Professional Documents
Culture Documents
Portfolio TR3S
Portfolio TR3S
GEN. ED. 12
MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG
PANITIKANG PILIPINO
PORTFOLIO
BACHELOR IN SECONDARY EDUCATION
MAJOR IN FILIPINO - II
BLOCK: C
IPINASA NINA;
IPINANASA KAY:
ALFREDO RUMBANO
(INSTRUCTOR)
KAHULUGAN NG PANITIKAN
PANITIKAN
Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang "pang-titik-an". Ito ay batay
sa salitang "titik" na nangangahulugang "literatura" o "literature".
Ito rin ay nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento
ng isang tao. Ito ay maaaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang
para sa isang layunin.
Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan at
patula.
Nagsasalaysay din ito ng mga ideolohiya ng pamahalaan lipunan at
pananampalataya. Ito rin ay nagpapahayag ng mga damdamin katulad ng
pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag asa pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.
PIKSYON
DI-PIKSYON
ANO ANG
KAHALAGAHAN
NG PANITIKAN?
MGA KAHALAGAHAN NG PANITIKAN:
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating
pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal
na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating
sa ating bansa.
4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na
ito'y malinang at mapaunlad.
KASAYSAYAN NG PANITIKAN
PA
GSUSULIT I: TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at isulat naman ang
tamang sagot kung ang pahayag ay MALI.
_______1. PANITIKAN ang tawag sa pagpapahayag ng isang tao sa kanyang mga karanasan,
damdamin, kaisipan o karanasan sa buhay.
_______2. Ang salitang "LITERATURA" o "LITERATURE" ay nangangahulugang "TITIK".
_______3. Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang "PANG -TITIK".
_______4. DI- PIKSYON ang tawag sa panulat na walang katotohan, kathang isip o gawa-gawa
lamang.
_______5. PIKSYON ang tawag sa isang uri ng panitikan na nagsasaad ng totoong kwento.
TAMA 1. PANITIKAN ang tawag sa pagpapahayag ng isang tao sa kanyang mga karanasan,
damdamin, kaisipan o karanasan sa buhay.
"Titik" nangangahulugang literatura o literature 2. Ang salitang "LITERATURA" o
"LITERATURE" ay nangangahulugang "TITIK".
TAMA 3. Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang "PANG -TITIK".
PIKSYON 4. DI- PIKSYON ang tawag sa panulat na walang katotohan, kathang isip o gawa-
gawa lamang.
DI- PIKSYON 5. PIKSYON ang tawag sa isang uri ng panitikan na nagsasaad ng totoong
kwento.
1. Lipunan
Mahalaga ang panitikan sa lipunan, ito ang ang tunay na layunin ay ang pagkakaisa o
kolektibong pagkilos ng bawat mamamayan upang makamit ang kabutihang panlahat at ang pag-
unlad para sa bawat isa.
2. Edukasyon o Pag-aaral
Mahalaga ang panitikan sa ating edukasyon, isa ito sa mga paraan upang makilala at
mapagaral natin ang sariling atin. Sa pamamagatin nito ay mapapahalagahan nating ng husto ang
mga pamana ng ating mga ninuno saatin, gayon din anng mga naging impluwensya ng ibang
bansa sa ating mga panitikan.
GINA B. BISUENIA
1. Tama
2. Mali
("Titik" nangangahulugang literatura o literature")
3. Tama
4. Mali (Piksyon)
5. Mali (Di-piksyon)
1. Lipunan
Mahalaga ang panitikan sa lipunan, ito ang ang tunay na layunin ay ang pagkakaisa o
kolektibong pagkilos ng bawat mamamayan upang makamit ang kabutihang panlahat at ang pag-
unlad para sa bawat isa.
2. Edukasyon o Pag-aaral
Mahalaga ang panitikan sa ating edukasyon, isa ito sa mga paraan upang makilala at
mapagaral natin ang sariling atin. Sa pamamagatin nito ay mapapahalagahan nating ng husto ang
mga pamana ng ating mga ninuno saatin, gayon din anng mga naging impluwensya ng ibang
bansa sa ating mga panitikan.
ANN-ANN BORRAS
A. PAGSUSULIT
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. MALI
5. MALI
B.
1. LIPUNAN
Mahalaga ang panitikan sa ating lipunan na ginagalawan sapagkat sa pamamagitan ng
panitikan ay naipapakilala ang ating pagka-Pilipino bilang bahagi ng lipunan. Dito rin ay
ibinabahagi ng pantikan an gating kultura na pinagyayaman at mahalagang bahagi ng pagka-
Pilipino dito sa ating lipunan. Kung walang lipunan na bumubuhay sa panitikan wala ring
kulturang pangagalingan.
2. Edukasyon o pag-aaral
Mahalaga rin ang panitikan sa edukasyon o pag-aaral sapagkat dito nababatid natin ang
kahinaan sa pagsulat at kailangan ang pagsasanay upang maisaayos at maituwid. Sa edukasyon o
pag-aaral ay naipapadama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng pagmamalasakit dito.
Masasabi kong sa edukasyon ay nakikita ang kahalagahan at gampanin ng panitikan dahil ito ay
binibigyang sentro sa pag-aaral. Ang panitikan ang nagbibigay buhay sa kultura at nagpapanatili
nito para sa aking pananaw lamang. Sa tulong ng guro, mag-aaral ay naibabahagi at nakilala pa
lalo ang panitikan. Sa panitikan nakikilala rin natin ang kakayahang magsulat at naipapaunlad
ito.
3. Ano ang panitikan at kasaysayan?
Kung babalikan natin ang kahulugan ng panitikan ito ay ang pagpapahayag ng mga
karanasan, damdamin, kaisipan, o kuwento ng isang tao. Ito ay maaaring batay sa katotohanan o
gawa – gawa lamang para sa isang layunin. Sinasabi rin na ang panitikan ang nagsasalaysay ng
mga ideolohiya ng pamahalaan, lipunan at pananampalataya. Ang panitikan rin ang
nagpapahayag ng mga damdamin katulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Tinutukoy rin ang panitikan bilang
paglalarawan sa pagsusulat ng tuwiran, tuluyan at patula. Dumako naman tayo sa kasaysayan.
Para sa akin ang kasaysayan ay naganap na at nanatiling buhay sa isipan ng tao. Ito ay
binabalikan at sinasariwa sa pamamagitan ng pagtuturo. Ang kasaysayan ng panitikan ito ay ang
nahuhugis ng kalipunan ng mga manunulat sa loob man o labas ng Filipinas. Hindi ito
paramhihan o pahusayan ng mga may akda. Ang kasaysayan ng panitikan ay pagbabalik at
pagkilala sa kahusayan ng mga manunulat at pagtangkilik nito. Bawat Pilipino ay bahagi ng
kasaysayan at ng panitikan.
4. Anu ang kaugnayan ng Panitikan at kasaysayan?
Ang kaugnayan ng panitikan at kasaysayan sa isa’t isa. Ang panitikan ang tulay upang
mabuksan ang kasaysayan at mabigyang halaga at buhayin ng mga Pilipino. Ang kasaysayan
naman ay may kaugnayan sa panitikan ay may malaking gampanin sa panitikan ito ang
panatilihing buhay ang panitikan at lahat ng mga bagay na nakapaloob sa panitikan. Ang
panitikan at kasaysayan nito ang bumubuo a kulturang Pilipino, pagka-Pilipino at kakayahan sa
pagsulat ng malikhain bilang bahagi ng panitikan.
PATULA
A. TULANG PASALAYSAY
Ang tulang pasalaysay ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito'y
kadalasang ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at
ang buong istorya ay nasusulat sa may sukat na taludtod. Hindi kailangang
mayroong huwarang pang-ritmo ang tulang pasalaysay. Ang ganitong uri
ng tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang istoryang kinukwento nito ay
maaaring komplikado. Ito ay karaniwang dramatiko, may layunin, iba't
ibang tauhan, at sukat.
EPIKO
Ito ay akdang pampanitikang inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan na kinapapalooban ng paniniwala, kaugalian,
huwaran at sukatan sa buhay na hindi kapani-paniwala sapagkat may
kababalaghan.
Halimbawa ng Epiko:
Lam-ang (Epiko ng mga lloko), Ibalon at Aslon (Epiko ng mga Bikol),
Hudhud (Epiko ng mga Ifugao) Bantugen (Epiko ng mga Maranao),
Indarapatra at Sulayman (Epiko ng mga Maguindanao), Bidasari (Epiko
ng mga Malay), Dagoy at Sudsud (Epiko ng mga Tagbanua )
AWIT AT KORIDO
Nagsasalaysay ng kagitingan, pagkamagin pakikipagsapalaran ng mga
prinsesa ng n kaharian, ang mga kabalyerong mandirigma ser layuning
mapalaganap ang kristiyanismo.
AWIT
Ang awit sa bawat taludtod ay may labing dalawang pantig na itinutula o
binibigkas ng pasalaysay ngunit may himig na mabagal o tinatawag na
adante at mayroong makatotohanang kwento. Ito ay maaaring naganap sa
tunay na buhay lalo na ang kanilang pakikipagsapalaran.
Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura
KORIDO
Ito ay nagmula sa impluwensiyang Kastila. May walong pantig kada linya
at apat na linya naman sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas naman
ng m kabilisan. Tulang pasalaysay na may kasamang kababalaghan. Ang
mga tauhan ay nagsasagawa ng mga bagay na di maaaring magawa sa
tunay na buhay.
B. TULANG LIRIKO
Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay uri ng tulang nagtatampok sa
makata ng kanyang sariling damdamin at pangninilay. Ito'y puno ng
masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan,
kaligayahan, tagumpay at iba pa. Ito'y payak na uri ng tula.
A. PASTORAL
Ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na "pastor." Ito ay tulang
pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig
at iba pa.
Halimbawa:
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa, Halika sa Bukid ni Milagros B., Bayani ng
Bukid
B. ELEHIYA
Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng
kalungkutan, kamatayan at iba pa. Maaaring ito'y pagdaramdam o
kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o
nag aagaw buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang
maliligayang sandali ay agad lumipas.
Halimbawa:
Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus, Elehiya sa pagkamatay ng aking
kuya, Elehiya sa aking minamahal
C. SONETO
Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at
pananaw sa buhay ng tao. May malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao.
Sa kabuuan ito'y naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Halimbawa:
Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon, Soneto Para sa Makatang
Makabayan ni Ron De Vera
D. ODA
Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin.
Walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang
saknong.
Halimbawa:
Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
E. AWIT
Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
Halimbawa:
Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit
hinggil sa pag-ibig o palasintahan.
Ito'y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punong-puno ng
pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta.
F. DALIT
Ito ay isang awitin patungkol sa pahlilingkod sa Diyos at
pananampalataya.
Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at paglulugod pa ang
layunin ay pagkadakila at pagpaparangal.
Dalawang uri ng Dalit:
Dalitsamba - ito ay patungkol sa Diyos.
Dalitbansa - ito ay nagpapahayag ng pag-ibig at pagkadakila.
Halimbawa:
Papuri sayo, Dalit Pasasalamat.
MAIKLING PAGSUSULIT
I - PAGSUSULIT
IBIGAY ANG MGA SUMUSUNOD:
A. PAGKAKAIBA
1. TULANG DULA
2. TULANG PANTIGAN
B. PAGKAKAPAREHO
1. TULANG DULA AT TULANG PANTIGAN
ALMIRA NOGA
PAGSUSULIT
A. PAGKAKAIBA
TULANG DULA
1. Tinatanghal sa entablado
2. Drama
3. Dramang sinulat bilang berso para wikain
4. Dulang musikal
5. May mga aktor na gumaganap
TULANG PANTIGAN
1. Ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na pagiisip.
2. Tunggalian ng mga makata
3. Hango sa balagtasan
4. Hindi ginagamitan ng iskrip
5. May nagwawagi at may natatalo
B. PAGKAKAPAREHO
GINA B. BISUENIA
PAGSUSULIT
A. PAGKAKAIBA
TULANG DULA
1. Tinatanghal sa entablado
2. Drama
3. Dramang sinulat bilang berso para wikain
4. Dulang musikal
5. May mga aktor na gumaganap
TULANG PANTIGAN
1. Ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na pagiisip.
2. Tunggalian ng mga makata
3. Hango sa balagtasan
4. Hindi ginagamitan ng iskrip
5. May nagwawagi at may natatalo
B. PAGKAKAPAREHO
PAGSUSULIT
A. PAGKAKAIBA
TULANG DULA
1. Tinatanghal sa entablado
2. Drama
3. Dramang sinulat bilang berso para wikain
4. Dulang musikal
5. May mga aktor na gumaganap
TULANG PANTIGAN
1. Ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na pagiisip.
2. Tunggalian ng mga makata
3. Hango sa balagtasan
4. Hindi ginagamitan ng iskrip
5. May nagwawagi at may natatalo
B. PAGKAKAPAREHO
ANN-ANN BORRAS
PAGSUSULIT
A. PAGKAKAIBA
TULANG DULA
1. Tinatanghal sa entablado
2. Drama
3. Dramang sinulat bilang berso para wikain
4. Dulang musikal
5. May mga aktor na gumaganap
TULANG PANTIGAN
1. Ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na pagiisip.
2. Tunggalian ng mga makata
3. Hango sa balagtasan
4. Hindi ginagamitan ng iskrip
5. May nagwawagi at may natatalo
B. PAGKAKAPAREHO
II – PAGSUSULIT
GINA B. BISUENIA
II- Ibigay ang aktwal at buong pamagat ng koridong "Florante at Laura" (5puntos)
Boung pamagat:
"Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya"
Kinuha sa madlang "cuadro histórico" o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang
panahon sa Imperyo ng Gresya at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog; English: The
History of Florante and Laura in the Kingdom of Albania: Adapted from some "historical
pictures" or paintings that tell of what happened in early times in the Greek Empire, and were set
to rhyme by one delighting in Tagalog verse), written by Francisco Balagtas, is considered one
of the masterpieces of Philippine literature. Balagtas wrote the epic during his imprisonment.[2]
He dedicated it to his sweetheart María Asuncion Rivera, whom he nicknamed "M.A.R." and is
referenced to as "Selya" in the dedication "Kay Selya" ("For Celia").
ALMIRA NOGA
II- Ibigay ang aktwal at buong pamagat ng koridong "Florante at Laura" (5puntos)
Florante at Laura o "Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya"
Kinuha sa madlang "cuadro histórico" o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang
panahon sa Imperyo ng Gresya at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog.
II- Ibigay ang aktwal at buong pamagat ng koridong "Florante at Laura" (5puntos)
Florante at Laura o "Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya"
Kinuha sa madlang "cuadro histórico" o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang
panahon sa Imperyo ng Gresya at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog.
ANN-ANN A. BORRAS
II- Ibigay ang aktwal at buong pamagat ng koridong "Florante at Laura" (5puntos)
Ang aktuwal at buong pamagat ng koridong ang "Pinagdaanang búhay ni Florante at ni
Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o ipinintang nagsasabi sa mg̃á
nangyari nang unang panahón sa imperyo ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa bersong
Tagálog. “Ito ay kinokonsedera bilang isa mga mga obra maetra ng piipinas sa larangan ng
literatura. Isinulat ni balagtas ang Florante at Laura sa panahong siya ay nasa kulungan. Ito ay
inaalay niya sa kanyang kasintahan na si Maria Asuncion Rivrea na si selya.
PANUNURI O KRITISISMO
PANUNURING PAMPANITIKAN
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba't ibang dulog
ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing mansumulat
at katha.
Isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao ang kanyang anyo, ugali,
kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang kanyang pakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya.
PAGDULOG
Ito ay may apat na uri:
a. Pormalistiko o pang-anvo.
b. Moralistiko.
c. Sikolohikal.
d. Sosyolohikal-panlipunan.
PANANALIG
At ito ay may siyam na uri:
a. Klasisismo
b. Romantisismo
c. Realismo
d. Naturalismo
e. Impresyunalismo
f. Ekspresyunalismo
g. Simbolismo
h. Eksistensiyalismo
i. Peminismo
KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
Malaki ang maitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at
sa buhay ng ating lipunan.
Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo'y
may kinalaman sa pagsusuri nito.
MAIKLING PAGSUSULIT
PAGSUSULIT:
Enumerasyon at Depinesyon:
1. Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan. (2 puntos)
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat't ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
2. Kapakinabangan at kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan. (3 puntos)
Nagbibigay ng kakayahanan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman
ngakda at kung paanu ito ay lahat nagiging isang buong ideya.
Malaki ang maitutulong ng panitikan saating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating
lipunan. Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo'y may kinalaman
sa pagsusuri nito.
3. Ibigay ang dalawang sangay ng Panunuring Pampanitikan at mga uri nito. (10 puntos)
PAGDULOG
o Pormalistiko o pang-anyo
o Moralistiko
o Sikolohikal
o Sosyolohikal-panlipunan
PANANALIG
o Klasisismo
o Romantisismo
o Realismo
o Naturalismo
o Impresyunalismo
o Ekspresyunalismo
o Sombolismo
o Eksistensiyalismo
o Perminismo
4. Mga bahagi ng Panunuring Pampanitikan at ibigay ang mga depinesyon nito. (5 puntos)
o Pamagat
Dito nakasulat ang pamagat ng akda at pangalan ng may akda.
Panimula - impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang pambungad na
talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis
o Paglalahad ng Tesis
Kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong mambabasa kung ano ang
aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng layunin ng iyong sanaysay ang puntong
iyong gusto iparating
o Katawan
Naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at sumusuporta sa
iyong inilalahad na tesis
o Konklusyon
Ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-katuturang komento
tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan
GAWAIN
B. SANAYSAY
ANG EDUKASYON
(Gina B. Bisuenia)
C. TULA
"KA-IBIGAN"
Ni: Gina B. Bisuenia
A. TALAMBUHAY
ANG AKING TALAMBUHAY
(Almira Noga)
Noong ika-5 ng Hulyo 2000 sa Lungsod ng Legaspi ay isinilang ang isang malusog at
iyakin na sanggol na babae. Siya ay pinangalanang Almira ng kaniyang ina. Ang kaniyang ina
ay si Alma Noga. Siya ay apat na pu't tatlong taong gulang. Si Alma ay masipag na tao. Lahat ay
ginagawa niya para sa kaniyang pamilya lalo na para sa kanyang dalawang anak. Si Alma ay
isang solo parent, bata pa lamang si Almira nang hindi na nito nakilala ang kanyang ama. Ngunit
hindi iyon naging hadlang sa kanyang ina upang hindi nito maibigay ang mga pangangailangan
ng pamilya lalo na sa pagpaparamdam ng pagmamahal ng isang ama. Siya ang nagsilbing ina at
ama sa kanyang mga anak. Si Almira ay mayroong nakababatang kapatid, siya ay si Christine. Si
Christine ay anak ng tiyuhin ni Almira. Maliit pa lamang si Christine nang ibigay ito sa kanila.
Kaya itinuring na siyang anak ni Alma at bilang kapatid ni Almira. Masaya silang naninirahan
sa kanilang munting tahanan kasama ang Lolo at Lola ni Almira. Ang ina ni Alma ang naging
katuwang nito sa sa buhay. Lumaki si Almira na masiyahing tao dahil napaliligiran siya ng mga
mababait at mabubuting tao at mga kaibigan. Makulit din ito minsan, malakas tumawa at mahilig
siyang magpatawa. Hilig niya rin ang pakikinig ng musika, pagsayaw at pagkanta. Siya ay
nakapagtapos ng pag-aaral sa elementarya at haiskul sa Paaralan ng Cabangan. Kasalukuyan
itong nag-aaral sa Paaralan ng Daraga Community College (DCOMC) sa kursong Batsilyer ng
Sekondaryang Edukasyon, Filipino Medyor. Sa katunayan ay Technology Livehood Education
(T.L.E) dapat ang kursong kukunin nito sa kadahilanang may konek ito sa kurso niya noong siya
ay nasa Senior High School pa lamang. Ngunit nalaman nitong wala pa lang ganitong kurso sa
DCOMC kaya napagpasyahan niyang kunin ang Filipino Major. Hindi naman siya nagsisi sa
kursong kinuha dahil marami siyang natututunan sa kursong ito. Marami rin siyang naging
kaibigan na galing pa sa iba't ibang Lungsod. Noon ay gusto niyang maging isang chef, pero
ngayong kolehiyo na nasa kurso siya ng pagtuturo ay ipagpapatuloy niya na ito at pagsisikapan
na makakuha ng lisensya sa pagtuturo at maging isang mahusay na guro, balang araw.
B. SANAYSAY
ISYUNG PANLIPUNAN
(Almira Noga)
C. TULA
"PADAYON"
ni: Almira Noga
A. TALAMBUHAY
B. SANAYSAY
KAHIRAPAN
(Leanne Lawrence Bonaobra)
Paanu nga ba bumabase ang tao ng kapwa nila tao? Paanu ba nila tinitignan ang kapwa
nila tao? May mga tao pa bang marunong sa mga ganitong bagay? O sadyang linamon na sila ng
mga matiryal na bagay dito sa mundong ibabaw?
Bawat isa saatin ay may kanya-kanyang estado sa buhay, may mga nakakaangat at may
mga mistulang binagsakan ng langit ng kahirapan. Sa ganitong sitwasyon ay mistulang hindi
nagiging makatarong ang mga ibang bagay pag dating sa mga taong mshihirap. Nakakalungkot
isip na hindi natin maitatangi ito dahil sa panahon at sitwasyon natin ngayun ay lagi itong
nagaganap at nangyayari. Tila nawawalan ng karapatan ang mga mahihirap sa mga bagay bagay
na dapat ay pantay pantay lang sa bawat indibidwal. Isa pa rito ay kung mababa ang estado ng
buhay ng isang tao ay sa halip tulungan ay mas lalo pa itong linulugmok sa kahirapan, sadya
itong nakakalungkot kung isipin. Mistulang nawawalan ng karapatan, karapatan sa edukasyon,
karapatan sa hustisya, karapatan sa pamumuhay na dapat kaylangan ng isang indibidwal para
mabuhay ng maayos. Nakakalungkot isipin na ganito ngayun ang nangyayari sa mundo, di natin
maitatanggi dahil maraming saksi sa mga ganiting pangyayari, ngunit di pa huli ang lahat para
mabago natin ang dahoy ng pait na nararanasan ng ating kapwa kababayan.
C. TULA
SILIP NG LIWANAG
(Leanne Lawrence Bonaobra
Silip ng liwanag
Dumating na parang hangin
Hindi namalayan hindi napansin
May lakas ng bagyo
Bagyong nakakalito
Di kanais-nais at di nakakatuwa
Hirap na pinapadama
Sakit na dinadama
Sobra sobra na!