Name

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Name:______________________________________ Grade and Section:________________

ARALIN PANLIPUNAN 10
QUARTER 1, SUMMATIVE TEST

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang .

_____________1. Ang ______ ay hindi lamang kakulangan sa pagkain. Ito rin ay


kakulangan o kasalatan sa iba’t ibang aspeto ng buhay na dapat tamasahin ng tao
tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay, hustisya, at iba pa.

a. Kahirapan
b. kawalan
c. Kakapusan
d. Wala sa nabanggit

_____________2. Duming nanggagaling sa usok ng pabrika at mga sasakyan.

a. Malnutrisyon
b. Polusyon sa hangin
c. Polusyon sa tubig
d. Pandemya

_____________3. Tumutukoy sa hindi tamang nutrisyon bunga ng hindi pagkain ng


masustansiyang pagkain.

a. Malnutrisyon
b. Polusyon sa hangin
c. Polusyon sa tubig
d. Pandemya

_____________4. Tumutukoy sa pagkalat ng nakahahawang sakit sa isang


malawak na rehiyon, isang lupalop o pandaigdigan

a. Malnutrisyon
b. Polusyon sa hangin
c. Polusyon sa tubig
d. Pandemya

______________5. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga tao sa bansa.

a. Populasyon
b. Korupsyon
c. Globalisasyon
d. Child labor

______________6. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan para sa pansariling


interes.
a. Populasyon
b. Korupsyon
c. Globalisasyon
d. Child labor

______________7. Pagpapatrabaho sa mga batang wala pa sa takdang Gulang.

a. Populasyon
b. Korupsyon
c. Globalisasyon
d. Child labor

_______________8. Konsepto ng mas malawak na ugnayan ng iba’t- ibang bansa.


Ito ay ang pagkalat ng mga produkto, teknolohiya, impormasyon, at trabaho sa iba’t
ibang mga bansa at kultura.

a. Populasyon
b. Korupsyon
c. Globalisasyon
d. Child labor

_______________9. Isang di inaasahang pangyayari na sanhi ng mga proseso sa


kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkawasak at panganib sa mga tinamaan nito.

a. Kalamidad
b. Globalisasyon
c. Kaguluhan
d. Polusyon

______________10. Tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang


organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

a. Pamahalaan
b. Lipunan
c. institusyon
d. Tribu

______________11. Ang _______ ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa


isang lipunan.

a. Pamahalaan
b. Lipunan
c. Institusyon
d. Social Group

______________12. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na


katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan.
a. Pamahalaan
b. Lipunan
c. institusyon
d. Social Group

______________13. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal


sa lipunan.

a. Status
b. Gampanin/ Roles
c. Kultura
d. Lahi

______________14. Tumutukoy ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga


inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.

a. Status
b. Gampanin/ Roles
c. Kultura
d. Lahi

_____________15. Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga pinaniniwalaan ng tao na


katanggap-tangap sa lipunan na nagiging basehan ng kanilang pagpapahalaga.

a. Beliefs
b. Folkways
c. Kultura
d. Mores

_____________16.Ito ay ang mahigpit na batayan ng kilos ng tao sa lipunan na


kapag nilabag ay may angkop na kaparusahan.

a. Beliefs
b. Folkways
c. Kultura
d. Mores

_____________17. Ang ______ ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginawa at


ginagawa ng tao sa isang lipunan.

a. Beliefs
b. Folkways
c. Kultura
d. Mores

_____________18. Tumutukoy sa batayan ng kilos ng tao sa isang lipunan

a. Beliefs
b. Folkways
c. Kultura
d. Mores

_____________19. Tumutukoy sa kilos, gawi, o asal ng tao na nagiging batayan ng


aksiyon, paguugali, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang ginagalawan.

a. Norms
b. Pagkumpas/Gesture
c. Simbolo
d. Values

_____________20. Ito ang daan upang maiparating at maunawaan ng tao ang


mensaheng nais makuha sa pamamagitan ng pagsalita at pagkumpas o gesture.

a. Norms
b. Pagkumpas/Gesture
c. Simbolo
d. Values

______________21. Gawain ng tao upang maiparating ang kanyang mensahe sa


isang tao na hindi gumagamit ng salita gaya ng pagmamano at pagkaway.

a. Norms
b. Pagkumpas/Gesture
c. Simbolo
d. Values

______________22. Nagsisilbing batayan ng tao sa lipunan kung ano ang tama o


mali, at kung ano ang katanggap-tanggap at hindi.

a. Norms
b. Pagkumpas/Gesture
c. Simbolo
d. Values

______________23. Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba


pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao.

a. Materyal na kultura
b. Hindi Materyal na Kultura
c. Simbolo
d. Norms

______________24. Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng


isang grupo ng tao, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o
maobserbahan.
a. Materyal na kultura
b. Hindi Materyal na Kultura
c. Simbolo
d. Norms

_____________25. Tumutukoy sa kakayahang makita ang kaugnayan ng mga


personal na karanasan ng

isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan.

a. Istatistik
b. Sociological Imagination
c. Institusyong Panlipunan
d. Norms

_____________26. Tawag sa namumuong sama ng panahon, may marahas at


malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan.

a. Bagyo
b. Baha
c. El Niño
d. KaLamidad

_____________27. Ito ay ang pag apaw at pagtaas ng lebel ng tubig na dulot ng


malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad.

a. Bagyo
b. Baha
c. El Niño
d. KaLamidad

_____________28. Tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng


malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.

a. Bagyo
b. Baha
c. El Niño
d. KaLamidad

_____________29. Tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa


ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.

a. Bagyo
b. Baha
c. El Niño
d. KaLamidad
_____________30. Tumutukoy sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa
dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.

a. Storm Surge
b. Tsunami
c. Volcanic Eruption
d. Lindol

TEST II

Panuto: Piliin mula sa kahon sa ibaba ang tamang sagot sa bawat bilang at isulat sa
patlang.

QUARRY WASTE MANAGEMENT


SOLID WASTE CLIMATE CHANGE
HAZARD GLOBAL WARMING
HAZARD ASSESSMENT MINING
RISK DEFORESTATION

______________1. Isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga metal,


dimetal, at mineral mula sa lupa katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso, bakal,
langis, likas na gas, at iba pa.

______________2. Isang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at iba pang


materyales sa pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay, o pagbabarena.

______________3. Ang walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan

______________4. Tumutukoy sa anuman uri ng bagay na maaaring hindi na


kakailanganin pa at hindi na nararapat gamitin.

______________5. Tumutukoy sa pagtaas ng temperature ng mundo.

______________6. Akmang termino sa wastong pangungolekta, paglilipat,


pagtatapon o paggamit, at pagmo-monitor ng basura ng mga tao. Isinasagawa ito
upang mapangasiwaan nang maayos upang makaiwas sa masasamang epekto ng
basura sa kalusugan at kapaligiran.

______________7. Tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga


dapat at tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at madalas ito ay
lumalala

_______________8. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan


o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa
buhay, ari-arian, at kalikasan.

_______________9. Tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay


dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
______________10. Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o
kalamidad sa isang partikular na panahon.

TEST III (ESSAY)

1. 1. Bakit kailangan ang CBDRM Approach sa pagharap sa mga hamon at


suliraning pangkapaligiran?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________

You might also like