Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PANIMULANG LINGGWISTIKA

MODYUL 1

PANANAW/INTRODUKSYON

Wika ang pinakamagandang regalo ng maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito


angtanging kasangkapang ng tao sa pakikipag – ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa
institusyon at maging sa dakilang bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon
ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya
magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya
mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi
sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao
upang matugunan ang lahta ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Kahit na sa anumang anyo, pasulat o pasalita, hiram o orihinal banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang
panahon ng mga nalikom na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika o panlipunan,
pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang disiplina. Maging ang
kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahahayag sa pamamagitan ng wika.
Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang
kahalagahan ng katwiran, ang kautihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension,
ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga iba pang nais na iparating ng sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan
at komunikasyon.

ANG MGA LAYUNIN

 Inaasahang sa pamamagitan ng kursong ito, magpagbuti at maiangat ang kakayahang


komunikatibo ng mga estudyante sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain sa
loob at labas ng paaralan;
 Mapalawak ang kaalaman at maisagawa ang mga kasanayang panggramatika;
 Magamit ang kasanayan sap ag – unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay halaga sa
mga kursong napakinggan, natuklasan at nabasa;
 Makasulat nang maayos at mahusay na komposisyon tungkol sa mga paksang napagkasunduan
ng klase;
 Makapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamamaraang malinas, wasto at epektibo.

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
BUOD/MAHALAGANNG KONSEPTO
Ang Lenggwahe at Linggwistika. Para sa ikadadali ng unawa, bigyang pakahulugan natin na ang
pangkalahatang linggwistika ay agham o maagham ng pag -aaral ng lenggwahe. Ito’y nakatuon sa
pantaong lenggwahe bilang unibersal at mapagkikilalang bahagi ng makataong pagkilos at kakayanang
pantao na may pinkamalaking impluwensiya sa mga pagawain at tagumpay ng tao. Hindi ito makatuon sa
iisang lenggwahe lamang sapagkat walang matatawag na pangkalahatang lenggwahe. Bilang tiyak na
paksa ng linggwistika.
Huwaran sana para sa isang linggwistika na nalaman ang lahat ng lenggwahe sa buong mundo na
tinatayang umaabot sa humigit kumulang na tatlong libo subalit ito’y imposible at hindi magagawa. Para
sa karaniwang linggwista, sapat na ang ilng lenggwahe na maging paksa ng kanyang pag – aaral kasama
na ang sariling wika, ang bilang ng mga lenggwahe at lalim ng kaalaman sa bawat isa.
Ang lenggwahe sa lahat ng kanyang anyo at gamit ang bumubuo sa daigdig ng linggwista. Pakay
ng linggwista ang maagham napag – unawa sa katayuan ng lenggwahe sa buhay ng tao ang mga paraan
kung paano ito nabuo upang tumugon sa pangangailanga at gampanan ang tungkuling nakapaloob ditto.
Linggwistika ang tawag sa makaagham nap ag – aaral ng wika. Pinag – aaralan ditto at sinusuri
ang istruktura, katangian, pag – unlad at iba pang bagay na may kaugnayan sa isang wika at ang relasyon
nito sa iba pang wika.
Ang anumang paraan ng pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng mga salita upang maunawaan ng kapwa ay tinatwag na wika. Ito’y ay binubuo ng mga
salita, parirala at pangungusap na nagtataglay ng kahulugan at kabuluhan.
Masasabing ang pag – aaral ng wika ay kaugnay din ng nag – aaral ng kultura. Ang mga salitang
nililikha ay sumusunod sa pangangailangan ng mamamayan at nagkakaroon ng kahulugan ayon sa
hinihingi ng kaugalian.
Hindi maiaalis sa pag – aaral ng wika ang pangkasaysayang kaugnayan ng mga wika. Tinatawag
itong linggwistikang historical. Totoong marami nang linggwista at antropologo ang tumiyak sa
pinagmulan ng ating wika subalit lahat sila’y nagkakaisa na Malaki ang pagkakahawig ng wikang
Filipino sa iba pang wika na nasa ilalim ng malaking angkang Malayo – Polynesyo. Kbilang sa pangkat
na ito ang mga diyalekto ng Camerrro ng Guam, Malay ng Sumatra, Malaya, Borneo, Bali, Makasar ng
Celebes, Micronesya, Polenesyo, Melanesyo, at ang malalaking wikain sa Pilipinas.
Ipanalalagay na nakarating sa Pilipinas ang alibata – unang Sistema ng pagsulat ng mga Pilipino
sa panahon ng emperyo ng Madjapahit na lumaganap sa mga kapuluan sa Pasipiko at mula sa Java
patungong Pilipinas. Ito rin ang nagpatunay na ang ating mga ninuno ay mula sa mga Malay.
Hindi maiaalis sap ag – aaral ng wika ang pangkasaysayan kaugnayan ng mga wika. Tinatawag
itong linggwistikang pangkasaysayan. Ipinakikita rito ang pagkakatulad ng maraming salita ng
magkakaibang linggwistikong pangkat. Halimbawa nito ang pagkakahambing ng mga salitang Filipino sa
mga salitang Indones o Polynesyo. Maaaring ang salitang Tagalog o Indones ay nanggaling sa isang

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
angkapan ng wika o iisang pook subalit sa pagbabago ng heyograpya o pananakop ng ibang lahi ay
nagkahiwalay at tuluyang nagkalayo ang dating nagsasalitaan ng isang wika.
Kung ang pag – aaral ng wika ay hiwalay sa anumang kaugnayan nito sa kultura, matatawag
itong panglinggwistikong istruktura. Sinusuri dito ang wika ayon sa kanyang ponolohiya at katangiang
panggramatika.
Ang ponolohiya’y tumutugon sa angking tunog ng isang wika. Nagkakaroon lamang ito ng
kahulugan kung ito’y nagiging bahagi ng isang morpema o ng isang salita. Ang mga morpema at ang
kanilang pagkakaayos ay bahagi ng istrukturang panggramatika.
Ayon kay Sapir (1961), ang wika ay tanging tao lamang ang nakagagawa at sa paraang hindi
katuubo o likas sa tao’y naipahahayag ang kanyang isip damdamin at mga ninanais sa pamamagitan ng
mga sadyang isinigawang simbolo. Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng
kahulugan ayon sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaaring salita, bilang, drowing,
larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto ideya o bagay. Sinasabing ang mga tao’y
nabubuhay sa mga simbolo na kinokontrol naman nila. Ang kakayahan ng tao na kontrolin ang mga
simbolong ito’y nagpatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop.
Sa kalipunan ng mga tao, naging bahagi na ng kanilang buhay ang kultura. Hindi magtatagal o mananatili
ang kultura kung walang wika. Tulad ng ibang aspekto ng kultura, ang lenggwahe’y basal (abstract) at
mapag – aaralan sa pamamagitan ng obserbasyon ng asal o ugaling tao lalo’t higit ng pagsasalita.
Sa mga antropologo, mahalag sa kanila ang wika bilang di – pangkaraniwang bahagi ng kultura.
Sa ganitong paraan, higit na nauunawaan ng mga antropologo ang kultura sa lenggwahe.
Sa kabilang dako, ang tao sa tulong ng wika’y nakapagbubuo ng mga kaparaanan upang
makaangkop sa kanyang kapaligiran sa pamamagitan ng mga imbensyon. Batay na rin sa mga simbolong
nalikha, nakagawa ng mga ideya at naibahagi sa iba pang nilalang. Sa pamamagitan ng wika,
nakapagsasagawa ng mga pamantayan na gabay sa pakikitungo ng kapwa sa isa’t isa at sa instituyunal o
lipunan. Nakapagbuo rin sila ng mga dapat sundin at paniwalaan na naging alintuntunin sa kanilang
pagkilos, asal at pagtingin sa gawain.
Ang mga makabagong kasangkapan at kagamitang ating nakikita sa kapaligiran tulad ng
kompyuter, easy call, dancing lights sa mga disco, eroplanong mabilis pa sa tunog, at iba pa’y naisagawa
sa tulong ng masusi at makabuluhang pagbubuo ng kaisipan. Ang anumang pagtatala sa pamamagitan ng
wika (mga simbolo) ay nagbibigay – daan upang muli’t muling subukin ang bisa at katunayan ng mga
nakalap na tala.
Dapat nating tandaan na ang lenggwahe ay hindi lamang puro tunog at pagbigkas. Mayroon ding
itong regulasyon sa palabigkasan, gramatika at semantika. Nasusunod ang mga ito sa pang – araw – araw
na pakikisalamuha at pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang komunidad. Sa ng ani kessing (1944:146)
ang lenggwahe ay nagbibigay ng mga palatandaan kung paanong ang tao’y nag – iisip at naniniwal.
Komunikasyon at pakikipagtalastasan ang pangunahing tungkulin ng lenggwahe. Kasama na rito
ang paghahatid o palitan ng mga kabatiran, kuro – kuro at paniniwala. Ito ang pinakamalaking bahaging
ginagawa ng tao sa lipunang ginagalawan.
Ang mga hayop ay may kakayahang makipagkomunikasyon din. Ginagamit ng mga insekto ang
kanilang pandama sa pakikipag – unawaan. Ang mga langgam ay nakapaghahatid ng balita na may
pagkain sa isang lugar sa pamamagitan ng pagkiskis ng isang bahagi ng kanilang katawan sa katawan ng
ibang langgam. Ang mga lamok ay nakapagsasagawa ng kakaibang ingay kung may dugo silang

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
masisipsip. Nagsasagawa naman naman ng kakaibang maindayog na kilos ang mg pukyutan o
nagpapalabas ng kakaibang amoy upang mapakilos ang ibang pukyuta sa paghahakot ng pagkain.
Kakatwang ingay naman ang ginagawa ng mga unggoy kapag nakadarama ng panganib, saya,
galit o tuwa.
Sa huling nabanggit na hayop may mga eksperimentong isinagawa at maaaring kasalukuyan pang
isinasagawa upang alamin ang kanilang kakayahang kumilos at makipagtalastasang parang tao. Subalit
magpahanggang ngayon, ang pakikipag – ugnayan ng mga ng mga unggoy ay limitado sa ingay, ungol,
kilos at galaw ng katawan. Sa lahat ng ito, tanging ang mga kabilang lamang sa lipunan ng tao ang may
kakayahang makipagtalastasan sa paraang pasalita, pasulat at maging sa pamamagitan ng mga simbolo o
senyas.
Sa pag – aaral ng alinmang lenggwahe, tuwina’y naitatanong saan nagmula ang wika. Ang
anumang pagtatangka na halunkatin at buuin ang pinagmulan ng alinmang wika ay nagwawakas pa rin
saw ala. Sa pagkakatuklas ng mga labi o ng anumang naiwan ng sinaunang tao batay kina Hoebel at Frost
(1976:146), walang palatandaang Nakita sa pinagmulan ng wika di tulad ng pinagmulan ng kultura.
Sang – ayon pa rin sa kanila, ang hayop ay walang mekanismo na sadyang nagpapalabas ng
salita. Ang ibang hayop ay may dila, labi, ngipin, lalamunan at baga, subalit ang mga ito’y walang
tungkulin na magpapalabas ng mga kinakailangan tunog sa pagsasalita. Di tulad ng tao, ang bahaging
ito’y napauunlad niya upang makagawa ng kaukulang tunog sa pagsasalita.
May mga indikasyon na ang kakayahan ng tao sa wika ay genetics o namamana. Kaugnay ito, sa
pagkakadivelop ng utak. Kinokontrol ng utak ang mga bahagi ng katawan na nagbibigay – daan sa
pagsasalita. Ito rin ang nagbibigay sa taong kakayahang umunawa.
Ayon naman sa sinasabi nina Ember at Ember (1988:228), ang kakayahan ng sanggol na
makapagsalita ay dal ana niya sa kanyang pagsilang. Ang sinumang bata na normal na kaisipan ay
madaling matuto ng wika ng kanyang mga magulang. Sa edad na isang taon, ang bata’y maari nang
makakilala ng ibang bagay o kilos. Nakapagsisimula na siyang bumigkas nang paputol – putol.
Halimbawa ang pagtawag sa tatay: ta, ta; sa nanay:na, na; at kung nais uminom: mam, mam. Magmula sa
paputol – putol na salita, nakabibigkas siya ng tuwid na salita, susunod ang parirala, hanggang sa
makapaghayag ngbuong pangungusap.
Sa pamamagitan ng wika, matutuhan ng tao ang mahahalagang kaalaman, nababatid niya ang
nakalipas at kasalakuyan at naililipat niya ang kanyang kaisipan, diwa at damdamin. Dahil na rin sa
katangiang ito ng tao, nadaragdagan ang kanyang katalinuhan, mabikas na nakahaharap sa mga hamon,
naluluhas ang mga sularanin at magaang n nakaaangkop sa kanyang kapaligirang ginagalawan.
Pinabulaanan naman ng mga etnologo (Kroeber, 1948; Titieve, 1954, Hammond; 1964; Beals at
Hoijer, 1965; Haviland 1978) ang kahinaan ng mga sinauna o primitibong lenggwahe. Katwiran lamang
ito ng mga mananakop upang mapailalim at maipagamit ang kanilang wika. Ayon sa pananaliksik ng mga
antropologo, ang lenggwahe ng lipunan sa iba’t – ibang antas ng kalagayang kultural ay nagkakaiba – iba
sa istruktura ng kanilang wika at hindi sapagkat sila ay kabilang sa mga sinaunang taong nasakop.
Napatunayan na lenggwahe ng mga taong may simpleng kultura ay kapantay din ng wika ng may mas
maunlad na lipunan ayon sa kanilang istrukturang ponetiko at gramatika. Maaring ang kanilang mga
kagamitan ay pawang bato at bago pa lamang na nakakilala ng apoy, subalit ang kanilang
pakikipagtalastasan sa pang – araw – araw na buhay ay tulad din sa gawi ng tao sa kasalukuyan.
Lahat ng mga lenggwaheng ginagamit ng mga katutubo sa Australia, ng Indians sa Arizona,
Ctallan sa Espanya, Celtics sa Britanya at maging sa Tasaday, Ilongo at Dumagat sa Pilipinas ay may mga

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
Sistema na ng mga makabuluhang tunog at sumusunod sa gramatika tulad ng sinasalita ng mga nag – aral
na Pilipino at iba pang dayuhan.
Batay pa rin sa aklat nina Headland at Wolfende sa Zamora (1967:593), ang mga Dumagat sa
Casiguran, Aurora (dating lalawigan ng Quezon) ay may labing – anim na ponema at walong patinig
naman sa tagalog, Ilokano at Tausog. Ilang pangkat naman sa Ifugao at gitnang Cagayan ay gumagamit
ng anim na patinig at pito naman sa Bilann, Tagbili at Balangao ng Katimugang Bontoc. Kung ang mga
katutubong tao sa Pilipinas ay mayroon nang Sistema ang iba pang pangkat ng mga tao sa ibang panig ng
daigdig.
Bilang pag – alinsunod sa nasabing obserbasyon sa itaas, walang lenggwahe o wika ang
masasabing mahina kaysa ibang lenggwahe. Bawat lipunan ay may wika gaano man sila kaluma o
kamoderno. At ang bawat lenggwahe ay nagagamit nila sa paghahayag ng kanilang nadaramang
karanasan, pangarap at mga pagbabagong nais nilang isagawa bilang batayan ng kanilang kaasalan,
moralid, paniniwala at mga adhikain. Habang umuunlad ang isang lipunan, umuunlad din ang kanilang
wika.

IBA’T IBANG PANINIWALA SA WIKA. Katotohanang nagkakaiba ang lahi ng tao sa kanilang
mga panlabas na pinagkaugalian. Katotohanan ding hndi parepareho ang kayarian ng kanilang mga buto.
May mga lahing mga matatangkad, katatamtaman, mababa at tunay na maliliit. Anuman ang kanilang
mga panlabas na pinagkaugalian at kayarian ng kanilang mga buto, bawat nilalang ay may damdamin,
isip at kaluluwa. Nakadarama sila ng magkakatulad na saya, sakit, takot, pangamba, anuman ang kanilang
kulay, maging puti, itim, dilaw o kayumanggi. Nagkakaiba lamang sila sa ayos ng pagpapahayag.
Saklaw ng mga antropologo ang pagsusuri ng buhay at bayan ng iba’t ibang lahi at ang
pagkakaiba ng katawagan ng mga pangkat ng nilalang na kabilang sa mga lahi ay interes naman ng mga
etnologo. Ang pag – aaral at pagsusuri ng mga wika at kultura ay gawain ng mga linggwista.
Ayon sa mga antropologo, kasabay na sumibol sa mundo ang wika at lahi. Masasabing ang
kanilang wika noon ay kasingkahulugan ng ginagamit ng mga hayop. Subalit sa paglipas ng panahon,
sabay sap ag – unlad ng kultura ng tao, umunlad din ang wika.
Sang – ayon pa rin sa mga etnologo at linggwista, ang kasalukuyang lahi at wika ay nagdaan sa
napakaraming taon ng pagbabago. Magmula sa paninirahan sa mga bato at paggamit ng simpleng paraan
ng pakikipag – paninirahan, narrating ng tao ang puntong makontrol pati na ang batas ng kalikasan –
manirahan sa mga air – conditioned na tahanan, maglakbay sa himpapawid, makausap ang isang tao sa
ibayon dagat, umakyat sa pamamagitan ng elebeytor, gumawa ng komunikasyon sa tulong ng fax
machine, easy call, telepono, telegrapya at iba pang paraan ng makabagong Sistema ng
pakikipagtalastasan.
Bago pa man dumating ang panahon ito, may ilang teorya na ang maaring nalathala o nagpalipat
– lipat sa pamamagitan ng bibig na maaaring gawin batayan ng pinagmulan ng wika sa daigdig.
Isa dito ang teoryang ding – dong. Ipinalalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa
kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. May tunog ang
nagpapakahulugan sa mga bagay, tulad ng kampana, relo, tren.
May teoryang tinatawag na bow – wow. Dito, ang tunog na nalilikha ng kalikasan, anuman ang
pinagmulan ang ginagagad ng tao. Halimbawa nito ang tunog kulog, ihip ng hangin, pagbagsak ng alon,
kahol ng aso at ingay ng pusa. Ikinakabit nila ang mga tunog na ito upang sabihin ang pinanggaligan o

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
tukuyin ang pinagmulan. Marami ang nag – aalinlangan ditto sapagkat hindi nagkakatulad ang mga
pandinig ng tao sa ib’t ibang likas na tunog.
Ang isang teoryang tumatalakay din sa tunog ay pooh – pooh. Ipinalalagay na ang tao ang siyang
lumilikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Kasama ditto ang pagpapakita ng tuwa sa
pamamagitan ng pagtawa, kalungkutan o sakit sa pamamagitan pag – iyak, pagkabigla, pagtataka at iba
pang bulalas ng damdamin.
May mga teoryang gumagamit naman ng pagkumpas o mga senyas upang maiparating ang nais
na sabihin. Pinakikilos ditto ang bahagi ng katawan upang makagawa ng aksyon. Dito pinakikilos ang
dila. Sa pagbabago ng posisyon ng dila sa loob ng bibig, nakagagawa ng tunog, nababawasan naman ang
mga pagkumpas at senyas.
Hindi masasabing ang mga teoryang ito’y totoo o walang batayan, subalit nagiging mahalaga ang
mga ito sa pagtalakay ng pinafmulan ng mga wka. Sa ganitong paraan, nakabubuo tayo ng mga palagay.
Ang kuwento sa matandang kaharian ng Ehipto ay isa pang mapagkukunan nang kung paanong
nagsimula ang wika. Ayon sa haring, si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang
nagtuturo o naririnig. Upang mapatunayan ang kanyang sapantaha, nagpakuha ang hari ng dalawang
sanggol at pinaalagaan ang mga ito sa malayong pook na walang maririnig na salita ng tao. Layunin ng
hari na alamin kung anong wika ang mtutuhan ng mga bata kung sakalit matutong magsalita ang mga ito.
Ayon sa ulat ng nag – alaga, ang unang salitang nabigkas ng mga bata ay bekos, isang wikang
phrygian (matandang wikang patay na) na ang ibig sabihin ay tinapay. Ang phrygian ay salitang mas
matanda pa sa Egyptian. At tulad din ng ibang mga teorya, napakahirap ding paniwalaan ang pagsubok na
ito.
Sa sariling pag – aaral na isinagawa ni Charles Darwin na nasaad sa aklat ni Lioberman (1975) na
may pamagat na On the Origin of Language, sinasabi niyang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay
ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.
Maiuugat kay Plato, isang Greek Philosopher, ang kanyang pananaw sa wika. Aniya, ang wika ay
nabuo ayon sa batas ng pangangailangan at may mahiwagang kaugnayan at kalikasan ng mga bagay at ng
mga kinakatawan nito.
Idinagdag niyang ang wika’y tulad ng iba’t ibang saling angkan na maaring magsimula sa simple
hanggang maging malawak ito. Sa pagdaan ng panahon, ito’y nagdaraan sa maraming pagbabago
hanggang sa mapalago at maliwanag na naiintindihan.
Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa mga homo sapiens o mga
unang tao. Sinasabi nilang ang wika’y nagmula sa unggoy subalit sa dahilan sa ebolusyon, ang mga
simpleng wikang ito’y naging malawak na kalauna’y napag – iwanan ng napakalayo ang mga salita ng
mga hayop.
Para kay Rene Descartes, isang pilosopong Pranses at Matematesyan, ang wika ang nagpapatunay
na ang tao ay kakaiba. Ang mga hayop ay maaring nakaiintindi ngunit katulad ng kalawakan ng isip at
pang – unawa ng tao. Sa kanyang pagmamasid, maaring kausapin ng tao ang hayop subalit kailanman
hindi maaring kausapin ng hayopang tao. Patunay pa rin ito na nakahihigit ang tao sa alinmang hayop.
Isa sa magandang batayan ng pinagmulan ng wika ang Banal na Aklat. Ayon sa Genesis 11:1 – 9
Noon, ang buong daigdig ay iisa ang wika at salita. Ang mga tao’y naglakbay papuntang Silangan
at Nakita nila ang isang kapatagan sa Sinai. Dito sila naninirahan.

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
Nag – usap usap sila. “Gumawa tayo ngtisa at lutuin nating mabuti.” Tisa ang ginagamit nila sa
halip na bato at alkitran sa halip na adobe. Pagkatapos, sinabi nila, “Gumawa tayo rito lungsod na may
toreng abot sa mga langit. Sa gayon magiging bantog tayo at di mangangalat sa buong daigdig.
Ngunit bumaba ang Diyos upang tingnan ang lungsod at ang toreng ginawa ng mga tao. Sinabi ng
Panginoon, bilang isang grupo ng tao na iisa ang wika, nakapagsimula silang gumawa nito. Kung gayon,
anumang kanilang balangkasin ay magagawa na muli. Bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang
hindi sila magkaintindihan.”
Kaya mula noon, pinangalat sila ng Panginoo sa buong daigdig at hindi na naipagpatuloy ang
pagtatayo ng lungsod. Ito ang dahilan kaya tinawag na Babel ang lugar na iyon – pagkat doon ginulo ng
Panginoon ang wika sa buong daigdig. Mula rito pinangalat sila ng Panginoon s aiba’t ibang panig ng
daigdig.
Kung ilan ang wikangu sinasalita sa kasalukuyan at noong nakalipas na libong taon ay hindi natin
matitiyak. Sa pag – usad ng panahon, maraming lenggwahe ang napaunlad, patuloy na nagbabago at may
namamatay na nag – iiwan lamang ng ilang bakas at magkaminsa’y wala. Maaaring ang gumagamit ng
isang particular na wika noon ay wala na at wala naming paraan upang maitala itong muli para sa darating
na panahon at susunod na henerasyon. Kahit na ang wikang ginagamit natin ngayo’y mahirap tiyakin
kung ito’y natatangi ng ibang lenggwahe (Encyclopedia Americana, 1979:724).
May paniniwala ring ang kaunaunahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga
Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na
Aramaic ang kanilang wika.
Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan ng pamilya ng Afro – Asiatic – timog ng Africa at
hilagang – kaunlaran ng Asya at kasama sa pangkat sa Semitic – ang lenggwaheng ginamit ni Hesukristo
at ang kanyang mga desipulo. Sa wikang ito isinulat ang unang bibliya.
Hanggang sa dumating ang kalahatian ng ika – 8 siglo, ipinalagay na ang lahat ng lenggwahe’y
nagmula sa Hebrew, ang orihinal na wika ng Bibliya. Noong 1767, isang paring Heswitang Pranses, si
Pare Gaston Laurent Coeurdoux, ang nagpahayag ng pagkakatulad ng Sanskristo at ng lenggwaheng
Europeo. Pagkaraan ng dalawampung taon, sinusundan ito ng pagkaklasipikasyon ayon sa pundasyong
henetiko. Ditto nagsimula ang komparatibong pilologo.
Para sa mga pilologo, maaaring buuing muli ang orihinal o ang lenggwaheng – proto sa
pinagmulang pamilya ng wika, kasama na ang mga nagging bunga nito at sangay. Ipinakita nila ang
pagkakahambing ng mga wika sa loob ng isang malaking pamilya ng wika at malapit na pagkakaugnay
nito sa mga pagkakaugnay nito sa mga nagging bunga o sangay ng wika. Subalit dapat na tandaan na ang
ganitong tangkang pagpapaliwanag ay maari pang pagtalunan ngayon at maging sa hinaharap.
Bagamat hindi tayo pantas, madali nating masasabi ang wika ang pinakamahalagang bagay na
naiwan sa atin ng ating mga ninuno. Ang kanilangan mga pagsisikap ay nagbunga ng maraming
kapakinabangan sa lahat ng tao sa sandaigdigan. Ito ang maituturing na pinakamahalagang imbensyon na
nagawa ng tao noon hanggang sa kasalukuyan.
Kung babalikan ang mga unang talakayan hinggil sa pinagmulan ng wika, wika tayong makitang
kongkretong katibayan na nagpapatunay ng kanyang tunay na pinagmulan at sisitemattikong pag – unlad
na madali nating maikakawing sa ating pang – araw – araw na pakikipagtalastasan liban na lamang sa
isinasaad ng banal na kasulatan at mitolohiya. Magkagayunman, naniniwala tayo na ang wika saan mang
panig ng sanlibutan ay may simula at kusang umuunlad sa paglipas ng panahon. Ang lahat ng ito’y bunga

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
ng pagsisikap na paunlarin ang kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsulat upang higit na makaunawa
at maunawaan.

PANGHULING PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang tamang sagot.
1. Ano ang pinakamagandang regalo ng maykapal sa kanyang nilalang?
a. Senyas c. Kulay ng balat
b. Wika d. Bahagi ng katawan
2. Ano ang pinakamabisang sangkap ng sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pananatili sa madali
o mahabang panahon ng kasaysayan.
a. Senyas b. Wika c. Panahon d. Kaisipan
3. Ilan linggwahe ang dapat dapat malaman ng isang linggwista.
a. Isang libonh mga salita c. Humigit kumulang sa tatlong libo
b. Tatlong libong mga salita
4. Tawag sa makaagham nap ag – aaral ng wika.
a. Idiolohista b. Linggwistika c. Antropologo
5. Saan nagmula ang atin mga ninuno?
a. Malayo – Polynesyo b. Malay c. Melanesyo
6. Ayon kay ___________ ang wika ay tanging tao lamang ang nakakagawa at hindi katutubo.
a. Ember b. Sapir c. Kroeber
7. Ayong kay __________ ang linggwahe ay nagbibigay ng mga palatandaan kung paano mag – isip
ang mga tao.
a. Sapir b. Kessing c. Titieve
8. Bahagi ng katawan ng tao na nagbibigay daan sa pagsasalita.
a. Kamay b. Utak c. Mata
9. Ayon kay ___________ dala na ng sanggol na makapagsalita sa pagsilang pa lang.
a. Friost b. Ember c. Beals
10. Ang pag – aaral at pagsusuri ng mga wika at kultura ay gawain ng ________.
a. Antropologo b. Linggwistika c. Etnologo
11. Teoryang kumakatawa sa kapaligiran na may tunog na bagay.
a. Bow – wow b. Ding – dong c. Pooh – pooh
12. Tunog na likha ng kalikasan?
a. Ding – dong b. Bow – wow c. Pooh – pooh
13. Ayon kay ___________ ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig.
a. Headland b. Psammantichos c. Wolfende
14. Tinawag na Greek Philosopher.
a. Charles Darwin b. Plato c. Lionerman
15. Ayon kay ___________ ang wika ang nagpapatunay na ang tao ay kakaiba.
a. Plato b. Rene Descartes c. Aramean

SUSI SA PAGWAWASTO

Guro na lang ang magwawasto ng Modyul na sinagutan

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
ANG MGA SUSUNOD NA GAWAIN

Ibigay sa mga bata ang susunod na Modyul na kanilang sasagutan sa bahay

MGA SANGGUNIAN

Panimulang Linggwistika
Binagong Edisyon 1998
Veneranda S. Lachica, Ph. D

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!

You might also like