General Article

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nagtipon-tipon ang mga kawani ng Dagupan Local Government Unit sa pagdaraos ng flag

raising ceremony sa City Museum noong Lunes, ika-19 ng Hulyo.

Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction Management Center (CDRRMC) ang pagbibigay
update tungkol sa kalagayan ng Bagyong Fabian at ang ulat ng panahon sa mga susunod na
araw.

Nagbigay rin ng report ang City Veterinarian Officer ng lungsod na si Dr. Michael Maramba ukol
sa programang pagbabakuna sa mga aso’t pusa sa buong siyudad. Ayon sa kanyang ulat, nasa
98 percent na ng programa ang natapos ng kanilang tanggapan sa kalahati pa lamang ng taon.

At bilang pagkilala sa mga nakamit ng ilang LGU office kabilang na ang City Veterinary Office at
City Library Office ay ginawaran ng mismong alkalde, Mayor Brian Lim ng Merit Citation Award
ang mga ito.

“The lesson is, if we just look at the past and if we continue to do what we are used to do,
walang masyadong pagbabago. But, if we continue to assess, to ask, to research, to work as a
team, to bounce ideas of one another, then perhaps, we can discover a much better idea which
can be implemented to benefit a greater number of Dagupenos,” mensahe ni Mayor Brian Lim
sa mga kasamahan.

Bilang pagtatapos, nagkaroon din ng pormal na pagkilala sa anim na estudyante mula sa


PHINMA University of Pangasinan bilang Communication Interns sa tanggapan ng Public
Information Office.

You might also like