Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pahingalo (Pahinga)

Nakaupo ka sa harap ng computer, nakabukas ang MS Word, nakatitig sa isang blankong pahina
Puting pahina na sa ngayon ay dapat naglalaman na ng isanglibong mga salita
Mahigit isang oras ka nang pilit naghahanap ng angkop na mga titik at letra
Nang biglang tumunog ang notification, may bago na namang pinagagawa

Napabuntong-hininga ka, heto na naman tayo


Hindi mo na nga mabilang sa kamay ang mga tambak mong assignment may bago na namang
parating, parang isang batalyong handang makipagdigma
Kalma lang kayo, estudyante lang ako, ballpen at papel lang ang aking mga sandata
Ayun nga lang, dahil online class na mukhang virtual na lang din sila

Minamasdan mo ang unti-unting dumadaming school works at gustung-gusto mo nang tapusin


lahat
Ang sarap kasi sa pakiramdam makitang wala ka nang dapat alalahanin na deadline
Namimiss mo nang magbinge watch ng paborito mong Kdrama at mag-ML hanggang umaga
Kaya babalikan mo ang essay paper mong hindi mo pa nga nasisimulan
Pigang-piga na ang bawat brain cell mo sa kaiisip ng introduction na pati si Madam
mapapanganga
Magtatype, backspace, magtatype, backspace, magtatype ng ilang linya, backspace hanggang
umpisa.
Bakit parang nawawalan na ako ng gana?

“Kunwari ka pa, procrastination lang ang tawag dyan”


“Wow, ninonormalize mo na ang katamaran nyan”
Pero please utang na loob, hear me out naman
Higit pa ito sa pagsasawalang-bahala at pawang katamaran
Kung sa bawat paglipas ng oras ay siya ring paglaho ng pagkakataong meron na sana akong
nasimulan
Tuwing titignan ko ang mga “assigned activities” at “backlogs” ko ay hindi ko maiwasang mag-
alala
Hindi ko na nga ba talaga kaya o sadyang nag-iinarte lang?
Pagod nga ba ‘tong nararamdaman ko o baka naman pinaiiral na ang katamaran?

Napapatanong na rin ako sa sarili ko, may saysay pa ba ‘tong ginagawa ko?
Gusto ko na lang bitawan lahat ng mga responsibilidad na meron ako
Makakatulong pa ba ang module kung pagkatapos ng semester bakas na lamang sila sa isip ko
Para saan pa ba ‘tong mga awards at recognition kung parang pasanin ko na ang buong mundo

Eh bigla kong naalala, oo nga naman. Bakit ba ayaw kong magpahinga?


Siguro kasi natatakot ako na pag magpahinga ako, mapag-iiwanan ako
Siguro dahil nasasayangan ako sa oras na ginugugol ko sa pagtulog, panonood, na sana ginamit
ko sa acads?
Kasi nahubog ang mentalidad ko ng mga post sa FB na ginoglorify ang pagpupuyat matapos lang
ang schoolworks
Na kahit lumabo na ang mga, humina na ang buong katawan okay lang basta maipasa ang
requirement ni Sir at Ma’am

Pero hindi. Kung may isang bagay man akong natutunan, iyon ay ang magpahinga. Huminto ka
at huminga.

Magpahinga ka
Kung sa tingin mo ay hindi mo pa sa ngayon kaya
Magpahinga ka
Kung pakiramdam mo wala kang kakayahang tapusin ang mga activities na pinagagawa
Magpahinga ka
Dahil deserve ng mental health mo ang huminga
Magpahinga ka
Hindi ‘yan pag-iinarte o katamaran, sadyang nagbuburnout ka na
Magpahinga ka
Makakabawi ka pa naman dahil may bukas pa
Magpahinga ka
Huwag ka lang susuko, meron pang pag-asa

You might also like