Cheryline S. Tampipi - Sintesis

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cheryline S.

Tampipi

Ang pagkatuto ay hindi natatapos at hindi dapat ihinto. Mula sa mga naiulat ng aking mga
kaklase ay maraming bagay akong natutunan muli.

Una, Ang pagtuturo ng Filipino sa binagong kurikulum, sa huling rebisyon ng kurikulum sa


Filipino, pangunahing isinaalang-alang ang pangangailangan ng mag-aaral na magkaroon ng balanseng
kakayahan sa paggamit ng wika sa pagkatuto ng ibang asignatura at sa pakikipagtalastasan. Pangalawa,
Patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon, bilang isang malaking intitusyon sa lipunan na humuhubog ng
mga bata para sa susunod na henerasyon ay gumawa ng hakbang upang ang lahat ay may patakaran at
alinsunod sa tamang proseso. Ginawa ang batas 10533na pinamagatang “Isang Batas na Nagpapabuti sa
Sistema ng Batayang Edukasyon sa Pilipinas sa Pagpapalakas ng Kurikulum Nito at Pagdadagdag ng
Bilang ng mga Taon para sa Batayang Edukasyon, Paglalaan ng Pondo para Rito at para sa Iba Pang
Layunin,” na kilala rin bílang “Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013.” Maraming pang batas
ang ginawa upang ang pagkatuto ng mga mag-aaral at kapakanan nila maging mga guro, magulang at iba
pa ay protektado at nakasandig sa sanligang batas. Panghuling ulat, Mga pamamaraan, dulog at
estratehiya, higit na nagiging madali ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay gumagamit ng kilos
kasabay ng pagsasalita. Nagiging mas madali ang proseso ng pagkatuto kapag nasa payapang kapaligiran
ang mag-aaral. Malaki ang bahaging ginagampanan ng komunikatibong pagtuturo ng wika na
naglalayong isapraktika ang mga teoryang komunikatibo. Iminumungkahi sa pagtuturo ng kasalukuyang
batayang kurikulum maging ang mga istratehiyang nag- uugnay ng kahalagahan ng wika sa akademik na
gamit at sa paglinang ng mga Batayang Kasanayan sa Interpersonal na Komunikasyon.

Sa pangkalahatang aking natutunan sa mga itinalakay bilang guro ay napakarami. Ito ay


nagbigay daan sa akin upang matutunan at maalala muli ang mga dulog, mga batas pang-edukasyon,
kurikulum at pamamaraan sa pagtuturo na minsan na ay aking nakalimutan dahil sa haba na ng panahon
na ito'y napag-aralan. Para bang nagsilbing gabay uli sa akin upang mabuksan muli ang aking isipan sa
pagbuo ng bagong estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Isa din dito ang pagbibigay daan sa
akin na bigyang halaga ang paggamit ng wikang Filipino at pagyabungin pa itong lalo upang sa
henerasyon ay magiging buhay pa ito. Wala mang perpektong dulog o pamamaraan sa pagtuturo ng
Filipino ang mahalaga ay naibigay mo ang dapat na mututunan ng mga bata, masaya at makabuluhan
ang buong klase. Aasahan ding ituro sa kanila ang mga panitikan na mayroon tayo upang ito'y manatili
habambuhay.

You might also like