYON
PAKSA 2:))
4|Page
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino
Ethnos o Volk
- Isang bayan o pamayanan na may pagkakabukod dahil sa sariling wika at kultura.
Nasyon o Bansa
- Pagkakabuo sa kasaysayan ng isang kulturang ipinahihiwatig ng iisang wika sa loob at sa
bisa ng isang estado.
Irredentismo
- Negatibong Aspeto ng Wika: Pagsasangkot at pulitikal na paggamit sa natural na
hangarin ng bawat kabuuang lumawak.
Partisipasyon
- Ang pagkakalaam ng isang wika ay nangangahulugan ng pagiging miyembro ng
kulturang ito.
Polyglot
5|Page
- Taong may kakayahang makapagsalita ng maraming wika
PAKSA 3:
Intelektuwalismo at Wika
Nasa wika ang susi para sa pag-unlad ng intelektwalismo ng bawat Pilipino. Ito ay dapat
na nakadepende sa sariling batis ng kaalaman at tiwalag sa dayuhang tradisyon ng kaalaman
dahil pwede naman at kayang lumikha ng sariling tradisyong intelektwal kung gugustuhin.
Mangyayari lamang ito kung kikilos ang mga intelektwal sa bansa na siyang inaasahang
mangunguna sa pagtataguyod ng kaunlaran ng isipan ng bawat Pilipino kung kakalag sila sa
pansarili lamang nilang interes na sila lamang ang umunlad ang pamumuhay. Aksayado ang
kanilang dunong at kakayahan sapagkat hindi ito nagagamit para sana sa benepisyo ng
karamihan at ng lipunan kulang ang hubog sa kanilang isipan na mag-isip ng para rin sa bayan
dahil sila mismo ay biktima rin ng ‘misedukasyon’. Indibidwalistiko ang tunguhin ng pagtamo
ng edukasyon, dahil sa tradisyunal na pag-iisip ng mga Pilipino na magamit ang edukasyon para
sa pansariling ambisyon at walang pakialam sa pagpapayaman ng iba pang aspekto sa lipunan sa
pamamagitan ng kanilang mga sariling husay. Ang may taliwas na pananaw naman dito ang
siyang nababansagang radikal, samantalang sila nga itong tagasulong ng pa-usad na tunguhin
para sa bansa. Bunga ng malalim na ukit ng impluwensyang mananakop lalo na ng Amerika sa
usapin ng wika, naging hadlang ito sa paggamit ng katutubong wika sa mga mahahalagang
porma ng komunikasyon, mas mataas ang pagtingin sa paggamit ng Ingles na katawa-tawang
realidad sapagkat sa totoo’y kung tunay ngang tulay ito sa pag-unlad, bakit tila ito pa nga ang
nakakapagpabansot sa tuluyang pagpaparunong ng kamalayan at pag-iisip ng bawat Pilipino?
Ang patuloy na paggamit ng wikang katutubo sa iba’t ibang anyo sa sining at kultura tulad ng
mga akdang pampanitikan, radyo, telebisyon, pahayagan, pelikula at iba pa, ay isang paraan ng
paggamit ng wika para sa malalim na pag-iisip. Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan ay
maisusulong ang kaganapan ng intelektwalismo ng mga Pilipino.
6|Page
III. MGA GAWAING PAGTUTURO-PAGKATUTO
Pangalan:____________________________ Instruktor:_____________________________
Kurso at Antas:_______________________ Oras at Araw:_________________________
WIKA EDUKASYON
KAHALAGAHAN NG WIKA AT
EDUKASYON SA PAGTUTURO
7|Page
GAWAIN 2. (Maikling Pagsusulit)
SAMAR COLLEGES, INC.
Catbalogan City
Lungsod Catbalogan, Samar
Pangalan:____________________________ Instruktor:_____________________________
Kurso at Antas:_______________________ Oras at Araw:_________________________
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot bago ang bilang. 10 puntos.
(Polyglot)
8|Page
____________7.Function ng wika ang nagsasabi na dito natitipon ang pag-uugali, isip at
damdamin ng isang grupo ng tao. Ito ang SALUKAN NG KAISIPAN ng isang kultura.
____________8. Function ng wika ang nagsasabi na ang wika ang natatanging paraan upang
matutuhan ng isang tao ang kulturang kinabibilangan niya at kahit na iyong hindi taal sa kanya?
Paliwanag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
9|Page