Week 1 2 Esp 4TH

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ESP 7 WEEK 1-2

Ikaw at Ako: May Misyon Tayo


MGA INAASAHAN

Naaayon ang mga ginagawang personal na pahayag ng misyon sa buhay na may pagsasaalang-alang sa tama. Pagkatapos mong
pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

A. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa buhay ang tao;


B. Naipahahayag ang laman ng puso sa tunay na nararamdaman sa personal na misyon sa buhay; at
C. Naisasagawa ang mga tala ng personal na misyon sa buhay.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin at bilugan ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat
patlang sa pangungusap.

1, “Upang magtagumpay, kailangan munang maniwala tayo sa ating __________.


A. kaibigan C. magulang B. kapatid D. sarili
2. Lahat tayo ay may __________ sa buhay na dapat gampanan.
A. hilig C. misyon B. katayuan D. pangarap
3. Ang kahalagahan ng misyon ang magdadala tungo sa ating __________.
A. kaganapan C. kahalagahan B. kahusayan D. kapayapaan
4. Ang may __________ ay magandang sandata para makamit ang misyon sa buhay.
A. kabutihan C. pangarap B. kahandaan D. paniniwala
5. “Depende sa kalidad ng __________ mo ang kalalabasan ng ginagawa mo”.
A. gawain C. kilos B. isip D. ugali
BALIK-ARAL
Sa nakaraang Modyul, natutuhan na ang pagkakaroon ng mabuting pagpapasya sa buhay ay makakatulong upang tayo ay maging
masaya sa ating buhay. Ang buhay natin ay may panahon na kung saan hindi na maibabalik ang nakaraan. Kaya mabuti na tayo
ay dumadaan sa proseso ng paggawa ng mabuting pagpapasya

Sa bawat pagpili natin ng ating gagawin, mas mabuti na ito ay ang laman ng ating puso.

Suriin mo ang laman ng iyong puso ngayon. Isulat sa loob ng puso ang mga nais mong gawin o mga taong nasa loob nito

Malinaw ba sa iyo ang mga nais mong gawin? At natukoy mo ba ang mga taong mahalaga sa iyong buhay?

ARALIN
MISYON SA BUHAY, SA PAGGAWA NAKASALALAY

Ang bawat tao ay isinilang na may papel sa buhay. Ang mabuhay sa mundo ay hindi natin
masasabing, “No Choice” lang. Lahat ng bagay na narito ay may dahilan. Ang
pinakamahalagang dahilan ay kung bakit ka nandito

Ang MISYON ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Para sa iba, ito ay pagtupad
sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.

At tandaan, na sa bawat misyon, dapat ay may kahandaan.

Tulad din ng mga nakikita natin araw-araw sa mga taong nasa daan. Ilan sa kanila ay alam natin ang kanilang destinasyon dahil
nakikita natin ang kanilang kahandaan sa pamamagitan ng kanilang kagamitan at kasuotan na naaayon sa kanilang mga
patutunguhan

Gawain: Ang aking dadalhin sa pagtawid upang maganap ang aking misyon sa buhay.

Panuto: Sa iyong paglalakbay tungo sa iyong nais marating, ilagay sa bawat kahon ng iyong dadaanan ang mga dapat mong
taglayin sa nais mong marating
Tulad ng ating gawain, alam natin ang ating nais patunguhan at makamit sa buhay, kaya nararapat lamang na ito ay ating
pinaghahandaan. At dahil ito ay napaghandaan, alam natin na ito ay makakamit natin sa pamamaraan na ating kakayanin.
Sapagakat alam natin na maraming pagsubok ang ating pagdadaanan, ngunit kung ito ay ating pinaghandaan, ito ay ating
malalagpasan. Halimbawa, nangyari na ba na pumasok ka sa paaralan na walang dalang panulat? Ano kaya ang reaksiyon na
makukuha mo mula sa iyong mga guro o kamag-aral? Ang pagganap ng mga misyon natin sa buhay ay hindi nakikita ang mga
balakid na kakaharapin, at upang ito ay ating makamit, kailangan sa lahat ng oras tayo ay laging handa

MGA PAGSASANAY
Gawain 1

Panuto: Batay sa grapiko sa ibaba, kung ikaw ang tatanungin, alam mo na ba ang direksiyong iyong tinatahak sa buhay? Saan ka
patutungo at ano ang iyong misyon sa piniling puntahan?

GAWAIN 2
Panuto: Sumulat ng mga dahilan kung paano nabuo ang iyong misyon sa buhay na piniling tahakin
Halimbawa: Nagsimula kong nais maging isang nurse nang magkasakit ang aking lola, gusto ko makapag-alaga ng maysakit at
nakita kong kailangan ng aglilingkod sa mga mahihirap

PAGLALAHAT
Ang pagkakarooon ng misyon sa buhay ay tulad din ng pagkakaroon natin ng pangarap sa buhay. Ito ang nagsisilbing inspirasyon
at hamon upang sa arawaraw ay magawa natin ang mga dapat nating gawin upang makamit ito. Ito din ang magsisilbing salamin
kung nagawa ba natin ang dahilan kung bakit tayo nilikha dito sa mundo

Ano ang nais mong sabihin sa iyong sarili at paano mo palalakasin ang iyong loob upang malagpasan mo ang anumang pagsubok
na iyong kakaharapin sa pagabot ng iyong mga minimithi sa buhay

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Mag-isip ng uri ng mag-aaral na nais mong ilarawan sa iyong sarili ngayong taon at ano ang iyong nais makamit.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ikaw ay sumasang-ayon at MALI naman kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa bawat
pahayag sa ibaba.

_____1. Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay.


_____2. May mararating ang tao kahit walang plano sa buhay.
_____3. Ang mag-aaral ay inaasahan ng guro na handa sa kanyang mga kagamitan.
_____4. Alam ng tao ang kakaharapin na balakid ng bawat misyon sa buhay.
_____5. Ang misyon sa buhay ay sarili lamang ang isinasaalang-alang.
_____6. Kabilang sa misyon sa buhay ang paglilingkod \sa kapwa.
_____7. Isang sa aking mga misyon sa buhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.
_____8. Kapag ako ay nabigo, tumitigil na akong makamit ang aking layunin.
_____9. Ang lahat ng ating nais makamit ay dumaan sa proseso ng pagpapasiya.
_____10.Maaaring magbago o mapalitan ang personal na misyon sa buhay.

ESP – SAGUTANG PAPEL WEEK 1-2


PANGALAN: __________________________ PANGKAT:_______________
PAUNANG PAGSUBOK BALIK-ARAL
Malinaw ba sa iyo ang mga nais mong gawin? At
1.____ natukoy mo ba ang mga taong mahalaga sa
2.____ iyong buhay?
3.____
_______________________________________
4.____ _______________________________________
5.____ _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
GAWAIN: Sa iyong paglalakbay tungo sa iyong nais marating, ilagay sa bawat kahon ng iyong dadaanan ang mga dapat
mong taglayin sa nais mong marating

MGA PAGSASANAY GAWAIN: 1

GAWAIN 2
Panuto: Sumulat ng mga dahilan kung paano nabuo ang iyong misyon sa buhay na piniling tahakin
Halimbawa: Nagsimula kong nais maging isang nurse nang m agkasakit ang aking lola, gusto ko makapag-alaga ng
maysakit at nakita kong kailangan ng aglilingkod sa mga mahihirap
PAGPAPAHALAGA Ano ang nais mong sabihin sa iyong sarili at paano mo palalakasin ang iyong loob upang malagpasan
mo ang anumang pagsubok na iyong kakaharapin sa pagabot ng iyong mga minimithi sa buhay?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________

Panuto: Mag-isip ng uri ng mag-aaral na nais mong ilarawan sa iyong sarili


ANG NAIS KO AY ……

1. _________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

3. _________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. ________
2.________
3.________
4.________
5.________
6.________
7.________
8________
9.________
10._______

You might also like