Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

PANGKALUSUGANG

MODYUL PARA SA
MAG-AARAL SA BAITANG 4
TABLE OF CONTENTS
Ang modyul na ito ay nakalaan para
sa mag-aaral sa Baitang 4 at maaaring Aralin 1: Food Labels
sagutan sa tulong ng magulang, kapatid
o tagapangalaga. Ito ay may tatlong aralin: Buod ng Nilalaman at mga Layunin 2
Ating Simulan 2
• Food Labels Ipakita Mo 3
• Kaligtasan sa Pagkain Magbasa at Matuto 4
Ano ang Ating Natutunan? 5
Magbasa at Matuto 6
Ipakita Mo 7

Aralin 2: Kaligtasan ng Pagkain



GABAY PARA SA MGA ICONS Buod ng Nilalaman at mga Layunin 9
Ito ay tumutukoy sa mga bahagi ng Magbasa at Matuto 9
modyul na dapat basahin kasama Ano ang Ating Natutunan? 11
ang iyong anak Magbasa at Matuto 12
Ano ang Ating Natutunan? 14
Ito ay tumutukoy sa mga bahagi na Subukan Ito 15
kailangan sagutan
Ito ay tumutukoy sa mga bahagi
na naglalarawan ng mas maraming
gawain para matuto

1
ARALIN 1
FOOD LABELS
BUOD NG NILALAMAN

Sa araling ito, matututunan mo ang halaga 4. Ang labels ay nagbibigay ng impormasyon


ng pagbabasa ng food labels. sa mga mamimili kung gaano katagal
1. Basahin at intindihin ang food labels maaaring itabi ang pagkain at kung
upang makatulong sa mga mamimili na hanggang kailan ito maaaring kainin.
pumili ng masustansya at iba’t ibang
pagpipilian. LAYUNIN
2. Ipinapaalam ng mga labels sa mga
mamimili kung ang isang klase ng Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na kaya
pagkain ay nagbibigay ng wastong mong:
sustansya at tamang bilang ng calories,
1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbasa
taba, asin at asukal. Ang pag-unawa ng
ng food labels.
impormasyon na ito ay makakatulong
upang masundan ng bawat mamimili 2. Ilarawan ang impormasyon na nilalaman sa
ang tamang paggamit ng sustansya mga food labels.
at calories at tamang pagbabahagi ng 3. Gamitin ang food labels upang maihahalintulad
pagkain. ang sustansya ng iba’t ibang pagkain.
3. Pinoprotektahan ng mga label ang mga
konsumer laban sa mga mapanlinlang na Sa aralin na ito, matututunan natin ang:
patalastas, dahil pinapakita ng mga ito
ang tunay na sustansya ng isang pagkain. Choose Nutritious Manage
and Varied Options Portions

ATING SIMULAN
Tingnan ang dalawang larawan sa ibaba. Alin sa tingin mo ang mas masustansya at bakit?

cupcake
Sa pagitan ng dalawang pagkain, alin sa tingin mo ang nagtataglay ng:
• Mas madaming sugar?
whole wheat
• Mas madaming salt? bread
• Mas madaming calories?

Paano mo malalaman kung ang isang pagkain ay nagtataglay ng maraming sugar o salt? Paano mo
malalaman kung ang pagkain ay mayroong madaming calories?

2
Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels

Mahalaga na pumili tayo ng pagkain na makakatulong na


magpalaki at magpalakas sa mga katawan natin,
at maibigay ang lakas na kinakailangan para tumagal nang
buong araw.

Kapag tayo ay kumakain ng prutas, gulay, karne at


fortified milk sa tamang bahagi, alam natin na nakukuha
ng ating katawan ang kailangan nitong sustansya.
Ngunit paano kung ang pagkain ay nakasilid sa plastic
na lalagyan, selyadong bag at kahon?

Karamihan sa produktong pagkain ay nakabalot at mayroong food labels. Ang food labels ay
ang pangunahing komunikasyon ng manufacturer (ang kompanya na gumawa ng pagkain) at
ng mamimili (tayo). Ang manufacturer ay nagbibigay ng kaalaman kung ano ang nilalaman ng
pagkain na ating kinakain. Ang food labels ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa nilalaman ng
pagkain, ang nutrisyon at tagal ng pag-iimbak.

IPAKITA MO Sa araling ito, kailangan ninyo ng food labels. Magdala ng mga produkto na
mayroong food labels tulad ng nakikita mo dito. Titingnan at ihahambing
ang mga labels habang tinatalakay ang aralin.

Ating tingnan ang label. Hanapin ang mga salita at bilugan:

• Serving Size • Sugar


• Number of Servings • Protein
• Energy / Calories • Vitamin C
• Fat • Vitamin B6
• Saturated Fat • Vitamin B12
• Trans Fat • Vitamin D
• Cholesterol • Iron
• Sodium • Calcium
• Carbohydrates • Phosphorus
• Dietary Fiber • Ingredients

Tingnan ang sariling food labels. Pumili ng


isa at tingnan kung naglalaman ng lahat ng
impormasyon na nakalista dito. Lagyan ng tsek
sa tabi ng impormasyon na makikita sa label.
• Serving Size • Sugar
• Number of Servings • Protein
• Energy / Calories • Vitamin C
• Fat • Vitamin B6
INGREDIENTS: Milk powders • Saturated Fat • Vitamin B12
(Skimmed milk, Whey), Malt • Trans Fat • Vitamin D
Extract (Barley, Starch), Sugar,
Vegetable oil, Cocoa powder,
• Cholesterol • Iron
Minerals (Calcium carbonate, • Sodium • Calcium
Dicalcium phosphate, Disodium • Carbohydrates • Phosphorus
phosphate, Iron pyrophosphate,
Vitamins (C, B3, B6, B2, D, B12).
• Dietary Fiber • Ingredients

3
Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels

MAGBASA AT MATUTO
Ang pag-intindi ng food labels ay mahalaga
dahil ito ay makakatulong sa pagpili ng
masustansya at iba-ibang pagpipilian. Ang
food labels ay tumutulong din upang malaman
natin ang masustansyang dami ng pagkain
at maprotektahan laban sa mapanlinlang na
anunsyo.

Ito ang paraan kung paano gamitin ang


impormasyon sa food labels upang makapili ng
masustansyang pagkain.

Una natin titingnan ay ang serving size at


serving per container.
• Servings size ang nagsasabi ng
inirerekomendang dami ng pagkain para sa
isang tao.
• Serving per container naman ay ang
kabuuang dami ng servings sa buong balot.
Kapag tiningnan ang lahat ng iba pang
impormasyon sa label, ito ay nakaayon sa serving
size, tulad ng ipinapakita sa ibaba.
Ang food labels ay nagbibigay ng impormasyon
tungkol sa calories. Ang calories ay tumutukoy
sa dami ng enerhiya na maaaring makuha mula
sa isang produktong pagkain. Ang dami ng
calories na makukuha sa isang produkto ay may
kaugnayan sa serving size.
Halimbawa, mayroong 94 calories sa loob ng 24
grams ng produkto. Kung mauubos ay 48 grams
ng produkto (dalawang beses ng serving size),
ang iyong makukuha ay 188 calories.
INGREDIENTS: Milk powders
(Skimmed milk, Whey), Malt Dapat din tingnan ang nutrient information sa
Extract (Barley, Starch), Sugar, Nutrition Information Panel o Nutrition Facts.
Vegetable oil, Cocoa powder,
Ito ang magsasabi kung gaano karami ang
Minerals (Calcium carbonate,
Dicalcium phosphate, Disodium
sustansya sa isang serving ng:
phosphate, Iron pyrophosphate, • Protein
Vitamins (C, B3, B6, B2, D, B12).
• Carbohyrdates (kabilang ang sugar at fiber)
• Fat (kabilang ang saturated fat, trans fat, at
cholesterol)
• Vitamins at minerals

Ang impormasyon sa nutrition panel ay makakatulong sa atin upang suriin kung ang mga
sinasabi nito tungkol sa produkto ay totoo o hindi. Halimbawa, kung ang produkto ay nagsasabi
na mayroon itong vitamins at mineral sa balot nito, ngunit walang nakasaad na vitamins at
minerals sa Nutrition Information Panel, ang mga pahayag nito tungkol sa sustansya ay hindi
dapat paniwalaan. Kung ang pahayag sa produkto ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang,
ngunit ito mayroong mataas na calories at mataas na asukal at taba, malalaman mo na ang
pahayag na pagtulong sa pagbawas ng timbang ay hindi dapat paniwalaan.

4
Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels

Ang food labels ay naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:


• Expiration Date (petsa ng pagkawalang bisa). Ito naman ay tumutukoy kung gaano ang itatagal
ng pagkain na ligtas kainin. Hindi natin dapat kainin ang pagkain na lipas na ang expiration date.
• Directions for use (o paraan ng pag gamit) na nagsasabi kung paano inihahanda at inihahain ang
pagkain ng maayos.
• Ang storage condition (kondisyon ng pagiimbak) ay tumutukoy kung paano iimbak ang
pagkain upang mapanatili ang kalidad, lalo na kung kailangan ilagay ang pagkain sa malamig na
kapaligiran.

ANO ANG ATING NATUTUNAN?


Tingnan muli ang inyong mga food labels. Pumili ng isa na maaring gupitin at idikit sa puwang sa
ibaba. (Maaring kumuha ng larawan ng iyong label at iprint ito). Punan ang patlang sa ibaba ayon sa
iyong sample label.

Serving size
(idikit ang iyong label dito)
Servings per pack
Calories in one serving
In one serving:
Carbohydrates
Sugar
Fiber
Fat
Saturated fat
Trans fat
Cholesterol
Sodium

Ilista sa ibaba ang ibang vitamins at


minerals sa produkto at ang dami
nito sa bawat isang serving:

Directions for use:

Expiration date:
Storage condition:

5
Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels

MAGBASA AT MATUTO
Ngayon na alam na natin kung paano magbasa
ng label at kung aling impormasyon ang
mahalaga, ating pag-aralan kung paano
malalaman kung ang isang produkto ay
masustansya ayon sa impormasyon ng label.
Tingnan ang saturated fat at sodium/salt. Kung
ang mga ito ay mataas, maaari nating iwasan
ang produkto na ito. Mailam na:
• Ang saturated fat ay mas mababa sa 1.5
grams. Dapat WALANG Trans fat
• Ang sodium/salt ay mas mababa sa 120 mg

Susunod, tingnan ang % RENI na ang ibig


sabihin ay Recommended Energy and Nutrient
Intake. Ito ay tumutukoy sa dami ng sustansya
na makukuha ng isang tao sa pagkain ng isang
serving ng produktong pagkain. Kapag mas
mataas ang % RENI ng isang produkto, ito’y
nangangahulugan na napupunan nito ang
tamang dami ng sustansya na kailangan ng
katawan.

Panghuli, tingnan ang listahan ng sangkap


upang malaman kung ano ang laman ng ating
pagkain.
Alam mo ba na mahalaga na makita ang INGREDIENTS: Milk powders
(Skimmed milk, Whey), Malt
pagkakasunod-sunod ng sangkap sa food
Extract (Barley, Starch), Sugar,
label? Ang mga sangkap ay nakalista sa ayos Vegetable oil, Cocoa powder,
ng pinaka-marami hanggang sa pinakakaunti. Minerals (Calcium carbonate,
Dicalcium phosphate, Disodium
phosphate, Iron pyrophosphate,
Vitamins (C, B3, B6, B2, D, B12).

Sa pamamagitan ng pagtingin sa unang tatlong sangkap sa listahan ng sangkap, maaari


nating malaman kung ano ang nilalaman ng produkto at dito ay makakapagdesiyon kung
ano ang masustansyang produkto.

6
Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels

IPAKITA MO Ihambing ang mga labels. Piliin kung ano ang naglalarawan ng mas
masustansyang produkto. Ipaliwanag ang sagot sa patlang sa ibaba.

7
Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels

Ngayon ay ihambing ang dalawa. Piliin kung ano ang naglalarawan ng mas masustansyang
produkto. Ipaliwanag ang sagot sa patlang sa ibaba.

Tandaan, upang makapili ng tamang pagkain, kailangan nating basahin at intindihin ang label ng
produkto. Ito ay makakatulong tungo sa dalawang Healthy Habits na dapat nating piliin.

Choose Nutritious and Varied Options. Ang mga malusog na bata ay kumakain ng masustansya,
at iba’t ibang pagkain araw-araw dahil nagtataglay ito ng mahahalagang sustansya na
kinakailangan upang lumakas, masuportahan ang paglaki at mapanatili ang malusog na
pangangatawan. Ang pag-intindi sa mga food label ay mahalagang hakbang sa pagpili ng
masustansya at iba’t-ibang pagkain.

Manage Portions. Ang ating pagkain ay dapat mayroong carbohydrates, protein, vitamins at
minerals na may tamang dami. Ang kaalaman sa nutritional content ng produkto sa pamamagi-
tan ng pag-intindi at paggamit ng food label ay makakatulong sa pamamahala ng tamang dami.

8
ARALIN 2
KALIGTASAN NG PAGKAIN
BUOD NG NILALAMAN LAYUNIN

Sa araling ito, matututunan mo ang Pagkatapos ng araling na ito, inaasahan na


kahalagahan ng gawi sa kaligtasan kaya mong:
sa pagkain para maiwasan ang mga 1. Maipaliwanag ang pinanggagalingan ng
foodborne illnesses. foodborne illness.
1. Ang foodborne illness ay mga sakit na 2. Ilarawan ang paraan upang maiwasan ang
nakakahawa at nakakalason na maaring foodborne illness.
makuha sa pagkain o pag-inom ng
kontaminadong pagkain at inumin.
Sa araling ito, matututunan natin ang:
2. Ang pagkain ng hilaw, kontaminado, panis
at hindi nahugasang pagkain ay ang mga Choose Nutritious Choose to
Drink Water
pangkaraniwang sanhi ng foodborne and Varied Options
and Milk
illness.
3. Ang mga senyales at sintomas ng
foodborne illness ay depende sa klase
nito, ngunit may iilan na maaaring
makaranas ng pangkaraniwang sintomas
tulad ng masakit na tiyan, diarrhea,
lagnat, sakit ng ulo at pagsusuka.

MAGBASA AT MATUTO
Tatalakayin natin sa araling ito ang foodborne illness.
Ang foodborne illness ay mga sakit na infectious
(nakakahawa) o toxic (nakakalason) na maaring
makuha sa pagkain o pag inom ng kontaminadong
pagkain at inumin. Sa madaling salita, ang Foodborne
Illness ay sakit na nakukuha sa pagkain at pag-inom
ng kontaminadong pagkain at inumin na mayroong
nakakasamang bacteria at toxins.

Paano makakakuha ng karamdaman na nanggaling


sa foodborne illness? Maraming maaring sanhi ng
foodborne illness. Ito ang ilan.

Sanhi ng Foodborne Illness

Ang pagkonsumo ng hilaw na pagkain o pagkain na


hindi niluto nang maayos ay maaaring maging sanhi
ng foodborne illness. Ang mga ganitong klase ng
pagkain ay may bacteria na nagdudulot ng sakit.

Ang pag-inom ng kontaminadong tubig ay maaring


magdulot ng foodborne illness. Ang pag-inom ng
tubig na may bacteria at mikroorganismo ay maaaring
magdulot ng sakit.
9
Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain

Ang pagkain ng panis o sirang karne ng hayop ay sanhi ng foodborne illness. Ang bacteria na
galing sa karne ng hayop ay kayang magbigay ng sakit sa isang tao lalo na pag ito ay nakain.

Ang pagkonsumo ng hindi malinis na pagkain tulad ng pagkain ng prutas at gulay na hindi
nahugasan. Maliban sa bacteria na mahahanap sa mga pagkaing ito, maaaring may nalalabing
nakalalasong pamatay-insekto, kung kaya’t kailangan nating hugasan ang pagkain bago kainin.

Ang paggamit ng maduming kagamitan sa pagkain at pagluluto o pagkain gamit ang maduming
kamay ay maaaring makakontamina ng pagkain.

Panghuli, ang pag-iwan ng pagkain na walang takip ay maaaring maging sanhi ng kontaminasyon.
Ang pagkaing ito ay makakaakit sa mga insekto at daga. Ang mga ito ay nagdadala ng
mikroorganismo na makakakontamina sa pagkain.

Senyales at Sintomas ng Foodborne Illness

Madaming senyales at sintomas ng foodborne illness.


Ang mga pangkaraniwan ay pagsakit ng tiyan,
diarrhea, lagnat, sakit ng ulo at pagsusuka.

Ang pagsakit ng tiyan ang sakit na nararamdaman sa


bandang sikmura. May iba’t ibang antas ang sakit na
nararamdaman. Minsan ito ay di gaanong masakit at
minsan naman ay sobrang sakit.

Ang diarrhea ay impeksyon sa tiyan na madalas nakukuha mula sa bacteria, germs at parasites.
Maaaring maranasan ang madalas na pagdumi na nakukuha sa pagkain o pag-inom ng
kontaminadong pagkain at tubig.

Ang lagnat ay nararanasan kapag ang temperatura ng katawan ay mas mataas kaysa normal. Maaari
din sumakit ang ulo kasama nito. Ang pagkakaroon ng foodborne illness ay maaring magsanhi ng
pagsakit ng ulo o lagnat.

Ang pagsusuka ay ang paglalabas ng katawan ng nilalaman ng tiyan. Ito ang paraan ng katawan na
alisin ang mga masasamang bagay na nakapasok sa tiyan.

Alalahanin ang mga senyales at sintomas nito ay


maaaring sintomas din ng iba pang mga sakit, at kung
makaranas ka nito ay huwag agad akalain na mayroon
kang foodborne illness. Mabuti pa rin na kumonsulta
sa doktor o health professional kung makaranas ng
mga sintomas, upang hindi na ito lumala pa.

10
Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain

ANO ANG ATING NATUTUNAN?


Sagutan ang mga tanong sa ibaba nang hindi tinitingnan ang mga sagot sa mga nakaraang pahina.
Kapag natapos, balikan ang pahina 9 at 10 at hanapin ang sagot na hindi maalala.

Ano ang foodborne illness? ________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ipaliwanag ang mga sumusunod na salita:


Infectious _________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Toxic _____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Contamination _____________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ilarawan ang ilan sa mga sanhi ng foodborne illness sa patlang sa ibaba. Maghanap
ng larawan sa magasin o internet upang mailarawan ang mga sanhing ito. Gumupit at
magdikit ng mga larawan sa hiwalay na piraso ng papel at ipasa kasama ang aralin na ito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ilarawan ang mga sintomas ng foodborne illness.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11
Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain

MAGBASA AT MATUTO
Ano ang prevention o pag-iwas? Ang prevention o
pag-iwas ay aksyon na pigilan ang isang bagay na
mangyari.

Maraming paraan upang maiwasan ang foodborne


illness.

Maaaring maiwasan ang foodborne illness sa pamam-


agitan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.

Siguraduhin na ang mga gamit sa pagluluto at pag-


kain ay malinis dahil madaming foodborne illness
ang nanggagaling sa paghawak ng mga maruruming
bagay.

Ang mga tuwalya sa kusina ay maayos na labhan at


patuyuin. Maaari itong pamahayan ng mga bacteria at
mikroorganismo.

Dapat din nating iwasan na pagsamahin ang mga


hilaw at lutong pagkain. Ito ay paghiwalayin sa lahat
ng oras. Hindi dapat gumamit ng parehong sangkalan
at lalagyan nang hindi hinuhugasan ng maayos. Ito
ay makaka-iwas sa pamumuo ng bacteria na maaring
makakontamina sa pagkain. Mayroon dapat tayong
hiwalay na sangkalan para sa hilaw at lutong pagkain.
Maaari din nitong maiwasan ang pagdidikit ng dalawa.

Maaari ding maiwasan ang foodborne illness sa


pagpuna sa ating sariling kaugalian.

Hugasan ang kamay bago at matapos tumulong sa


kusina, humawak sa hilaw na pagkain at kumain. Mas
mainam na gumamit ng antibacterial na sabon na
nakakatulong sa paglaban sa mga bacteria.

Dapat din nating hugasan ang ating kamay matapos manggaling sa banyo, paghawak ng mga
alagang hayop, paglalaro, pag-ubo at pagbahing, at paghawak ng pera.

Ang lahat ng ito ay maaring panggalingan ng bacteria kaya dapat maghugas tayo ng kamay upang
mapuksa ang kahit anong bacteria na dumikit sa ating mga kamay.

12
Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain

Ugaliing maghugas ng kamay bago magluto lalo na


kung gagamit ng prutas, gulay, karne at isda. Ang
unang paghuhugas ng kamay ay magtatanggal
ng bacteria at dumi, ngunit upang matanggal ang
dumi sa pagkain, kailangan nating lutuin ito ng
maayos. Mayroong nararapat na temperatura kung
saan ang mga bacteria ay hindi na mabubuhay pa.
Kaya hugasan at lutuin nang mabuti ang ating mga
pagkain.

Naranasan mo na bang hindi maubos ang iyong


pagkain? Palagi nating ubusin ang mga pagkain
na ating binibili at inihahanda. Kung hindi natin ito
mauubos, alamin natin kung paano ito iiimbak ng
maayos upang hindi masira at mapanis. Ang bacteria
ay dumadami kapag iniwan natin ang ating pagkain
sa hapag, kaya ugaliing huwag itong nakaiwan. Maari
natin itong ilagay sa malinis na lalagyan at ilagay sa
refrigerator.

Kailangan natin protektahan ang pagkain mula


sa insekto, daga at iba pang hayop na maaaring magdala ng bacteria at mikroorganismo na
nagdudulot ng foodborne illness. Pagkatapos kumain ay dapat isilid sa malinis na lalagyan na hindi
madadapuan ng mga hayop.

Maari nating painitin muli ang pagkain na nanggaling sa refrigerator, ngunit kailangan maayos ang
ating pagpapainit. Ang pagpapainit ay pumapatay sa bacteria na nabuo sa pagkain kahit inilagay
pa ito sa refrigerator.

Ayon sa mga huling talakayan, madaming pagkain


ang may labels.

Ang food label ay naglalaman ng expiration date. Ito


ay makakatulong upang malaman natin kung maari
pang kainin ang pagkain o hindi. Ang pagkain na lipas
na sa expiration date ay maari nang magkaroon ng
bacteria at hindi na dapat kainin.

Gumamit lamang tayo ng malinis na tubig sa


pagluluto at pag-inom. Ang bacteria at hindi ligtas
na mikroorganismo sa tubig ay maaaring makapag-
kontamina ng pagkain na hindi ligtas kainin.

13
Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain

ANO ANG ATING NATUTUNAN?


Maglista ng mga paraan upang maiwasan ang foodborne illness ayon sa pagkakaalala, ng hindi
tumitingin sa mga nakaraang pahina. Ilarawan sa patlang sa ibaba at kapag natapos ay balikan ang
pahina 12 at 13 at hanapin ang mga sagot na hindi mo maalala.

PAG-IWAS SA FOODBORNE ILLNESSES


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ito ang mga Health Habits na may kaugnayan sa aralin:


Kapag sinabi natin na Choose Nutritious and Varied Options, hindi lang ibig sabihin nito
na kumain ng Go, Glow at Grow na pagkain. Ibig sabihin din nito na siguraduhin natin na
ang ating pagkain ay masustansya sa pamamagitan ng malinis at ligtas na pagkain.

Kapag sinabi natin na Choose Water dapat natin siguraduhin na ang tubig ay malinis at
ligtas na inumin upang maiwasan ang foodborne illness.

14
Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain

SUBUKAN ITO
Tingnan ang kusina at lugar ng kainan sa inyong mga tahanan habang naghahanda at kumakain ng
pagkain. Hanapin ang mga kondisyon kung saan ang pamilya ay maaaring nasa peligro na makakuha
ng foodborne illness at magmungkahi ng mga aksyon na maaaring gawin upang maiwasan ito. Ilan
sa mga halimbawa ay ibinigay sa ibaba.

MAAARING SANHI NG FOODBORNE ILLNESS PAANO MAIIWASAN ANG FOODBORNE ILLNESS


Halimbawa: Nilalagay ni Nanay ang Ilagay ang mga pinamiling hilaw na karne sa malinis na lalagyan at
hilaw na karne sa hapag-kainan sa hindi sa hapag-kainan.
tuwing dumadating mula sa palengke. Punasan ang lamesa matapos maitabi ang hilaw na pagkain.

Halimbawa: Nalimutan maghugas ng Paalalahanan ang bawat isa na maghugas ng kamay bago pu-
kamay bago kumain. munta sa hapag-kainan.

15

You might also like