Filipino7-Lagumang Pagsusulit1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LAGUMANG PAGSUSULIT

Sa FILIPINO 7

PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahing mabuti ang mga katanungan. Gamitin ang ibinigay na sagutang papel. Gumamit ng LAPIS sa
pagsasagot. Itiman ang bilog ng titik ng iyong kasagutan. Huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan at baitang
sa sagutang papel. Ang sipi ng mga tanong ay hindi dapat sulatan ng kahit na ano. Ibabalik ito sa guro kasama
ng sagutang papel.

1. Ito ay isang uri ng panitikan na lumaganap at nagpasalin salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o
pasalita at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
A. maikling kuwento B. kuwentong-bayan C. talambuhay D. epiko
2. Bago pa man dumating ang mga Kastila ay may sarili ng panitikan ang Pilipinas.
A. Tama, dahil pinatutunayan ito ng mga sinaunang paraan ng pagsulat at pamahalaan.
B. Tama, dahil may panitikan na nakasulat sa mga aklat.
C. Mali, umasa lang tayo sa tradisyong bitbit ng mga kastila.
D. Mali, dahil sila mismo ang bumuo ng sibilisadong mga Pilipino.
3. Ito ang pagbibigay ng iyong sariling haka-haka at opinyon tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap.
A. pagsasalaysay B. paglalahad C. pangangatuwiran D. paghihinuha
4. “Sasama ako sa iyo kapatid ano man ang mangyari sa iyo basta nasa likuran mo lang ako.” Mahihinuha sa pahayag na
ito na ang mga Blaan ang may kulturang
A. katapangan B. kalakasan C. pagmamahal D. pagtutulungan
5. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto ang COVID -19 ay isang nakahahawang sakit na bagong tuklas.
Alin sa mga sumusunod na pananda ang nagpapatunay?
A. batay sa pag-aaral C. isinagawa ng mga eksperto
B. isang nakakahawang sakit D. kilala sa tawag na COVID-19
6. “Huwag kang magtatagal anak baka kainin ako ni Busaw,” Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito?
A. pagkagalit B. pagkatuwa C. pangamba D. pagkalungkot
7. “Aray! Aray! makakain na talaga ako nito ni Busaw!” Ano ang damdaming ipinahahayag ng pangungusap?
A. takot B. tuwa C. galit D. pagkabigla
May mag-asawang Kmokul at Lenkonul na naninirahan sa Lemlunay. Mayroon silang labindalawang anak na pawang
mga babae. Hangad ni Kmokul na magkaroon siya ng kahit isang anak man lamang na lalaki na siyang papalit at
magmamana ng kanyang tungkulin bilang datu ng Lemlunay. Kung kaya, humiling si Kmokul kay Lenkonul na kung maaari
ay manganak pa siya ng isa. Dapat ito ay lalaki. Hindi nagtagal ay naglihi na nga si Lenkonul. Tuwang-tuwa naman si
Kmokul.

8. Bakit hiniling ni Kmokul sa kanyang asawang si Lenkonul na manganak pa ng isa?


A. dahil pawang babae ang kanyang mga anak C. dahil gusto nitong magkaroon ng napakaraming anak
B. dahil gusto niyang magkaanak ng isang lalaki D. dahil kailangan niyang mapanatili ang kanyang tungkulin

Tuwang-tuwa si Lenkonul pagkakita niya sa gayak ni Tudbulul. Humingi si Lenkonul ng nganga kay Kmokul at sinabi
niyang ang anak nila ay nagtataglay ng kapangyarihan. Sa katunayan, dagdag ni Lenkonul, noong siya ay magsilang, halos
hindi niya na ito makayanan. Muntik na siyang sumuko. Ngunit alam niyang ang kanyang isisilang ay hindi pangkaraniwan
kung kaya sinikap niyang mailuwal ito.
9. Ano ang naging resulta nang malaman ni Lenkonul na ang kanyang isisilang ay hindi pangkaraniwan?
A. nabahala siya sa kanyang panganganak
B. nagulat siya at nahirapan sa kanyang panganganak
C. nawalan siya ng malay at hindi nito naisilang ang sanggol
D. sinikap niyang mailuwal ito kahit nahihirapan siya sa panganganak

Habang nasa kabundukan pa si Tudbulul inutos niya sa mga tao sa kapatagan na paderan nila ang kinatitirikan ng
kanilang bahay dahil paparating na siya. Iyon ay upang maprotektahan ang mga ito sa apoy na nagmula sa
kapangyarihang dala-dala niya. Naligalig ang mga tao. Sama- samang nagsikilos ang mga tao upang maitayo ang pader.

10. Bakit inutos ni Tudbulul sa mga tao sa kapatagan na paderan nila ang kinatitirikan ng kanilang bahay?
A. upang makuha ang atensyon ng lahat ng mga tao roon
B. upang kilalanin siya bilang isang makapangyarihang tao
C. upang maprotektahan ang mga ito sa apoy na nagmula sa kapangyarihang dala-dala niya
D. upang hindi matakot ang mga tao sa kanyang pagdating at umani ng paghanga mula sa kanilang lahat

Sinasabing ang lugar ng Lemlunay noon ay kinakatakutan ng mga tao dahil para itong pugad ng mga ahas, gagamba, at
iba pa. Ngunit noong dumating na si Tudbulul, prinotektahan niya ang mga tao at sinabing walang maaaring makialam sa
kanyang lugar. Hangga’t siya ay naroroon, walang sinumang maaaring gumambala sa kanilang lugar.

11. Ano ang naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao noon sa lugar ng Lemlunay?
A. dahil parang pugad ito ng mga ahas, gagamba, at iba pa
B. dahil magulo at palaging nag-aaway ang mga nakatira doon
C. dahil tirahan ito ng mga magnanakaw at ng mga mamamatay-tao
D. dahil pinaniniwalaan nilang maraming nakatirang engkato sa lugar
12. Ang ay isang uri ng pelikula na naglalayong maipalabas ang mga natatanging katangian ng isang tao, bagay, lunan at
pangyayari na naglalayong maikintal sa diwa ng mga manonood ang mga kabutihan na mapupulot mula rito.
A. dokyu-film B. Maikling kuwento C. tula D. alamat
13. Ano ang akdang pamapanitikan na naglalaman ng maiksing salaysay tungkol sa mahalagang pangyayari?
A. tula B. maikling kuwento C. nobela D. alamat
14. Nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari, ito ay tinaguriang?
A. sinematograpiya B. banghay C. dayalogo D. special effects
15. Pinapaganda nito ang pelikula upang mahatak ang mga manonood
A. sinematograpiya B. special effects C. banghay D. dayalogo
16. Sila ang mga nagtatala ng kuwento ng tauhan upang maisapelikula at mapatunayang ito ay totoo.
A. dokumentarista B. artista C. bida D. director
17. Ano ang bahagi ng kuwento na naglalaman ng pinakamatinding galaw o pangyayari?
A. kasukdulan B. kakalasan C. tauhan D. tagpuan
18. Ano ang pangatnig na bubuo sa pangungusap? Malayo ang bahay ni Jane _____ maaga siyang gumigising upang hindi
mahuli sa klase.
A. kasi B. kaya C. upang D. dahil
19. Maaari tayong magliwaliw _____ tapos na tayo sa pagsagot ng ating takdang- aralin.
A. at B. samantalang C. kaya D. kapag
20. Matutulog ako ng maaga _____ hindi ako antukin sa klase bukas.
A. dahil B. kasi C. para D. samantala
21. Huwag gawin ang mali _____ wala itong magandang maidudulot sa iyo.
A. ngunit B. kung C. kaya D. sapagkat
22. Ang pagsusuot ng face mask at face shield lamang ang makaiiwas sa atin sa pagkahawa sa sakit na COVID-19.
A. makatotohanan B. di-makatotohanan C. tsismis D. wala sa nabanggit
23. Maraming kabataan sa ngayon ang nagpapakita ng kanilang talento sa social media platform na tulad ng Tiktok.
A. makatotohanan B. di-makatotohanan C. tsismis D. wala sa nabanggit
24. Matatagpuan lamang sa Mindanao ang mga kapatid nating katutubo.
A. makatotohanan B. di-makatotohanan C. tsismis D. wala sa nabanggit
25. Dahil sa pandemya ay pansamantalang natigil ang face to face na klase sa Pilipinas.
A. makatotohanan B. di-makatotohanan C. tsismis D. wala sa nabanggit
26. Isang uri ng sulatin na nangangailangan ng sapat na paghahanda at masusing pag – iisip upang patunayan at makuha
ang anumang impormasyon na nais ng manunulat.
A. pagbabalita B. pagsasalaysay C. pananaliksik D. pakikipanayam
27. Talaan ng iba`t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang
materyal.
A. paksa B. burador c. balangkas d. bibliyograpi
28. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang mananaliksik?
A. Minamadali ang trabaho
B. Ang mga datos ay nakabase lamang sa naririnig
C. Pangongopya ng mga datos, ideya, pangungusap at balangkas ng isang akda.
D. Ang isang mananaliksik ay nangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na
suliranin sa siyentipikong pamamaraan
29. Ang pagkakaroon ng makulay at malikhaing coverpage ay nakatutulong upang maging kapansin-pansin sa mata at
makuha
ang interes ng mga turista. Alin ang tamang paksa sa ideyang ito?
A. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
B. Simple at malinaw na nilalaman
C. Alamin ang turistang target
D. Nakakapukaw-pansin ang coverpage
30. Sa pahayag na “Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots kung may
kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan”. Ano ang tamang paksa sa pahayag na ito?
A. Lokasyon ng mga landmark o tourist spot
B. Alamin ang turistang target
C. Introduksiyon o panimula
D. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
31. Mahalaga ang travel brochure sa mga turista, sa paanong paraan ito makatutulong sa kanila?
A. Maaaring maglakbay nang wala ito
B. Maaari itong makapagpalito sa mga turista
C. Maaaring gamitin ito ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais puntahan
D. Lahat ay posibleng tama
32. Marami ang maitutulong ng turismo sa pag-unlad ng isang lugar. Isa sa mga ito ay ang .
A. Pagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang lugar sa pamamagitan ng serbisyo.
B. Pagkakaroon ng pagkakataong magkagulo
C. Pagkakataong dadami ang populasyon
D. Lahat ay posibleng sagot
33. Ikaw ay isang turista na mahilig maglakbay at mamasyal, alin sa mga sumusunod ang iyong kakailanganin upang maging
gabay sa paghahanap ng lugar na nais puntahan?
A. Traveling bag C. travel brochure
B. Travel company D. travel insurance
34. Sa panahon ngayon kung saan humaharap ang bansa sa isang matinding krisis na dulot ng pandemic, may mga
turistang
naantala ang pagbabalik sa sariling lugar, paano nila panatilihing ligtas ang kanilang sarili sa nasabing lugar?
A. Samantalahin ang pagkakataon na magpasyal sa mga lugar na nais puntahan.
B. Sumunod sa mga batas na ipinapatupad ng local na pamahalaan kung saan sila naantala.
C. Panatilihin ang paghuhugas ng kamay palagi, magsuot ng face mask, umiwas sa matataong lugar, at isagawa ang
social distancing.
D. B at C
35. “More Fun in the Philippines”. Katagang pang-akit ng Kagawaran ng Turismoupang bisitahin ng mga dayuhan ang ating
bansa. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Nakatutuwa ang mga tao sa Pilipinas C. Masarap maglakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas
B. Masayahin ang mga tao sa Pilipinas D. Maligaya ang paglalakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas
36. Kung nais mong ipakita ang elemento ng maikling kuwento sa akdang binasa, alin sa sumusunod ang iyong gagamitin?
A. Character Mirror C. Venn Diagram
B. Plot Diagram D. Compare and Contrast Diagram
37. Anong gawain ang maaari mong gawin kapag nais mong lumikha ng larawan sa pamamagitan ng pagguhit, kung paano
nasasalamin ang kultura mula sa mga kuwentong-bayan?
A. slogan B. jingle C. poster D. role playing
38. “Mag-imbak tayo ng pagkain, Tipaklong, maaaring umulan nang matagal”, hikayat ni Langgam. Alin sa mga salitang
nakatala ang nagpapahayag ng posibilidad?
A. araw B. maaari C. mahaba D. tayo
39. Sakaling hindi ako makadalo sa pagpupulong, maaari bang iulat mo sa akin ang mga kaganapan doon? Ang salitang
sinalungguhitan ay retorikal na pangungusap. Ano ang ipinahahayag nito?
A. walang katiyakan C. tiyak na kondisyon
B. pag-aalinlangan D. di-tiyak na kondisyon
40. Mahigpit na ipinatupad ng reyna ang mga batas at ang sinumang lumabag dito ay pinarurusahan. Ano ang ipinahihiwatig
ng salitang sinalungguhitan?
A. mabagsik B. malupit C. mapusok D. masungit
41. Namangha ang magulang ng dalaga kaya’t itinakda nila ang kasal ng dalawa. Masaya ang naging buhay ng mag-
asawa. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. nagulat B. namatanda C. nabighani D. nabigla
42. Sakaling hindi ako makadalo sa pagpupulong, maaari bang iulat mo sa akin ang mga kaganapan doon? Ang salitang
sinalungguhitan ay retorikal na pangungusap. Ano ang ipinahahayag nito?
A. walang katiyakan C. tiyak na kondisyon
B. pag-aalinlangan D. di-tiyak na kondisyon
43. _________, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring ipuno sa patlang upang ito ay
mapatotohanan?
A. Talagang B. Tunay na C. Sa totoo lang D. Sa tingin ko
44. Isang araw, nakiusap ang Inang Pusa sa Inang Daga para bantayan ang anak niyang kuting dahil ito ay may sakit.
Ano ang tawag sa salitang may salungguhit?
A. ekspresiyon ng posibilidad C. retorikal na pang-ugnay
B. pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga D. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
45. Sa totoo lang, kaming mga laruan ay ginawa upang paligayahin kayo subalit natatakot din kaming baka isang araw ay
hindi
n’yo na kami pansinin.” Anong pang-ugnay na nagpapatotoo ang ginamit sa pangungusap?
A. Sa totoo lang B. baka C. upang D. subalit
46. Anong pang-ugnay na ginagamit sa pagtukoy sa sanhi ang dapat idugtong sa pangungusap na: Napahanga ni Lam-ang
ang ama ni Ines sa kaniyang panliligaw sa ipinakita niyang katapangan.
A. sapagkat B. dahil C. ngunit D. kung
47. Nakuha ni Lam-ang ang loob ng ama ni Ines. Ano ang angkop na karugtong ng pangungusap na nagpapahayag ng
bunga?
A. kaya naging malapit sila sa isa’t isa. C. dahil dito magpapakasal na sila ni Ines.
B. kasi lagi na silang namamasyal ni Ines. D. sapagkat lagi niyang pinatutuloy sa kanilang tahanan.
48. “Mag-imbak tayo ng pagkain, Tipaklong, maaaring umulan nang matagal”, hikayat ni Langgam. Alin sa mga salitang
nakatala ang nagpapahayag ng posibilidad?
A. araw B. maaari C. mahaba D. tayo
49. “Sa unang putok pa lang ay tumimbuwang na ang sundalo”. Ano ang kahulugan ng salitang tumimbuwang?
A. tinamaan at namatay C. bumaligtad at lumagapak
B. nabuwal dahil sa putok D. natumbang patihaya
50. Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan
upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na
Pagislam. Ano ang ibig sabihin ng PagIslam?
A. pagbibinyag ng Muslim C. ritwal na ginagawa sa bagong kasal
B. relihiyong itinaguyod ni Mohammed D. paghingi ng patnubay bago makidigma

Inihanda ni:
APRIL JOY B. PIAMONTE
Guro III

You might also like