ESP Lesson Plan 4 Second Lesson

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4- Rizal

Inihanda ni Reden S. Javillo

I. Layunin:
Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naisasabuhay ang wastong pag tulong sa mga ngangailangan;
b. makapaghinuha ng mga paraan kung ano ang dapat gawin kung may
nangangailangan ng tulong; at
c. maipahayag ang pananaw ng mag-aaral kung paano tumulong sa
nangangailan.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Sa Oras ng Pangngailangan, Handa Ko Silang Tulungan”
B. Sanggunian:
Learning Guide (ESP)
ESP book
C. Kagamitan
Powerpoint
Computer
Cellphone
D. PAGPAPAHALAGA
Pinapahalagahan ang pagtulong sa iba sa oras ng pangangailangan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtatala
c. Pagbati
IV. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Pamamaraan
Balikan ang nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pag tanung sa mga
mag-aaral ng mga piling katanungan tungkol sa nakaraang liksiyon.
1.Ano nga ang leksyon nung nakaraan?
2. Ano ang ibigsabihin ng Gintong aral or Golden Rule?
3. Bakit kailangan natin sundin ang Gintong Aral?

B. Pangganyak
Ang guro ay hinihikayat ang mga mag-aaral na panoorin ang bidyo tungkol
sa pagtulong sa nangangailangan, tapos mag tatanung ang guro kung saan
tungko ang pinanood nilang bidyo.
1. Tungkol saan ang bedyong pinanood niyo?
2. Anung aral ang mapupulot niyo sa inyong napanood?

C. Pagtatalakay
Mag tatanung ang guro kung meron ba silang ediya sa leksyon bago niya
tatalakayin ang leksyon tungkol sa “Sa Oras ng Pangngailangan, Handa Ko
Silang Tulungan”
1. Ano kaya ang ating leksyon ngayon?
2. Meron ba kayong naiisip o ideya?

D. Pagbubuod
*Ano ang tinalakay natin sa araw na ito?
*Ano ang mga aral na inyong napulot sa tinalakay ngayong umaga?
E. Pagsasagawa
Ang guro ay mag papakita ng mga larawan at huhulaan ng mag-aaral ang
kung ano ung mga larawan at kumpletohin ang mga salita.
(Kumpletohin mo)

Baha Sunog giyera

Lindol

F. Pagtataya
Sagutan ang mga sumusunod ng katanungan, isulat ang tamang litra ng
tamang sagot, kailangan walang bura o pagpapalit ng sagot sa inyong
papil.

1. Pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa


mga tao at komunidad. Bunga ng natural na proseso ng kalikasan.
a. Kalamidad b. sunog
c. Kalmedad d. lindol
2. Ito ay isang paraan ng pagtulong na mag bibigay ka ng mga gamit katulad ng
pagkain, damit, gamot at iba pa.
a. Manghikayat b. Magboluntaryo
c. Mararamdaman d. Pagmamahal
3. Ipaalam sa kanila na marami ang nangangailangan at marami rin silang puwedeng
gawin para makatulong.
a. Mararamdaman b. Magboluntaryo
c. Pagmamahal d. Manghikayat
4. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong sarili sa kanilang
sitwasyon.
a. Pagmamahal b. Manghikayat
c. Magboluntaryo d. Mararamdaman
5. Ang _____ sa kapwa ay dapat galing sa ating mga puso. Bukod dito, dapat wala rin
tayong hinahanap na kapalit.
a. Pagtutulong b. Paggalang
c. Pagmamahal d. Pagbigay

G. Takdang Aralin

Basahin ang susunod na Aralin na makikita sa pahina 62


Paksa “Paggalang sa Kapwa sa Lahat ng Oras at Pagkakataon”

You might also like