Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Lesson Exemplar in Kindergarten Using the IDEA Instructional Process

Modular Learning Modality

LESSON Paaralan Baitang Kindergarten


EXEMPL Guro Quarter 1
AR Petsa Week # 3

I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang iba’t ibang hugis, kulay, sukat at gamit
 Nakapagbubukod at napapangkat ang mga bagay ayon
sa katangian (hugis, kulay, sukat, at gamit)
 Nababakat, nakokopya ang mga larawan, hugis, letra at
bilang

Saklaw ng Paglago o Pag-  Matematika


Unlad (Developmental Domain)  Kalusugang Pisikal at Pagpapaunlad ng Kakayahang
Motor
 Language, Literacy and Communication
A. Pamantayang  Ang mga bata ay nagkakaroon ng pag-unawa sa
Pangnilalaman pagkakasunod-sunod, pagpapangkat at relasyon ng mga
bagay.
 Ang mga bata ay nagkakaroon ng pag-unawa sa
representasyon ng pasalita sa pamamagitan ng pagsulat
B. Pamantayan sa Pagganap  Ang mga bata ay nakapagpapamalas ng kakayahang
ilarawan ang katangian ng isang bagay o larawan at
pangkatin ang mga ito batay sa katangian.
 Ang mga bata ay nakapagpapamalas ng kakayahan sa
malayang paggamit ng lapis sa pagsulat ng malaki at
maliit na letra at bilang, pati na rin ng kanyang
pangalan na may tamang strokes.
C. Pinakamahalagang  Sort and classify objects according to one
Kasanayan sa Pagkatuto attribute/property (shape, color, size, function/use)
(MELC) (PNEKKP-00-1)
 Trace, copy and write different strokes: scribbling (free
hand), straight lines, slanting lines, combination of
straight and slanting lines, curves, combination of
straight and curved and zigzag. (LLKH-00-6)

D. Pagpapaganang  Identify different: shapes, colors, sizes


Kasanayan  Pagbakat, pagkopya ng larawan, hugis, letra at bilang

II. NILALAMAN  Alam ko ang Magkapareho o Magkatulad


 Kaya Kong Bakatin (Linya, Hugis, Letra at Bilang)
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW) FOR
ng Guro KINDERGARTEN p. 5
Kindergarten Curriculum Guide p.48
b. Mga Pahina sa Pivot 4A Learner’s Materials pp. 15-21
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa
Mga Kasanayan Para sa kahandaan sa Pagkatuto pp. 1-24
Teksbuk
d. Karagdagang - https://commons.deped.gov.ph/
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Printed module, krayola, lapis, karagdagang sagutang papel
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction Bago simulan ang gawain ngayong araw. Gawin ang larong
(Panimula) ito.

Sa Pula o Sa dilaw?

Kagamitan: pula at dilaw na mga bagay, pula at dilaw na kahon

Pamamaraan:
1. Itanong sa bata kung anong kulay ng bawat bagay.
2. Ipalagay ang mga bagay sa kahon ayon sa kulay nito.

Ang bawat bagay ay may kani-kaniyang katangian. Maaari


natin itong pangkatin ayon sa hugis, kulay, sukat, at gamit.

Paalala sa mga magulang: Basahin ang mga panuto sa


inyong mga anak upang ito ay kanilang masagutan.
Tanong: Ano ang pinagbasehan mo para malaman kung alin
ang magkatulad?

B. Development Ang isang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na


(Pagpapaunlad) pinagkabit o pinag-ugnay. Ngayon ay kilalanin ang iba’t ibang
uri ng linya.

Simulan ito sa pagaya sa mga sumusunod na kilos.


Ito ay linyang pahiga. Ang linyang
pahiga ay isang uri ng linya na mula sa kaliwa papuntang
kanan.

Ito ay linyang patayo. Ang linyang patayo


ay isang uri ng linya na mula sa taas pababa.

Ito ay linyang pahilis. Ang linyang pahilis ay


isang uri ng linya na nakabase sa magkabilang dulo ng
dalawang anggulo ng isang bagay. Isa itong linya na hindi
pahiga o patayo.

Ito ay linyang pakurba. Ang linyang


pakurba ay isang uri ng linya na pabago-bago ang direksyon.

Ito ay linyang zigzag. Ang


linyang zigzag ay isang uri ng linya na kombinasyon ng
dalawang pahilis na linya.

Paalala sa mga magulang: Basahin ang mga panuto sa


inyong mga anak upang ito ay kanilang masagutan.

Gawain: Sabihin sa mga bata na bakatin ng mga bata ang


linyang pahiga, patayo, pa zigzag at pakurba.
Natuto ka ng magbakat at sumulat ng iba’t ibang uri ng
linya. Nalaman na ang iba’t ibang uri ng linya ay linyang
pahiga, patayo, pakurba at zigzag.
Maisusulat mo na bang mag-isa ang iba’t ibang uri ng linya?
Alamin sa susunod na gawain.
C. Engagement Mahalagang matutunan kung paano isinusulat ang iba’t
(Pagpapalihan) ibang linya. Ito ay makakatulong upang makasulat ng mga
letra at bilang at makaguhit ng iba’t ibang hugis at larawan.
Paalala sa mga magulang: Basahin ang mga panuto sa
inyong mga anak upang ito ay kanilang masagutan.
Gawain 1: Sabihin ng magulang sa bata na bakatin ang mga
putol-putol na linya upang mabuo ang mga hugis. Kulayan ang
loob ng bawat hugis.
Gawain 2: Bakatin ang Letrang Aa.

Gawain 3: Ipagawa ng magulang sa bata at bakatin ang Letrang


Ee
D. Assimilation Tandaan:
(Paglalapat)  Maaari pangkatin ang mga bagay ayon sa
katangian tulad ng kulay, hugis, laki, sukat at
gamit.

 Mayroong iba’t ibang uri ng linya. Ito ay


linyang patayo, pahiga, pahilis, pakurba at
zigzag.
Paalala sa mga magulang: Basahin ang mga panuto sa
inyong mga anak upang ito ay kanilang masagutan.

Paglalapat
Gawain 1: Ipagawa ng magulang sa bata ang mga Gawain na
nasa loob ng kahon.
Gawain 2:

Karagdagang Gawain:
Gawain mula sa Deped Commons. Ipagawa ng magulang
sa bata ang mga karagdagang Gawain.
V. PAGNINILAY Para sa mga mag-aaral:
(Pagninilay sa mga Uri ng Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o
Formative Assessment na portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang
Ginamit sa Araling Ito) mga sumusunod na prompt: (Maaring tulungan ng magulang
ang mag-aaral sa bahaging ito)
Naunawaan ko na __________________________.
Nabatid ko na ______________________________.
Para sa Guro:
________ Bilang ng mga bata na natutukoy ang iba’t ibang
hugis, kulay, sukat at gamit
________Bilang ng mga bata na nakapagbubukod at
napapangkat ang mga bagay ayon sa katangian (hugis, kulay,
sukat, at gamit)
________Bilang ng mga bata nakapagbabakat, nakakokopya ng
larawan, hugis, letra at bilang

You might also like