Professional Documents
Culture Documents
Pagtanggal NG Asignaturang Filipino Sa Kolehiyo
Pagtanggal NG Asignaturang Filipino Sa Kolehiyo
Pagtanggal NG Asignaturang Filipino Sa Kolehiyo
Naging matagal na usapin sa bansa ang balak na pagtanggal sa asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Maraming iba’t ibang opinion ang isinaalang alang ng mga tao. Ngunit ano nga ba talaga ang nararapat
na tugon sa isyung ito? Dapat nga ba itong tuluyang alisin o dapat itong panatilihin? Ika nga ni Gat Jose
Rizal: “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda”. Pero paano na kung
tatanggalin na ito?
Bakit nga ba dapat panatilihin ang asignaturang ito? Unang una, hindi pa ganon kalawak ang
ating nalalaman ukol sa asignaturang ito. Marami pa tayong hindi nahahalungkat o kaya’y napag aaralan
na siyang makakatulong sa pag unlad ng bawat indibidwal. Pangalawa, napakaraming guro ng
asignaturang Filipino ang maaaring mawalan ng kanilang hanap buhay na siyang magiging dahilan ng
pagtaas ng porsyento ng kahirapan sa bansa o unemployment. Pangatlo, marami pa rin ang nalilito sa
paggamit ng mga kataga, ang pagkakaiba ng “nang” sa “ng”, “rito” at “dito”, maging ang pagiging
pormal ay napapalitan ng balbal at iba pang mga terminolohiya na ginagamit ng iba sa komunikasyon
ngayon. Pero bakit sa iba ayos lang? Bakit ganon kadali sa kanila na sabihing “ayos lang na alisin para
gumaan ang subjects”?
Hindi naging sapat na dahilan ang layunin na pagaanin ang pag aaral ng mga estudyante sa
kolehiyo kung kaya’t dapat tanggalin ito. Hindi ba tayo nahihiya? Filipino ang nagging pagkakakilanlan ng
ating bansa, pinagtanggol at ipinaglaban ito ng ating mga bayani upang ating matuklasan ang ating
karunungan at yumabong ang ating kakayahan kaya dapat hindi natin kalimutan ang ating kinagisnan.
Ano nga ba ang pagtitiis ng 4 na taon sa pag aaral nito kumpara sa paglaban ng ating mga bayani sa
mga banyaga? Sa totoo lang, bilang isang estudyante sa kolehiyo, maganda naman ang layunin na ito,
ngunit mas marami pang ibang isyu ang nararapat na pagtuunan ng pansin upang mas umunlad pa ang
bansa.