Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang ilan sa mga nilalaman ng unit na ito ay naging bahagi na ng Araling Panlipunan noong hayskul

katulad ng paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino bago pa ang pagdating ng mga mananakop
bagamat may iilan pa rin sa mga ito na ngayon ko lamang natutunan. Ang pinakatumatak sa akin sa
parteng ito ay ang sistematikong pamumuhay ng ating mga ninuno lalo na ang mga konsepto ng
paghihiwalay ng mag-asawa, pagmamana, imbestigasyon bago ang pagpataw ng parusa at
komplikadong paglilibing. Manipestasyon ito ng kanilang pagiging sibilisado lalo na at malawak ang
kanilang pag-iisip ukol sa mga ganitong bagay na hanggang ngayon ay isyu pa rin sa bansa sa kabila
ng kaliwa’t kanang pag-unlad ng ibang karatig-bansa. Ang kanilang konsepto ng hustisya, pantay na
karapatan sa mana anuman ang kasarian at ang mataas na pagtingin sa buhay ng bawat isa ay
nagpapatunay na bago pa man dumating ang mga mananakop ay maalam na ang ating mga ninuno
at hindi mga mangmang sa pagpapatakbo ng kanilang mga komunidad. Marahil, kung hindi tayo
naimpluwensyahan ng mga maka-Kanluran na ideya ay hindi magiging sarado ang pananaw ng
nakararami ukol sa pantay na pagtingin sa lahat. Hindi magiging isyu ang paghahangad na
makipaghiwalay sa asawa o kaya ang pagiging salungat ng kasarian sa sekswalidad ng tao. Bukod
pa rito, higit kong napagtanto ang malaking papel ng Katipunan sa paglaya ng bansa sa mga Kastila.
Hindi lamang ito isang grupo na nagtangkang kalabanin ang mga mananakop kundi binubuo ito ng
mga miyembrong uhaw na uhaw sa pagsasarili kung kaya’t walang anumang pag-aatubili na ialay
ang kanilang mga buhay para sa kalayaan. Bagamat ang kanilang supremo na si Andres Bonifacio
ang puno’t dulo ng lahat ng rebolusyon na ito, hindi rin dapat natin kalimutan ang mga taong nasa
llikod niya na nagsisilbing utak at kapwa-haligi nito tulad ni Emilio Jacinto na siyang sumulat ng
Kartilya ng Katipunan. Ang dokumentong ito ang naging patunay kung gaano kataas ang
pamatantayan ng organisasyon sa mga magiging miyembro nito na marahil ay isa sa naging dahilan
kung bakit lumawak at nagtagal ito. Isa rin sa tumatak sa akin ay ang kahulugan ng kulay ng
watawat ng Pilipinas, Sa katotohanan, sa asignaturang ito ko lamang nalaman na ang pula, bughaw
at dilaw na kulay ng watawat ay nagmula mula sa kulay ng watawat ng Amerika bilang
pagpapasalamat sa mga naitulong nito. Buong pag-aaral ko ay inaakala kong sumisibilo ito sa
kapayapaan, pagkakapantay-pantay, pagiging makabayan at iba pa. Hindi ako makapaniwala na ang
isa sa pinakapinapahalagan nating simbolo ng kalayaan ay kumuha ng inspirasyon mula sa bansang
sumakop sa atin. Tila ba isang kabalintunaan ito kung iisipin. Bilang karagdagan, isa rin sa aking
mga pangunahing natutunan ay ang mga batis na gagamitin para sa pag-aaral ng kasaysayan ay
hindi lamang nakakulong sa mga dokumento o sanaysay bagkus maari rin itong makita sa mga
larawan, sining, bidyo, karikatura, dokumentaryo at iba. Kaya rin nitong bumuo ng ilang mga
pangyayari na nangyari noon lalo na’t ang mga ito ay naroon mismo sa nakaraan. Ang mga
dokumentaryo naman ay mapapakinabangan lalo na’t may presensya na ng mga historyador at
eskperto.

You might also like