Pagkakapantay-pantay ng mga Babae at Lalaki sa Kakayahang Makapagpahayag
ng Kaalaman at Saloobin sa Pamamagitan ng Panulat
Ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga babae at lalaki sa kakayahang
nitong makapagpahayag ng kaalaman at saloobin ay nananatili pa ring usapin sa ating bansa mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Nagsimula ito noong unang panahon, sapagkat ang sangktauhan noon ay may dalwa lamang na pagkakakilanlan, ito ay tinatawag na lalaki at babae. Ngunit sa paglaon ng panahon, may mga naimbento o lumitaw na iba’t ibang uri ng kasarian tulad ng mga bakla, tomboy, at marami pang iba. Mayroong iba’t ibang uri ng kasarian sa panahon ngayon, ngunit ang karamihan sa ating lipunan ay hindi pa rin ito tanggapin. Ang mga miyembro ng LGBTQI+ ay patuloy pa ring hinahanarap ang mga suliranin gaya ng diskriminasyon, at pang-aapi sa mga ito. Ito ay maaaring isa sa mga pinakamalaking problema na kinakaharap natin ngayon, sapagkat maaari itong maging problema ng ating mga kababaihan dahil isa rin itong malaking isyu na kinakaharap sa panahon ngayon.
Tulad ng LGBTQI+, ang mga kababaihan ay nangangailangan ng dagdag na
karapatan upang magkaroon sila ng higit na kakayahan ng pagkilos tulad ng mga lalaki sa ating lipunan. Dahil noong unang panahon ang mga kababaihan ay dapat nasa tahanan lamang at walang siyang kapangyarihan bumuhay ng isang pamilya at ang mga kalalakihan lamang ang may lakas magtrabaho sapagkat ang tingin nila sa mga kababaihan ay mahihina. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon, kaya dapat tayong magbago at umangkop sa ating nakaraan, sapagkat kung gagawin natin ito, magkakaroon ng kapayapaan sa ating lipunan at sa ating sarili. Lahat ay maaaring makinabang sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Sapagkat ang pagkakapantay- pantay ng kasarian ay tumutulong na maiwasan ang karahasan laban sa mga kababaihan, at ginagawang mas ligtas at mas malusog ang ating komunidad. Ito ay karapatang pantao, at mabuti para sa ating ekonomiya.