Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1.

Ang pangwikang isyu sa Panahon ng Modernisasyon


Ang wikang Filipino sa panahon ng modernisasyon ay nagpapakita ng malaking digmaan
sapagkat Malaki atmaraming isyu ang kinakailangang bigyan ng kasagutan. Kung ating
bibigyang pansin at ang bagong kurikulum na umiiral sa edukasyon, ang K-12 Curriculum
ito ay nagpapakita ng mga kalakasan at kahinaan sa paggamit ng wika.

Sa bagong kurikulum ay ginagamit ang Vernakular na wika bilang wikang panturo sa


Kindergarten-Ikatlong Baitang (K-3). Ito ay naglalayong magamit ang vernacular na wika
dahil ayon ky Castillo, ang vernacular na wika ay epekto bilang wikang panturo sa mga
unang taon ng pag-aral ng mga mag-aaral, mas higit na natututo ang mga mag-aaral kung
ganito ang susundin.ngunit kung ating babalikan ang mga nagdaang polisiya ay hindi na
bago ang paggamit ng bernakular na wika dhil noong 1957 ay nagkaroon na ng polisya,
ang Vernacular Education Policy sa paggamit ng wikang bernakular sa pagtuturo. Ngunit
ito ay natigil dahil sa kakulangan ng pondo.

Kung atin ding titignan, ang wikang Filipino ay nasa gitna pa rin ng pakikipagsapalaran
upang lalo itong yumabong. Ayon nga sa Salitang Batas 1987 ay kinakailangang
pagyabungin at pagyamanin ang wikang Filipino gayundin ang iba pang wikang umiiral sa
bansa. Ngunit, kung ating iisa-isahin, ang Filipino nga ay ginagamit bilang opisyal na
midyum ng komunikasyon sa paraalan at pamahalaan. Malaki ang epekto nito sa upang
lalong mapausbong at mapagyaman ang wikang Filipino. Ngunit ating lalalimi at bibigyang
pansin, higit lalo sa mga dokumentong opisyal na inilalabas ay wikang Ingles pa rin ang
ginagamit rito.

Bagamat nasa batas na ang wikang opisyal ng pamahalaan ay Flipino at Ingles, mas
mainam pa rin na gamitin ang wikang Filipino upang maisakatuparan ang itinakda ng
batas na pagyabungin ang wikang atin, ngunit hindi ito ang tunay na nangyayari.
Oo nga at tayo ay naggugunita ng selebrasyon ng Buwan ng Wika tuwing Agosto, nugnit
ito ay isa na lamang pag-alala sa paggamit ng wika. Ang tunay na dahilan ay hindi lubos
na nabibigyang pansin at prayoridad ng Filipino dahil sa modernisasyon at mabilis na
pagbabago ng ating lipunan.

2. Ang Filipino sa Binagong Kurikulum sa Sekondarya.


Ang Filipino sa K-12 Currculum higit lalo ang Sekondarya ay nagbigay daan upang
higit na magamit ang wikang Filipino. Bagama’t may mga elective sabjek na maaaring
pag-aralan ang ibang dayuhang wika kagaya ng Mandarin at Hanggul, ay makikita pa
rin na ginagamit at patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino bilang opisyal na eikang
panturo kaalinsabay ng Ingles.

Kung susuriin ang mga asignaturang binabahagi sa Senior High School, ay mayroon
pa ring mga asinaturang ang pangunahing wikang panturo ay Filipino kagaya na
lamang ng Filipino sa Piling Larang, Komunkasyon, at Pananaliksik. Bukod dito ay
mayroon ring Pamanahong Pananaliksik ang mga mag-aaral sa Senior High School na
ang midyum na gagamitin sa pagsulat at pagbuo ay wikang Filipino.

Makikita rito na bagama’t ang karamihan sa mga asinatura sa Senior high School ay
nakatuon sa wikang Ingles bilang wikang panturo, ay ang mga guro naman ay
ginagamit pa rin ang wikang Filipino bilang midyum sa panturo dahil ma mabilis na
maintindihan at maunawaan ng mga mag-aaral ang asignatura at aralin kung ito ay
itinuturo sa wikang mas higit nilang naiintindihan.

3. Saan Tutungo ang Wikang Filipino ngaung binubura ito ng Globalisasyon?

Ang wikang Filipino sa panahon panahon ng globalisasyon ay malaking usapan. Sapagkat sinasabing
ang Filipino ay hindi makasasabay sa ibang wika katulad ng wikang Ingles sa panahon na mabilis ang
lahat ng bagay.

Ngunit kung ating papansinin at bibigyang pansin, ang wikang Filipino ay nakikipagsapalaran at
nakikisabay rin sa panahon ng pagbabago at ng globalisasyon. Maraming mga paaralan at
unibersidad ang nag-aaral ng wikang Filipino bilang elective subject sa kani-kanilang larangan. Ang
mga Unibersidad kagaya ng unibersidad sa Russia ay mayroong programa upang pag-aralan ang
wikang Filipino, sa Unibersidad sa Tokyo at California at nagbibigay rin sila ng programa upang mas
lalong mapag-aralan ang wikang Filipino. Samantala ay mayroong Unibersidad sa Europeo na
mayroong Filipiniana Seksyon na kung saan ayy lahat ng maaring pag-aralan patungkol sa Pilipinas at
wikang Filipino ay naroon rin.

Samantala, maraming mga dayuhan ang nagtutungo sa Pilipinas upang mag-aral ng wikang Filipino.
Karamihan sa mga dahuyang nagnanais na mas mapalawig ang kanilang kaalaman sa wikang Filipino
ay nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman Campus at Ateneo de Manila.

Marami ring mga dayuhan ang natututong magsalita ng wikang Filipino dahil na rin sa impluwensya
ng mga kapwa Pilipino natin.

Sa mga nabanggit, makikita at ating masusuri na bagamat tayo ay nasa panahon ng globalisasyon at
mabilis ang pagbabago ng mga ito, nakikipagsabayan ay yumayabong ang wika Filipino.
4. Magbigay ng halimbawa ng akdang pampanitikan sa iba't ibang panahon. 

Ang PIlipinas ay mayaman sa mga panitikan higit lalo sa ibat ibang panahon

Panahon ng Pre-kolonyal

Ag mga awiting-bayan ay panitikang Pilipno bago pa man dumating ang mga mananakop. Ito ay
kadalasang inaawit tuwing nagtatrabaho ang mga Pilipino. Ang mga bugtong rin ay panitikang Pilipino na
kadalasan namang ginagamit tuwing mayroon lamay. Ang mga salawikan at sawikain ay halimbawa rin
ng akdang panitikan sa panahon ng pre-kolonyal.

Panahon ng Kastila

Ang mga akda ni Jose Rizal, na ating pambansang bayani tulad ng Noli me tangere at El Filibusterismo ay
mga sikat na akdang pampanitikan sa panahon ng kastila. Naging inspirasyon ni Rizal ang akdang Uncle
Tom’s cabin na nagpapakita ng pang-aalipin sa mga itim ng mga puti kung bakit niya naisulat ang Noli me
tangere dahil ang mahabang panahon ng pananakop ng mga kastila ay pang-aalipin sa sariling bansa.
Samanta ang El Filinusterismo naman ay nagpapakita ng maling pamamalakad ng gobyerno sa bansang
Pilipinas.

Panahon ng Hapon

Ang panahon ng pananakop ng hapon ang tinaguriang gintong panahon ng panitikan sapagkat binigyan
tayo ng kalayaan na gamitin ang wikang Filipino sa pagsulat ng iba’t ibang akdang pampanitikan.

Haiku – Ang haiku ay binubuo ng 3 taludtod 5-7-5

Tanaga Ang tanaga naman ay binubuo ng 4 na taludtod 5-5-5-5

Urbana at feliza- ito ay akda at obra ni Modesto de Castro. Ang akdang Urbana at feliza nagpapakita ng
kagandang-asal ng dalawang magkapatid na nagsusulatan.
Panahon ng Amerikano

Sa panahon ng Amerikano ay may mga akdang pampaitikan na umusbong at nakilala katulad ng

Walang Sugat ni Severino Reyes na tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang magkasintahan sa gitna ng


gyera.

Panahong ng Kasalukuyan

Maraming mga akdang pampanitikan at mga sikat na manunulat ang umusbong at nakilala sa
kasalukuyang panahon ng panitikan.

Ilan na rito ang mga akda ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAko, Alamat ng Gubat, McArthur at marami pang
iba na naging sikat at kilala

Ang mga obrang komiks ni Mars Ravelo tulad ng Darna ay kinilala rin bilang mga akdang umusbong at
nakilala.

Samantalang ang akda ni alejadnro G. Abadilla na Ako ang Daigdig ay naging pamatayan sa sa malayang
taludturan ng pagsulat. Samantala ang obra niyang Ako ang daigdig ang naging dahilan upang tanggapin
sa panahong kasalukuyan ang malayang paraan ng pagsulat, walang sukat at tugma na kinakailangan.
Siya ang tinaguriang Amang Manggagawa sa pagkat ang kanyang mga sulatin at akda ay ukol sa mga
panggagawang PIlipino.

5. Ano-ano ang anyo ng panitikan? Ipaliwanag ang mga ito

Ang panitikan ay maroon iba’t ibang anyo ito ang mga:

Tula –ang tula ay akdang panitikan na binubuo ng mga saktong at taludtod. Ito ay
mayroong mga uri, tulang malaya na kung saan ay hindi binibigyang pansin ang bilang
ng mga pantig at ang ritmo nito. Tulang may sukat naamn ang mga tulang kadalasan
nating nabbasa at kadalasang sumusunod sa pamantayan ng bilang ng pantig at ritmo
nito. Ang isang halimbawa ng tula ay ang obra maesta ni Corazon de Jesus na Isang
Punongkahoy, ito ay tulang elehiya na patungkol sa kanyang sarili.

Dula- ang dula ay isang panitikan na madalas itanghal sa entablado. Ito ay madalas na
umaabot ng 1 oras at biubuo ng iba’t ibang elemento upang makabuo ng isang
maganda dula. Ilan dito ang mga tauhan na gaganap, script na gagamitin upang
mabuo ang dula at marami pang iba.
Maikling Kwento- ang maikling kwento ay akdang pampanitikan na binubuo ng tauhan,
lugar ng pinangyrihan, at iba pa.Isang halimbawa ng maikling kwento ay ang Kwento
ni Mabuti.

Nobela- ang nobela ay isang uri ng akdang pampanitikan na mayroong iba’t ibang
bahagi at binubuo ng iba’t ibang kabanata. Sa Pilipinas ay mayroon mga nobelang
akda ng mga bantog na manunulat kagaya ni Lualhati Bautista. Isa sa kilalang akda
niya ay ang mga Bulaklak ng City Jail.

Awiting-bayan- ang awiting-bayan ay akdang pampanitikan na mayroon na ang


PIlipinas bago pa man sakupin ng mga Kastila. Ito ay mga awiting nagpapakita ng
pangkaraniwan at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Isa sa kilalang
awiting-bayan ay ang Magtanim ay ‘di Biro. Karamihan sa mga awiting-bayan ay hindi
kilala ang mga may akda.

Sanaysay- ang sanaysay ay isang pormal na sulatin na pumapaksa sa isang tema.


Kadalasan itong pormal na sulatin at kinakailangan ang teknikal nakaalaam. Ang
bahagi ng sanaysay ang pamagat, panimula, gitna,wakas, at kongklusyon. Ang isang
sikat na sanaysay an gang Saan Tutungo ang PIlipinas pagkaraan ng Ilang Daang
Siglo.
Alamat- ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagpapakita ng pinagmulan ng isang
bagay, pook, pagkain at iba pa. katulad ng awiting-bayan, ay mayroon na tayong
alamat bago pa man dumating ang mga mananakop. Isa sa kilalang alamat ay ang
Alamat ng PInya.

Salawiikain at Sawikain – ito ang akdang panitikan na nagpapakita ng kagandang asal.


Kadalasan in dito ay ang pagpakakita ng mga pangkaraniwang buhay ng mga
Pilipino.Kapag may Tiyaga, May Nilaga, ito ay isang halimbawa ng sawikain.

Dagli- ang dagli ay isang panitikan na maihahalintulad sa maikling kwento ngunit kaiba nito ay
ang dagli ay binubuo laamng ng hanggang 200 o mas mababa pang mga salita. Ang sikat at
kilalang dagli ay ang libro ni Eros Atalia na kompaylasyon ng mga dagli.

6. Bakit sinasabing ang Panitikan sa panahon ng Hapon ang Gintong Panitikan? 

Bagamat ang Pilipinas ay sinakop at pinagbawalan ng karapatang magamit ang wika sa panahon
ng panaankop ng Kasitla, ang panahon ng Hapon naman ay sinasabing panahon ng gintong panitikan
sapagkat pinagamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng mga akda. Bukod dito, ang mga bernakular na
wika ay pinayagan ring gamitin bilang wika ng komunikasyon.

Ang mga akda kagaya ng Urbana at Feliza ni Modesto de Castro na nagpapakita ng kagandahang
asal ay isa sa mga akdang pampanitikan na naisulat sa panaghon ng hapon.

Bukod sa mga nabanggit, ang wikang tagalog ay ginamit rin bilang opisyal na wikang panturo sa
mga pampubliko at pribadong paaralan.

You might also like