WEEK 7 4th Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

WEEK 7

TH
4 Quarter

MONDAY MARCH 4, 2019


8:20 – 9:10 am - Grade IV – Ruby
Quarter 4 - Filipino IV
I. Layunin
Naibibigay ang sariling wakas ng napakinggang kuwento
II. Paksang Aralin
A. Paksang Aralin: “Pagbibigay ng sariling wakas ng napakinggang kuwento”
B. Sanggunian: Curriclum Guide sa Filipino: F4PN-IVg-9
C. Kagamitan: Tarpaper, chalk, pentel pen, manila paper
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbaybay
2. Pagbigkas
3. Balik-aral
Ano ang natutunan mo sa aralin noong nakaraang linggo?
4. Paghawan ng Balakid
Ipagawa ang gawain sa Tuklasin Mo A, KM, p. 183. Ipagamit ang salitang nilinang dito sa
5. sariling pangungusap
6. Pagganyak
Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang karanasan na may kaugnayan sa
paggamit ng basket.
B. Panlinang na Gawain
Gawain I
 Pangganyak na Tanong
Ano ang ginagawa ni Buboy sa kaniyang basket?
Gawain II
 Basahin ang pamagat ng kuwento.
Si Buboy at ang Kaniyang Basket
 Itanong:
Ano kayang nangyari kay Buboy sa kuwento?
Basahin ng malakas ang kuwentong inihanda.
 Talakayin ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng maaring wakas sa napakinggang
kuwento.
Gawain III
 Pangkatang Gawain
Isadula ang napakinggang kuwento at bigyan ng maaring maging wakas nito. (Hatiin
ang klase sa tatlong grupo.
C. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng wakas sa napakinggang kuwento?
D. Paglalapat
Mahalaga ba ang maayos na pakikinig sa lahat ng aspeto sa buhay? Bakit? Anong
importansiya nito?
IV. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng aklat sa silid- aklatan humanap ng kapareha at basahin ito sa kanya.
Ibigay ang wakas sa napakinggang kuwento.
V. Takdang Aralin
Pumili ng isang kuwento at ipabasa ito sa iyong kapamilya sa inyong tahanan. Pagkatapos
makinig ay ibigay ang wakas ng kuwento.
9:10 – 10: 00 am - Grade V – Narra
Quarter 4 - Filipino V
I. Layunin
a. Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon o ideya sa isang napakinggang isyu.
b. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng
paglalarawan.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Pagpapahayag ng sariling opinion o reaksyon o ideya sa isang napakinggang isyu”
“Pagbibigay ng kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
Paglalarawan”
B. Sanggunian: Curriculum Guide sa Filipino V: F5PS-IVb-h-1; F5PT-IVd-f-1.13
C. Kagamitan : Kwento, tsart, balita mula sa aklat
III. Pamamaraan
A. Panimulang na Gawain
1. Pagbaybay
2. Pagbigkas
3. Balik-aral
Ano ang huling napag – aralan natin ?
4. Pagganyak
Tula
Hanap lakad, buklat
Hanap, lakad, buklat.
Yan ang trabaho ng isang taong Nagsasaliksik sa aklatan.
Bukas, basa, sara
Bukas, basa, sara
Makita ang hanap na detalye
Kailangan sa pag-aaral.
Magbigay ng reaksyon sa bagong teknolohiya para sa mga aklatan.
B. Panlinang na Gawain
Gawain I
Bago Makinig
Paghahawan ng balakid
(Pang-upuang gawain)
Panuto. Punan ng angkop na nawawalang titik ang mga sumusunod na pamilyar at di
pamilyar na salitang matatagpuan sa kwento,Isulat sa kwaderno.
1. Library catalog na nakakonekta sa internet. - O_PA_
2. Lagayan ng aklat sa mga aklatan. – _S_T_NT_ (Sundan sa TG)
Magbigay ng reaksyon sa bagong teknolohiya para sa mga aklatan.
Gawain II
Basahin:
Online Public Access Catalog
Alam mo ba ang OPAC ? Ito ay nangangahulugang online public access catalog. Ito rin ay
simpleng library catalog kung saan natutukoy mo ang lokasyon ng mga aklat , periodicals,
audio visual materials at iba pang bagay na nasa isang aklatan…(Sundan sa TG/LM)
Pagtalakay
Pagkatapos makinig
- Sang-ayon ka ba sa ikatlong talata ng binasang sanaysay?
- Ito rin ba ang naging reaksyon mo tungkol sa OPAC ?
Gawain III
 Pagpapayamang Gawain
Ipabasa sa dalawang bata ang usapan.
( Pugad Baboy - http://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/pugad-baboy-a-
comic-portrayal-of-filipino-foibles/)
- Ano ang reaksyon mo tungkol sa makabagong teknolohiyang nababanggit sa
usapan?
- Totoo ba ito? Magbigay ng sariling opinyon tungkol dito.
C. Paglalahat
Tandaan
Ang bawat tao ay may kalayaan ibigay ang opinyon. Ito man ay pabor o hindi pabor,
sang-ayon o di sang-ayon. Ang bawat pangyayari o isyu ay pwedeng mahalaga o hindi
masyadong mahalaga sa ating buhay.
D. Paglalapat
Kaya mo bang tanggapin ang pagbabago ng ika -21 siglo tungkol sa pag-aaral,
pagtatrabaho at pamumuhay ng mga tao?
IV. Pagtataya
Sabihin ang Swak kung sang-ayon at Pak kung di sang-ayon tungkol sa mga isyu nabanggit
sa mga sumusunod.
1.Pagtaas ng presyo ng kuryente.
2. Pagdami ng bata sa internet café dahil sa mga on-line games.
3. Pagkakaroon ng 4Ps para sa mga mahihirap na pamilya.
4. agbibigay ng scholarship ng gobyerno.
5. Paglutas sa problema sa baha ng pamahalaan.
V. Takdang Aralin
Gumupit ng isang balita. Idikit sa kwaderno at magbigay ng opinyon tungkol dito.

11:05 – 11: 45 - Grade VI– Rizal


Quarter 3 - Filipino VI
I. Layunin
Nagagamit ang magagalang na Pananalita sa Pagsali sa Usapan
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Pagagamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsali sa Usapan”
B. Sanggunian: Curriculum Guide sa Filipino VI F6P5-IVg-12.25
C. Kagamitan: laptop , palskards. Aktibiti Kards
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbaybay
2. Pagbigkas
3. Balik- Aral
Ano ang napag – aralan natin noong nakaraang linggo?
4. Pagganyak
 Ang magagalang na pananalita ay dapat nagagamit sa pagsali natin sa mga usapan
lao na kapag nakatatanda sa atin ang mga kausap?
 Anu-ano ang magagalang na pananalita na ating ginagamit sa pakikipag-usap?

B. Panlinang na Gawain
Gawain I
Basahin ang maikling diyalogo. ( Constructivist Approach)
Pulis : Psst. Hoy! Huli ka, huwag kang tumakbo.
Caloy : Bakit po? Ano po ba ang nagawa kong kasalanan?
Pulis: Hindi mo ba alam na bawal tumawid diyan?
Caloy: Naku! paumanhin po. Akala ko po ay maari ditong tumawid.
Pulis: Alam mo bang may kaparusahan sa iyong ginawa?
Caloy: Naku! Pasensya na po kayo. Mangyari po kasi may nauna ng matandang babae po
ang tumawid dito kaya po sumunod po ako.
Pulis: Ang pinapayagan lang dito ay ang matatandang babae o lalaki na hindi na pwedeng
dumaas o umakyat sa itaas.
Caloy: Ganoon po ba? May pilay po ako sa tuhod at hindi ko rin po kayang umakyat sa
mataan na daanan. Maari po kaya kung ngayon lamang habang ako po ay hindi pa
lubusang magaling?
Pulis : Ah, ganon ba? Sige maari ka naming pagbigyan ngayon pero sa oras na ikaw ay
gumaling , kailangan mong sumunod sa batas-trapiko.
Caloy: opo, Sir. Marami pong salamat.

Tanong:
1. Tungkol saan ang diyalogo?
2. Bakit hinuli si Caloy?
3. Paano sumsagot si Caloy habang kinakausap siya ng pulis?
4. Anu-ano ang magagalang na salita ang ginamit ni Caloy?
5. Bilang isang bata at mag-aaral, anu-ano ang magagalang na pananalita ang inyong
gagamitin sa pagsali sa isang usapana?
Gawain II
Pangkatang Gawain: ( Collaborative Approach)
A. Pamanatayan sa pangkatang Gawain
B. Rubriks sa pangkatang Gawain
C. Pag-uulat ng bawat pangkat

Pangkat 1 – Diyalogo gamit ang magagalang na pananalita


Pangkat 2 - Round table Discussion sa napapanahong isyu gamit ang magagalang na
pananalita
Pangkat 3- Jingle o RAP gamit ang magagalang na pananalita

Talakayan:
1. Anu-ano ang magagalang na mga salita ang ginamit sa dulang ipinakita ng pangkat 1?
Sa ikalawang pangkat? Sa ikatlong pangkat?
2. Mahalaga ba ang paggamit ng magagalang na pananalita sa pagsali sa usapan? Bakit?
Pangatwiranan ang inyong sagot?
3. Magbigay pa ng iba pang magagalang na salita na gingamit sa pagsali sa usapan.

Panuto: Gumawa ng usapan gamit ang magagalang na salita gamit ang Speech
Balloons.

Gawain III
Laro: Dugtungan Challenge
Panuto: Dugtungan ng salita ang usapan gamit ang magagalang na pananalita .
(1)Naku! magkakaroon na naman ng pagtaas ng singil sa kuryente. ____________ narinig
ko sa balita kahapo. (2) kaya dapat matuto ____________magtipid ng kuryente.
(3)_________ upang hindi tayo mahirapan sa pagbabayad. Dapat (4) _____________lahat
tayo ay matutong magtipid at saka kapag hindi naman gamit ang mga appliances natin ay
(5)_____________.
C. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng magagalang na pananalita sa pagsali sa usapan?
Anu-ano ang mga magagalang na pananalita sa pagsali sa usapan?

D. Paglalapat
(Reflective Approach)
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga magagalang na salita gamit ang graphic
organizer

IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang comic strip o usapan gamit ang magagalang na salita . Gamitin
ang speech balloon sa paggawa ng comic strip.
Gumamit ng Rubrics sa pagwawasto ng gawa ng mga bata.

Usapan tungkol sa
Diborsyo sa Pilipinas

V. Takdang Aralin
Gumupit ng mga halimabawa ng mga patalastas sa dyaryo.

1:00 – 1:50 pm - Grade VI– Rizal


Quarter 3 - MAPEH VI
I. Objectives
Explains the uses of some over the counter and prescription medicines
II. Subject Matter
A. Topic: “Uses of some over the Counter and Prescription Medicines.”
B. Reference: Curriculum Guide in HEALTH VI. H6CH-IVf-18
C. Materials: PowerPoint; manila paper, pentel pen
III. Procedure
A. Preparatory Activities
1. Review
Review the past lesson.
2. Motivation
What is a medicine?
B. Developmental activity
1. Presentation
What is a prescription medicine?
These are drugs that must be taken with a doctor’s supervision.
3 kinds of prescription medicines are:
1. Antibiotics
2. Antidepressant
3. Antihypertensive
2. Lesson proper
Show an example of prescription and analyze its contents. (Discuss)
3. Activity
 Why can’t we buy prescription medicines over the counter without a doctor’s
prescription? (Oral Recitation).
C. Generalization
What is a prescription medicine?
Give the three kinds of prescription medicines.
D. Application
Is it important to seek a doctor’s advice before taking any medication why?
IV. Evaluation
What is a prescription medicine?
Give the three kinds of prescription medicine.
V. Assignment
Find a medicine at your home and write its prescription and it’s uses.

1:50 – 2:40 - Grade V– Narra


Quarter 4 – MAPEH V
I. Layunin
Naisasagawa ang pag-awit ng partner song
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Pagsasagawa nang pag-awit ng partner song”
B. Sanggunian: Curriculum Guide sa MUSIC V: MU5TX-IVe-2
C. Kagamitan: tsart, CD player, video presentation
III. Pamamaraan
A. Panimulang na Gawain
1. Balik- aral
Pag – usapan ang nagging huling aralin.
2. Pagganyak
(Pagpaparinig ng awiting “Leron, Leron,Sinta”) Ano ang nilalaman ng awitin? Paano ito
inaawit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
(Pagpapakita ng tsart ng awiting “Leron, Leron, Sinta” at “Aco Kini Si Anggi”)
Ang “partner songs” ay dalawang awit na maaaring awitin nang magkakasabay.
Maaaring gawing “partner songs” ang dalawang awit kung tumutugon sila sa mga
sumusunod na katangian:
o Magkatulad ang palakumpasan
o Magkatulad ang tunugan
o Magkatulad ang bilang ng mga sukat
o Magkatulad ang akordeng bumubuo sa dalawang awit
Ang dalawang awit na maaaring gawing “partner songs” ay ang “Leron, Leron, Sinta” at
“AcoKini Si Anggi”.

2. Pagtatalakay
Ano ang pamagat ng dalawang awitin?
(“Leron, Leron, Sinta” at “ Aco Kini Si Anggi”)

Ano ang time signature ng dalawang awit? (Ang time signature ng dalawang awit ay
Ano naman ang kanilang key signature? (Ang kanilang key signature ay G Mayor)

Ilang sukat ang bumubuo sa dalawang awit? (Ito ay binubuo ng tig-labing anim na
sukat.)

Habang inaawit nang magkasabay ang dalawang awitin, ano ang nalilikha nito? (Ito ay
nakakalikha ng magandang armonya.)
3. Pagpapayamang Gawain
 Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Pag-awit ng mga bata ng “Leron, Leron, Sinta” kasabay ang angkop na
kilos o galaw ng katawan
Pangkat 2 – Pag-awit ng “Aco Kini Si Anggi”
Pangkat 3-4 – Aawitin nang sabayang “Leron, Leron, Sinta” at “Aco Kini Si Anggi”
C. Paglalahat
Paano inaawit ang partner songs?
D. Paglalapat
Pag-awit ng mga bata ng “partner songs”
Pangkat 1-2- “ Leron,Leron,Sinta”
Pangkat 3-4- “Aco Kini Si Anggi”
IV. Pagatataya
Gumawa at gamitin ang Rubrics sa pagamarka ng performance ng mga bata.
V. Takdang Aralin
Maghanap ng mga awiting maaaring gamitin sa partner songs.

3:30 – 4:20 - Grade IV– Ruby


Quarter 4 – MAPEH IV
I. Layunin
a. Natutukoy ang harmonic interval (2 pitches) ng isang awitin.
b. Nakikilala sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa ang mga halimbawa ng mga
harmonic interval.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pagtukoy at pagkilala sa mga harmonic interval
B. Kagamitan: Power point Presentation
Sanggunian: Curriculum Guide sa MUSIC IV: MU4HA-IVf-1
Teacher's Guide pages 177-180
Learner's Materials pages 260-262
III. Pamamaraan
A. Panimulang na Gawain
1. Balik- aral
Balikan ang mga nakaraang aralin noong nakaraang linggo.
2. Pagganyak

Ilang patong ang cake? (apat na patong)


Gaya ng mga cake na ito, ang mga tono ay maaari ring
magpapatongpatong.
Pangkatin ang klase sa dalawa. Awitin nang sabay ang mga so-fa syllable sa
pamamagitan ng senyas-kamay (Kodaly).

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ituro ang awitin sa paraang rote.

2. Pagtatalakay

 Ano ang kadalasang interval ng mga note sa awiting “Ode to Joy”?


(Ang kadalasang interval sa awitin ay tatlo o third.)
 Paano inawit ang mga bahaging ito? (Inawit ang mga note nang sabay.)
Sa musika, ito ay tinatawag na harmonic interval. Ang mga harmonic interval
ay binubuo ng dalawa o higit pang magkakaugnay na note na inaawit nang
sabay. Ito ay nagbibigay ng kakaibang kulay sa tunog ng awit.
C. Pagpapayamang Gawain
 Awitin nang may damdamin ang “Ode to Joy”.
D. Paglalahat
Ano ang harmonic interval? (Ang harmonic interval ay binubuo ng dalawang magkaugnay na
tone na inaawit o tinutugtog nang sabay. Ito ay nagbibigay ng kakaibang kulay sa
tunog ng awit.)
E. Paglalapat
Paano nakatutulong ang pakikiisa sa mga gawain sa pamayanan? Aling gawain ang
nakatulong nang husto upang maunawaan mo ang harmonic interval?
IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang musical score ng “Manang Biday” (bahaging alto) na nasa
nakaraang aralin. Bilugan ang mga measure na may third interval.
V. Takdang Aralin
Sanayin ang pag-awit ng bahaging soprano at alto. Magdala ng isang simpleng musical score
ng awit na natutuhan na.
TUESDAY MARCH 5, 2019
8:20 – 9:10 am - Grade IV – Ruby
Quarter 4 - Filipino IV
I. Layunin
a. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan gamit ang balangkas.
b. Naibibigay ang sariling wakas ng napakinggang kuwento.
II. Paksang Aralin
A. Paksang Aralin: “Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan gamit ang
Balangkas”
“Pagbibigay ng sariling wakas ng napakinggang kuwento”
B. Sanggunian: Curriclum Guide sa Filipino: F4PN-IVh-8.5
C. Kagamitan: larawan, chalk, pentel pen, manila paper
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbaybay
2. Pagbigkas
3. Balik-aral
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng wakas sa napakinggang kuwento?
4. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga pangyayari sa napakinggang kuwento kahapon.
Tanong: Isalaysay ang bawat pangyayari batay sa nakitang larawan.
B. Panlinang na Gawain
Gawain I
Ipasunod – sunod ang .mga larawang nakadikit.
Gawain II
Pangkatin ang klase sa apat na grupo.
Iguhit ang mga kakaibang imbensiyon ni Buboy sa basket ng kaniyang Nanay ayon
sa pagkasunod-sunod nito sa napakinggang kuwento. Ihanda ang pagsasalaysay muli
ng napakinggang kuwento sa tulong ng mga larawang iginuhit.
Gawain III
Basahin ang isang kuwento sa mga magaaral. Ipagawa ang organizer na makikita sa
Pagyamanin Natin Gawin Mo A, KM, p. 187.
C. Paglalahat
Ano ang dapat isaalang – alang sa pagkakasunodsunod ng pangyayari?
D. Paglalapat
Bakit kailangan ang pagtatala ng impormasyon sa pagbasa o pakikinig?
Ipagawa ang Isapuso Mo, KM, p. 188
IV. Pagtataya
Panuto: Makinig sa kuwento na babasahin ng guro. Sumulat ng limang pangyayari ayon sa
pagkakasunodsunod nito.
V. Takdang Aralin
Magbasa ng kuwento. Pagsunodssunurin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng
limang magkasunod ng pangyayari sa nabasa.

9:10 – 10: 00 am - Grade V – Narra


Quarter 4 - Filipino V
I. Layunin
a. Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan
b. Nakasusulat ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: . “Pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan”
“Pagsulat ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan”
B. Sanggunian: Curriculum Guide sa Filipino V: F5PN-IVg-h-23; F5PU-IVe-h-2.11
C. Kagamitan : Kwento, larawan, tsart

III. Pamamaraan
A. Panimulang na Gawain
1. Pagbaybay
2. Pagbigkas
3. Balik-aral
Ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay reaksiyon sa isang isyu?
4. Pagganyak
Kapag nakakita ka ng langgam, ano ang ginagawa mo? Bakit? May alam ka ba tungkol
sa kanila?
B. Panlinang na Gawain
Gawain I
a. Sabihin sa mga bata na unawain ang lathalain .
b. Magbibigay sila ng buod.
“Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam”(MISOSA SIM 14 Filipino 5, pahina 2-3)
c. Sabihin ang pamantayan sa pagbasa.
d. Pagbasa ng guro.
Pagbasa ng lahat.
(Sundan sa LM)
Gawain II
Pagkatapos Magbasa
Sagutin ang mga tanong .
Ikumpara ang sagot. Wasto ba ang inyong sagot?

Gawain III
Ibuod o paiikliin ang talata 1 – 3.

C. Paglalahat

D. Paglalapat
Paano naunawaan ng siyentipikong si Sandra Wolhlgemuth ang gawi ng mga langgam?
Naisulat din ito ni Jojo Briones – Cruz, paano niya naisulat ang lathalaing ito? Mahilig ka
ring bang magbasa ,? Kaya mo rin na makasulat ng ideya o buod sa mga nababasa at
naririnig mong mga impormasyon.
IV. Pagtataya
Balikan ang lathalain. Isulat Mo ang buod ng talata 4 at 5.

V. Takdang Aralin
Magbasa ng isang lathalain na nais mo. Isulat ang buod nito sa kwaderno.

11:05 – 11: 45 - Grade VI– Rizal


Quarter 3 - Filipino VI
I. Layunin
Nakagagawa ng patalsstas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Paggawa ng Patalastas at Usapan gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita”
B. Sanggunian: Curriculum Guide sa Filipino VI F6WG-IVb-i-10
C. Kagamitan: Laptop, chalk
III. Pamamaraan
B. Panimulang Gawain
1. Pagbaybay
2. Pagbigkas
3. Balik- Aral
Ano ang kahalagahan ng magagalang na pananalita sa pagsali sa usapan?
Anu-ano ang mga magagalang na pananalita sa pagsali sa usapan?
4. Pagganyak
Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita
Ano ba ang tinatawag na patalastas?
B. Panlinang na Gawain
Gawain I
Magpakita ng Video ng patalastas tungkol sa Safeguard.

Tanong :
1.Tungkol saan ang patalastas?
2. Ano ang sinasabi ng patalastas?\
3. Anu-anong mga bahagi ng pananalita ang ginamit sa patalastas?
4. Ano sa palagay inyo ang kahalagahan ng paggawa ng patalastas?

Gawain II
Pangkatang Gawain:
Ibigay ang pamanatayan sa pangkatang Gawain at Rubrics.

Pangkat 1- Patalastas tungkol sa shampoo


Pangkta 2 –patalastas ng jollibee
Pangkat 3 – patalastas ng coke sa TV (Act)
Gawain III
A.

B. Panuto: Gumawa ng isang patalastas tungkol sa mga sumusunod na produkto gamit ang iba’t
ibang bahagi ng pananalita.

C. Paglalahat
Ano ang tinatawag na patalastas?

Ang PATALASTAS ay isang paraan ng pag-aanunsyo ng mga produkto o serbisyo sa


pamamagitan ng iba't ibang anyo ng komunikasyong pangmasa o pangmadla.

Ang patalastas ay isang maikling programa o palabas na maaring nagpabatid, nanghihikayat,


o nagbibigay-kaalaman patungkol sa isang bagay para sa publiko.

Apat na hakbang upang mabuo ng isang patalastas :

1. Alamin kung sino ang bibili ng produkto


2. Alamin ang pangangailangan ng mga mamimili na maaaring tugunan ng produkto
3. Suriin ang katangian ng produkto na dapat bigyan-diin
4. Gawin ang patalastas - retorika, halaga, midyum, ideya at kabuuang nilalaman
D. Paglalapat
 Pangkatang Gawain:
Panuto: Gumawa ng isang patalastas tungkol sa mga sumusunod na produkto gamit ang iba’t
ibang bahagi ng pananalita.
Pangkat 1 - Patalastas tungkol sa sabon. ( Radyo)
Pangkat 2 - Patalastas tungkol sa Samsung Cellphone. ( TV Commercial)
Pangkat 3 - Patalastas tungkol sa Pampalusog ng katawan. ( Jingle )

IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang patalastas sa produkto ng Milo gamit ang iba’t ibang bahagi ng
pananalita.
V. Takdang Aralin
Gumupit ng 5 halimbawa ng mga patalastas sa dyaryo. Idikit ito sa short bond paper.

1:00 – 1:50 pm - Grade VI– Rizal


Quarter 3 - MAPEH VI
I. Objectives
Identifies the common propaganda techniques used in advertising
II. Subject Matter
A. Topic: “Common Propaganda Techniques used in Advertising”
B. Reference: Curriculum Guide in HEALTH VI. H6CH-IVg-19
C. Materials: Laptop; manila paper, pentel pen, chalk
III. Procedure
A. Preparatory Activities
1. Review
What is a prescription medicine?
Give the three kinds of prescription medicines.
2. Motivation
What is advertising?
Show an example of propaganda or advertising of a local product let the students identify the propaganda used.

B. Developmental activity
1. Presentation
Examples of propaganda
1. Testimonials
2. Bandwagon
3. Rewards
4. Transfer
5. Plain Folk
6. Glitteering Generalities
2. Lesson proper
Discuss the different commom propaganda used in advertising.
3. Activity
Group Activity
Form 3 groups. Each group will perform propaganda of a shampoo product.
C. Generalization
What is proganda? Give its different techniques.
D. Application
Do we need to believe in all propaganda that we see or hear? Why?
IV. Evaluation
What is a prescription medicine?
Give the three kinds of prescription medicine.
V. Assignment
Make a propaganda about your advertising interest.

1:50 – 2:40 - Grade V– Narra


Quarter 4 – MAPEH V
I. Layunin
Naipamamalas ang angking kasanayan sa paggawa ng papier-mache jar.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Paggawa ng Papier-Mache Jar”
B. Sanggunian: Curriculum Guide sa ARTS V: A5PRIV-g
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, Lumang diyaryo, alambre, pantali o pisi, pandikit
na gawgaw at pintura
III. Pamamaraan
A. Panimulang na Gawain
1. Balik- aral
Paano inaawit ang partner songs?
2. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng mga halimbawa ng ginawang papier-mache.

a. Ano ano ang mga nasa larawan?


b. Paano binuo ang mga likhang-sining na ito?
c. Ano ano ang mga kagamitan na ginamit sa pagbuo ng mga likhang-sining na ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Magpanood ng video na nagpapakita ng paggawa ng paper mache jar.Sagutin ang
mga sumusunod na tanong.

- Ano anong mga kagamitan ang ginamit sa paggawa ng papier- mache jar?
- Bakit pinagaganda ang papier-mache jar?
- Paano mapakikinabangan ang ginawang likhang-sining?

 Sa araling ito ay gagawa tayo 3-dimensyong papier-mache jar. Lilinangin natin ang
inyong mga kasanayan sa paggawa ng papier mache gayundin ang inyong pagiging
malikhain.

2. Pagtatalakay
Ang mga lumang papel, magasin at dyaryo na hindi na ginagamit ay maaari pang
mapakinabangan. Maaari itong gamitin sa paggawa ng papier-mache jar.
C. Pagpapayamang Gawain
 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

- Ano anong mga elemento ng sining ang maaring gamitin upang mapaganda ang
papier-mache jar?
- Paano gagamitin ang kulay, hugis at balance upang mapaganda ang likhang
sining?
- Paano mapapakinabangan ang nagawang likhang sining?
D. Paglalahat
Ang paper-mache ay isang uri ng gawaing sining na binubuo sa pamamagitan ng
pinagdikit-dikit na mga maliliit na piraso ng papel. Ito ay may tatlong dimensiyon sapagkat
ito ay may taas, lapad, luwang, at karaniwang nakatatayo.
E. Paglalapat
Maraming lumang papel sa bahay si Ronie. Naisip niyang ipagbili ito subalit naisip niya na
maaari itong gamitin sa paggawa ng papier mache. Bukod sa nakagawa ng likhang-sining
si Ronie, ano pa ang kabutihang dulot ng kanyang ginawa?
IV. Pagatataya
Ipaskil ang mga papier-mache jar na nilikha ng mga mag-aaral.
V. Takdang Aralin
Dalahin ang sumusunod na kagamitan para sa susunod na gawain.
1.makulay na papel o magasin
2.gunting
3.pandikit
4.tali

3:30 – 4:20 - Grade IV– Ruby


Quarter 4 – MAPEH IV
I. Layunin
a. Naihahambing ang nagawang banig batay sa katangian ng kulay,at disenyo.
b. Nakagagawa ng place mat sa pamamagitan ng paglalala.
c. Napapahalagahan ang sariling likha sa pamamagitan ng pagtanghal o exhibit, paggamit,
at pagbenta nito.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Iba’t Ibang Disenyo sa Paglalala
- Kulay
- Pag-uulit
B. Kagamitan: laptop, chalk
C. Sanggunian: Curriculum Guide sa ARTS IV: A4EL-IVf
Teacher's Guide pages 329-332
Learner's Materials pages 78-79
III. Pamamaraan
A. Panimulang na Gawain
1. Balik- aral
Ano ang harmonic interval?
2. Pagganyak
 Magpakita ng mga larawan ng banig na may iba’t ibangdisenyo. (square, checkered,
zigzag, at stripes)
 Itanong sa mga bata ang sumusunod:
- Ano ang napapansin ninyo sa mga kulay, disenyo, atpattern ng mga banig sa
larawan? Sa inyong palagay yari sa anong materyales ang mga banig na ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang pagkamalikhain, at pagkamaparaan.
Ang paggawa ng banig ay may iba’t ibang patterns. May karaniwan (plain), checkered,
pazigzag, square, at stripes. Lumilitaw ang mga disenyong ito sa pamamagitan ng
kumbinasyon ng mga kulay. Ang mga Samals ng Sulu ay karaniwang gumagamit ng
dahon ng buri, at pandan. Madalas, tinitina ang mga piraso ng mga ito, at pinagtagpi upang
makabuo ng isang disenyo. Sa mga ipinakitang larawan, nakikita natin ang iba’t ibang
disenyo sa paggawa ng banig. Sa disenyong stripes nakikita ang mga linyang pahilis sa
banig at ang bawat stripes ay nag-iiba iba batay sa iba’t ibang kulay na ginagamit sa
paglalala. Sa disenyong checkered naman ay mga kumbinasyon ng mga
linyang pahilis, pahiga, at patayo. Maaaring gumamit ng dalawa o maraming kumbinasyon
ng kulay upang makita ang disenyo. Ang disenyong parisukat ay makikita sa banig
pamamagitan ng paglalala ng may parehong kulay upang makabuo ng parisukat na porma.
Ang disenyong pasigsag naman ay nabubuo sa pamamagitan ng pagporma ng linyang
pasigsag gamit ang parehong kulay o kumbinasyon ng mga kulay sa paglalala.
2. Pagtatalakay
Paggawa ng Placemat
Sabihin:
Ang sumusunod na batayang kaalaman ay makatutulong upang makagagawa ng isang
nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng paglalala. Ipahanda sa mga bata ang materyal na
gagamitin, halimbawa ay ang nakulayan ng buri o dahon ng niyog o anumang materyal na
makikita sa kapaligiran. Kapag handa na ang paggagawaan at mga kagamitan.
C. Pagpapayamang Gawain
- Pagpapalalim ng Pag-unawa
1. Ano ang dalawang kumbinasyon ng mga kulay ang ginamit
ninyo sa disenyo?
2. Anong disenyo ang nabuo sa likhang-sining?
3. Nasunod ba ang mga pamamaraan sa paglalala?
4. Ibahagi ang nararamdaman tungkol sa ginawang disenyo
ng placemat sa kagrupo.
D. Paglalahat
Ang paglalala ng placemat gamit ang mga materyales na nakikita sa paligid ay isang
magandang katangian para maipalabas ang pagkamalikhain ng bawat bata.
E. Paglalapat
Ano ang nararamdaman mo na may nagawa kang likhang-sining na kapaki-pakinabang at
magagamit sa inyong tahanan?
IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang gawain ng mga bata gamit ang rubrik.

V. Takdang Aralin
Lagyan ng barnis at patuyuin ang placemat sa tulong ng mga magulang at ibahagi ang bagong
natutunan upang makagawa pa at maaaring magamit sa inyong tahanan.

You might also like