Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Aralin Panlipunan 10

Ikalawang Markahan – Modyul 2


Mga Anyo ng Globalisasyon

Mga Inaasahan
MELC 1 : Nasusuri ang dahilan, dimension at epekto ng Globalisayon.
Matapos mapag-aralan ang aralin ito, inaasahang matamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
 Nasusuri ang iba’t-ibang katangian at anyo ng Globalisasyon

Paunang Pagsubok
Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A B

___ 1. A. Teknolohikal

___ 2. B. Teknolohikal at Sosyo-kultural

___ 3. C. Ekonomikal

___ 4. D. Politikal

___ 5. E. Sosyo-kultural

Aralin
Mga Anyo ng Globalisasyon
Naoobserbahan natin ang globalisasyon sa halos lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Mula sa
ating pananamit, pagkain, pananalita, mga palabas sa telebisyon, mga gamit o bagay sa loob
at labas ng bahay, makikita rin ito sa social media, sa pamilihan, sa mga pelikula; patalastas
at sa ibat-ibang panig ng mundo. Iba-iba ang katangian o anyo ng globalisasyon. Bunga ng
pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat-ibang panig ng
mundo, nagdulot ito ng interaksyon at integrasyon ng samu’t saring kultura, lengwahe at
produkto sa ibat-ibang bansa. Nakalikha naman ito ng panibagong porma ng kultura at paraan
ng pamumuhay at sistema sa kalakalan. Naging kaakibat din nito ang mga isyu at suliraning
kaugnay ng mga pangyayaring ito.

A. Globalisasyong Ekonomiko
Nakasentro ang globalisasyong ekonomiko sa pagdaloy ng kalakalan, mga produkto at
serbisyo. Kasama dito ang mga pagbabago sa paraan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo,
pag-usbong ng mga malalaking korporasyon, makabagong sistema sa paggawa at mga
patakaran sa paggawa. Lumakas ang mga ekonomiya ng mga bansa dahil sa pagbaba ng
presyo ng krudo, presyo ng transportasyon, pagsulpot ng mga multinational companies at
transnational companies at mga pandaigdigang organisasyon tulad World Trade
Organization at World Bank. Naging madali rin ang pagluluwas ng mga produkto dahil sa
pagtanggal ng mga balakid sa kalakal tulad ng mga taripa. Nalikha ang mga free trade
agreement at dahil malaya na ang kalakalan, nagkaroon ng kompetisyon. Naging mabuting
resulta nito ay pagtaas ng kalidad ng mga produkto at pagkakaroon ng mas maraming
pagpipilian ng mga mamimili. Bunga ng globalisasyon, nagkaroon ng oportunidad na
makapagtrabaho ang mga tao sa ibang bansa. Sa Pilipinas, sila ang tinatawag na Overseas
Filipino Workers. Nagbunsod din ang globalisasyon sa maraming korporasyon na magtayo ng
kanilang pagawaan at magbigay ng hanapbuhay sa mga mahihirap na bansa. Sumulpot din
ang modernong paraan ng pagkuha ng serbisyo o ang tinatawag na outsourcing kung saan
ang isang kompanya ay nagbibigay ng serrbisyo sa ibang kumpanya ng may kaukulang bayad.
Pinapagaan nito ang gawain ng isang kumpanya. Para naman sa ibang kumpanya mas
nakakatipid sila kung kukuha sila ng serbisyo sa outsourcing company.

B. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural


Lalong bumilis ang globalisasyon dahil sa makabagong teknolohiya, at ang mga
impormasyon ay madali nang lumalaganap sa pamamagitan ng internet. Ang kompyuter at
cellular phone ay naging mga paraan upang maaari nang makipag-usap ang mga tao sa
ibatibang panig ng mundo. Nagdulot ito ng modernong kultura na globalisado na rin. Ang
social media, ay nakatulong sa paglaganap ng maraming kultura na tinatangkilik ngayon ng
ibatibang bansa. Nariyan ang ang mga palabas, soap opera, o drama mula sa Korea at Spain,
na popular na rin dito sa Pilipinas. Ang industriya ng pelikula sa India, na tinatawag na
Bollywood, ay popular hindi lamang sa India ngunit sa ibang bansa rin tulad ng United States
at England. Nagsulputan ang mga social networking sites tulad ng facebook, twitter at
instagram, at napakaraming mga mobile app at mobile games na kinagigiliwan ng tao, tulad
ng tik-tok at mobile legends. Masasabing dahil sa globalisasyon, ang mga estilo ng pananamit
ay nagkakahalo-halo na rin. Ang mga kabataan sa ibat-ibang bansa ay kadalasan nang
nagsusuot ng maong na pantalon, T-shirt, sapatos na goma, sandals, at iba pa samantalang
ang mga nagtatrabaho naman sa mga opiisina ay nagsusuot ng Amerikana. Bunga ng ibayong
pag-unlad sa teknolohiya, umusbong ang e-commerce na nagpasimula ng online shopping
stores na nakatulong sa pagpapabilis ng bentahan ng mga produkto. Mabilis ding naipakalat
ang mga impormasyon lalo na sa panahon ng krisis upang magbigay ng mahahalagang
impormasyon at babala. Sa panahon ng pandaigdigang pandemya o krisis, naging solusyon
ang teknolohiya sa mga gawain at pamumuhay ng tao na hindi nila kadalasang ginagawa.
Nauso ang online selling, online learning, online meeting, at online transactions. Ang mga
pinagsama-samang pangyayaring ito ay lumikha ng panibagong kultura sa pamumuhay at sa
lipunan.

C. Globalisasyong Politikal
Ang globalisasyong political ay tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang
rehiyunal at mga organisasyong pandaigdig. Sanhi ng globalisasyon, nagkaroon ng ugnayan
ang maraming mga bansa, nabuo ang mga pandaigdigang samahan, na nagresulta sa mga
kasunduang bilateral at multilateral. Nalikha ang mga ugnayang pandiplomatiko tulad ng sa
pagitan ng Pilipinas, Australia, China, Japan, South Korea, Thailand at US, na nagdala ng
mga oportunidad pang-ekonomiko at pangkultural. Andiyan ang ASEAN, UN, European
Union, APEC, WTO at marami pang iba. Nalikha rin ang International Criminal Court na
namamagitan sa mga isyu o kasong maaaring magdulot ng mga suliraning makaaapekto sa
pandaigdigang relasyon o kalakalan. Kaugnay ng globalisasyong politikal, napag-uusapan
ang mahahalagang isyung kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyan at pinagtutulungan
itong lutasin tulad ng isyu sa teritoryo, terorismo, climate change, discrimination at human
trafficking.
Pagsasanay
Gumawa ng Collage gamit ang mga ginupit na larawan ng mga produkto at proyekto mula sa ibat-ibang
panig ng mundo.

Paglalahat
Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang halimbawa na kumakatawan sa bawat isa.
Ipaliwanang ang iyong sagot.
1. Ekonomiya __________________________________________________________________________
2. Politika _____________________________________________________________________________
3. Kultura _____________________________________________________________________________

Pagpapahalaga
Timbangin. Sumulat ng mabuti at hindi mabuting epekto ng globalisasyon.

Hindi Mabuti
Mabuti

PREPARED BY:

ANTHONY MARK DELA MARCA LOPEZ


Subject Teacher

NOTED BY:

MA. VICTORIA C. ROMANES


Principal

You might also like