Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

pamumuhay.

Komunikasyon sa
Akademikong Filipino
Ikalawang Linggo
Departamento ng Filipino

KATANGIAN NG WIKANG
FILIPINO Materyales
Computer, Student Activity Sheet

Sanggunian
I ti n a k d a ng Bu ng a ng P a g ka t u to
1. Concepcion B. Jr. et al (2017) LET Reviewer
Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang: Licensure Examination for Teachers. MET Review
Publishing House. Sampaloc, Maynila.
➢nakakikilala sa katangian ng wikang Filipino 2. Ducay, Irene D. (2017) LET NCBTS Oriented
➢nakapagbabahagi sa kahalagahan ng wikang Filipino. MET Review Publishing House. Sampaloc,
Filipino Maynila 3.Wika Retrieved from
ht t ps : / / w ww . s lid e sh a r e . ne t / F utur eE duc /
➢nakabubuo ng kritikal na sanaysay ukol sa
wi k a - 258 1 2 6 7 9
katangian ng wikang Filipino sa pang-araw araw na

Pangalan: ___________________________________ Kurso/Taon/Sekyson:

______________ PANIMULA

Panimulang Tanong:

Sa mundong ating ginagalawan, batid nating mahalaga ang wikang ating ginagamit upang
tayo ay makabuo ng ugnayan sa kapwa tungo sa ating pag-unlad. Tulad ng tao, ang wika ay
magkakaiba din at mayroon ding taglay na sariling mga katangian. Anu-ano ba ang mga katangiang
ito?

PROSESO NG PAGTUTURO

Paghahanda (Preparation)

Panuto: Unawain at sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang sagot na sa patlang na
nakalaan. 1.) Sa sariling pananaw, magbigay ng hindi bababa sa limang mahalagang katangian ng
wikang Filipino?

2.) Base sa sagot sa unang bilang. Sa tingin mo, bakit ito ang mga katangian ng wikang Filipino?
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG

FILIPINO 7

Paglalahad (Presentation)

WIKA
Ayon kina Pamela Constantino at Galileo Zafra (2008), “ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.”

KAHULUGAN NG WIKA
Kasangkapan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
Tagapagdala ito ng mga ideya at naiimpluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at
damdamin.
Nagbubuklod sa isang lipunan na may iisang kultura. Hinti matatawag na isang lipunan
ang isang grupo ng mga tao kung wala silang wikang komon.

Ayon kay Henry Gleason (1988) – Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinipili ay isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura.

Ayon kay Archivald Hill (1976) – Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na


anyo ng simbolikong gawaing pantao.

Ayon kay Webster (1974) – Ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.

Ang wika ay tunay na mahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang


kapwa. Naipapahayag at naihahatid niya ang kanyang ideya at saloobin sa kanyang kapwa gamit ang
wika. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng tao sapagkat ginagamit niya ito sa
iba’t ibang aspeto ng kanyang buhay. Ang wika rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa.
Ang isang bansang may sariling wika ay maituturing na isang bansang malaya.

KATANGIAN NG WIKA

1. May sistematik ng balangkas.


Pangunahing katangian ng isang tinay na agham ang pagiging sistematik. Dahil may
katangiang makaaghanm ang isang wika, nagging batayan ito upang umiral ang larangan ng
Linggwistiks, ang pag aaral ng wika. Hindi lamang nakabatay sa ngayon sa Balarila o Gramar ang
pagtuturo ng wika. Malaliman ngayong tinatalakay ang isang wika mula sa fonoloji, morfoloji,
hanggang sa sintaks.

Ponema – tawag sa makabuluhang tunog


Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga tunog
Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita
Morpolohiya – pag-aaral ng morpema
Salitang-ugat
Paruparo, halu-halo, sarisari, alang-alang

Panlapi
unlapi – unahan gitlapi – gitna laguhan – una, gitna at hulihan
kabilaan – kabilaan
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 8
hulapi – hulihan

Ponema
ponema --- morpema --- salita --- parirala --- sugnay (makapag-iisa at di makapag-iisa) ---

pangungusap Sintaks – makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap

Diskors – makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit pang tao.

2. Binibigkas na tunog.
Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan. Ang
ponemik ang tunog na makabuluhan. Ang pagiging makabuluhan ng tunog ay yaong nakapagpapaiba
ng kahulugan ng salita. Ang ganitong phenomenon ng wika ang siyang dahilan kung bakit sa kabila ng
pagkakaroon ng 28 letra ng ating bagong alfabeto, 21 lamang ang fonim o ponema at 1 sa 21 ito ay
walang katumbas na grafm o letra – ang glottal na pasara sa lumang balarila ay tinatawag na impit a
tunog. Mapapansin ito sa mga salitang malumi at maragsa.

3. Pinipili at isinasaayos.
Kasama ang retorika sa mga batayang kurso sa kolehiyo. Layon nito ang makapagpahayag
nang mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at pagsasaayos ng wika. Hindi lamang kasi basta
binibigkas at inaalam ang kahulugan ng mga salita.

4. Arbitrari
Ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa napagkasunduang termino ng mga taong
gumagamit nito. Dahil dito, nagkaroon ng indentidad ang bawat wika na sadyang ikinaiba ng bawat
isa.

5. Kapanatay ng kultura.
Kaugnay ng pagiging arbitrari ang pagiging kapantay ng kultura ng wika. Walang wikang
umunlad pa kaysa sa kanyang kultura, gayundin walang kulturang yumabong nang di kasabay ang
wika. May wika sapagkat may kultura. May kultura sapagkat may wika.

6. Patuloy na ginagamit
Walang saysay ang anumang bagay kung hindi naman ito ginagamit. Kapag hindi ginagamit,
nangangahulugan lamang na wala itong silbi. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang katangian ng
wika ang pagiging gamitin nito.

7. Daynamik o nagbabago
Itinuturing na “patay” ang isang wika kung wala na itong tinatanggap na pagbabago. Hindi
totoo na patay na ang wika ay wala nang gumagamit at dahil doon, ay wala nang silbi.
Tulad ng ibang bagay, ang wika man ay nagbabago, at ang pagabbago ng wika ay
nangangahulugan lamang na ito ay buhay sapagkat umuunlad at patuloy na sinasalita ng mga
taong gumagamit nito.

Pagsasanay (Practice)

Aktibiti
I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan at bilugan ang tamang sagot.
1. Ito ay isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sap ag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.
A. Ortograpiya B. Morpolohiya C. Semantika D. Sintaks
2. Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi at kaya naman ay
naunawaan ng lahat ng kasapi ng lahi.
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 9
A. masistema B. dinamiko D. arbitraryo
C. likas
3. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa tamang pagsasaayos ng mga salita para
makabuo ng isang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa?
A. Ortograpiya B. Morpolohiya C. Sematika D. Sintaks
4. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sap ag-aaral ng kahulugan ng tunog o ponema?
A. Ortograpiya B. Morpolohiya C. Semantika D. Ponolohiya
5. Anong sangay ng linggwistika na sumasaklaw sap ag-aaral ng wastong baybay ng mga salita?
A. Ortograpiya B. Morpolohiya C. Semantika D. Sintaks

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang katanungan. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Bilang
isang mamamayang Pilipino, ano ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na
pamumuhay? Magbigay ng isang senaryo ng sariling karanasan o kakikitaan ng sitwasyong ito.
Isulat ito na hindi bababa sa limang pangungusap. (10 puntos)
_________________________________________________________________________________
___
_________________________________________________________________________________
___
_________________________________________________________________________________
___
_________________________________________________________________________________
___
_________________________________________________________________________________
___
______________________________________________________________________
__
_____________________________________________________________________
___ _______

Pagganap/Performans (Performance)

Aktibiti: Iguhit mo!


Panuto: Pumili ng isang katangian at iguhit ang simbolo na maiuugnay sa wikang Filipino bilang wikang
pambansa. Ipaliwanag sa loob ng limang pangungusap sa ibabang bahagi kung bakit ito ang napiling simbolo.
(25 puntos)

Pamantayan:
Nilalaman – 10
Kaangkupan ng konsepto – 5
Pagkamalikhain (Originality) – 5
P ali wa n a g – 5

Kabuuan 25 puntos
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 10

You might also like