Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4- Rizal

Inihanda ni Reden S. Javillo

I. Layunin:
Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Maipapamalas ang wastong paggalang sa kapwa sa lahat ng oras at
pagkakataon;
b. Maipapaliwanag kung papano ang tamang paggalang sa kapwa; at
c. Naisasabuhay ang tunay na paggalang sa taong nagpapahinga.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Paggalang sa Kapwa sa Lahat ng Oras at Pagkakataon”
B. Sanggunian:
Learning Guide (ESP)
ESP book
C. Kagamitan
Powerpoint
Computer
Cellphone
D. PAGPAPAHALAGA
Pinapahalagahan ang paggalang sa kapwa sa lahat ng oras at pagkakataon

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtatala
c. Pagbati
IV. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Pamamaraan
Balikan ang nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pag tanung sa mga
mag-aaral ng mga piling katanungan tungkol sa nakaraang liksiyon.
1.Ano nga ang leksyon nung nakaraan?
2. Ano nga yong apat na dapat nating gawin para makatulong tayo sa mga
taong nasalanta ng kalamidad?
3. Bakit kailangan natin kailangan tumulong sa mga taong nangangailangan?

B. Pangganyak
Ang guro ay magpapakita ng ibat-ibang larawan at ipakukumpara ng mga
mag-aral ang mga ito.
1. Ano ang nakikita niyo sa larawan?
2. Anung pagkakaiba ng dalawa?
C. Pagtatalakay
Mag tatanung ang guro kung meron ba silang ediya sa leksyon bago niya
tatalakayin ang leksyon tungkol sa “Paggalang sa Kapwa sa Lahat ng Oras at
Pagkakataon”
1. Tungkol saan ang leksyon kaya natin ngayon?
2. Meron ba kayong naiisip o ideya?

D. Pagbubuod
*Ano ang tinalakay natin sa araw na ito?
*Ano ang mga aral na inyong napulot sa tinalakay ngayong umaga?

E. Pagsasagawa
Ang guro ay mag papakita ng mga larawan at sasagutan ng mag-aaral kung
paano nila maipakikita ang paggalang sa mga taong nasa larawan.
F. Pagtataya
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, isulat ang tamang litra ng
tamang sagot, kailangan walang bura o pagpapalit ng sagot sa inyong
papil.

1. Ang pamamahinga tulad ng pagtulog ay isa sa mahalaga at likas na gawain na


kailangan ng tao sa kaniyang pang araw-araw na pamumuhay.
a. Paggalang sa Nagpapahinga b. Paggalang sa Nag-aaral
c. Paggalang sa may Karamdaman o Maysakit d. Paggalang sa nakakatanda
2. Tulungan silang maging komportable. Ilagay sa kanilang tabi ang mga bagay na
maaari nilang kailanganin tulad ng tubig, unan, gamut at kahon ng tissue
o icepack.
a. Paggalang sa Nagpapahinga b. Paggalang sa Nag-aaral
c. Paggalang sa may Karamdaman o Maysakit d. Paggalang sa nakakatanda
3. Sa oras ng pagsusulit ay iwasan ang gumawa ng anumang ingay na maaaring
makasira ng konsentrasyon ng mga kumukuha ng pagsusulit.
a. Paggalang sa may Karamdaman o Maysakit b. Paggalang sa nakakatanda
c. Paggalang sa Nagpapahinga d. Paggalang sa Nag-aaral
4. Maging maingat sa iyong pagkilos upang makasiguro na hindi ka makagagawa ng
anumang hindi kinakailangang ingay.
a. Paggalang sa Nag-aaral b. Paggalang sa may Karamdaman o
Maysakit c. Paggalang sa nakakatanda d. Paggalang sa
Nagpapahinga
5. Huwag abalahin sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan ang sinuman na
________, gumagawa ng takdang aralin, o nagbabasa.
a. Paggalang sa Nag-aaral b. Paggalang sa may Karamdaman o
Maysakit c. Paggalang sa nakakatanda d. Paggalang sa
Nagpapahinga

G. Takdang Aralin

Basahin ang susunod na Aralin na makikita sa pahina 72


Paksa “Ang Pakikinig ay Daan sa Mabuting Ugnayan”

You might also like