Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paalam sa Pagkabata

Inilalarawan ni Celso ang takbo ng kanyang buhay. Isang buhay na tila walang
pagbabago, nanatiling maginaw, tahimik, at madilim. Ito ang mundo na nakilala
niya. Naririnig ni Celso na nag-aaway ang kanyang mga magulang sa kabilang silid.
Umiiyak na naman ang kanyang ina na si Isidra. Hindi pa rin alam ni Celso kung
bakit palaging umiiyak siya.

Walang malinaw sa isipan ni Celso. Mula sa kanyang pagkabata, madali siyang


mainip. Pinapangarap niya na magkaroon ng isang kapatid dahil sa kanyang pag-
iisa Noon ay hindi pinansin ni Celso ang lambat ngunit dalawang taon ang nakaraan
noong itinapon ni Isidra ang lambat at nagalit ng husto si Tomas, ang ama ni Celso.
Ipinabalik niya ito

Nag-away na naman si Isidra at Tomas. Ipinaliwanag ni Isidra kay tomas na wala


siyang kasalanan, na dapat kalimutan na nila ang nangyari at hindi sinasadya
niyang magkamali. Sabi ni Isidra na si Tomas lang ang kanyang iniibig. Hindi
naiintindihan ni Celso ang nangyari. Mula noon, hindi na ginalaw ng ina ang
lambat. Kahit luma na, buong buo pa sa tingin ni Isidra. Nais itanong ni Celso kay
Isidra kung bakit mahalaga ang lambat, ngunit sabi ni Isidra na kailangan na
niyang maglakad dahil malapit na dumating ang kanyang ama.

Pumunta si Celso sa may dalampasigan kung saan ang mga tao ay naghihintay sa
mga mangingisda. Napalingon si Celso nang marinig niya ang isang tugtog sa gitara
mula sa isang bahay-pawid. Ang awit ay tungkol sa kasawian ng pag-ibig.

Hindi nakatiis si Celso. Para siyang hinila ng musika kaya pumunta siya sa bahay-
pawid. Naalala niya ang utos ng ama na bawal pumunta roon. Hindi niya
namalayan na kaharap na niya ang taong naggigitara. Lumuha ang mga mata ng
mama. Tatakbo sana si Celso, ngunit nahawakan ng mama ang kamay niya.
Mahagpit nitong niyakap si Celso. Umiyak si Celso. Pinahid ng mama ang luha ni
Celso at sabi nito

“Dalawin mo ako palagi ha?”

Parang nakita na ni Celso ang mamang ito, parang nakita niya ito sa salamin.
Nagdatingan na ang mga mangigisda. Nakita sila ni Pedro. Sinampal ni Pedro si
Celso dahil hindi ito nakinig sa utos.

Naguguluhan si Celso kung bakit ayaw ni Pedro na pumunta siya roon. Pagkatapoos
bumalik sila sa bahay. Si Isidra ay nakatingin na naman sa sampayan ng lambat.
Luhaan na naman ang mata. Naalala ni Celso yung mama. Lumapit si celso sa
salamin at nakita niya ang mukha ng mama.

Kumuha ng itak si celso at pinagtaga nito ang lambat. Nabigla si Isidra at Pedro sa
ginawa niya. Nagaapoy ang mata ni Tomas, ngunit nilabanan Celso ang titig nito.
Sinuntok ni Pedro si Celso.

Tinadyakan siya kapag tumatayo, hanggang gumagapang na siya. Iningudngod sa


lupa ang mukha niya at nakatikim ito ng pawis at dugo. Nawalan ng malay si Celso.
Naramdaman na lamang niya ang mainit na bisig na yumayakap sa kanya.

Nakita niya ang mukha ng kanyang tatay, puno ng pagsisisi at pag-unawa. Yinakap
niya si Celso ng matagal.

You might also like