Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sampung trivia tungkol sa sarili nating pambansang bayani na si Dr.

Jose Rizal

1. Ang siam na babae ni Dr. Jose Rizal


a. Ang siam na babae ni Rizal ay sina: Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, Leonor Rivera,
Consuelo Ortega Y Rey, Seiko Usui, Gertrude Beckett, Suzanne Jacoby, Neillie Boustead,
Josephine Bracken
2. Mayroong tatlong hayop na ipinangalan kay Rizal
a. Apogonia Rizali (Heller- uri ng maliit na salagubang/ beetle)
b. Draco Rizali (Wandolleck – uri ng lumilipad na butiki/ flying lizard)
c. Rachophorous Rizali (Boetger- uri ng palaka)
3. Siya ang nagpakilala ng letrang “k” sa ortograpiya ng Pilipinas
a. Sinabi niya na ang letrang “k” ay kinakailangan para sa lengguwahe natin dahil noong unang
panahon ang mga letrang “c” at “q” ng Kastilla ay nakakalito. Inadopt niya ang letrang “k” sa
sistema ng pagbabaybay ng Aleman.
4. Pati rin pala ang pambansang bayani natin na napakraming alam na lengguwahe ay nahihirapan o
nakakalimutan na rin minsan ang wika nating Tagalog
a. Sa isang liham ni Rizal sa kanyang kapatid na si Paciano na kung saan sinabi niya na
nakakalimutan niya na ng kaunti ang Tagalog lalo’t hindi niya na ito nagagamit para makipag-
usap dahil may isinalsalin siyang isang dula, ang dula na Schiller’s Wilhelm Tell.
5. Si Dr. Jose Rizal ay sinasabing Ama ng Philippine Komiks o “Father of Philippine Comics”
a. Base sa ginawa niyang komiks doon sa Germany para lamang pasiyahin ang mga bata ng kanyang
landlord.
6. Si Rizal ay alam naman na napakahusay at napakatalentado sa mararaming bagay ngunit hindi iyon ang
sitwasyon kapag dating sa katahanan.
a. Siya mismo ang umamin na pangit boses niya. Galing mismo sa sariling mga labi iyon. Ngunit sa
pagsusulat at pagkakanta ng mga kanta doon magaling parrin siya.
7. Noong June 26 1892, bumalik si Rizal sa Maynila para bang wala siyang kasalanan na ginawa sa mga
Kastilla. Ngunit ang mas malala nagschedule pa siya ng meeting kasama ang Gubernador Heneral ng
Pilipinas na si Count Governor Despujol na kung saan ang sarap pa ng bonding nila, napalabas niya pa ng
kulungan yung tatay at kapatid ganon kagaling si Rizal mang-akit ng loob.
8. Noong nasa Dapitan si Rizal, nagpapadala siya ng iba’t ibang mga hayop katulad ng ahas, scorpions at mga
uod sa kanyang mga kaibigan sa kapalit na magpapadala sila ng mga libro.
9. Si Rizal ay pinagaling ang sarili noong nagkaroon siyang tuberculosis.
10. Noong maliit pa lamang si Rizal nageekspirimento siya gamit ang iba’t ibang mga droga dahil noong unang
panahon pwede ka pang bumili ng hashish, marijuana, cocaine at iba dahil dati mga over the counter
medicine pa sila.

You might also like