Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Philippine Normal University

National Center for Teacher Education


The Indigenous People’s Education Hub
North Luzon Campus
Alicia, Isabela

Santiago Jessa G.

III BFE

Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra

Ang pamagat ng kuwento ay “Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra” dahil


ipinakita o inilahad sa kuwento ang tatlong sitwasyon na kung saan sangkot si Julian at ang mga
sitwasyong iyon ang bumuo at humubog sa kung sino at ano si Julian sa kasaukuyan at
hinaharap.

Buod ng Katha

Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ay tungkol sa


buhay ni Julian na madaling matukso at may kahinaan sa pagkilatis kung ano ang nakabubuti at
nakasasama sa kanya. Siya ay nagnakaw, nakiapid sa aswa ng iba at nakapatay ng tao kung
kaya’t sa huli ay nabigyan siya ng parusa, pagkakulong sa kasong pagpatay. Nais ipahiwatig ng
akda na tayo ay dapat nagiging matatag sa tukso at ang kasalanan ay nararapat iwasan. Dahill
kaparusahan ang bunga ng bawat kamalian, at tiwala ang nawawala dahil dito.

Paglalapat sa Arketipal na Pagsusuri

Ay isang teoryang pampanitiikan na nangangaiangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan


ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang
pinakamensahe ng akda.

Simbolo

1. Bagay

a. Pera - sumisimbolo sa tuksong magnakaw

“….at nag-iisa siya sa sala malapit sa bukas na platerang kinalalagyan ng pitaka


ni Aling Sandra. Ilang pagkakataon nang nangyayari iyon at tantiyado na niya, na
maaari siyang maiwan sa loob nanng may sapat na sandal para makasalisi sap latera,
makahugot sa pitaka ni Aling Sandra…”

b. Tira-tirang pagkain – sumisimboo sa masidhing kahirapan

“Kain na Julian. Mallinis naman ‘yan, sinerving spoon ‘yan…”


Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
The Indigenous People’s Education Hub
North Luzon Campus
Alicia, Isabela

Julian Candelabra

Si Julian ay arketipong tauhan ng mga kabataang sawimpalad. Mula sa umpisa hanggang


sa wakas ng kuwento ay makikita ang pagmamalupit sa kanya ng tadhana. Pinagkaitan siya ng
marangyang pamilya.

“Siya si Julian Candelabra. Anak ng isang mag-asawang bagamat mahirap, kung


ipagsabi nga ng tatay niya, ay nabubuhay ng marangal…”

Dumating sa punto ng buhay ni Julian na sanhi ng kahirapang kanyang pinagdadaan ay


hindi nito natiis ang temptasyong susubok sa kanyang buhay. Tunay na alam ng tao ang
kahulugan at kaibahan ng mabuti sa masama ngunit kung dumarating na sa unos ay biglang
bumabaluktot ang kanilang dangal. Hindi na nila naiisip ang kahihinatnan ng bawat desisyon at
aksyong kanilang isinasagawa, huli na ang lahat nang itoý kanilang mapagtanto at mapagsisihan.

“Pagkatapos nýon tinatanong niya ang Diyos: “Diyos ko, ba’t ko nagawa
yon?”At minsan pa, ang katwiran na ginamit niya may limang taon na ang
nakaraan: Natukso lang po ako! Hindi ko po napigilan ang sarili ko!”

Hindi naiiba si Julian sa mga kabataan sa kasalukuyan. Isang imahen at simbolo sya ng
mga kabataang patuloy lumalaban sa gulong ng kanilang palad. Patuloy na sumasagwan sa
karagatang may malalakas na hampas ng alon. Ngunit sana’y hwag padadala sa emosyon at
iwasang manaig ang kasamaan sa puso’t isip ng bawat tao. Ito ang aral na nais ipahatid ni Julian
base sa mga karanasan niya sa kanyang kuwento.

Tatay ni Julian

Ang Ama sa kuwento ay isang arketipong tauhan ng mga amang may isang paninindigan.
Pinatunayan nito sa kuwento na kahit nakararanas man sya at ng kanyang pamilya ng kahirapan
ang mahalaga’y silaý nabubuhay sa pagiging marangal. Hindi rin siya mapangunsinte, katulad
sya ng ibang mga amang ginagawa ang mahigpit na pandedesiplina kung ang anak ay nakagawa
ng masama.

“Gulping walang humpay ang inabot ni Julian sa tatay niya nang magsumbong si
Aling Sandra; walang nagawa maski ang nanay niya kundi magtitilit mag-iiyak. May
latay siya hanggang mukha, napaihi sa sakit, hindi makabangon sa hirap. Akala taaga
niya papatayin nasiya ng tatay niya…”
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
The Indigenous People’s Education Hub
North Luzon Campus
Alicia, Isabela

Marahil minsan ay nakagagawa ang anak ng hindi kalugod-lugod sa imahe ng mga


magulang. Repleksyon ng mga magulang ang kilos na ipinapakita ng kanilang mga anak. Kung
kaya’t kung nakagagawa ng masama ang anak ay tuluyang makakaapekto ito sa ididiktang
reputasyon ng lipunan sa mga magulang. Kaya namaý hindi naiwasang nakapagbitiw ng
masasakit na salita ang ama sa kuwento.

“Oo, Malaki ka na, hindi na kita mapapalo,” malungkot na dugtong pa ng ama


niya. “Pero h’wag mo naman akong masyadong nakwan ng dangal. Ayokong sa
bandang huli’y manghinayang ako na naging anak kita.”

Ngunit sa kabila ng malupit na kamay ng kanyang ama, hindi pa rin maikukubli ang
kaniyang tunay na puso. Walang perpektong magulang ika nga nila. Iba-iba ang paraan ng
pagpapakita ng kanilang pagmamahal.

“Umalsa ang paghihimagsik sa loob niya. Nag-angat siyang bigla ng mukha


para sumagot. Pero pagtama ng mata niya sa mukha ng ama, nakita niya ang
kasinungalingan sa mga salita nito…Sa likod ng matalim na dila nito’t malipit na kamay,
naisip ni Julian, mahal din siya ng matanda.”

Aling Connie

Si Aling Connie ay arketipong tauhan ng mga babaeng hindi marunong makuntento sa


asawa. Hindi agad nabatid ang tunay na katauhan niya dahil sa umpisa ng kuwento’y nagpakita
siya ng magagandang katangian sa ating pagunahing tauhan. Malaki ang binibigay niyang tiwala
kay Julian kahit may masamang tatak na ito sa kanilang pamayanan. Nagkaroon nga ng galak sa
puso ng pangunahing tauhan at naging malapit ang kanyang loob dahil sa kilos na ipinapakita ni
Aling Connie. Madalas itong humihingi ng pabor ngunit sinusuklian at ibinabalik naman ni
Aling Connie ang pabor kung naisagawa na ang hinihiling nito sa binata.

“Madalas nga siyang tawagin ni Aling Connie. “Julan, pakikabit mo nga ang
daylight ko,” o “Julian, pumutok ang fuse naming, pakitingnan mo nga.” Kaa takbo siya
agad sa bawat utos ni Aling Connie, taboy yon ng abot-langit na pangangailangan niya,
sa kabila ng lahat, sa kabila ng kapwa-tao. O, kunin mo na ‘tong limang psio, Julian…
panigarilyo mo man lang.”
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
The Indigenous People’s Education Hub
North Luzon Campus
Alicia, Isabela

Sa kabila ng magandang pakikitungo sa binata, hindi nito napigilan ang emosyong


nangibabaw sa kanyang pagkatao. Sa isang iglap ay humantong sa isang hindi inaasahang
pangyayari. Kahit saan man tignan ay hindi katanggap-tangap sa mata ng Diyos at batas ang
ginawang pananamantala niya kay Julian at sa pagtataksil nito sa kanyang asawa. Isang simbolo
si Aling Connie sa mga katulad niyang hindi tapat sa kanilang kinakasama. Pinagsamantalahan
nito ang murang edad ng pangunahing tauhan upang makuntento ito sa kanyang pagnanasa.

“ Halika sa tabi ko, Julian. Sus, h’wag kang manginig! Ano k aba, para
nahawakan ka lang!... lalaki ka, babae ako… walang masama dito, Julian. Puwera nalang
kung bakla ka?”

“H’wag Aling Con-“ “Hahaha! H’wag kang matakot, ako ng bahala. Hmmm, yan
ang gusto ko sa lalaki…yong talagang amoy-lalaki!”

Paglalapat sa Teoryang Realismo

Ang kwentong Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati


Bautista ay nasa pananaw ng Realismo dahil ito ay tumatalakay sa katotohanang
nangyayari sa lipunan. Sa kwentong ito ay lantad na pinahayag ang mga masasalimuot na
mga nangyayari sa kasalukuyan gaya ng karanasan ni Julian Candelabra na nakagawa ng
mga pagkakamali at nakaranas ito ng pang-uuyam, panghuhusga at tinapakan ang dangal.
Sa tekstong ito ay ating isa-isahin ang mga pangyayaring dinanas ni Julian Candelabra na
siyang sumasalamin din sa katotohanang nangyayari sa ating lipunan.
Labingdalawa pa lamang noon si Julian, nang nagawa nito ang kaniyang unang
pagkakamali kung saan siya ay nagnakaw ng pera sa kahon ng platera ni Aling Sandra.

“Gustong-gusto niyang makabili ng mga sisiw na aalagaan niya’t


palalakihin para manok nab ago mag-bertdey ang tatay niya, para may
maihanda ito nang hindi naman nakakantiyawan ng mga kumpare. Pero walang-
wala siya. walang-wala siya samantalang ando'n lang, at kadalasang hindi
bilang, ang pera ni Aling Sandra. Hindi lang nila alam kung pa'no lumilindol ang
dibdib niya nang gawin iyon. Hindi lang nila alam kung ga'no kadesperado ang
pagtawag niya sa Diyos. Pero may ugaling magbingi-bingihan ang Diyos kung
minsan. Saktong ibinabalik niya sa lugar ang pitaka ni Aling Sandra nang bigla
itong pumasok. At namakas sa mukha nito ang pagkagulat, na may halong
pagkagalit. “Julian, ano'ng ginagawa mo?”

Dahil sa nagawang ito ng binata ay hindi siya nakaligtas sa mga panghuhusga ng


mga tao. Hindi natin maikakaila na kapag nakagawa tayo ng pagkakamali ay maraming
mga tao ang agad-agad na huhusga kahit na hindi naman alan ang totoong nangyari. Sa
pangyayaring ito ay maaaring ipasok ang teoryang utilitarianismo, isang etikal na teorya
na nagsasabing ang resulta ng anumang kilos ang siyang pamantayan ng tama at mali. Ito
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
The Indigenous People’s Education Hub
North Luzon Campus
Alicia, Isabela

ay dahil mabuti naman ang hangarin ni Julian kung bakit niya nagawang magnakaw
ngunit hindi ito matatanggap dahil kahit pagbali-baliktarin ay mali pa rin ito sa paningin
ng tao at ng Diyos.

Ang pangalawang pagkakamali ni Julian ay ang makiapid sa taong may asawa na.
Siya ay labing-pitong taon na noon.

“Kaya nang salubungin siyang minsan ni Aling Connie sa daan para


sabihing, “Halika sa bahay mamaya; wala ang Mang Felix mo,” walang pag-
aatubiling nagpunta siya. Ang seksi-seksi ni Aling Connie nang dumating siya.
Nahihiya tuloy siyang tumingin sa dibdib nito. Baka sabihin pa ni Aling Connie,
bastos siya. Nakatungo tuloy siya lagi. Pero nakatawa si Aling Connie, tinutukso
siya: “Ba’t ba hindi ka mag-angat ng mukha?” sabi sa kanya. “Wala ka namang
uling, a! O, may tipo ka naman. hindi naman nakakahiyang ilantad ang mukha
mo. Julian, lumapit ka nga. Bakit ba parang mailap ka sa 'kin?” Pinapawisan
tuloy siya nang malapot. “E, A-aling Connie.” “Halika sa tabi ko. Sus, Julian,
h'wag kang manginig! Ano ka ba, para nahawakan ka lang!… Lalaki ka, babae
'ko. walang masama dito, Julian. Puwera na lang kung bakla ka?” “H'wag, Aling
Con-” 'H'wag ka rin! Haha! H'wag kang matakot, ako'ng bahala. Hmm, 'yan ang
gusto ko sa lalaki. 'yong talagang amoy-lalaki!“

Kung ating susuriin ay hindi naman talaga siya ang may kasalanan dahil natukso lamang
siya at isa pa, siya’y nasa murang edad pa lamang. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na iyon
ang edad ng kapusukan. Hindi naman si Julian ang nagpakita ng motibo at ang unang gumawa
ng aksyon. Kung hindi sya pinagnasahan ni Aling Connie ay hindi mangyayari ang ganitong
pagkakamali. Ngunit gaya ng una, ito ay labag pa rin sa batas ng tao at sa batas ng Diyos.

Ang panghuling pagkakamali ni Julian ay ang pagkitil sa buhay ng kanyang Ma'am sa


kanyang pinapasukang trabaho. Ito ay makikita sa pagtatapos ng kwento.

“Hindi alam ni Julian kung kalian ang eksaktong sandali ng pagdidilim


ng isip niya. Pero bigla'y hinablot niya ang mataas na kuwelyo ni Ma'am,
pakaladkad itong itinindig, at sinakal. mahigpit, mariin, papilipit. at nagngalit
ang mga masel sa braso niya, ang mga ugat sa leeg niya, kasabay ng
pagtatangka ni Ma'am na makasigaw sa kabila ng disididong pagpiga niya
hanggang huling hininga nito at mula kung saan, parang narinig ni Julian ang
gimbal na tili ng kanyang ina.”
Ang pagkakamaling ito ang pinakamalala at pinakamabigat na pagkakamaling nagawa ni
Julian sa kanyang buhay kumpara sa mga nagawa niya sa nakaraan. Ito ay dahil sa labis na inis,
galit at poot at mas tumindi pa dahil sa nagawang pagtapak sa kanyang reputasyon. Sa
pangyayari ito, lumantad ang katotohanang walang magandang maidudulot ang pagpapanaig sa
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
The Indigenous People’s Education Hub
North Luzon Campus
Alicia, Isabela

emosyong nangibabaw na kung saan ay ang galit. Panatilihing kontrolin ang emosyon at h'wag
padadala sa sitwasyon

Paglalapat sa Teoryang Dekonstruksyon

Ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista ay


napapalooban ng mga hindi sukat akalaing pangyayari . Dahil sa kalayaan ng tao sa pagpili ng
sariling pagpapasya, nakagagawa ng imoral at hindi kalugod-lugod sa mata ng Diyos. Sa
kuwento’y ipinakita ng may akda na mas namayani sa pangunahing tauhan ang paggawa ng
hindi mabuti.

“Hindi lang nila alam kung paano lumilindol ang dibdib niya nang gawin iyon.
Hindi lang nila alam kung gaano kadesperado ang pagtawag niya sa Diyos. Pero may
ugaling magbingi-bingihan ang Diyos kung minsan. Saktong ibinabalik niya sa lugar
ang pitaka ni Alling Sandra nang bigla itong pumasok. At namasak sa mukha nito ang
pagkagulat, na may halong pagkagalit.”
“Hindi alam ni Julian kung kailan ang eksaktong sandali ng pagdidilim ng isip
niya. Pero bigla’y hinablo’t niya ang mataas na kuwelyo ni Ma’am, pakaladkad itong
itinindig, at sinakal, mahigpit, mariin, papilipit, at nagngalit ang mga masel sa braso
niya, ang mga ugat sa leeg niya, kasabay ng pagtatangka ni Ma’am na makasigaw sa
kabla ng disidisong pagpiga niya hanggang huling hininga nito at mula kung saan,
parang narining ni Julian ang gimbal na tili ng kanyang ina.”

Ngunit kung ating sisiyasatin ay hindi naman puro masasama ang aksyong kanyang
ginawa. Mayroon naming magagandang katangian na ipinakita ni Julian sa kuwento na sana’y
binigyan pa ng kaunting pansin sa paglalarawan at pagsasalaysay ng may akda sa pagsusulat.
Maging ang Ama ni Julian ay hinusgahan agad ang anak sa kasalanang kanyang ginawa. Bilang
isang ama sana’y nagkaroon ito ng malambot na puso upang pakinggan ang saloobin ng anak
kung bakit niya ito nagawa. Hindi man lang nagdalawang isip ang ama bagkus agad agad nitong
pinarusahan ang anak. Sana’y intindihin nito ang kalagayan ng anak. Hindi siya nagkaroon awa
sa panggugulping kanyang ginawa sa isang menor de edad na si Julian. Pinagdamutan niya ang
kanyang anak ng karapatang mapakinggan.
Ngunit hindi naman maaaring takpan ng nagawang kasalanan ni Julian ang mga mabubuting
bagay na kanyang ginawa. Hindi matibay na rason ang salitang hindi napigilan ang sarili at
natukso lang.

“Sa hukuman, isa lang ang alibi na ibinigay ni Julia sa kasong pagpatay na
inihain laban sa kanya, kasama ang mahigpit na pag-iwas sa nanunumbat na mga mata
ng kanyang ama: Hindi ko napigilan ang aking sarili.”

“Pagkatapos niyon, tinanong niya ang Diyos: “Diyos ko, ba’t ko nagawa yon? At
muli ang tanging katwiran na ginamit niya rin noong kasalukuyang nilulumpo siya ng
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
The Indigenous People’s Education Hub
North Luzon Campus
Alicia, Isabela

tatay niya may limang taon na ang nakararan: Natukso lang po ako! Hindi kop o
napigilan ang sariliko!”

“Gulping walang humpay ang inabot ni Julian sa tatay niya nang magsumbong si
Aling Sandra; walang nagawa maski ang nanay niya kundi magtitilit mag-iiyak. May
latay siya hanggang mukha, napaihi sa sakit, hindi makabangon sa hirap. Akala taaga
niya papatayin nasiya ng tatay niya…”

Sa pagkakamali ni Julian na makipagtalik sa taong may asawa na ay ang isang


pangyayari hindi ko inaasahan sa kuwento. Siya ay labing-pitong taon noong mangyari ito na
kung saan siya ay itinuturing na nasa murang edad pa lamang.

“Halika sa tabi ko. Sus, Julian, h'wag kang manginig! Ano ka ba, para
nahawakan ka lang!” Lalaki ka, babae 'ko. walang masama dito, Julian. Puwera na lang
kung bakla ka?” “H'wag, Aling Con-“

'H'wag ka rin! Haha! H'wag kang matakot, ako'ng bahala. Hmm, 'yan ang gusto ko sa
lalaki. 'yong talagang amoy-lalaki!”

Mapapansin sa sipi na nasa itaas na labag sa kalooban ni Julian ang nais na mangyari ni
Aling Connie. Ngunit dahil mas nanaig sa pangunahing tauhan ang tukso ay nagpatianod siya
dahil na rin sa bugso ng damdamin. Kung iisipin ay wala pa sa maturity age si Julian, ang
murang edad nito ang edad kung saan mas nananaig ang kapusukan. Marapat na si Aling Connie
na nasa tamang edad ang nagtuturo sa kagaya ni Julian na nasa murang edad ng mga bagay na
malugod. Ang masaklap ay tanging si Julian lamang ang nagdusa sa nagawa niyang kasalanan.

Sa pagkakataong ito rin ag si Julian pa ang naging biktima. Siya ang dumanas ng
panghuhusga ng mga kapwa nya tao. Kung sa realidad ito nangyari ay mabibigyan ng pansin ang
ginawa ni Aling Connie. Ang sasapitin ni Aling Connie maaaring humantong sa isang kasong
tinatawag na Child Abuse. Marapat na sa akda ay nabigyan din ng kaparusahan ang ginawang
pananamantala ni Aling Connie kay Julian. Bakit ganoon na lamang ang kanyang ginawa sa
binatang menor de edad na si Julian.

You might also like