Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO 10

Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo

At nabanghay ang
katauhan ni Simoun.
Ang kawalang pag-
asa nang panahong
iyon ni Rizal ay
kinatawan ni Simoun
at ang kanyang lihim
na pagnanais ng
himagsikan ay
sinagisag nito

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo sa Calamba noong Oktubre 1887,
ilang buwanpagkarating niya sa sariling bayan mula sa Europa. Kalaban ng Pamahalaan ang
kahulugan ng pamagat sa wikang Filipino. Habang siya ay nasa London, ayon sa kanyang
liham kay Ponce binago niya ang ilang kabanata ng nobela.

Nabalitaan niya ang nagyari sa kanyang pamilya at sa kanyang mga kaibigan na inaapi ng
mga pari. Dumating na marahil sa kanya ang pag-amin sa katotohanan na wala ng nalalabi
sa mga Filipino kundi ang pagbabangon. Na ang suliranin ng mga magsasaka sa Calamba na
kanyang ipinaglalaban ay hindi na malulunasan. At siya’y naghimagsik gaya ng malimit
niyang sinasabi sa kanyang mga kaibigan.

Ayon sa kanyang kaibigang si Jose Alejandrino: Ang isa sa mga paksang malimit niyang
banggitinsa amin ay kung paanong kami ay magkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng
himagsikan sa Pilipinas, at ang kanyang kuro-kuro hinggil dito ay kanyang sinabi humigit
kumulang sa ganito: Hindi ko pangungunahan ang isang rebolusyong pikit-mata at walang
pag-asang magtagumpay sapagkat aayaw kong bagabagin ng aking budhi ng gayong
walang habag at walang mahihitang pagdanak ng dugo; ngunit ako ay maaasahang kasama
ng sinumang mangunguna ng paghihimagsik sa Pilipinas.

At nabanghay ang katauhan ni Simoun. Ang kawalang pag-asa nang panahong iyon ni Rizal
ay kinatawan ni Simoun at ang kanyang lihim na pagnanais ng himagsikan ay sinagisag nito.
Ang damdaming ito ang namayani sa kanya sa pagsulat ng iba pang bahagi ng nobela sa
Paris, Madrid, Biarritz hanggang matapos niya ito noong ika-29 ng Marso 1891 pagkalipas ng
tatlong taon. Siya ay nagtuloy sa Genta, kung saan nais niyang paglimbagan ng aklat, dahil
sa mura roon ang halaga ng pagpapalimbag.
                
FILIPINO 10

Pagpapatuloy...
Nagpatuloy ang pagpapalimbag ng aklat at upang magkaroon ng paunang bayad ay isinanla niya
ang kanyang mga kagamitan. Noong ika-6 ng Agosto, ang pagpapalimbag ng aklat ay itinigil pagkat
wala na siyang maibayad sa imprenta. Sa kabutihang palad, nang ang lahat halos niyang pag-asa na
mailathala ang aklat ay naglaho na ay dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin
Ventura mula sa Paris.

Noong ika-18 ng Setyembre, 1891 ang El Filibusterismo ay natapos limbagin ang aklat sa F. Meyer Van
Loo Press. Ang orihinal na manuskrito ay kanyang inihandog kay Ventura at binigyan niya iyon ng
isang kopya na may lagda niya upang maipakilala ang kanyang pagtanaw ng utang na loob. Ang
mga unang kopya ng aklat ay na nailimbag sa Genta ay ipinadala sa Hongkong ngunit iyon ay
sinamsam ng mga maykapangyarihan sa Iloilo na naging dahilan ng pagtaas ng halaga ng aklat.

Ang nobela ay kanyang inihandog sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora na bibitay
noong Pebrero 28, 1872 dahil sa pagnanais ng sekularisasyon. Ang nobela ay naglalayong ang bayan
ay magising at mag-alsa at hindi upang mangarap ng pagbabago. Kung sa Noli ay may pangarap,
may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa; sa Fili ay walang madarama kundi ang ibayong
pooy, kapaitan na tumigib sa bawat munting bahagi ng aklat na bahagi ng bawat karanasan ng mga
mahahalagang tauhan sa nobela. Layuning gisingin ang bayan upang makabangon laban sa
pamahalaan. Kung ang Noli ay maituturing na nobelang panlipunan ang Fili naman ay halos tumuon
sa isang salik nito kaya’t maituturing na pulitikal.

Ang wakas ng nobelang ito ang itinuturing na kahinaan ng nobela. Ang El Filibusterismo ay hindi
pagpapatuloy ng Noli gaya ng nais na ipahiwatig. Ang kaalaman ng isang ideya sa Noli ay
nagbabago gaya rin ng pagbabago ng mga tauhan at layunin ng aklat.

Ang El Fili ay hindi


pagpapatuloy ng
Noli gaya ng nais
na ipahiwatig. Ang
kaalaman ng isang
ideya sa Noli ay
nagbabago gaya rin
ng pagbabago ng
mga tauhan at
layunin ng aklat.

You might also like