Professional Documents
Culture Documents
3 WowFilipino - Gr3tm - Kto12
3 WowFilipino - Gr3tm - Kto12
3 WowFilipino - Gr3tm - Kto12
EDISYON
3
Wow Filt
i
i
p
bo
i
ng
n o!
Aklat para sa Wika
tegra at Pa
gbas
In
Gabay ng Guro sa Pagtuturo a
n Rowena U. Del Castillo
May-akda
i
Wow Filipino! 3
Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa
Alinsunod sa K-12 Kurikulum
Gabay ng Guro sa Pagtuturo
Grado 3
ISBN 978-971-07-4000-0
Karapatang-ari © 2016 ng Vibal Group, Inc. at ni Rowena U. Del Castillo
ii
PAUNANG SALITA
Ang Wow Filipino! (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa) ay tugon sa bagong
kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na K to 12, partikular sa pagtuturo ng Filipino
sa elementarya, Grado 1 hanggang 6.
Una, ito ay maingat na sumunod sa mga pamantayan ng Programa ng Filipino, kasama ang
paglinang sa basic learning competencies at pagpapahusay ng higher-order thinking skills
(HOTS) upang ang mga mag-aaral ay mapanuring makapag-isip at matalinong makagamit ng
wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyon.
Ikalawa, ang integratibong lapit sa pagtuturo ng Pagbasa at Wika. Gumamit dito ng iba’t ibang
anyo ng panitikan na sinundan ng pag-aaral ng gramatika na lilinang sa mga kasanayang
pangwika—pagbasa, pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Gumamit din ng cooperative learning
at iba pang estratehiya upang kawili-wiling nagagamit ang wikang Filipino.
At ikaapat, hindi ordinaryo ang pamagat ng seryeng ito. Taglay nito ang isang makabagong
titulo na aakit sa atensiyon ng mga mag-aaral, gayundin sa mga gurong alam na isang buhay
o dinamikong wika ang Filipino kaya nagbabago at umuunlad sa pagdaan ng panahon.
Bunga ng ganitong paniniwala, iniwasan sa buong serye ang estilong lubhang pormal. Sa
halip, ginamit sa serye ang mga sumusunod: (1) mga akdang pampanitikang natural ang mga
diyalogo at deskripsiyon––ginagamitan ng mga terminong kolokyal at iba pang salitang nor-
mal sa mga bata; (2) mga pangungusap na ang anyo ay karaniwan sa mga pang-araw-araw
na usapan; at (3) mga pangungusap na ginagamitan ng mga banyagang salita na maaaring
nasa baybay-Filipino.
Wow Filipino!
(Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
Binubuo ng apat na yunit ang bawat aklat ng seryeng Wow Filipino! at may limang aralin sa
bawat yunit.
Grado 1 at 2:
Mga Pamantayan na
Lilinangin sa Aralin: batay sa
DepEd Filipino Curriculum Guide (FCG) sa
pangkalahatan
iv
Handa na Ako!: kabilang ang—
(1) Kahulugan? Ano nga ba? (Pag-aalis ng balakid)
(2) Alam mo na, di ba? (Pagtukoy ng dati nang alam)
v
Pahalagahan: Makabuluhang bahagi ng seryeng
ito ang pagkilala at pagbibigay-halaga sa iba’t ibang
values na natutuhan sa mga binasang akda. Bunga nito,
bukod sa mga binanggit sa FCG, binibigyang-diin din
sa bawat aralin ang magagandang butil ng kaisipan na
inaakalang dapat makintal sa pag-iisip at masalamin sa
pagkatao ng mga mag-aaral na Pilipino.
Bunga nito, hindi na nagsama sa bawat Aralin ng Pre-post Test na susukat sa mga
kaalamang natutuhan ng mga mag-aaral. Sa halip, isinama sa katapusan ng bawat Aralin
ang isang Rubrik o Kraytirya sa Pagmamarka ng Sariling Pagganap sa mga Pamantayan sa
Bawat Aralin na hango sa mga pamantayang nasa simula ng Aralin.
Mismong ang mag-aaral ang magmamarka sa sarili sa Rubrik na ito na maaaring ipawasto
sa mga kapangkat pagkatapos. Tiyakin lamang ang matapat na pagmamarka sa sarili ng bawat
mag-aaral upang ang rubrik ay magiging reliable na basehan ng kaniyang grado sa Filipino.
May kasama ring Glosari ang bawat aklat ng serye. Gayunman, hindi na isinama rito ang
ibang salitang kabilang sa Kahulugan? Ano nga ba? upang lubos na mapag-isipan ng mga
mag-aaral ang mga panutong dapat isagawa.
vi
MGA NIL A L AMAN
Lawak at Pagkakasunod-sunod ng mga
Aralin at Gawain................................................................. 2
viii
Wow Filt
i
i
p
bo
i
ng
n o!
Aklat para sa Wika
tegra at Pa
gbas
In
Gabay ng Guro sa Pagtuturo a
ix
Lawak at Pagkakasunod-sunod ng mga Aralin at Gawain
Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman
sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling
PAMANTAYAN NG PROGRAMA
kaisipan, damdamin, o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura na nagbibigay at
tumatanggap sa mensahe.
Pambungad nG Yunit
Sa Yunit na ito, gabayan ang mag-aaral na matututuhan ang kahalagahan ng sarili at kon-
septo ng pakikipagkapuwa. Bahagi ng katangiang ito ang pagmamahal, pagbibigay, at
paglilingkod sa kapuwa. Maipauunawa na ang aktibong paglahok sa mga gawaing pam-
pamilya, pampaaralan, at pangkomunidad ay pagiging responsable at mapagmalasakit na
anak, kaibigan, at mamamayan.
Ang bawat aralin ay nagbibigay-aral at pagkamulat sa kahalagahan sa sarili at pamilya.
Banggitin na ang bawat pamilya ay isang napakahalagang yaman dahil dito nararamdaman
ang pagtanggap at pagmamahal.
Sa bawat bungad ng aralin, ipabasa sa mga mag-aaral ang nasabing pahina upang ka-
nilang matukoy ang kanilang dapat matutuhan sa kabuuan ng aralin. Talakayin ang mga
kawili-wili at malikhaing gawaing komunikatibo at interaktibo sa layong mapahusay pa sila
sa iba’t ibang kasanayang pangwika.
ARALIN 1 Hugis-Puso (Maikling Kuwento)
I. Mga Layunin
1. Pakikinig
• Matalinong nakikinig upang makatugon sa mga tanong nang angkop at wasto
• Nakapagbabahagi ng sariling karanasan batay sa talakayan sa klase
2. Pagsasalita
• Naipahahayag ang sariling saloobin kaugnay ng paksang pinag-uusapan
3. Talasalitaan
• Nagagamit ang mga pahiwatig o clue sa konteksto ng pangungusap sa pag-
bibigay-kahulugan sa mga salita
4. Pagbasa
• Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto
• Natutukoy ang mahahalagang detalye ng kuwento
• Matalinong nanghuhula tungkol sa katangian ng mga tauhan
• Nakapaglalapat sa sariling buhay ng mga pangyayari sa binasa
5. Gramatika
• Muling nakikilala at nagagamit ang mga paraan ng pagbuo ng mga salita
6. Pagsulat
• Naisusulat nang wasto ang mga sagot sa mga pasulat na pagsasanay
7. Pagpapahalaga
• Naipakikita ang pagpapahalaga at pagtatanggol sa sarili
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang sumusunod na gawain sa tulong ng mga interaktibong es-
tratehiya: pakikilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o
pagbabahaginan, pagbibigay-opinyon sa nabasa, nakita, at narinig, pagsulat ng
talata
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Matalinong pakikinig sa maikling kuwento
B. Pagsasalita: Pagpapahayag ng sariling saloobin tungkol sa paksang tinalakay
C. Pagbasa: Pagtukoy sa mahahalagang detalye ng kuwento, matalinong paghula tung-
kol sa mga katangian ng mga tauhan, at paglapat ng sariling buhay sa mga pangya-
yari sa binasa
Teksto: “Hugis-Puso” (Maikling Kuwento)
D. Gramatika: Paggamit ng salitang-ugat at salitang maylapi
24 | Wow Filipino! • Grado 3
E. Pagsulat: Pagsulat ng mga sagot sa pagsasanay
F. Pagpapahalaga: Mga paraan ng pagpapahalaga at pagtatanggol sa sarili
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Basahin ang maikling kuwento sa harap ng klase. Tiyaking maging malakas ang
pakakabigkas sa mga salita at may tamang damdamin upang higit na maunawaan
ng mga mag-aaral. (Maghanda ng mga gabay na tanong para sa maikling talakayan
ukol sa babasahin.)
Yunit I | 25
Pagtalakay
• Talakayin ang kuwento sa mga mag-aaral.
• Gamitin ang sumusunod na gabay na tanong upang maging komunikatibo ang
talakayan ng klase:
1. Sino si Pipoy?
2. Ano ang nangyari sa pinagtatrabahuhan ng kaniyang tatay?
3. Bakit huminto siya sa kaniyang pag-aaral?
4. Sino ang tumulong kay Pipoy para makabalik sa pag-aaral?
Pagsasanay
• Ipagpares ang mga mag-aaral. Ipatalakay ang tanong na: “Kung ikaw si Pipoy, ano
ang gagawin mong paraan upang makapagpatuloy sa pag-aaral?”
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magpapanood sa klase ng isang maikling video tungkol sa bullying.
Pagtalakay
• Talakayin sa klase ang napanood na video clip. Itanong sa mga mag-aaral, “Ano-ano
ang inyong pananaw tungkol sa pinanood?”
• Palalimin ang talakayan sa pagbibigay pa ng ibang mga katanungan ukol sa napa-
nood.
Pagsasanay
• Magkaroon ng open forum. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng ka-
nilang naranasan at kanilang naramdaman sa tuwing sila ay nambu-bully or bi-
nu-bully. Itanong sa mga nambubully kung ano ang kanilang dahilan kung bakit
ginagawa nila ito. Tanungin din ang mga binu-bully kung ano ang aksiyong ginaga-
wa nila kapag sila ay binubully.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Ipabasa sa klase ang mga pangungusap sa letrang A ng Handa na Ako!, p. 4
at pagkatapos ay pasagutan ito.
B. Alam mo na, di ba?
• Magsagawa ng laro na katulad ng Pinoy Henyo. Pumili ng isang mag-aaral at
patayuin sa tapat ng pisara. Ipatalikod siya sa pisara at iguguhit ng guro ang
hugis puso. Bigyan ng oras ang mag-aaral na magbigay ng mga katanungan
na nasasagot lamang ng oo, hindi, o puwede upang maging gabay niya ito sa
paghula. (Kailangan na sa loob ng dalawang minuto ay mahulaan na niya
ang nakaguhit sa pisara.)
Susi sa Pagwawasto
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. paligsahan
2. kahanga-hanga
3. pamalit sa tunay na pangalan
4. patawad
5. kaklase
6. tagubilin
7. tapat
Yunit I | 27
Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!
A. Pagtukoy sa mahahalagang detalye sa kuwento
1. Masaya at sabik si Ryan na matuto sa paaralan.
2. Dahil hindi naging maganda ang trato sa kaniya ng mga bago niyang kaklase.
3. Naging malungkutin si Ryan at nawalan ng ganang mag-aral.
4. Ang kaniyang mga magulang at si Bb. Rina. Ang kaniyang mga magulang ay
nakipag-usap sa kaniyang guro na si Bb. Rina. Nalutas ang problema dahil sa
gawaing pangklase na ipinagawa ni Bb. Rina. Sa pamamagitan ng gawain,
nasabi ni Ryan ang kaniyang saloobin sa klase.
5. Nang mapagdesisyunan niyang sabihin sa kaniyang mga magulang ang pam-
bu-bully sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral.
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magtawag ng apat na mag-aaral upang gumanap bilang Ryan, Bambi, Lydia, at
Carlo. Ipasadula ang linyang nakasulat sa p.13.
• Idirekta ang atensiyon ng klase sa mga salitang nakasalungguhit.
Pagtalakay
• Talakayin kung ano ang depinisyon ng salitang-ugat at salitang maylapi. Magbigay
ng mga halimbawa.
• Talakayin ang letrang A, pp. 13–15.
• Magbigay pa ng mga karagdagang halimbawa kung kinakailangan.
• Sagutan ng buong klase ang Gawain 1 sa p. 15.
Pagsasanay
• Pagyamanin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga salitang-ugat at salitang
maylapi sa pamamagitan ng pagpapasagot ng gawain 2–4 sa letrang B ng Wika Ko...
Gagamitin Ko!, pp. 16–17.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 3
1. Ma- 6. pa-
2. mag- 7. -an
3. i- 8. Ma-
4. -in 9. maka-
5. Mag- 10. ma-
Gawain 4
1. mahilig mag-aral o subsob sa pag-aaral
2. tumuklas ng bagong kaalaman
3. bigyang pokus, intindihin, at tandaan; leksiyon
E. Pagsulat
Pagganyak
• Muling talakayin ang naging suliranin ng pangunahing tauhan sa binasang kuwento
at kung paano ito nasolusyunan. Tanungin muli ang klase kung ano ang kanilang
natutuhan dito.
Pagtalakay
• Talakayin ang iba’t ibang uri ng pambu-bully sa paaralan at ang masasamang epekto
nito sa mga mag-aaral.
Pagsasanay
• Pagpangkatin ang mga mag-aaral na may anim na miyembro. Ang bawat pangkat
ay guguhit ng isang sitwasyon na magpapakita ng pagkakasundo at pagrespeto sa
bawat isa. Pagkatapos, pasulatin sila ng isang talata na maglalarawan sa kanilang
iginuhit.
• Ipabahagi ang gawa ng bawat pangkat sa klase.
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahaging Pahalagahan, p.18.
Yunit I | 29
ARALIN 2 Alamat ng Pagong (Alamat)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Nabibigyang-kahulugan ang mga tambalang salita batay sa gamit nito sa
pangungusap at sa mga salitang nagbibigay ng pahiwatig o clue
2. Pakikinig
• Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mga impormasyong may kaugnayan sa
akda
3. Pagsasalita
• Nakapagbabahagi ng opinyon tungkol sa ikinilos ng tauhan
• Nagagamit ang magagalang na salita sa iba’t ibang sitwasyon: pagbati, pakiki-
pag-usap, at paghingi ng paumanhin
4. Pagbasa
• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda
• Nasusuri ang katangian/pag-uugali ng tauhan batay sa kanilang ikinilos
• Natutukoy ang mahalagang kaisipan sa akda
• Nagbibigay-opinyon tungkol sa mga pangyayari sa akdang binasa
5. Gramatika
• Nakabubuo ng mga salita sa tulong ng pag-uulit at pagtatambal
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng magkakaugnay na pangungusap na angkop sa sitwasyon
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa kasipagan at pagiging masunurin sa magulang
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga interaktibong estratehiya: paki-
kilahok sa mga pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahaginan, pagpupuno ng
impormasyon sa tsart
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga impormasyong may kaugnayan
sa akda
B. Pagsasalita: Pagbibigay-opinyon tungkol sa tauhan; paggamit ng magagalang na salita
sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng pagbati, pakikipag-usap, at paghingi ng paumanhin
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magpakita ng larawan ng isang maya (ibon) sa harap ng klase.
• Ipahula sa mga mag-aaral kung ano ang nasa larawan. (Sa oras na mahulaan ng mga
mag-aaral kung anong uri ng ibon ang nasa larawan, maaaring magpatuloy na sa
talakayan.)
Pagtalakay
• Basahin sa harap ng klase ang “Alamat ng Maya.” Tiyakin na malakas ang boses
habang nagbabasa upang maintindihan ng mga mag-aaral ang nais ipabatid ng
teksto.
Yunit I | 31
lalagyanan, dali-dali itong nilapitan ni Rita at nagsimula nang kainin
ang mga butil ng bigas. Hindi siya napansin ng kaniyang ina dahil nais
nito na makapagbayo pa ng marami. Malaki ang kanilang lalagyanan at
ang takip nito. Sa pagdakot ni Rita ng bigas, napasok siya sa lalagyanan.
Hindi napansin ng ina ang nangyari dahil natakpan ang lalagyan ng
takip nito.
Nang matapos na ang Ina sa kaniyang pagbabayo, tinawag niya si
Rita upang utusan sana ito. Subalit, wala sa paligid si Rita. Isasalin na
sana ng kaniyang ina ang bigas sa lagayan nang pagbukas niya nito ay
may nakita siya sa loob na isang ibon na kumakain ng butil ng bigas. Ang
ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.
Pinagkunan: De Guzman, Maria Odulio. Mga Alamat ng Pilipino.
Manila, Philippines: National Bookstore, 1972.
Pagsasanay
• Talakayin ang alamat at ang aral na tinalakay rito.
• Pag-usapan ang mga bahagi ng kuwento na posibleng mangyari sa totoong buhay at
gayundin ang hindi makatotohanan.
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Muling talakayin ang naging kilos ng mga tauhan sa “Alamat ng Maya.” Tanungin
ang klase ng kanilang opinyon tungkol dito.
• Tanungin ang klase kung paano nila naipakikita ang kanilang pagiging mabuting
anak. Ipasok dito ang paggamit ng magagalang na pananalita. Magtawag ng mga
mag-aaral upang magbigay ng halimbawa.
Pagtalakay
• Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.
• Tanungin ang mag-aaral kung kailan nila ginagamit ang mga ito.
Pagsasanay
• Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim. Bawat pangkat ay maghahanda ng isang
maikling pagsasadula ng isang sitwasyon kung saan nila ginagamit ang mga nata-
lakay na magagalang na salita. Maaaring bigyan ng sampung minuto ang klase sa
paghahanda at limang minuto bawat pangkat para sa pagsasadula.
Kraytirya 5 4 3 2 1
KAHANDAAN
• maayos at malikhaing pagtatanghal
INTERES
• may kasiglahan at interes na makikita sa ekspresyon ng
mukha at galaw ng katawan
PAG-ARTE AT DIYALOGO
• angkop ang tono ng boses at ekspresyon ng mukha sa dam-
damin; gayundin ang galaw ng katawan
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang basahin nang malakas ang mga
pangungusap sa p. 20.
• Ipasagot sa klase ang gawain.
B. Alam mo na, di ba?
• Talakayin ang gawain sa p. 20.
• Magpakita ng larawan ng isang pagong. Maaaring ipaskil ito sa pisara at
tiyaking tama ang laki ng larawan upang makita ng buong klase.
Pagtalakay
• Ipabasa nang malakas at madamdamin sa ilang mag-aaral ang “Alamat ng Pagong,”
pp. 21–24. Habang nakikinig ang buong klase, ipasagot sa kanila ang mga gabay
na tanong na makikita sa gilid ng ilang talata upang magabayan ang kanilang pag-
unawa sa binabasa.
Yunit I | 33
Pagsasanay
• Ang mga gawain mula letrang A hanggang D na nasa bahagi ng Binasa ko... Pag-
iisipan Ko!, pp. 25–26 ay maaaring ipagawa nang isahan o dalawahan sa mga mag-
aaral. (Sa pamamagitan ng mga gawaing ito mapagyayaman pang lalo ang pag-
unawa ng mga mag-aaral sa kuwentong binasa.)
• Iatas sa mga mag-aaral na pagsunod-sunurin ang sampung mahahalagang pangya-
yari sa binasang alamat. Gawing gabay sa gawaing ito ang pagsasanay sa letrang A,
p. 25.
• Ipabasa nang malakas at may damdamin ang sumusunod na diyalogo ng tauhan na
makikita sa letrang B, p. 26. Matapos basahin, ipasuri at ipatukoy sa mga mag-aaral
kung sino ang tauhang nagsabi at ano ang pag-uugaling ipinakita nito. Ipasulat ang
sagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral.
• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mahahalagang kaisipan ng akdang binasa. Gamitin
bilang gabay ang panuto sa letrang C, p. 26.
• Hingiin ang opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa mga pangyayari sa kuwento.
Ipasagot ang mga tanong sa letrang D, p. 26.
• Sa pagtatapos ng bawat gawain, gabayan ang mga mag-aaral sa pagwawasto at mag-
bigay ng karagdagang kaalaman.
Susi sa Pagwawasto
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. a 2. b 3. a 4. b 5. a
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Hatiin ang klase sa dalawa. Papuntahin ang bawat miyembro ng pangkat sa pisara.
Ibigay ang direksiyon ng laro: Magbibigay ka ng isang salita. Gamit ang salitang
iyon, bubuo ang pangkat ng marami pang salitang Filipino. Ang pinakamaraming
salitang naisulat sa pisara ay ang panalo. Ang laro ay tatagal lamang ng isang minuto.
Ibigay ang salitang aral.
• Pagkatapos ng laro, ipabasa sa buong klase ang kanilang mga sagot. Talakayin ang
bawat sagot—kung ano ang idinagdag sa salitang aral at kung saan ito idinugtong.
• Muling balikan ang paraan ng pagbuuo ng mga salita.
Pagtalakay
• Idirekta ang atensiyon ng klase sa tekstong matatagpuan sa p. 27. Ipabasa ito nang
sabay-sabay na may tamang damdamin, bilis, at diin.
• Talakayin ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa teksto na matatagpuan sa
pp. 27–28.
• Talakayin ang dalawang paraan ng pagbuo ng mga salita bukod sa paglalapi sa
pp. 28–29.
Pagsasanay
• Sukatin ang natutuhan ng mga mag-aaral sa pagbubuo ng mga salita sa tulong
ng pag-uulit at pagtatambal sa pamamagitan ng pagpapasagot ng bawat gawain sa
letrang B, Gawain 1–2, pp. 29–30.
Susi sa Pagwawasto
Yunit I | 35
4. kapit kapit-kapit kapit-bisig
5. aral aral-aralan mag-aaral; takdang-aralin;
balik-aral
Gawain 2
1. lakad-pagong 6. silid-aralan
2. sakit-sakit 7. tinatamad
3. takbo nang takbo 8. maidudulot
4. silid-aklatan 9. huling-huli
5. paglalaro 10. paglalakad
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Isulat sa isang kartolina o manila paper ang halimbawa na salita na nasa ibaba.
lakbay-aral
Pagtalakay
• Magsagawa ng malayang talakayan. Magtawag ng piling mag-aaral at bumuo ng
isang usapan na naglalarawan tungkol sa darating na aktibidad sa paaralan, gamitin
sa usapan ang lakbay-aral.
Pagsasanay
• Bilang pagpapatuloy sa talakayan, ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 3 ng Wika
Ko... Gagamitin Ko!, p. 31.
Susi sa Pagwawasto
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 32.
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa ipinahihiwatig ng pangungusap
2. Pakikinig
• Nakapagbibigay-reaksiyon sa napakinggan
3. Pagsasalita
• Nabibigkas nang may tamang diin at tono ang mga piling bahagi/pangyayari sa
kuwento
4. Pagbasa
• Natutukoy ang elemento ng kuwento batay sa ibinigay na mga impormasyon
• Nasusuri ang mga layunin ng kuwento
• Natutukoy ang pangunahing mensahe ng kuwentong binasa
5. Gramatika
• Nakikilala at nagagamit ang paksa (simuno) at panaguri bilang bahagi ng
pangungusap sa iba’t ibang gawain
• Naisusulat ang mga pangungusap na may tamang bantas at malaking letra sa
simula
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng alternatibong pangyayari
7. Pagpapahalaga
• Nabibigyang-halaga ang pagmamalasakit sa kapuwa
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga estratehiyang ito: pakikilahok sa mga kolaboratibong/
pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahaginan, pagsasalin ng impormasyon
sa pamamagitan ng mga grapikong pantulong, pagguhit, paglikha ng orihinal
na wakas ng kuwento
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbibigay-reaksiyon sa napakinggan
B. Pagsasalita: Pagbigkas ng mga salita na may tamang diin at tono
C. Pagbasa: Pagtukoy ng elemento ng kuwento, mga layunin ng kuwento, pangunahing
mensahe ng kuwentong binasa
Teksto: “Si Pilandok at ang Malupit na Sultan” (Kuwentong-Bayan)
Yunit I | 37
D. Gramatika: Pagkilala sa simuno at panaguri, mga bantas, at malaking letra
E. Pagsulat: Pagsulat ng alternatibong pangyayari
F. Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa kapuwa
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Tanungin ang mga mag-aaral kung sino ang may nalalamang maikling kuwentong-
bayan at ipabahagi ito sa klase.
Pagtalakay
• Talakayin ang kahulugan ng kuwentong-bayan. Tanungin ang klase kung ano ang
nalalaman nila tungkol dito. Ibigay ang sumusunod na impormasyon:
Ang kuwentong-bayan ay ang mga kuwentong tungkol sa mga bayan na napasa-
lin-salin sa iba’t ibang tao ng iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng pagkuku-
wento. Ilang halimbawa nito ay alamat at pabula.
• Ikuwento sa klase ang maikling kuwentong-bayan. Tiyakin na ang mga mag-aaral
ay makikinig nang mabuti upang lubos nilang maunawaan ang kuwento.
Si Makisig
Yunit I | 39
Pagsasanay
• Upang masukat ang mapanuring pakikinig ng mga mag-aaral, talakayin ang bina-
sang kuwento sa buong klase at magtanong ng ilang detalye ukol dito. Maaaring
gamitin ang sumusunod na mga tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang kuwento?
2. Sino ang namumuno sa balangay kung saan kabilang ang pangunahing tauhan?
3. Bakit nagmadaling bumalik si Makisig sa kanilang balangay?
4. Ano ang ikinatuwa ni Makisig ayon sa kuwento?
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Isulat sa isang kartolina ang mga piling bahagi o pangyayari na nakuha mula sa ku-
wentong ibinahagi at ipaskil ito sa pisara.
1. Si Makisig at kaniyang mga magulang ay nakatira sa pulo ng Mactan.
2. “May iba pa kayang bayan sa kabila ng Mactan? Anong uri kaya silang tao?”
3. “Bangka! Pagkalaki-laking bangka!” ang sigaw ni Makisig.
Pagtalakay
• Bago basahin ang mga pangungusap na may tamang diin at tono, paalalahanin ang
klase na makinig na mabuti. Pagkatapos mong mabasa ang mga pangungusap ng
dalawang beses, ipabasa nang sabay-sabay ang mga ito sa klase.
Pagsasanay
• Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Ang bawat pangkat ay mag-iisip ng isang
maikling kuwentong-bayang alam nila. Ikukuwento nila ito sa klase bilang isang
pangkat. Maaari din silang hikayatin na sa halip na ikuwento lamang ito ay itatanghal
ang kuwento ng mga miyembro. Paalalahanin sila na sa kanilang pagbigkas ay dapat
may tamang diin at tono.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Ipabasa nang sabay-sabay na may tamang diin at tono ang mga pangungusap
sa p. 34.
• Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain.
B. Alam mo na, di ba?
• Magpakita ng iba’t ibang larawan. Siguraduhing may larawan na nagpapakita
ng pagmamalasakit sa kapuwa.
• Ipatukoy sa klase kung alin sa mga larawan na iyon ang nagpapakita ng pag-
mamalasakit sa kapuwa.
• Talakayin ang kahulugan ng malasakit sa pamamagitan ng concept map.
Susi sa Pagwawasto
Handa Na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. maganda 4. naakit
2. magastos 5. naloko
3. napunta
Mga Pangyayari
Simula:
Nag-utos ang sultan sa kaniyang mga tauhan na gawan siya ng kaniyang
mga nasasakupan ng pinakamalaki, pinakamagara, at pinakamakinang na
Yunit I | 41
tahanan. Tinutulan ito ng kaniyang mga tauhan dahil sa sobrang pagod na
pagod na ang taong-bayan. Subalit, walang puso ang Sultan, ipinagawa
pa rin niya ito.
Napadpad si Pilandok sa kaharian ng Sultan at nakita nga niya ang
kalagayan ng taong-bayan. Nagtanong-tanong siya kung ano ang tunay
na nangyayari. Nalaman nga nito ang kalupitang ginagawa ng Sultan. Kaya
naman, nag-isip ito ng paraan kung paano mahihinto ang kalupitang ito.
Gitna:
Makalipas ang ilang araw na paghahanda, bumalik si Pilandok sa kahari-
an ng Sultan. Ipinakita niya sa Sultan ang dala-dala nitong isang gintong
bangka na may gintong sagwan. Pagkakita ng Sultan sa bangka ay sina-
bihan niya si Pilandok na bibilhin niya ito. Subalit, hindi ito ipinagbibili ni
Pilandok. Sa kabilang banda, sinabi ni Pilandok na nakuha niya ang gintong
bangka sa isang malayong kaharian na gawa sa ginto at pati halaman at
puno nito ay puro mga ginto rin. Kaya naman, inaya ng Sultan si Pilandok
na bumalik sila roon. Ngunit, isa lang ang kayang dalhin ng bangka. Kaya
naman sinabi ni Pilandok na ibibigay niya sa Sultan ang mapa kung paano
makarating doon.
Wakas:
Dahil sa gahaman ang Sultan, dali-dali itong nagdesisyon na pupuntahan
niyang mag-isa ang kaharian. Sumakay nga ang Sultan. Noong malayo-layo
na ang bangka, nag-iba na ang kulay nito. Unti-unti na ring lumubog ang
bangka pati ang Sultan.
Dahil sa wala na ang malupit na Sultan, pinili si Pilandok ng mga mama-
mayan na siya na ang mamamahala sa kanila.
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Isulat sa pisara ang sumusunod at ipabasa ang mga ito sa klase nang sabay-sabay:
1. Nakita ni Pilandok. 4. Ang inyong katawan.
2. Nagpapahinga at kumakain. 5. Sa inyo.
3. Kapag tumigil kami.
Susi sa Pagwawasto
4. Hindi rin nila nalimutang pasalamatan ang Diyos sa lahat ng mga biyayang
natatanggap.
Yunit I | 43
5. Ipinagpasalamat nila ang kanilang mga mapagmahal na magulang.
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Tanungin ang klase kung anong kuwento ang kanilang nabasa, napakinggan, o na-
panood sa telebisyon na hindi nila nagustuhan ang katapusan ng kuwento. Ipaba-
hagi ang kuwento sa klase. Tanungin sila kung bakit hindi nila nagustuhan ang
katapusan nito. Sabihin kung bibigyan sila ng pagkakataon na baguhin ito, anong
katapusan ang gusto nilang mangyari sa kuwento. Ipabahagi ito.
Pagtalakay
• Balikan ang mga elemento ng isang kuwento. Gamit ang isa sa mga binagong kata-
pusan ng mga mag-aaral, ipakita sa klase kung paano isulat ang binagong wakas.
Pagsasanay
• Pagpangkatin ang klase at ipagawa ang Gawain 4, p. 47.
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 48.
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salita
2. Pakikinig
• Naibabahagi ang sariling opinyon tungkol sa napakinggan
3. Pagsasalita
• Naipaliliwanag ang mga bagong impormasyon kaugnay ng paksa ng binasa
4. Pagbasa
• Natutukoy ang paksa at mahahalagang impormasyon sa binasa
• Naiuugnay ang binasang impormasyon sa tunay na buhay
5. Gramatika
• Nagagamit at naisusulat nang wasto ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa
layunin
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng mga simpleng tuntunin
7. Pagpapahalaga
• Nabibigyang-halaga ang pagkakaisa sa komunidad
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga estratehiyang ito: pakikilahok sa mga kolaboratibong/
pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahaginan, pagsasalin ng impormasyon
sa pamamagitan ng mga grapikong pantulong, pagbibigay-opinyon sa nabasa,
nakita, at narinig
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbibigay-opinyon tungkol sa napakinggan
B. Pagsasalita: Pagpapaliwanag ng mga bagong impormasyon kaugnay ng paksa ng
binasa
C. Pagbasa: Pagtukoy ng mga paksa at mahahalagang impormasyon sa binasa
Teksto: “Ikaw Man ay Bata, May Magagawa!” (Sanaysay)
D. Gramatika: Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa layunin
E. Pagsulat: Pagsulat ng mga simpleng tuntunin
F. Pagpapahalaga: Pagbibigay-halaga sa pagkakaisa sa komunidad
Yunit I | 45
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 49–62
• Internet at iba pang sanggunian
• mga larawan
• visual aid
• flash cards
• pisara at yeso
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Basahin o i-play ang recording ng “Masdan Mo ang Kapaligiran” sa harap ng klase.
(Inawit ng folk singers na Asin.) Tiyakin na ang bawat mag-aaral ay nakikinig at
nauunawaan ang nilalaman ng awit.
Pagtalakay
• Talakayin ang mensahe ng awit. Maghanda ng mga gabay na tanong tungkol sa
ipinapakinig upang tiyakin na makapagbabahagi ng sariling opinyon tungkol sa
napakinggan ang mga mag-aaral.
Mga tanong:
1. Ano ang mensahe ng awit?
2. Ano ang nararamdaman mo habang binabasa/inaawit mo ito?
3. Naniniwala ka ba sa pinapahayag ng awiting ito? Sa iyong palagay, ano-ano ang
dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito?
Pagsasanay
• Pagpangkatin ang mga mag-aaral at ipatalakay kung ano-ano ang mga problemang
kinakaharap ngayon ng kapaligiran lalo na sa inyong lugar. Ipatalakay rin sa bawat
pangkat kung ano-anong aksiyon ang kanilang magagawa upang masolusyunan ang
problema sa kapaligiran at para maiwasan pa ang anumang nagbabadyang proble-
mang maaaring maidulot ng mga ginagawa ng tao.
Yunit I | 47
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magpaskil ng flash card at ipabasa ito sa klase. Ipabasa nang sabay-sabay sa klase at
magbigay ng paliwanag tungkol sa bawat isa.
1. polusyon
2. pagmimina
3. pagtotroso
Itanong: Tungkol saan ang mga nakapaskil?
Pagtalakay
• Magpanood ng isang video clip ng isang balita tungkol sa polusyon, pagmimina, o
pagtotroso.
• Talakayin ang nilalaman ng balita.
• Tanungin din ang klase kung ano ang opinyon nila tungol sa isyung ipinakita sa
balita.
Pagsasanay
• Hatiin ang klase sa apat. Magsasaliksik sila sa silid-aklatan ng iba pang balita na
tumatalakay sa kalikasan. Ipaayos ang mga impormasyong makakalap nila upang
ibahagi ito sa klase.
• Ibigay ang sumusunod na tanong na kailangang nilang hanaping sagot sa balita:
1. Ano ang nilalaman ng balita?
2. Saan ito naganap?
3. Sino?
4. Kailan?
5. Paano?
6. Bakit?
Susi sa Pagwawasto
Handa Na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. sama-sama
2. problema
3. binabalewala
4. kabataan
5. makalat, burara
Susi sa Pagwawasto
Yunit I | 49
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magtawag ng dalawang mag-aaral upang basahin nang malakas sa klase ang mga
linya nina Fiel at Ysay sa p. 56.
• Pagkatapos ng pagbabasa, talakayin ang sagot sa mga tanong sa p. 57.
• Muling balikan kung ano ang pangungusap at kung ano ang mga bahagi nito. (Ang
pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito
ng simuno at panaguri.)
Pagtalakay
• Muling ipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon
sa layunin. Gamiting gabay sa talakayan ang konseptong makikita sa letrang A,
pp. 57–58.
Pagsasanay
• Pagkatapos ng talakayan, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa letrang
B, Gawain 1–2, pp. 59–60. Makatutulong ang mga gawaing ito upang mas mahasa
pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng pangungusap.
Susi sa Pagwawasto
Yunit I | 51
ARALIN 5 Iisang Layunin (Maikling Kuwento)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Natutukoy ang kasingkahulugan ng salita sa isang pangungusap
2. Pakikinig
• Nakapagpapatotoo sa napakinggang sitwasyon
3. Pagsasalita
• Nakapagbabahagi ng mga pangyayaring naoobserbahan sa komunidad
4. Pagbasa
• Naiisa-isa ang mahahalagang detalye sa kuwentong binasa
• Nabibigyang-opinyon ang pagkamakatotohan ng mga pangyayari
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng pamagat
• Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang magkaibang
konsepto
5. Gramatika
• Muling nakikilala at nagagamit ang mga pangngalan sa tulong ng iba’t
ibang gawain
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng simpleng opinyon kaugnay ng nilalaman ng salaysay
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa paggalang sa relihiyon ng kapuwa
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga estratehiyang ito: pakikilahok sa mga kolaboratibong/
pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahaginan, pagsasalin ng impormasyon
sa pamamagitan ng mga grapikong pantulong, pagbibigay-opinyon sa nabasa,
nakita, at narinig
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbibigay-patotoo sa napakinggang sitwasyon
B. Pagsasalita: Pagbabahagi ng mga pangyayaring naobserbahan sa komunidad
C. Pagbasa: Pagbibigay ng mahahalagang detalye sa kuwentong binasa; pag-
bibigay-opinyon; pagpapaliwanang ng kahulugan ng pamagat; at paghahambing ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang magkaibang konsepto
Teksto: “Iisang Layunin” (Maikling Kuwento)
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Isulat sa pisara ang salitang relihiyon. Ipabasa ito nang malakas sa klase at magtanong
kung ano ang ibig sabihin ng relihiyon. Tiyakin na mababanggit ang kahulugan
at maaaring magbigay ng karagdagan ang guro. (Ang relihiyon ay isang organisa-
dong sistema tungkol sa pananampalataya, paggalang, kaugalian, at pananalig na
nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang diyos.)
RELIHIYON
Pagtalakay
• Ihanda ang klase sa pakikinig.
• Basahin nang malakas at dalawang beses ang sumusunod:
Yunit I | 53
Pagsasanay
• Pangkatin ang klase sa apat at magpagawa ng survey o pagtatala. Ang bawat miyem-
bro sa pangkat ay ibabahagi ang kanilang impormasyon sa sumusunod:
1. Relihiyon
2. Paraan ng pagsamba
3. Araw ng pagsamba
• Ipasulat ang kanilang mga sagot sa talahanayan sa p. 65.
• Pagkatapos gawin ang panayam, ipabahagi ito sa klase. Tiyakin na makikinig ang
bawat mag-aaral upang makapag-bigay patotoo sa napakinggan.
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Muling balikan ang mga naging kasagutan ng mga mag-aaral sa Pakikinig. Gumawa
ng tsart kung saan maipakikita ang pagkakaiba ng mga relihiyon.
Pagtalakay
• Itanong:
1. Ano-ano ang mga nagagawa sa atin ng ating relihiyon?
2. Ginagabayan ba tayo kung paano tayo maging mabuting tao? Ano-ano ang mga
ginagawa natin upang masabing tayo ay mabuting kapuwa?
3. Pinagbubuklod-buklod ba tayo ng relihiyon upang magkaisa?
4. Nakatutulong ba ang relihiyon na makita natin ang kabutihan sa ating kapuwa?
Ang kabutihan sa ating kapaligiran?
5. Paano pinalalakas ng ating relihiyon ang pag-asa sa ating mga puso?
• Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Pagsasanay
• Hatiin ang klase sa apat.
• Ipatalakay sa bawat pangkat ang kanilang kasagutan sa tanong na ito:
• Sa inyong palagay, hadlang ba ang pagkaiba-iba ng relihiyon ng mga Pilipino upang
hindi sila magkaintindihan o magkaunawaan? Bakit?
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
Kahulugan? Ano nga ba?
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang basahin nang malakas ang mga pangungusap
sa bawat bilang sa p. 64. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain.
Pagtalakay
• Pangkatin ang klase sa apat. Hatiin ang teksto sa apat at ipabasa ito sa mga pangkat
nang sabay-sabay na may tamang diin at damdamin. Habang binabasa ang kuwen-
to sa pp. 66–68, aalamin ng mga mag-aaral kung paano posibleng magkaroon ng
magandang samahan ang mga tao sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga relihiyon.
Ipasagot din ang mga tanong na makikita sa gilid ng ilang talata.
54 | Wow Filipino! • Grado 3
Pagsasanay
• Pagyamanin pang lalo ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa kuwentong binasa
at ipagawa ang sumusunod na gawain sa bahaging Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!,
pp. 69–70. Pag-usapan sa klase ang mahahalagang detalyeng nabasa sa kuwento.
Gamiting gabay sa talakayan ang mga gabay na tanong sa letrang A, p. 69.
• Hingiin ang opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng kaibigang may
ibang relihiyon. Ang ibinigay na tanong sa letrang B, p. 69 ay maaaring gamitin sa
gawaing ito. Gamit ang gawain sa letrang C, p. 70 tukuyin ang sariling paliwanag
ng mga mag-aaral sa pamagat ng kuwentong binasa.
• Alamin ang sariling paghahambing ng mga mag-aaral sa dalawang relihiyong na-
katala sa Venn Diagram na makikita sa letrang D, p. 70. Sa pagtatapos ng bawat
gawain, gabayan ang mga mag-aaral sa pagwawasto at magbigay ng karagdagang
kaalaman.
Susi sa Pagwawasto
Handa Na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. simbahan
2. Bibliya
3. pari
4. sinang-ayunan
5. malambing
6. Allah
7. respeto
8. layunin
Yunit I | 55
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magpakita ng larawan ng paaralan at tanungin ang mga mag-aaral kung ano-anong
bagay ang makikita sa isang paaralan.
• Itanong din sa mga mag-aaral kung sino-sino ang mga taong bumubuo sa paaralan.
• Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi sa klase. Bilang bahagi ng aralin, tata-
lakayin ang kahulugan ng pangalan at mga uri nito.
Pagtalakay
• Pumili ng dalawang mag-aaral na babasa sa nakalaang komik istrip sa bahaging
Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 71.
• Talakayin ang mga salitang nakasulat nang pahilig.
• Talakayin ang kahulugan at mga uri ng pangngalan. Ang nakalaang aralin kaugnay
nito ay makikita sa letrang A, pp. 72–73. Magbigay pa ng karagdagang halimbawa
kung kinakailangan.
Pagsasanay
• Pagkatapos ng talakayan, subukin ang mga mag-aaral at ipagawa ang Gawain 1
hanggang Gawain 2 sa letrang B, pp. 73–74.
Susi sa Pagwawasto
Yunit I | 57
• Ang pantangi ay mga pangngalang tumutukoy sa mga tiyak na ngalan ng tao, hayop,
bagay, lugar, o pangyayari. Ginagamitan ng malaking letra ang mga pantangi kapag
isinusulat.
• Ang pambalana ay tumutukoy sa mga pangngalang panawag sa karaniwang ngalan ng
tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
Lagumang Pagsusulit
II. Isulat sa patlang ang tambalang salita na bubuo sa bawat pangungusap. Pumili sa mga
tambalang salita sa kahon.
takdang-aralin biglang-yaman
bukod-tangi labas-pasok
taos-puso tabing-dagat
V. Tukuyin ang salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay
pantangi o pambalana.
_______ 1. Nakalimutan ng bata ang kaniyang laruan.
_______ 2. Magbabakasyon kami sa Baguio sa susunod na buwan.
_______ 3. Si Binibining Maria Elena ang guro namin sa Sibika at Kultura.
_______ 4. Dumalo sa pagtatanghal ang mga magulang, guro, at kaibigan ng mga mag-
aaral.
_______ 5. Masarap manirahan sa Barangay Santa Ana dahil tahimik at malinis doon.
Susi sa Pagwawasto
I.
U 1. matapat U 4. malusog
G 2. sumayaw G 5. ginawa
H 3. sulatan
II.
1. takdang-aralin 4. labas-pasok
2. bukod-tangi 5. tabing-dagat
3. biglang-yaman
III.
Simuno Panaguri
1. Si Dr. Fe del Mundo 1. ay isa sa pinakamagaling na
manggagamot ng bata sa Pilipinas.
2. ang bata 2. Mabilis na tumawid ng kalye
3. Ang mga prutas at gulay 3. ay itinitinda niya sa palengke
4. ang apat na anak ni Fatima 4. Malulusog
5. siya 5. Nag-aaral ng kaniyang leksiyon
gabi-gabi
IV.
1. PD 4. PK
2. PT 5. PS
3. PU
V.
1. pambalana 4. pambalana
2. pantangi 5. pantangi
3. pantangi
Yunit I | 59
YUNIT Kalikasan,
II Pangangalagaan Ko
Pambungad nG Yunit
Itanong sa mga mag-aaral ang kanilang naiisip sa tuwing maririnig nila ang salitang
Kalikasan. Pag-usapan ang kanilang mga ideya sa salitang ito.
Ang yunit na ito ay tumatalakay sa pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan. Ipaisip
sa bawat mag-aaral na ang ating kalikasan ay biyaya ng Maykapal kaya nararapat na ito’y
pagmalasakitan at pangalagaan.
Pag-usapan ang kahalagahan ng kapaligiran sa buhay ng bawat tao sa mundo. Bigyang-
diin na sa pag-aaral sa yunit na ito ay maaasahang magiging kawili-wili at mapaghamon ang
mga gawaing komunikatibo at interaktibo na makatutulong upang mas maging mahusay pa
ang mga mag-aaral sa iba’t ibang kasanayang pangwika at kasanayang pangkomunikasyon.
Paligsahan sa Kagubatan
ARALIN 1 (Dula-dulaan)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salita
2. Pakikinig
• Matalinong nakikinig upang nakalalahok sa talakayan
3. Pagsasalita
• Nakabibigkas nang may angkop na damdamin
4. Pagbasa
• Natutukoy ang paksa o tema ng kuwento
• Nagbibigay-prediksiyon tungkol sa maaaring mangyari pagkatapos ng bawat
pangyayari
• Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga pangyayari sa binasa
5. Gramatika
• Nakikilala at nagagamit sa iba’t ibang gawain ang mga pangngalang kongkreto
at di-kongkreto
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng diyalogo/usapan
7. Pagpapahalaga
• Napahahalagahan ang mga hayop na malapit nang maubos
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga estratehiyang ito: pakikilahok sa mga kolaboratibong/
pangkatang gawain; pag-uulat o pagbabahaginan; pagbibigay-opinyon sa nabasa,
nakita, at narinig; paggawa ng iskrip; pagsasadula
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pakikinig upang makalahok sa talakayan
B. Pagsasalita: Pagbigkas nang may angkop na damdamin
C. Pagbasa: Natutukoy ang paksa o tema ng kuwento, pagbibigay-prediksiyon, at pag-
uugnay ng sariling karanasan sa mga pangyayaring binasa
Teksto: “Paligsahan sa Kagubatan” (Dula-dulaan)
D. Gramatika: Iba pang uri ng pangngalan; Pangngalang kongkreto at di-kongkreto
E. Pagsulat: Pagsulat ng diyalogo/usapan
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga hayop
Yunit II | 61
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 79–92
• Internet at iba pang sanggunian
• visual aid
• mga larawan
• pisara
• yeso
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong sa ibaba. Tiyaking maayos
nilang maipaliliwanag ang kanilang sagot. Gabayan din ang mag-aaral sa kanilang
mga naging sagot.
1. Ano ang inyong mararamdaman kung malinis at maayos ang inyong kapaligiran?
2. Ano ang maaari ninyong gawin para mapanatiling malinis ang inyong barangay?
Pagtalakay
• Basahin sa klase ang maikling kuwento sa ibaba tungkol sa isang masayang pagba-
bakasyon. Basahin ito nang dalawang beses. Tiyakin na matalinong makikinig ang
mga mag-aaral upang makalahok sila sa talakayan.
Masayang Bakasyon
Yunit II | 63
• Sandali! Tumahimik kayo. May dumarating na mga tao.
• Kay-itim at kay kintab ng mga balahibo. Maaari na ring hulihin!
• Teka nga, sino ka? Ano ang ginagawa mo rito?
• Alam ba ninyo kung bakit napadpad ang mga ibon na iyan dito sa inyong lugar?
• Gusto ba ninyong wala nang makitang ganyang uri ng ibon ang inyong mga
anak?
• Iparinig nang dalawang beses sa mga mag-aaral kung paano basahin nang may ang-
kop na damdamin ang mga linya.
• Ipabasa nang sabay-sabay sa klase nang may tamang damdamin ang mga linya.
Pagsasanay
• Hayaang maghanap ng kapareha ang bawat mag-aaral. Magsasalitan sila sa pagba-
basa ng mga linya ng may tamang diin at damdamin.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Hayaang maghanap muli ng kapareha ang bawat mag-aaral para sa gawain,
p. 80.
• Talakayin ang mga tamang sagot.
B. Alam mo na, di ba?
• Ipakitang muli ang mga larawan ng mga ibong ipinakita sa bahaging Pag-
sasalita. Maaari pang dagdagan ang mga ito lalo na ng mga ibong makikita
lang dito sa Pilipinas at mga ibong nanganganib na mawala. Itanong kung
anong uri ng ibon ang iyong mga ipinakita. Hayaang magbigay ng kani-
ya-kaniyang sagot ang bawat mag-aaral.
• Itanong ang sumusunod:
1. Alam ba ninyo na may mga ibon nang nanganganib na mawala na rito sa
mundo?
2. Alin kaya sa mga ito? (Ihiwalay ang mga larawan ng mga ito.)
3. Bakit kaya malapit nang mawala ang mga ito?
4. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkaubos ng kanilang lahi?
Pagtalakay
• Pumili ng ilang mag-aaral na babasa nang malakas at madamdamin ng dula-du-
laang “Paligsahan sa Kagubatan,” pp. 81–84. Maaaring ipadikit sa harap ng uni-
porme nila ang mga larawan sa mga gaganap na ibon. Habang nakikinig ang klase,
ipasagot sa kanila ang mga gabay na tanong na nasa gilid ng ilang talata upang mas
maunawaan nila ang pinakikinggang dula-dulaan.
Pagsasanay
• Talakayin ang pagtukoy sa paksa o tema ng kuwento bago ipagawa ang gawain sa
letrang A, p. 85.
Susi sa Pagwawasto
Handa Na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. Pangkaraniwan
2. Dahan-dahan; Pinag-iisipang mabuti
3. Malabo
4. Nagpapakita
5. nanahimik
B. Pagbibigay-prediksiyon
Mga Posibleng Kasagutan:
1.
a. Maaaring wala na rin sina Agila, Kagit, Tariktik, at Uwak dahil nahuli na
rin sila ng mga mangangaso o di kaya’y dahil sa gutom at wala na silang
matirahan.
b. Bawal sa batas ang manghuli ng mga ibon lalo na ang mga ibong dinekla-
rang nanganganib. Sinuman ang mahuli ay maaaring makulong.
Yunit II | 65
c. Hahayaan na ng mga taong mamuhay ang mga ibong nakikita nila bago pa
sila mabigyan ng karampatang parusa.
2.
a. 1. Muling manunumbalik ang taglay na ganda ng kalikasan.
2. Mapagkukunan ng mga tao ng pangunahing pangangailan ang
kalikasan.
b. 1. May maganda siyang kinabukasan.
2. Maraming bagay siyang matutuhan.
c. 1. Marami ang kaniyang magiging kaibigan.
2. Maraming tao ang kaniyang mapasasaya.
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Isulat sa pisara ang mga salitang pamaypay, upuan, papel, hangin, tanghali,
katalinuhan. Ipabasa ito sa klase nang sabay-sabay at ipapangkat ang mga salitang
magkakaugnay.
Pagtalakay
• Talakayin sa klase ang dalawang uri ng pangngalan, ang kongkreto at di-kongkretong
pangngalan. Makatutulong kung gagamitin sa talakayan ang mga konsepto at mga
halimbawang ibinigay sa letrang A ng Wika Ko... Gagamitin Ko!, pp. 89–90.
Pagsasanay
• Alamin kung lubos na natutuhan ng mga mag-aaral ang mga uri ng pangngalan at
ipasagot ang Gawain 1 at 2 sa letrang B, pp. 90–91.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. kalikasan
2. kagubatan
3. dahilan
4. pagsusunog
5. pagkain
6. tahanan
7. lahi
8. bansa
9. kasalanan
10. solusyon
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Itanong sa klase kung ano ang kahulugan ng diyalogo o usapan. Tiyakin na maipa-
liliwanag ito nang maayos at maiintindahan ng buong klase.
Pagtalakay
• Talakayin sa klase ang kahulugan ng iskrip. Ipaliwanag na ang iskrip ay elemento
ng dula. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng bagay na isinasaalang-alang
sa dula ay naaayon sa isang iskrip. (Maaari ding magdagdag ng ibang impormasyon
ang guro sa pamamagitan ng pananaliksik sa ibang sanggunian.)
Pagsasanay
• Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang Gawain 3 ng letrang B, p. 91. Gabayan
ang bawat pangkat habang pinaghahandaan nila ang gagawin nilang presentasyon.
Yunit II | 67
Rubrik sa Pangkatang Gawain
Kraytirya 5 4 3 2 1
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahaging Pahalagahan, p. 92.
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Napapangkat ang mga salitang magkapareho ng kahulugan
2. Pakikinig
• Naibabahagi ang saloobin tungkol sa napakinggang paksa ng talakayan
3. Pagsasalita
• Nakapaglalahad ng mga patunay sa nilalaman ng akda
4. Pagbasa
• Natutukoy ang pantulong na ideya sa pangunahing paksa
• Nahuhulaan at naipaliliwanag ang damdaming nangibabaw sa binasa
• Nagmumungkahi ng posibleng solusyon sa tinukoy na problema
• Nagbabahagi ng saloobin at nagbibigay-patunay sa sinabi
5. Gramatika
• Nakikilala at nagagamit ang (a) mga kasarian ng pangngalan at (b) mga pananda
ng pangngalan sa iba’t ibang gawain
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng talata na may tamang pormat— gamit ng malaki at maliit na
letra at mga bantas
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa kalikasan
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang sumusunod na gawain sa tulong ng mga interaktibong estrate-
hiya: pakikilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o pag-
babahaginan, pagsasalin ng impormasyon sa pamamagitan ng mga grapikong
pantulong, pagbibigay-opinyon sa nabasa, nakita, at narinig
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbabahagi ng saloobin tungkol sa paksa
B. Pagsasalita: Paglalahad ng mga patunay sa nilalaman ng akda
C. Pagbasa: Pagtukoy sa pantulong na ideya; paghula sa mga damdaming nangibabaw
sa binasa; pagbibigay-mungkahi ng posibleng solusyon sa tinukoy na problema; at
pagbabahagi ng saloobin at pagbibigay-patunay sa sinabi
Teksto: “Sana, May Karagatan Pa Akong Aabutan…” (Talaarawan)
Yunit II | 69
D. Gramatika: Pagkilala at paggamit ng mga kasarian ng pangngalan at mga pananda
ng pangngalan
E. Pagsulat: Pagsulat ng talata na may tamang pormat
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kalikasan
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Isulat sa pisara ang salitang kalikasan at itanong sa klase ang mga salita o ideya na
mauugnay nila rito.
Pagtalakay
• Magbasa ng isang sanaysay o talata tungkol sa mga tungkuling ginagampanan ng
kalikasan. Basahin ito nang malakas at nang dalawang beses. Ang sumusunod ay
mga halimbawa ng paksang maaaring iparinig sa mga mag-aaral.
1. Ang kalikasan ay pinagmumulan ng iba’t ibang pinagkukunang-yaman. Ang
mga yamang ito ay maaaring renewable at non-renewable.
2. Ang kalikasan ay tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot
ng proseso ng produksiyon at pagkonsumo. Isang halimbawa ang absorption ng
kagubatan ng carbon dioxide sa hangin.
3. Ang kalikasan ay tumutugon sa pangangailangan ng tao na magdudulot sa ka-
niya ng kasiyahan. Ang paggamit ng iba’t ibang yamang likas ay nauukol din sa
pagbibigay-kasiyahan sa sangkatauhan.
4. Ang kalikasan ay nagpapatatag ng sistema ng ekolohiya upang maging kapa-
ki-pakinabang ito sa tao at sa anumang anyong may buhay na naninirahan dito.
Halimbawa, ang mga puno ay tumutulong na protektahan ang lupa laban sa init
ng araw.
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Balikan ang mahahalagang tungkuling ginagampanan ng kalikasan na tinalakay sa
bahaging Pakikinig.
Pagtalakay
• Atasan ang mga mag-aaral na maghanda ng malinis na papel at mga gamit sa pag-
guhit. Ipaguhit ang kanilang naiisip na paraan kung paano mapangangalagaan ang
kalikasan. Tiyaking maisasagawa ang gawain nang maayos.
Pagsasanay
• Pagkatapos gawin ang pagguhit, ipaliliwanag ng bawat mag-aaral ang kanilang igi-
nuhit sa harap ng klase sa loob ng isang minuto. Tiyakin na lahat ay aktibong
makikilahok sa gawain. Gabayan ang bawat mag-aaral sa oras ng kanilang pagba-
bahagi.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Sukatin ang lawak ng talasalitaan ng mga mag-aaral at ipasagot ang pag-
sasanay na may kaugnayan sa pagpapangkat ng mga salitang magkakasing-
kahulugan. Ang pagsasanay na ito ay makikita sa letrang A, p. 94.
B. Alam mo na, di ba?
Itanong sa klase ang sumusunod:
1. Sino-sino sa inyo ang nakapasyal na sa dalampasigan?
2. Ano ang dalampasigang napasyalan mo?
3. Ano-ano ang nakita at ginawa mo roon?
4. Nagustuhan mo ba ang pagpunta roon? Bakit?
Pagtalakay
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang basahin nang malakas ang mga bahagi ng
talaarawang “Sana, May Karagatan Pa Akong Aabutan...,” pp. 95–97, habang ang
iba ay tahimik na sumusunod sa pagbabasa. Habang binabasa ang akda, ipatukoy
sa mga mag-aaral ang pinapangarap na makita at gawin ng batang sumulat ng
talaarawan sa pagdaan pa ng panahon.
• Ipasagot din ang mga tanong na nasa gilid ng ilang talata upang magabayan ang
pag-unawa ng mga mag-aaral sa binabasa.
Yunit II | 71
Pagsasanay
• Ipatukoy sa bawat pangkat ang mga pantulong na ideya sa mga pangunahing pak-
sang ibinigay sa letrang A ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 98. Gawing gabay sa
gawain ang nakalaang mga panuto sa nasabing pahina.
• Gamit ang pagsasanay sa letrang B ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 98, ipatukoy sa
mga mag-aaral ang mga damdaming nangibabaw sa binasa. Hingiin ang paliwanag
ng bawat mag-aaral pagkatapos.
• Alamin ang mga mungkahing solusyon ng bawat pangkat sa tinutukoy na problema
sa binasang talaarawan. Makatutulong ang mga gabay na panuto at mga katanu-
ngan sa gawain ng letrang C ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 99.
• Pakinggan at alamin ang saloobin ng bawat mag-aaral tungkol sa nararamdaman
ng bata tungkol sa pagkasira ng karagatan. Gamitin ang balangkas na nakalaan sa
letrang D ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 99 sa pagbibigay kasagutan ng mga
mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Handa Na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magsagawa ng laro. Patayuin ang mga mag-aaral at sabihin, “Kailangan sumunod
ang lahat. Tumingin sa paligid ng silid-aralan, isaisip ang mga bagay at lahat na
makikita sa loob ng klasrum. Pumili ng isang bagay o kamag-aral na maaabot ng
kamay at hawakan ito at sabay-sabay na umupo.” Tumawag ng isang mag-aaral at
tanungin, “Ano ang hawak mo?” Ipabahagi sa mag-aaral kung ano ang hawak o ano
ang bagay na nasa isip at pagkatapos ay tatawag ang mag-aaral ng susunod na mag-
sasalita hanggang matapos ang lahat ng mag-aaral sa pagbabahagi.
Pagtalakay
• Sabihin sa klase: “Ang lahat ng inyong binanggit ay tinatawag na pangngalan.”
Itanong sa klase, “Paano ninyo kikilalanin kung ito ay pangngalan?”
• Simulan ang talakayan sa klase. Muling sanayin ang mga mag-aaral sa wastong
gamit ng mga pangngalan at mga uri nito. Basahin ang talatang makikita sa p. 100
at ipasagot ang mga gabay na tanong na nasa pp. 100–101.
• Pagkatapos malaman ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pangngalan at mga
uri, talakayin ang araling makikita sa letrang A, p. 101.
Pagsasanay
• Ipasagot ang sumusunod na gawain sa letrang A, pp. 101–102 upang mas mapa-
husay pa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkilala at paggamit ng mga kasarian
ng pangngalan.
• Talakayin ang pagkilala at paggamit ng mga pananda ng pangngalan na makikita sa
letrang B, pp. 102–103.
• Pagkatapos ng pagtalakay sa mga pananda ng pangngalan, ipasagot ang gawain 3,
p. 103.
Yunit II | 73
Susi sa Pagwawasto
1. mamasyal
2. Namasyal ang kanilang pamilya nang hindi umaalis ng kanilang bahay.
3. Simple at masayang pamilya, dahil masaya nilang ginagawa ang mga simpleng
bagay.
4. Nanay, Ate, at Lola
5. Tatay, Kuya, at Lolo
Gawain 2
Susi sa Pagwawasto
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 106.
Yunit II | 75
ARALIN 3 Biyaya ng Maykapal (Tula)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang magkapareho ng baybay ngunit
magkaiba ang kahulugan
2. Pakikinig
• Nagbibigay-puna sa paraan ng pagbigkas ng napakinggang tula
3. Pagsasalita
• Nabibigkas nang wasto ang tula
4. Pagbasa
• Natutukoy ang persona ng tula
• Naiisa-isa ang mga layunin ng akdang binasa at ng iba pang pahayag
• Napaghahambing ang ilang konsepto sa binasang tula
5. Gramatika
• Natutukoy at nagagamit sa iba’t ibang gawain ang mga panghalip panao
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng tula na may dalawang saknong
7. Pagpapahalaga
• Nabibigyang-halaga ang kakayahan ng taong kumilos para pangalagaan ang
kalikasan
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang sumusunod na estratehiya: pakikilahok sa mga kolaboratibong/
pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahaginan, pagbibigay-opinyon sa nabasa
at narinig, pagsulat ng tula, pagbigkas ng tula
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbibigay-puna sa pagbigkas ng tula
B. Pagsasalita: Pagbigkas nang wasto sa tula
C. Pagbasa: Pagtukoy sa persona ng tula; pag-iisa-isa ng mga layunin ng akdang binasa
at ng iba pang pahayag, paghahambing ng mga konsepto
Teksto: “Biyaya ng Maykapal” (Tula)
D. Gramatika: Pagtukoy at paggamit ng panghalip panao
E. Pagsulat: Pagsulat ng tula na may dalawang saknong
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kakayahan ng taong kumilos para pangalagaan
ang kalikasan
76 | Wow Filipino! • Grado 3
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 107–120
• Internet at iba pang sanggunian
• manila paper
• pisara
• yeso
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Pakitaan ang klase ng saranggola o kahit larawan nito.
• Tanungin sila kung ano ang tawag dito sa Filipino maliban sa saranggola.
• Tanungin din sila kung nakagawa na ba sila ng guryon at kung nakapagpalipad na
sila nito.
Pagtalakay
• Ihanda ang klase sa pakikinig. Sabihing makikinig sila ng ilang saknong ng isang
tula ni Ildefonso Santos na pinamagatang “Ang Guryon.”
• Basahin nang malakas ang sumusunod. Basahin ito nang dalawang beses.
“Ang Guryon”
ni Ildefonso Santos
Pagsasanay
• Talakayin ang nilalaman ng tula.
• Pagkatapos, pag-usapan ang mga bahagi ng isang guryon.
Yunit II | 77
• Pag-usapan din ang mga materyales na ginagamit sa paggawa ng guryon at kung
paano ito ginagawa.
• Pangkatin ang klase sa apat. Bilang takdang-aralin, magdadala ang bawat pangkat
ng mga materyales sa paggawa ng guryon.
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Balikan ang tulang tinalakay sa bahaging Pakikinig. Sa puntong ito, ipaskil sa pisara
ang kopya ng tula.
• Sabihan ang klase na babasahin mo ulit ito at kailangan tandaan nila kung paano ito
basahin nang may tamang diin, bilis, at damdamin.
Pagtalakay
• Talakayin sa klase ang kahulugan ng tula. Banggitin sa klase na ang tula ay anyo ng
panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang
mga saknong ay binubuo ng mga taludtod.
Pagsasanay
• Hatiin ang buong klase sa tatlo. Ang bawat pangkat ay magtatanghal ng sabayang
pagbigkas ng tula.
Kraytirya 5 4 3 2 1
Linaw ng tinig
Lakas ng tinig
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
Susi sa Pagwawasto
Handa Na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. a. uri ng tanim
b. apaw
2. a. ligaya
b. mahabang damit pang ibaba
3. a. parang; katulad
b. tigil; hinto
Yunit II | 79
Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!
A. Pagbibigay-puna sa pagbigkas ng tula
Sariling kasagutan ng mga mag-aaral.
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipaskil ang sumusunod na talata sa pisara at basahin ito nang malakas.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. Mahilig magdrowing ang batang iyon.
2. Palaging sumasali iyon sa paligsahan sa pagguhit sa paaralan.
3. Paborito niyang iguhit ang mga bundok at kagubatan.
4. Sa taong ito, sila ang sasali sa paligsahan.
5. Dadalo sa paligsahang iyon ang mga magulang nila.
Yunit II | 81
Gawain 3
1. kanilang
2. sila
3. nila
4. iyo/inyo
5. akin
6. kong
7. namin
8. kayo
9. kaniyang
10. sila
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magbalik-aral tungkol sa kahulugan ng tula. Itanong kung ano-ano ang dapat
tandaan sa pagsulat ng tula. Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang
mga natutuhan.
Pagtalakay
• Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. Magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol
sa mga paksang tinalakay sa mga nakalipas na araw. Muling talakayin ang wastong
pamamaraan sa pagsulat ng tula. Magbigay ng halimbawa.
Pagsasanay
• Ipagawa ang Gawain 4, p. 119 nang dalawahan. Ang bawat pares ay gagawa ng
kanilang sariling tula gamit lamang ang mga ibinigay na linya sa nasabing pahina.
Sundin ang panuto at ipabasa ito sa harap ng klase pagkatapos.
Kraytirya 5 4 3 2 1
Nilalaman
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
• wastong gamit ng wika/salita
• baybay, bantas, estruktura ng pangungusap
Organisasyon
• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga pangyayari
• pagkakaugnay ng mga pangyayari
Estruktura
• binubuo ng apat na taludtod o linya
• maganda at may kaugnayan ang ilustrasyon
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
Susi sa Pagwawasto
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahaging Pahalagahan, p. 120.
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Nagagamit sa makahulugang pangungusap ang salitang binigyang-kahulugan
2. Pakikinig
• Nasasagot ang mga tanong na napakinggan
3. Pagsasalita
• Muling naisasalaysay ang kuwento
4. Pagbasa
• Natutukoy at naiguguhit ang banghay ng kuwento
• Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang ilang bahagi ng kuwento
• Nabibigyan ng sariling wakas ang kuwento
5. Gramatika
• Nagagamit nang wasto ang mga panghalip pamatlig sa iba’t ibang gawain
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng buod ng kuwento
7. Pagpapahalaga
• Nabibigyang-halaga ang paggalang sa damdamin ng iba
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang sumusunod na estratehiya: pakikilahok sa mga kolaborati-
bong/pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahaginan, pagbibigay-opinyon sa
nabasa at narinig, pagbubuod, paggawa ng liham, pagsasagawa ng iskit
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagsagot sa mga tanong na napakinggan
B. Pagsasalita: Pagsasalaysay ng kuwento
C. Pagbasa: Pagtukoy at pagguhit sa banghay ng kuwento; pagbigay ng sariling inter-
pretasyon sa ilang bahagi ng kuwento; at pagbigay ng sariling wakas
Teksto: “Magbabago na Ako...” (Kuwento)
D. Gramatika: Paggamit ng panghalip pamatlig sa iba’t ibang gawain
E. Pagsulat: Pagbubuod ng kuwento
F. Pagpapahalaga: Paggalang sa damdamin ng iba
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magpakita ng mga larawan ng mga ilog noon at ngayon. Talakayin ang pagkakaiba
ng mga larawan.
Pagtalakay
• Ihanda ang klase sa pakikinig.
• Basahin sa klase ang bahagi ng kuwentong “May Pag-asa Pa Ba?” ni Gilbert P.
Ortega.
“Umikot ako sa buong mundo at nakita kong madumi ang mga katubigan.
Ang mga ilog ay punong-puno ng basura. Ang mga sapa ay tila naging
basurahan din ng mga nakalalasong kemikal. Ang mga karagatan ay tila
nangingintab dahil sa langis na ginagamit ng mga malalaking sasakyang
pantubig. Nakalulungkot dahil wala nang matirahan ang mga isda sa
dagat dahil ang mga korales ay ayaw nang mabuhay. Alam kong hindi
pa huli ang lahat upang bigyang-pansin ito ng mga tao. Huwag sana
nilang hintayin pa ang isang trahedyang magbubukas sa kanilang isipan
na dapat pangalagaan ang kapaligiran,” mariing pahayag ni Tanod Tubig.
Sanggunian:
Aromin, Eric V. “May Pag-asa Pa Ba?” Integratibong
Suplemento Filipino Tomo 5, Bilang 3, Disyembre 2015: 7.
Yunit II | 85
Pagsasanay
• Talakayin ang nilalaman ng kuwento. Itanong: Ano-ano ang mga suliraning
kinkakaharap sa kuwento?
• Ipapanood ang video sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=deVMB
NecGMs.
• Talakayin ang naging resulta ng proyekto.
• Itanong sa klase: Sa inyong palagay, may pag-asa pa kayang mailigtas ang ating mga
katubigan? Paano? Saan tayo magsisimula?
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Muling balikan ang kuwento ng “May Pag-asa Pa Ba?”
• Bilang isang buong klase, talakayin ang mga anyong tubig na nabanggit.
• Balikan ang tema ng tinalakay na kuwento.
• Kasama ang buong klase, gumawa ng maikling kuwento na ang mga tauhan ay ang
mga anyong tubig at ang tema ay katulad din ng tema ng “May Pag-asa Pa Ba?”
• Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng diyalogo ng mga tauhan.
Pagtalakay
• Buuin ang kuwento. Hatiin ang klase base sa bilang ng mga tauhan sa kuwento. Sila
ang magbabasa ng mga diyalogo na may tamang damdamin. Bilang guro, magsil-
bing tagapagsalaysay o narrator.
Pagsasanay
• Pangkatin muli ang klase sa lima o higit pa. Bawat pangkat ay gagawa ng sarili
nilang katapusan ng kuwento. Pagawan din sila ng diyalogo at maaari din silang
magdadag ng tauhan kung kinakailangan.
• Ipatanghal sa pangkat ang kanilang nagawa sa klase.
Kraytirya 5 4 3 2 1
ANYO
• pagsunod sa uri/anyong hinihingi
BALARILA
• wastong gamit ng salita
ORGANISASYON
• lohikal na daloy ng mga pangyayari
• tiyak na balangkas ng kuwento
PAGKAMALIKHAIN
• katangi-tanging estilo sa pagsalaysay
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Ipakita ang mga salitang binigyang-kahulugan na makikita sa letrang A ng
Handa Na Ako!, p. 122. Pumili ng mga mag-aaral upang bumuo ng mga
pangungusap gamit ang mga salitang ito.
B. Alam mo na, di ba?
• Talakayin ang kasagutan ng mga mag-aaral sa mga tanong sa p.122.
Pagtalakay
• Ipabasa nang malakas sa klase ang kuwentong “Magbabago na Ako...,” pp. 123–126.
• Habang bumabasa, ipatukoy sa mga mag-aaral kung anong pagkakamali ang nagawa
ng pangunahing tauhan. Ipatuklas din kung paano niya iniwasto ang pagkakamaling
nagawa.
Yunit II | 87
• Ipasagot din ang mga tanong sa gilid ng ilang talata na papatnubay sa pag-unawa ng
mga mag-aaral.
• Talakayin sa klase ang mga banghay o balangkas ng kuwento. Gamiting konsepto
ang nakasaad sa letrang A ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 127.
Pagsasanay
• Ipatukoy sa klase ang simula, gitna, at wakas ng kuwento. Ipasulat o ipadrowing ito
sa malinis na papel. Maaaring gawin ito ng pangkatan o indibidwal. Ang gawaing
ito ay makikita pagkatapos ng pagtalakay sa konsepto ng banghay sa letrang A ng
Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 127.
• Ipatuklas din sa mga mag-aaral ang kanilang interpretasyon sa isang paksa. Ipasagot
ang gawain na makikita sa letrang B ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, pp. 128–129.
• Pangkatin ang klase sa tatlo o higit pa. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng
kanilang sariling wakas sa kuwento. Ipasulat sa bawat pangkat ang kanilang wakas
sa kuwento sa isang manila paper o kartolina. Pagkatapos, ipabahagi ang kanilang
natapos na gawain sa klase. Ang gawaing ito ay makikita sa letrang C ng Binasa
Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 129.
• Maaaring gamitin ang rubrik na ito sa pagwawasto.
Rubrik sa Pagsasalaysay
Kraytirya 5 4 3 2 1
ANYO
• pagsunod sa uri/anyong hinihingi
BALARILA
• wastong gamit ng salita
ORGANISASYON
• lohikal na daloy ng mga pangyayari
• tiyak na balangkas ng kuwento
PAGKAMALIKHAIN
• katangi-tanging estilo sa pagsalaysay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
Susi sa Pagwawasto
A. Kahulugan? Ano nga ba?
Sariling kasagutan ng mga mag-aaral. Gabayan sila sa oras ng pagwawasto.
C. Pagbibigay-wakas sa kuwento
Sariling kasagutan ng mga mag-aaral. Gabayan sila sa oras ng pagwawasto.
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magkaroon ng maiksing review tungkol sa mga panghalip na pinag-aralan sa nakaraang
aralin. Ipaalala rin kung ano ang mga panghalip at bakit mahalaga ang mga ito.
• Sabihan ang klase na sa araling ito ay may matutuhan silang iba pang uri ng mga
panghalip.
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang talatang makikita sa Wika Ko... Gagamitin Ko!,
p. 130. Ipasuri sa kanila ang mga salitang may salungguhit at kung ano ang kanilang
mga ideya tungkol dito.
• Itanong sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong na makikita sa ibaba ng talata.
Pumili ng mga mag-aaral upang magkaroon ng interaksiyon sa klase.
Yunit II | 89
Pagtalakay
• Ipakilala sa mga mag-aaral ang mga panghalip pamatlig at gamiting gabay sa ta-
lakayan ang mga konsepto at mga halimbawang ibinigay sa letrang A ng Wika Ko...
Gagamitin Ko!, pp. 130–131.
• Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay pa ng mga halimbawa ng panghalip.
Maaari din nila itong gamitin sa pangungusap.
Pagsasanay
• Sanayin pa ang mga kaalaman ng mga mag-aaral sa mga panghalip pamatlig at
ipasagot ang letrang B, Gawain 1–3 ng Wika Ko... Gagamitin Ko!, pp. 132–135.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. itong 6. iyan
2. riyan 7. ito
3. iyan 8. ganiyan
4. iyon 9. ito
5. doon 10. nito
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Isulat ang salitang buod sa pisara. Tanungin ang klase kung anong salita o ideya ang
pumapasok sa isip nila kapag naririnig o nakikita nila ang salitang ito.
Pagtalakay
• Talakayin sa klase ang konsepto ng buod. Maaaring gamitin ang pagtalakay na
makikita sa letrang B, Gawain 4 ng Wika Ko... Gagamitin Ko!, p. 135.
• Magbigay ng maikling kuwento na maaaring gawing halimbawa. Gabayan ang mga
mag-aaral sa pagbubuod ng kuwentong napili upang mas maintindihan nila ang
konsepto ng buod.
90 | Wow Filipino! • Grado 3
Pagsasanay
• Ipabuod sa mga mag-aaral ang kuwentong “Magbabago na Ako...,” at ipaalala sa
mga mag-aaral na gumamit ng wastong panghalip pamatlig sa pagbubuod. Ang ga-
waing ito ay makikita sa letrang B, Gawain 4 ng Wika Ko... Gagamitin Ko!, p. 135.
• Maaaring gamitin ang rubrik na ito sa pagwawasto.
Kraytirya 5 4 3 2 1
NILALAMAN
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
• wastong gamit ng wika/salita
• baybay, bantas, estruktura ng pangungusap
ORGANISASYON
• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga pangyayari
• pagkakaugnay ng mga pangyayari
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 136.
Yunit II | 91
Boy Scouts, Nanguna
ARALIN 5 sa Tree Planting (Balita)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Napapangkat ang magkakasingkahulugang ng salita
2. Pakikinig
• Nakabubuo ng mga tanong pagkatapos makinig sa talakayan
3. Pagsasalita
• Nakapagtatanong kaugnay ng nilalaman ng binasa
4. Pagbasa
• Natutukoy ang mga sanhi at bunga ng mga tinukoy na suliranin
• Nakapagbibigay-solusyon sa suliranin
5. Gramatika
• Nagagamit ang mga panghalip pananong sa iba’t ibang gawain tulad ng pakiki-
panayam
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng talata kaugnay ng mga nakalap na impormasyon sa isang
panayam
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa sama-sama o tulong-tulong na pagkilos
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga interaktibong estratehiya:
pakikilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o pagbaba-
haginan, pagbibigay-opinyon sa nabasa at narinig, pagsasagawa ng panayam/
interbiyu, paggawa ng islogan
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbuo ng mga tanong pagkatapos makinig
B. Pagsasalita: Pagtatanong kaugnay ng nilalaman ng binasa
C. Pagbasa: Pagtukoy sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning tinukoy sa teksto; at
pagbigay-solusyon sa suliranin
Teksto: “Boy Scouts, Nanguna sa Tree Planting” (Balita)
D. Gramatika: Paggamit ng mga panghalip pananong
E. Pagsulat: Pagsulat ng talata kaugnay ng mga nakalap na impormasyon sa isang
panayam
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa sama-sama o tulong-tulong na pagkilos
92 | Wow Filipino! • Grado 3
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 137–151
• Internet
• Integratibong Suplemento Filipino (Compilation) SY 2013–2014
• yeso
• index card
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Talakayin ang kahulugan ng kalikasan gamit ang concept map. Magtawag ng ilang
mag-aaral upang magsulat ng kanilang ideya tungkol dito.
• Tanungin ang klase kung may alam silang programa sa inyong komunidad na
nag-aalaga ng kalikasan. Tanungin din sila kung nakasali na ang mga ito. Magtawag
ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan.
Pagtalakay
• Ihanda ang klase sa pakikinig. Ipaalala na kailangan nilang makinig nang mabuti
upang makabuo sila ng mga tanong mula sa tekstong kanilang pakikinggan.
• Basahin sa klase ang balita sa ibaba. Basahin ito nang dalawang beses.
Yunit II | 93
and Advocates. Ito ay isang kampanya na layong mapanumbalik ang 1
milyong ektarya ng kagubatan sa bansa sa pamamagitan ng pagtatanim
ng katutubong puno ng Pilipinas tulad ng kamagong, mayapis, tangile,
at narra.
Sa ilalim ng ROAD to 2020, hindi lamang simpleng pagtatanim ng
puno sa kagubatan o reforestation ang nais maisagawa. Isinusulong ng
organisasyon ang rainforestation o pagtatanim ng katutubong puno o
native trees. Sa pamamagitan nito, hindi lamang ang mga katutubong
puno ang mapapanumbalik kundi pati mga hayop at iba pang halaman
na namamahay sa kagubatan.
Mula sa:
Gocuyo, Raquel C. “Hari Eco Van: Bibiyahe para sa Kalikasan.”
Integratibong Suplemento Filipino Tomo 3, Bilang 1, Agosto 2013: 5.
Pagsasanay
• Hayaang maghanap ng kapareha ang bawat mag-aaral. Ang bawat pares ay magha-
handa ng lima hanggang sampung tanong tungkol sa pinakinggang balita. Paalala-
hanan ang mga mag-aaral ng mga salitang pananong na Sino, Saan, Ano, Kailan,
Paano, at Bakit.
• Ipabahagi sa buong klase ang mga tanong na inihanda ng bawat pares.
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipaskil sa pisara ang kopya ng balitang pinakinggan ng klase sa Pakikinig.
• Ipalabas ang kopya ng mga tanong na sinulat ng bawat pares.
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang isulat ang kanilang tanong sa pisara.
Pagtalakay
• Ipabasa nang sabay-sabay ang balita sa klase.
• Pagkatapos ng pagbasa, ipasagot ang mga tanong sa pisara. Magtawag ng ilang mag-
aaral upang isulat ang kanilang sagot sa ibaba ng tanong.
• Talakayin ang mga tamang sagot.
Pagsasanay
• Pagpangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ng kopya ng balita na makikita sa susunod
na pahina ang bawat pangkat. Sabihan ang bawat pangkat na kailangan nilang gu-
mawa ng sampung tanong na bumubuo ng Sino, Ano, Kailan, Saan, Paano, at Bakit
mula sa balita. Pagkatapos ng bawat tanong, ipasulat din ang sagot.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Bago dumako sa pagbasa ng teksto, ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasa-
nay na may kaugnayan sa pagpapangkat ng magkakasingkahulugang salita.
Ang gawaing ito ay makikita sa letrang A, p. 138.
B. Alam mo na, di ba?
• Magtanong sa klase kung sino ang wala pang nasasalihang programa sa
pag-aalaga ng kalikasan. Tanungin sila na kung bibigyan ng pagkakataon,
anong programa ang kanilang sasalihan at bakit.
Pagtalakay
• Ipabasa ang “Boy Scouts, Nanguna sa Tree Planting,” pp. 139–142. Magtawag ng
ilang mag-aaral upang basahin ito nang malakas habang ang iba’y tahimik na nag-
babasa.
• Habang nagbabasa ang mga mag-aaral, ipatuklas sa kanila ang naging susi sa
tagumpay ng isinagawang proyektong pangkalikasan sa teksto.
Yunit II | 95
• Ipasagot din ang mga tanong sa gilid ng ilang talata upang mas maunawaan nila ang
balita.
Pagsasanay
• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang sanhi at bunga ng mga tinukoy na suliranin sa mga
pagsasanay sa letrang A ng Binasa Ko... Pag-iisipan ko!, pp. 143–144.
• Bumuo ng apat na pangkat at ipagawa ang letrang B, p. 145. Sa pamamagitan ng
gawaing ito maibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang mungkahing solusyon
upang maibalik ang nauubos nang mga puno sa kagubatan.
Susi sa Pagwawasto
Handa Na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
Pangkat 1 Pangkat 3
1. pahayagan 1. kasiya-siya
2. aklat 2. nakatutuwa
3. magasin 3. nakagagalak
Pangkat 2 Pangkat 4
1. sama-sama 1. kinatawan
2. tulong-tulong 2. kalahok
3. kooperasyon 3. miyembro
Pangunahing suliraning
binanggit sa balita
Mga bunga
Mga bunga
Mawawalan ng tirahan ang mga hayop
Malawakang pagbaha
sa kagubatan
B. Pagbibigay-solusyon
1–2. Sariling kasagutan ng mga mag-aaral. Gabayan sila sa oras ng pagwawasto.
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang usapan sa p. 146 at ipatukoy kung anong uri ng
panghalip ang may salungguhit sa usapan.
Pagtalakay
• Talakayin sa klase ang mga panghalip pananong. Gamiting gabay sa talakayan ang
konsepto at mga halimbawang ibinigay sa letrang A, pp. 147–148. Tiyaking maging
masigla ang talakayan at gumamit ng malikhaing mga estratehiya sa pagtuturo.
Pagsasanay
• Subukin ang natutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa panghalip pananong at ipasa-
got ang Gawain 1 at 2 sa letrang B, pp. 148–149.
Yunit II | 97
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. Kailan
2. Saan(g)
3. Sino-sino
4. ilang
5. Ano-ano
6. Ilan(g)
7. Magkano
8. Ano
9. Ano
10. Paano
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Itanong at pag-usapan sa klase ang mga tanong sa ibaba. Ito ang magsisilbing gabay
upang mabalikan ng mga mag-aaral ang mga paksang tinalakay sa buong aralin.
1. Ano ang kahalagahan ng pagtatanong?
2. Ano-ano ang dapat bigyang-pansin sa pagbabasa ng balita?
3. Ano ang panghalip pananong?
4. Kailan ginagamit ang mga panghaip pananong?
Kraytirya 5 4 3 2 1
Anyo
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi o ipinapasulat
Balarila
• wastong gamit ng wika/salita
• baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
Hikayat
• paraan ng pagtalakay sa paksa
• lohikal na pagkakaayos ng mga ideya
• pagkakaugnay ng mga ideya
Nilalaman
• lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
Yunit II | 99
Susi sa Pagwawasto
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 150.
I. Tukuyin kung anong uri ng pangngalan ang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat
sa patlang ang salitang Kongkreto kung tumutukoy sa materyal na pangngalan at Di-
kongkreto naman kung tumutukoy sa kaisipan o ideya.
________ 1. Naramdaman ni Lilia ang pagpatak ng ulan habang siya ay naglalakad.
________ 2. Nainis si Fe nang hindi nakapagpaalam ang kaniyang kaibigan.
________ 3. Malinis tingnan ang batang maayos ang buhok.
________ 4. Nagsulat si Binibining Lazaro sa pisara gamit ang yeso.
________ 5. Kaygandang pagmasdan ng kagandahan ng mga ulap sa kalangitan.
II. Suriin ang mga problema o suliranin sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na solusyon
mula sa mga pagpipilian.
1. Unti-unting pagkasira ng mga coral reef na nagsisilbing tirahan ng mga maliliit na isda
A. Iwasan ang paggamit ng dinamita sa pangingisda.
B. Pagbawalan ang mga tao na maligo sa mga karagatan.
C. Magtanim sa ilalim ng dagat ng mga halamang coral reef.
2. Mabilis na pagbaha sa mga lungsod
A. Lumipat ng tirahan sa mas mataas na lugar.
B. Gumawa ng mga bagong kalsada na mas mataas kaysa sa mga lumang
kalsada.
C. Linisin ang mga baradong kanal at itapon sa tamang basurahan ang mga
basura.
3. Pagkakaroon ng basura sa mga yamang-tubig
A. Magtanim ng mga punongkahoy malapit sa mga ilog at mga dalampasigan.
B. Pagbawalan na ang mga tao na manghuli ng mga isda sa mga yamang-tubig.
C. Bumuo ng mga programang may layuning muling ibalik ang kalinisan ng mga
yamang-tubig.
4. Pagkaubos ng mga hayop na kabilang sa malapit nang mawala sa mundo
A. Mag-alaga sa bahay ng mga hayop na malapit nang maubos.
B. Sila’y ikulong at bigyan ng wastong pagkain upang mas maging malusog.
C. Huwag sirain ang kanilang tahanan at huwag silang hulihin para pagkakitaan.
5. Pagguho ng ilang bahagi ng kabundukan dahil sa pag-ulan
A. Mag-alaga ng mga hayop sa kagubatan.
B. Maghanap ng matitirahan na malayo sa kabundukan.
C. Magtanim ng mga puno sa mga kabundukan na nakakalbo na.
Yunit II | 101
III. Piliin sa Hanay B ang layuning nais ipahayag ng bawat pangungusap sa Hanay A. Isulat
sa patlang ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
______ 1. Muli nating ibalik ang likas na ganda ng A. paghanga
ating kapaligiran.
______ 2. Tara, ating puntahan ang kapana-panabik B. pagkaawa
na lugar ng Cebu!
______ 3. Baka hindi na maabutan ng bagong hene- C. paniniyak
rasyon ang magagandang lugar sa mundo.
______ 4. Tinitiyak kong marami pa ring kabataan ang D. pag-aalala
may malasakit sa ating kapaligiran.
______ 5. Napakagandang pagmasdan ng mga bituin E. pag-anyaya
sa langit ngayong gabi.
F. panghihikayat
IV. Piliin ang angkop na panghalip pamatlig na bubuo sa bawat patlang upang mabuo ang
diwa ng talata.
Tara, pasok kayo sa aming munting bahay. 1(Diyan, Iyon, Hayan) __________ ninyo
na lang ilagay ang inyong mga sapatos sa tapat ng pintuan. Umupo muna kayo 2(rito,
heto, iyon) __________ sa malaking upuan upang makapagpahinga. 3(Dito, Heto, Diyan)
__________ pala ang larawan ng aming pamilya. 4(Doon, Iyan, Diyan) __________ naman
ang larawan ko noong ikatlong kaarawan ko. Kung nais ninyo namang gumamit ng pali-
kuran, 5(doon, hayun, dito) __________ lamang sa likod ng kusina makikita.
V. Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang letra ng wastong
sagot.
1. Inanyayahan ako ni Beth na magpunta sa silid-aklatan.
A. Itinulak B. Inasikaso C. Inimbitahan
2. Napag-usapan namin sa klase kanina ang iba’t ibang bahagi ng aklat.
A. uri B. parte C. katangian
3. Huwag gayahin ang mga taong walang malasakit sa kapaligiran.
A. tularan B. pansinin C. hangaan
4. Kahanga-hanga ang mga mag-aaral na nagbibigay galang sa ating pambansang
watawat.
A. bayani B. bandila C. sagisag
5. Mabilis tumakbo ang aso kong si Bantay.
A. Matulin B. Mabagal C. Magaling
Yunit II | 103
YUNIT Bansa Ko,
III Ipinagmamalaki Ko
Pambungad nG Yunit
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay pansin sa larawan na matatagpuan sa bungad ng
pahina ng Yunit III. Ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang opinyon sa larawang kanilang
nakikita. Bigyang-diin din ang maaaring mga paksang tatalakayin sa yunit na ito batay sa
pamagat na kanilang mababasa.
Ayon sa kanilang mga sagot, matutukoy nila ang mga paksang tumatalakay sa bansa at
sa mga dapat gawin upang maipakita ang pagmamahal sa sariling tinubuan.
ARALIN 1 Dahil Ako’y Pilipino (Tula)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Nakapagbibigay ng mga kaugnay na salita sa tulong ng semantic mapping
2. Pakikinig
• Mapanuring nakikinig upang masagot ang iba’t ibang tanong
3. Pagsasalita
• Nasasagot ang mga tanong kaugnay ng nilalaman ng tula
• Nabibigkas ang tulang isinulat
4. Pagbasa
• Natutukoy ang katangiang inilalarawan sa ibinigay na sitwasyon
• Nasusuri ang layunin ng binasa at iba pang pahayag
• Natutukoy ang mga katangian ng tula
• Naiisa-isa ang mahahalagang detalye sa tula
5. Gramatika
• Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga pang-uri
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng orihinal na tula
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa sarili bilang Pilipino
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang sumusunod na gawain: pakikilahok sa mga kolaboratibong/
pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahaginan, pagbibigay-opinyon sa nabasa
at narinig
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagsagot sa iba’t ibang tanong ukol sa tulang napakinggan
B. Pagsasalita: Pagsagot sa mga tanong kaugnay ng nilalaman ng tula; at pagbigkas ng
mga tula
C. Pagbasa: Pagtukoy ng katangian sa sitwasyon; pagsuri ng layunin ng binasa; pagtu-
koy ng mga katangian ng tula; at pag-iisa-isa ng mahahalagang detalye sa tula
Teksto: Dahil Ako’y Pilipino (Tula)
D. Gramatika: Pagtukoy at paggamit ng mga pang-uri
E. Pagsulat: Pagsulat ng orihinal na tula
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa sarili bilang Pilipino
Yunit III | 105
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 153–164
• Internet
• radyo/mp3 player
• visual aid
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magdrowing ng isang batang lalaki o babae sa pisara. Gumawa ng mga guhit sa
paligid nito.
• Itanong sa klase: “Ano kaya ang mga katangian at pag-uugaling taglay ng isang hu-
warang batang Pilipino?”
• Magtawag ng mga mag-aaral upang isulat nila ang kanilang sagot sa bawat linya.
Pagtalakay
• Ihanda ang klase sa pakikinig.
• Iparinig sa mga mag-aaral ang awiting pambata na, “Magagandang Asal”. (Maaaring
gamitin ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=6U6FkOsDW14). I-play
ito ng dalawang beses.
Pagsasanay
• Talakayin sa klase ang tulang napakinggan at gawing interaktibo ang aralin.
• Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na gabay na tanong:
• Tungkol saan ang tula?
• Ano-ano ang mga magagandang asal na dapat gawin ng mga bata?
• Bakit mahalagang magsimula ng kagandahang-asal habang bata pa?
• Magbigay ng takdang-aralin. Ipa-interview sa mga mag-aaral ang kanilang mga
magulang. Itatanong ng mga mag-aaral sa kanilang mga magulang kung ano-anong
katangiang taglay nila bilang kanilang mga anak ang kinalulugdan ng mga ito.
Ipatanong din kung bakit at paano o kailan o anong sitwasyon nila ito naipamalas.
Ipatanong din kung ano pang karagdagang pag-uugali at katangian ang gusto pa
nilang taglayin at hasain ng kanilang mga anak.
• Ipasulat ang mga kasagutan ng mga magulang sa isang malinis na papel. Maaari
ding hikayatin ang mga mag-aaral na irekord ang panayam gamit ang voice recorder
o video ng cell phone.
• Bago ito ipabasa sa klase nang dalawang beses, magsilbing modelo sa pagbasa nang
may tamang diin at damdamin.
• Ipabasa nang sabay-sabay ang tula sa klase.
• Talakayin ang nilalaman ng tula.
Pagsasanay
• Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pangkatang gawain. Hatiin sa apat ang
buong klase.
• Sabihin sa klase na ang awit na pinakinggan nila sa bahaging Pakikinig ay isang uri din
ng tula na nilapatan ng tono. Sabihin na ganito rin ang kanilang gagawin sa tulang
“Talento Mo, Kaibigan!” Lalapatan nila ito ng tono ng kanilang paboritong kanta.
Pagdedesisyunan ng bawat pangkat kung anong kanta ang kanilang gagamitin.
• Ipatanghal ang awit ng bawat pangkat.
Yunit III | 107
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Gumamit ng concept map sa pagtalakay sa mga salitang marangal at lahi
na makikita sa gawain sa p. 154. Tanungin ang mga mag-aaral kung anong
salita, ideya, o karanasan ang maiuugnay nila kapag narinig ang mga nasabing
salita.
B. Alam mo na, di ba?
• Muling balikan ang magagandang katangian ng kabataang Pilipino. Magta-
wag ng mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang sariling karanasan na kung
saan magpapatunay na taglay nila ang ganoong katangian.
Pagtalakay
• Basahin nang malakas at may tamang damdamin ang tulang pinamagatang “Dahil
Ako’y Pilipino” sa pp. 155–156 bago ito ipabasa sa mga mag-aaral nang malakas at
baha-bahagi.
• Sa pagtatapos ng bawat saknong, itanong at ipaunawa ang mga gabay na tanong na
makikita sa gilid ng ilang saknong ng tula.
Pagsasanay
• Palalimin pang mabuti ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa tulang binasa. Ipasagot
ang mga katanungang makikita sa letrang A ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko! sa
p. 157.
• Ipabasa ang mga pangungusap sa bawat bilang at ipatukoy kung anong katangian
ang inilalarawan sa mga ito. Ang mga pangungusap ay makikita sa letrang B, ng
Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 157.
• Ipasuri ang layunin ng binasang tula at ipapaliwanag ito sa mga mag-aaral sa klase.
Ang pagsasanay ay makikita sa letrang C, Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 158.
• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga katangian ng tula at ipasagot ang pagsasanay na
makikita sa letrang D, ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 158.
Susi sa Pagwawasto
Handa na Ako!
A. Kahlugan? Ano nga ba?
Posibleng Kasagutan:
1. marangal – katangiang taglay ng mga bayani; puno ng dangal o karapat-dapat
parangalan
2. lahi – pangkat ng mga tao na may iisang pinagmulan o pamana; populasyong
may iisang kasaysayan, wika, at kultura; sambayanan; isa sa tradisyonal na
pag-uuri ng sangkatauhan base sa pinaniniwalaang namumukod at unibersal
na katangiang pisikal
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Idirekta ang atensiyon ng mga mag-aaral sa dalawang saknong na makikita sa
p. 159. Ipabasa ito nang sabay-sabay.
• Pag-usapan ang nilalaman ng tula.
Yunit III | 109
Pagtalakay
• Talakayin ang mga salitang may salungguhit at ipasagot sa mga mag-aaral ang mga
tanong sa p. 159.
• Itanong sa klase kung ano ang mga pang-uri.
• Ipakilala ang mga pang-uri. Gamitin ang konseptong makikita sa letrang A sa p.
160.
• Talakayin ang konsepto ng pang-uri, “Ang pang-uri ay salitang ginagamit sa pagla-
larawan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari. Magagamit ito sa paglalarawan
ng mga pisikal na anyo (kulay, bilang, laki, hugis, at dami), gayundin ng mga kata-
ngian (mabait, malayo, nakatatakot).
• Ipatukoy ang mga pang-uri sa tulang “Dahil Ako’y Pilipino.”
• Magbigay pa ng mga karagdagang halimbawa kung kinakailangan.
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng pang-uri at ipagamit ito sa
pangungusap.
Pagsasanay
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang sumusunod na pangungusap at ipasagot ang pagsasanay
na makikita sa letrang B, Gawain 1, Wika Ko... Gagamitin Ko!, pp. 160–161.
• Papunan sa mga mag-aaral ng pang-uri ang mga patlang upang mabuo ang diwa
ng pangungusap. Ang pagsasanay ay makikita sa Letrang B, Gawain 2, Wika Ko...
Gagamitin Ko!, p.161.
• Pasagutan din ang Gawain 3, p. 162.
Susi sa Pagwawasto
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Balikan muli ang unang saknong ng tulang “Dahil Ako’y Pilipino” sa Babasa Ako!,
p. 155. Ipabasa ito nang sabay-sabay sa klase.
Pagtalakay
• Muling talakayin ang katangian ng isang tula.
• Pag-usapan ang tulang “Dahil Ako’y Pilipino”—ang bilang ng taludtod nito; ilang
saknong meron ito; ang mga salitang may tugma; ilang pantig meron sa bawat ta-
ludtod; ang persona; at ang tema nito.
• Kasama ang buong klase, sabihing magsusulat kayo ng isang saknong ng isang tula
na may apat na taludtod at may tugma. Ibigay ang kalesa bilang tema ng tula. Mag-
pakita ng larawan ng kalesa. Magtawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng mga
pang-uring maglalarawan sa kalesa. Pumili ng mga pang-uring gagamitin sa tula.
Maaari ding ipatukoy ang mga pang-uring may tugma o hikayatin ang mga mag-
aaral na mag-isip ng salitang tugma sa napiling mga pang-uri.
• Ipakita sa mga mag-aaral kung paano magsulat ng tula. Magbigay ng isang taludtod
at gabayan ang mga mag-aaral sa pagdugtong ng panibagong taludtod hanggang
mabuo ang saknong.
Halimbawa:
Kalesa, ang sasakyang matagal ko nang gustong masakyan = 17 pantig
Anong salita ang maaari nating magamit na maglalarawan sa kalesa at may tugma sa
salitang masakyan? duyan? Paduyan-duyan?
Pagsasanay
• Bilang pagsasanay sa talakayan, ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa letrang
B Gawain 4, sa Wika Ko... Gagamitin Ko!, p. 163.
• Pagpangkatin ang mga mag-aaral. Ibabahagi ng bawat miyembro ang kanilang
nasulat na tula.
Yunit III | 111
Susi sa Pagwawasto
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 164.
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Nakabubuo ng mga bagong salita mula sa tinukoy na salita
2. Pakikinig
• Nasasabi ang sariling ideya o saloobin kaugnay ng napakinggang ulat
3. Pagsasalita
• Naiuulat nang mahusay ang isinulat na paglalarawan
4. Pagbasa
• Nailalarawan ang mga tao batay sa simbolong maiuugnay sa kanila
• Naiuugnay sa kasalukuyan ang nilalaman ng akda
• Naibibigay ang kahulugan ng isang konsepto batay sa isinagawang talakayan
5. Gramatika
• Nagagamit sa paghahambing ang mga pang-uring patulad at palamang
6. Pagsulat
• Nakabubuo ng talatang naglalarawan tungkol sa napiling paksa
7. Pagpapahalaga
• Nakapagbibigay-halaga sa mga bayaning Pilipina
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga interaktibong estratehiya: paki-
kilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahagi-
nan, pagsasalin ng impormasyon sa pamamagitan ng mga grapikong pantulong,
pagbibigay-opinyon sa nabasa, nakita, at narinig, pananaliksik
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagpapahayag ng sariling ideya o saloobin kaugnay sa napakinggang ulat
B. Pagsasalita: Pag-uulat nang mahusay
C. Pagbasa: Paglalarawan ng mga tao batay sa simbolong maiuugnay sa mga ito;
pag-uugnay sa kasalukuyan ng nilalaman ng akda; at pagbibigay-kahulugan sa isang
konsepto
Teksto: “Magigiting na Pilipina” (Sanaysay)
D. Gramatika: Paggamit ng mga pang-uring patulad at palamang
E. Pagsulat: Pagbuo ng talata
F. Pagpapahalaga: Pagbibigay-halaga sa mga bayaning Pilipina
Yunit III | 113
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 165–182
• Internet
• graphic organizer
• visual aid
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Hatiin ang klase sa dalawa. Maglaro ng Sino Ito?. Ipakita isa-isa ang larawan ng
mga kilalang Pilipina na nagtagumpay sa kanilang larangan o sa kanilang adhikain.
Halimbawa rito ay sina Lea Salonga, Gabriela Silang, Miriam Defensor-Santiago,
Corazon Aquino, Lucrecia Roces Kasilag, Edith Tiempo, at Josefa Llanes Escoda.
Ipatukoy sa mga mag-aaral kung sino ang mga ito. Ang pangkat na nakatukoy ng
marami ang panalo.
• Magtawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga nalalaman sa mga
nasabing personalidad.
Pagtalakay
• Ihanda ang mga mag-aaral sa pakikinig/panonood. Sabihin na magpapalabas ka ng
isang video tribute ng isa sa pinakamatagumpay na Pilipino sa larangan ng musika
at pinakarespetado sa buong mundo. Siya ay nagawaran bilang Pambansang Alagad
ng Sining ng Pilipinas sa Musika noong 1999.
• Pero bago ipalabas ang video tribute, magparinig ng isang awitin ng Philippine
Madrigal. (Halimbawa: https://www.youtube.com/watch?v=c-6uaqr92hQ)
Maaaring parte lamang ng awitin ang iparinig at ipatukoy sa klase kung sino ang
korong umaawit. Tanungin sila kung pamilyar sila sa Philippine Madrigal Singers.
Si Andrea Veneracion ang nagtatag ng Philippine Madrigal.
• Ipalabas ang video tribute ni Andrea Veneracion. (https://www.youtube.com/
watch?v=S-WH99poN50&list=PLmR0B7NKAgOm6_Uta68zW-SeFCgl-pO9T)
Pagsasanay
• Talakayin ang nilalaman ng video. Itanong sa klase: Paano ipinakita ni Andrea
Veneracion ang kaniyang pagmamahal sa musika? Masasabi ba natin na siya ay
nagtagumpay sa kaniyang larangan? Bakit? Ano-ano ang kaniyang mga ginawa
para magtagumpay? Ayon sa video, ano ang kaniyang payo sa bawat taong gustong
magtagumpay?
Rubrik sa Pagsasalaysay
Kraytirya 5 4 3 2 1
NILALAMAN
• naiulat ang mga hinihinging impormasyon
BALARILA
• wastong gamit ng salita
ORGANISASYON
• lohikal na daloy ng mga impormasyon
PAGKAMALIKHAIN
• katangi-tanging estilo sa pag-uulat
Yunit III | 115
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Ipagawa ang gawain sa p. 166.
• Talakayin ang mga sagot.
B. Alam mo na, di ba?
• Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa p.167.
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang nagawa sa klase.
Pagtalakay
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay na pinamagatang “Magigiting na Pilipina”
na mababasa sa pp. 168–171.
• Sa pagtatapos ng bawat saknong, itanong at ipaunawa sa mga mag-aaral ang gabay
na mga tanong na makikita sa gilid ng ilang saknong ng talata.
Pagsasanay
• Pagyamanin pang mabuti ang pag-unawa ng mga mag-aaaral sa sanaysay na binasa
at ipasagot ang mga sumusunod na katanungan na makikita sa letrang A ng Binasa
Ko... Pag-iisipan Ko!, pp. 172–173.
• Pag-uugnayin ng mga mag-aaral ang sanaysay na binasa sa kasalukuyan sa pama-
magitan ng pagsagot sa letrang B ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, pp. 173–174.
• Ang mga mag-aaral ay bubuo ng kahulugan ng isang konsepto batay sa isinagawang
talakayan. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa letrang C ng Binasa Ko...
Pag-iisipan Ko!, p. 175.
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
Posibleng Kasagutan:
1. magiting, igiit, igting, inggit, tingga, tinga, ganti, tina
2. bayani, bayanihan, kaba, kabayan, bayan, ani, bahayan, bahay, hanay, baka
3. tapang, panga, kapatagan, patag, panata, panatag, paa
4. kaba, kaban, bayan, akbay, bakya, abay
5. tatag, aga, kagat, tatak, tatakan, gata
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magtawag ng dalawang mag-aaral.
• Ipabasa sa harapan ng klase ang diyalogo ni Guro at Mila na makikita sa p. 176.
Pagtalakay
• Talakayin ang kasagutan sa mga tanong na makikita sa p. 177.
• Ipakilala ang mga pang-uring pahambing. Gamitin ang konseptong makikita sa
pp. 177–178.
Pagsasanay
• Ipasalungguhit ang mga pang-uring pahambing at ipatukoy ang pangungusap kung
ito ay patulad o palamang. Ang pagsasanay ay makikita sa letrang B, Gawain 1,
Wika Ko... Gagamitin Ko!, pp. 178–179.
• Paghahambingin ang dalawang larawan sa isang pangungusap. Ang mga mag-aaral
ay gagamit ng angkop na salita upang maipakita ang palamang na paghahambing.
Ang pagsasanay ay makikita sa letrang B, Gawain 2, Wika Ko... Gagamitin Ko!, pp.
179–180.
• Ipapunan ng angkop na pahambing na pagtutulad ang mga patlang upang mabuo
ang diwa ng pangungusap. Ang pagsasanay ay makikita sa letrang B, Gawain 3,
Wika Ko... Gagamitin Ko!, pp. 180–181.
• Magpasulat ng limang sariling pangungusap ng pang-uring patulad na paghaham-
bing at palamang na paghahambing sa isang malinis na papel.
Yunit III | 117
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1–5. Sariling kasagutan ng mga mag-aaral. Gabayan sila sa oras ng pag-
wawasto.
Gawain 3
1. magkasinghusay
2. Magkasingtapang
3. Kasingtanyag
4. Magkasingganda
5. magkasingdakila
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magpakita ng mga larawan ng mga Pilipinang nagpapakita ng magandang katangi-
an katulad ng batang babae na inaakay ang isang matanda sa pagtawid ng kalsada,
isang babaeng bombero na nagpapatay ng sunog, isang babaeng doktor o nars na
nag-aasikaso sa pasyente, mga babae na boluntaryo sa paghatid ng relief goods sa
mga nasalanta, isang nanay na nagtatrabaho sa opisina o sa bahay.
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang ilarawan ang kanilang nakikita. Paalalahanin
silang gumamit ng pang-uri sa paglalarawan.
Pagtalakay
• Pumili ng isa sa mga larawan.
• Kasama ang buong klase, isulat sa pisara kung ano ang ipinakikita sa larawan—sino
ang nasa larawan, anong katangiang ipinakikita niya, ano ang kaniyang ginagawa,
saan kinuha ang larawan, at iba pa.
• Ipakita sa klase kung paano bubuuin o susulatin sa isang talata ang mga deskripsi-
yong ibinigay ng mga mag-aaral.
118 | Wow Filipino! • Grado 3
Pagsasanay
• Magkakaroon ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral. Sila ay magsasaliksik
tungkol sa iba pang babaeng bayaning Pilipino at magsusulat ng isang talatang
maglalarawan sa bayaning babae na kanilang napili, babanggitin din nila ang maha-
halagang nagawa nila sa kanilang kapuwa. Ilalagay nila ang kanilang gawain sa isang
malinis na papel at iuulat ito sa klase. Gawing gabay sa pagsasagawa ng pagsasanay
ang letrang B, Gawain 4, Wika Ko... Gagamitin Ko!, p. 181.
Susi sa Pagwawasto
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang Pahalagahan, p. 182.
Yunit III | 119
Napakasayang Piyesta
ARALIN 3 (Tulang Pasalaysay)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Napagsusunod-sunod ang magkakasingkahulugang salita ayon sa tindi ng
kahulugan ng bawat isa
2. Pakikinig
• Mapanuring nakikinig sa mga talakayan upang makapagbahagi ng sariling ideya
3. Pagsasalita
• Naibabahagi ang mga nakalap na impormasyon
4. Pagbasa
• Muling naisasalaysay ang mga pangyayari sa tulang binasa sa tulong ng mga
larawan
• Nahuhulaan ang damdaming inihahayag ng mga taludturan ng saknong
• Natutukoy ang mensahe ng iba’t ibang pahayag
5. Gramatika
• Nakikilala at nagagamit ang mga pang-uring pasukdol sa paglalarawan
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng talatang naglalarawan tungkol sa isang piyesta
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa mga piyesta at iba pang pagdiriwang sa Pilipinas
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga isahan o interaktibong estratehiya:
pakikilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pananaliksik, pag-
uulat o pagbabahaginan, pagsasalin ng impormasyon sa pamamagitan ng mga
grapikong pantulong, pagbibigay-opinyon sa nabasa at narinig
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbabahagi ng sariling ideya
B. Pagsasalita: Pagbabahagi ng mga nakalap na impormasyon
C. Pagbasa: Pagsasalaysay ng mga pangyayari sa tulang binasa; pagtukoy sa damdamin
ng mga taludturan ng saknong at ng mensahe ng iba’t ibang pahayag
Teksto: “Napakasayang Piyesta” (Tulang Pasalaysay)
D. Gramatika: Pang-uring pasukdol
E. Pagsulat: Pagsulat ng talata
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga piyesta at iba pang pagdiriwang sa Pilipinas
120 | Wow Filipino! • Grado 3
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 183–196.
• Internet
• graphic organizer
• visual aid
• flash card
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Pag-usapan ang piyesta sa inyong lugar. Itanong sa mga mag-aaral kung sino-sino sa
kanila ang nagdiriwang ng piyesta at kung nakadalo na sila.
• Tanungin ang mga mag-aaral kung paano nila at ng kanilang pamilya pinagha-
handaan ito—ano ang kanilang ginagawa o inihahanda.
• Tanungin din ang klase kung ano ang kanilang nararamdaman sa tuwing sasapit
ang piyesta sa kanilang lugar at kung ano ang ibig sabihin ng piyesta sa kanila.
• Sabihin sa klase na maraming piyesta ang ipinagdiriwang sa Pilipinas.
Pagtalakay
• Ihanda ang klase sa panonood. Ipaalala sa mga mag-aaral na panoorin nila nang
mabuti ang dokumentaryo.
• Ipapanood ang dokumentaryo tungkol sa Piyesta ng Pahiyas sa link na ito: https://
www.youtube.com/watch?v=A2FXPNI7wv8.
Pagsasanay
• Talakayin ang nilalaman ng dokumentaryo.
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang opinyon, karanasan, o
saloobin tungkol sa Piyesta ng Pahiyas—ang dahilan ng piyesta, ang paghahanda ng
mga tao, ang kanilang mga ginagawang dekorasyon, at iba pa.
• Itanong: Sa iyong palagay, ano ang dahilan bakit nagdiriwang tayo ng piyesta? Ano
ang nagagawa ng piyesta sa ating lugar?
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Pangkatin ang klase sa dalawa. Maglaro ng Hulaan Mo Ito.
• Maghanda ng larawan na magpapakita ng iba’t ibang piyesta sa Pilipinas. Ipahula sa
klase kung anong piyesta ang tinutukoy sa bawat larawan. Ang pangkat na makatu-
koy ng marami ang siyang panalo. Halimbawa ng mga piyesta:
Yunit III | 121
1. Piyesta ng Nazareno
2. Sinulog
3. Ati-Atihan
4. Eid-al Fitr
5. Moriones
6. Manaog Pilgrimage
7. Flores de Mayo
8. Pulilan Carabao Festival
9. Pintados
10. Kadayawan
11. Higantes
12. Panagbenga
13. Itik-itik
14. Kalilangan
Pagtalakay
• Magpasagawa ng pagsasaliksik. Pumili ng sampung piyesta at isulat ang bawat isa sa
kapirasong papel. Tupiin ang mga piraso ng papel at magkaroon ng palabunutan.
• Pangkatin ang klase sa sampu.
• Papiliin ang bawat pangkat ng representate para bumunot.
• Dalhin ang klase sa silid-aklatan o sa computer lab. Magpasaliksik ng impormasyon
tungkol sa piyestang nabunot ng bawat pangkat. Ipasagot ang sumusunod:
1. Pangalan ng piyesta:
2. Saan at kailan ito ginaganap:
3. Bakit ito ipinagdiriwang:
4. Paano ito pinaghahandaan:
5. Ano-ano ang mga aktibidad na isinasagawa sa araw ng kapistahan:
• Hikayatin ang bawat pangkat na kumuha rin ng mga larawan o video.
Pagsasanay
• Ipaulat ang mga nakalap na impormasyon ng bawat pangkat.
Kraytirya 5 4 3 2 1
NILALAMAN
• naiulat ang mga hinihinging impormasyon
BALARILA
• wastong gamit ng salita
ORGANISASYON
• lohikal na daloy ng mga impormasyon
PAGKAMALIKHAIN
• katangi-tanging estilo sa pag-uulat
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa p. 184.
• Maaari din ibigay ang sumusunod bilang karagdagan na pagsasanay.
1. mataas, matayog, matangkad
2. matulin, maliksi, mabilis
3. galit, tampo, inis
4. luha, hagulgol, iyak
5. maganda, mayumi, marikit
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang gamitin ang mga salita sa sarili nilang
pangungusap.
Yunit III | 123
Pagtalakay
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang tulang pasalaysay na may pamagat na “Napakasayang
Piyesta” na mababasa sa pp. 186–188.
• Sa pagtatapos ng ilang saknong, itanong ang mga gabay na tanong na makikita sa
gilid ng ilang talata.
Pagsasanay
• Ipabuklat ang aklat sa p. 189 at ipaayos nang magkakasunod ang mga larawan na
makikita sa letrang A ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!
• Ipahinuha sa mga mag-aaral ang damdaming inihahayag ng mga taludturan sa ba-
wat saknong na makikita sa letrang B ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 190.
Ipasulat ang kanilang sagot sa kahon.
• Ipatukoy at ipasagot sa klase ang mensahe ng mga iba’t ibang pahayag na makikita
sa letrang C ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 191.
Susi sa Pagwawasto
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. saya, tuwa, ligaya
2. problema, suliranin, unos
3. nalungkot, nalumbay, namighati (lungkot – damdaming nalilikha ng hindi ka-
nais-nais na pangyayari; lumbay – matinding kalungkutan; pighati – matinding
sakit na nadarama ng isip at katawan)
4. napasayaw, napaindak, napaindayog (sayaw – pag-indak-indak ng katawan sa
saliw ng tugtugin; indak – sa sayaw, galaw ng mga paa; indayog – malakas na
yugyog)
Karagdagang Pagsasanay:
1. matangkad, mataas, matayog
2. maliksi, mabilis, matulin
3. tampo, inis, galit
4. luha, iyak, hagulgol
5. maganda, mayumi, marikit
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Idirekta ang atensiyon ng mga mag-aaral sa teksto sa speech ballon sa p. 192.
• Basahin ito nang malakas na may tamang damdamin. Pagkatapos, ipabasa nang
sabay-sabay sa klase.
Pagtalakay
• Talakayin ang mga salitang may salungguhit at ang mga sagot sa tanong.
• Talakayin ang mga pang-uring pasukdol. Gamiting gabay sa pagtalakay ang mga
konsepto at halimbawa na makikita sa letrang A ng Wika Ko... Gagamitin Ko!, p.
193. Magdagdag pa ng halimbawa kung kinakailangan.
Pagsasanay
• Palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga pang-uring
pasukdol. Ipasagot sa kanila ang pagsasanay sa letrang B, Gawain 1 at 2 ng Wika
Ko... Gagamitin Ko!, pp. 194-195.
Yunit III | 125
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. ganda-ganda
2. napakasipag
3. Lubhang makulay
4. Sobrang ayos
5. masayang-masaya
6. sobrang bait
7. gustong-gusto
8. Napakarami
9. Sobrang haba
10. Mahal na mahal
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipakita muli ang mga larawan ng iba’t ibang piyesta.
• Ipatukoy ito sa klase.
• Itanong: Sa inyong palagay, mahalaga bang ipagdiwang ang mga piyestang ito?
Bakit?
Pagtalakay
• Muling talakayin ang mga pang-uring pasukdol.
• Idikit ang mga larawan sa pisara.
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang magsulat ng mga pang-uring pasukdol na
maglalarawan sa bawat piyesta.
• Talakayin ang kanilang mga sagot. Ipagamit sa pangungusap ang mga pang-uring
pasukdol na ginamit nila.
Kraytirya 5 4 3 2 1
NILALAMAN
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
• wastong gamit ng wika
• angkop na paggamit ng mga pang-uring pasukdol
ORGANISASYON
• lohikal na daloy ng mga impormasyon
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang Pahalagahan, p. 196.
Yunit III | 127
Ang Kabataan ng Isang Bayani
ARALIN 4 (Anekdota)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita
2. Pakikinig
• Nakapagbibigay-opinyon sa napakinggang talakayan
3. Pagsasalita
• Nakapagtatanong tungkol sa binasang kuwento
• Muling naisasalaysay ang kuwento
4. Pagbasa
• Mapanuring nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasa
• Naibibigay ang pangunahing paksa ng kuwento
• Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
5. Gramatika
• Nakikilala at nagagamit ang mga pandiwa sa iba’t ibang gawain
6. Pagsulat
• Nakabubuo ng wakas ng akda
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa pagsisikap na marating ang mithiin sa buhay
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga interaktibong estratehiya: paki-
kilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahagi-
nan, pagbibigay-opinyon sa nabasa at narinig
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbibigay ng opinyon sa napakinggang talakayan
B. Pagsasalita: Pagtatanong tungkol sa binasang kuwento at pagsalaysay ng kuwento
C. Pagbasa: Pagsagot sa tanong tungkol sa binasa; pagbibigay ng pangunahing paksa sa
kuwento; at pagtukoy sa sanhi at bunga
Teksto: “Ang Kabataan ng Isang Bayani” (Anekdota)
D. Gramatika: Paggamit ng pandiwa sa iba’t ibang gawain
E. Pagsulat: Pagbuo ng wakas ng akda
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pagsisikap na marating ang mithiin sa buhay
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magtawag ng mag-aaral at itanong sa kanila ang sumusunod:
• Maituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang huwaran na kabataan? Bakit?
• Paano mo maipakikita ang iyong pagiging huwaran sa mga kabataan?
Pagtalakay
• Ihanda ang mga mag-aaral sa pakikinig. Sabihin na ang pakikinggan nila ay isang
pag-uusap sa telepono. Maaari mo itong i-record gamit ang voice recorder mo sa cell
phone o di kaya ay basahin sa harapan ng klase.
• Ipaalam sa mga mag-aaral na ang pag-uusap na ito ay nangyari sa totoong buhay at
isinalin mo lang ang pag-uusap sa Filipino. Nangyari ito noong Disyembre 2016 sa
Amerika. Ang pangalan ng bata ay si Sofia Harman. Idiin na tatlong taong gulang
pa lamang si Sofia. Ang nanay ni Sofia Harman ay may sakit sa puso at inatake ito
noong araw na iyon at si Sofia lamang ang kasama niya sa bahay. Noong nakita ni
Sofia na walang malay ang kaniyang nanay, tumawag ito sa 911 (emergency hot-
line). https://www.youtube.com/watch?v=6DK08Tn1E9c
Yunit III | 129
Sofia: Wala po.
Operator: Anong pangalan mo?
Sofia: Sofia.
Operator: Sofia! Magaling, Sofia! Makinig ka. Ikaw ang pinakamagaling
na batang nakilala ko.
Sofia: Takot po ako.
Operator: Di ka natatakot kasi ikaw ang pinakamatapang na batang
nakausap ko at maganda ang ginagawa mo, at kausap mo
ako kaya wala kang dapat ikatakot.
Sofia: Okey po.
Operator: Ilang taon ka na?
Sofia: Tatlo.
Operator: Napakagaling mo talaga, Sofia.
Sofia: Okey po.
Operator: Hindi magtatagal may darating na tulong kay Mama, okey?
Napakagaling mo talaga, Sofia. Ipagmamalaki ka ng mama
mo panigurado. Tinuruan ka ba niya kung ano ang gagawin
mo kapag nangyari ito sa kaniya?
Sofia: Opo. Mama, Mama.
Operator: Nakahiga pa rin ba si mama mo sa sahig?
Sofia: Opo.
Operator: Nasa sahig pa si mama mo pero okey lang siya, kasi
kinakausap mo ako at hindi ka takot, di ba?
Sofia: Hindi po.
Operator: Hindi ka takot, dahil napakahusay mo talaga, Sofia. Ilang
minuto na lang andiyan na ang mga tutulong sa inyo.
Makinig ka, Sofia. Wag kang magugulat kung may malakas
na kalabog sa pinto ninyo.
Sofia: Anong gagawin ko?
Operator: Yung tutulong kay mama dadaan sa pinto ninyo sa harapan
ng bahay kaya wag kang matakot ha.
Sofia: Hindi. Andito na po sila.
(Nakapasok na ang rescue group.)
Operator: Andun na sila. Salamat sa Diyos.
Pagsasanay
• Talakayin ang pinarinig na pag-uusap.
• Hingin ang saloobin, reaksiyon, at opinyon ng mga mag-aaral sa ginawang aksiyon
ni Sofia, responde ng operator, at responde ng rescue team.
130 | Wow Filipino! • Grado 3
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Balikan ang kuwentong tinalakay sa bahaging Pakikinig.
• Magtawag ng mga mag-aaral upang ipabuod ang kuwento.
• Magtawag din ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang natutuhan dito.
Pagtalakay
• Ihanda ang mga mag-aaral sa panonood. Ipakilala na marami ring mga batang Pili-
pinong katulad nila ang maituturing ding bayani. Ipanood ang video na ito: http://
www.gmanetwork.com/news/video/103682/goodnews/kilalanin-ang-mga-bagong-ba
tang-bayani-ng-ating-bayan
Pagsasanay
• Talakayin ang mga batang bayaning tinalakay sa video.
• Idiin sa mga bata na kaya rin nilang maging bayani araw-araw na hindi naman
kailangan isakripisyo ang kanilang buhay para maituring na bayani. Sabihin sa mga
mag-aaral na ang mga araw-araw na gawain nila katulad ng pagtapon ng kanilang
basura sa basurahan at pagpapanatiling malinis ang kapaligiran ay nagpapakita rin
ng pagkamakakalikasan. Magtawag pa ng mga mag-aaral upang magbahagi ng mga
gawain ng isang huwarang bata. Ipasulat sa pisara ang kanilang mga sagot.
• Pagkatapos makapagbigay ng lahat, ipabasa ito nang sabay-sabay sa klase.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa p. 198.
B. Alam mo na, di ba?
• Ipakita ang larawan ni Dr. Jose Rizal sa klase.
• Ipagawa ang gawain sa p. 198.
• Magbahagi ng impormasyon tungkol sa ating pambansang bayani.
Pagtalakay
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang anekdota na may pamagat na “Ang Kabataan ng Isang
Bayani,” pp. 199–201.
• Sa pagtatapos ng ilang talata, ipasagot ang mga gabay na tanong.
Pagsasanay
• Upang mapagyaman pang mabuti ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa anekdotang
binasa, ipasagot ang letrang A ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 202.
• Pahapyaw na talakayin ang wastong paaran ng pagtukoy ng pangunahing paksa ng
talatang binasa. Ipasagot ang gawaing makikita sa letrang B ng Binasa Ko… Pag-
iisipan Ko!, p. 203.
• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasa gamit
ang unang gawain sa letrang C ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, pp. 204–205.
Yunit III | 131
• Bilang pangwakas na gawain, ibigay rin sa klase ang ikalawang bilang sa letrang C
ng Binasa Ko... Pag-iisipan Ko!, p. 205.
Susi sa Pagwawasto
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. b
2. e
3. a
4. c
5. d
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipabasa ang talata mula sa binasang kuwento at pumili ng mga mag-aaral upang
sagutin ang mga tanong na makikita sa Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 206.
Pagtalakay
• Talakayin sa klase ang konsepto ng pandiwa. Gamitin ang pagtatalakay na makikita
sa letrang A ng Wika Ko... Gagamitin Ko!, p. 206. Habang tinatalakay ang pan-
diwa, balikan muli ang mga salitang dumating, ipinakita, at pinintasan. Ipasuri at
itanong sa klase ang kanilang ideya tungkol sa mga salitang ito.
• Magbigay pa ng ilang halimbawa nito at gamitin sa pangungusap. Itanong sa mga
mag-aaral ang mga tanong sa nasabing pahina upang mas maintindihan nila ang
pandiwa.
Pagsasanay
• Ipatukoy at ipasagot sa klase ang pandiwang ginamit sa bawat pangungusap sa
letrang B, Gawain 1 ng Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 207.
• Ipasuri sa mga mag-aaral ang larawan na makikita sa letrang B, Gawain 2 ng Wika
Ko… Gagamitin Ko!, pp. 207–208. Pagkatapos, ipasagot ang mga tanong na
makikita sa ibaba ng mga larawan.
• Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang Gawain 3, p. 209.
Susi sa Pagwawasto
Yunit III | 133
4. magmolde
5. hinahangaan
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Tanungin ang mga mag-aaral ng kanilang paboritong pelikula o palabas sa TV.
• Itanong at ipakuwento sa mga mag-aaral ang naging wakas ng mga ito.
Pagtalakay
• Balikan ang binasang anekdota at itanong sa mga mag-aaral kung ano ang naging
wakas nito. Talakayin sa klase ang mga paraan ng pagsulat ng wakas ng isang ku-
wento.
• Sa mga binigay na halimbawa ng palabas o kuwento, itanong sa mga mag-aaral
ang maaari nilang gawing wakas o ang nais nilang maging wakas ng akda. Pumili
ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot upang magkaroon ng
interaksiyon sa klase.
Pagsasanay
• Batay sa binasang anekdota, ipasulat sa mga mag-aaral ang maaari nilang gawing
wakas ng akda. Ipabahagi ang kanilang mga sagot sa klase.
• Ipagawa ang Gawain 4, p. 209.
• Maaaring gamitin ang rubrik na ito sa pagwawasto.
Kraytirya 5 4 3 2 1
NILALAMAN
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi
BALARILA
• wastong gamit ng wika
ESTILO
• paraan o estilo ng pagsasalaysay ng wakas ng kuwento
ORGANISASYON
• lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 210.
Yunit III | 135
Larong Pilipino,
ARALIN 5 Laro ng Ating Lahi (Sanaysay)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Naibibigay ang kahulugan ng salita batay sa ibinigay na kasingkahulugan nito
2. Pakikinig
• Nakasusunod sa panutong narinig
3. Pagsasalita
• Nakalalahok sa talakayan
4. Pagbasa
• Natutukoy ang pangunahin at pantulong na ideya sa sanaysay
• Naiisa-isa ang layunin ng sanaysay
• Nakapagdaragdag ng bago o iba pang impormasyon na may kaugnayan sa
sanaysay
5. Gramatika
• Nakikilala at nagagamit ang mga pandiwang pawatas sa pagbibigay ng panuto o
direksiyon
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa kulturang Pilipino
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga interaktibong estratehiya: paki-
kilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahagi-
nan, pagsasalin ng impormasyon sa tsart, pagbibigay-opinyon sa nabasa, nakita,
at narinig, pananaliksik
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagsunod sa panutong narinig
B. Pagsasalita: Pakikilahok sa talakayan
C. Pagbasa: Pagtukoy sa pangunahin at pantulong na ideya sa sanaysay at sa layunin ng
sanaysay; at pagdaragdag ng bago o iba pang impormasyon na may kaugnayan sa
sanaysay
Teksto: “Larong Pilipino, Laro ng Ating Lahi” (Sanaysay)
D. Gramatika: Nagagamit ang mga pandiwang pawatas sa pagbibigay ng panuto o
direksiyon
136 | Wow Filipino! • Grado 3
E. Pagsulat: Pagsulat ng panuto
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kulturang Pilipino
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Tanungin ang klase kung ano-anong laro ang nilalaro nila pisikal man o mga
application sa cell phone. Alamin kung paano nilalaro ang mga ito at bakit iyon ang
gusto nilang laruin.
Pagtalakay
• Sabihan ang klase na maglalaro kayo ngayon.
• Sabihan ang mga mag-aaral na kailangan nilang makinig nang mabuti upang
makasunod sila sa iyong ipinapagawa. Ang magkamali ay maaalis sa laro. Siguradu-
hing may espasyo ang bawat mag-aaral upang magawa nila ito nang mabuti.
• Ipagawa ang sumusunod:
1. Tayo.
2. Hahawakan ng dalawang kamay ang sumusunod: (Mas mabilis nang kaunti
ang pagbibigay ng direksiyon.)
a. ulo
b. balikat
c. tuhod
d. paa
e. paa
f. balikat
g. balikat
h. tuhod
i. ulo
j. paa
Yunit III | 137
3. Takpan ang mga mata gamit ang dalawang kamay.
4. Makipagkamay sa katabi.
5. Umupo.
6. Tingin kayo roon! (Ituro ang sulok ng kuwarto.)
7. Ibalik ang tingin sa akin.
8. Pumalakpak ng anim.
9. Tayo.
10. Ipadyak ang paa ng walong beses.
11. Hinga ng malalim.
12. Exhale.
13. Itaas ang mga kamay.
14. Ibaba ang mga kamay.
15. Hinga ng malalim.
16. Exhale.
17. Ipikit ang mga mata.
18. Ngumiti.
19. Idilat ang mga mata.
20. Mag-hello sa katabi.
21. Upo.
• Maaaring ulit-ulitin o dagdagan pa ang mga panuto hanggang may manalo.
Pagsasanay
• Tanungin ang klase kung ano ang reaksiyon, naramdaman, natutuhan, at opinyon
nila sa inyong naging laro.
• Talakayin ang kahalagahan ng mabuting pakikinig sa pagsunod ng panutong
narinig.
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Idirekta ang atensiyon ng mga mag-aaaral sa larawan sa p. 211. Tanungin sila kung
nakapaglaro na sila nito at kung anong laro ito.
• Ipalipat ang pahina ng aklat sa 213, Alam mo na, di ba? Ipatukoy kung ano ang mga
larong ipinakikita at kung nalaro na nila ang mga ito.
• Magpakita pa ng mga larawan ng mga batang naglalaro ng iba’t ibang larong Pinoy
tulad ng patintero, taguan, teks, sipa, langit-lupa, piko, chinese garter, luksong-
baka, luksong-tinik, pitik-bulag, ten-twenty, tiyakad, karera ng bao ng niyog, at iba
pa. Ipatukoy ito sa mga mag-aaral. Tanungin ulit ang klase kung nakapaglaro na sila
nito at kung anong laro ang mga ito.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Pahanapan ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipagawa ang gawain sa p. 212.
Pagtalakay
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay na “Larong Pilipino, Laro ng Ating Lahi,”
pp. 214–216.
• Sa pagtatapos ng ilang talata, ipasagot ang mga gabay na tanong.
• Itanong din ang mabubuting katangian na nakukuha nila mula sa pakikipagpalaro
sa kapuwa ng mga larong Pilipino.
Pagsasanay
• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang pangunahin at mga pantulong na ideya sa bawat
talata ng binasa. Ipasagot ang mga katanungan sa loob ng talahanayan na makikita
sa letrang A ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, pp. 217–218.
• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang iba’t ibang layunin ng binasang akda. Ipasagot ang
letrang B ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 219.
• Pangkatin ang klase sa tatlo o higit pa at ipagawa ang letrang C ng Binasa Ko…
Pag-iisipan Ko! p. 219. Ipabahagi sa klase ang mga impormasyong nakalap ng bawat
pangkat.
Susi sa Pagwawasto
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. paraan
2. napapayag
3. tali o makapal na tali
Yunit III | 139
4. pagtalon
5. premyo
6. pinakadulo
7. mababang-loob
Yunit III | 141
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipagawa ang pambungad na pagsasanay sa Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 220.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuto at magtawag ng ilang mag-
aaral upang ipasunod ang ipinagagawa sa bawat bilang.
• Matapos nilang maisagawa ang panuto, ipasuri ang mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Magtawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ideya
rito.
Pagtalakay
• Magpakita ng iba’t ibang halimbawa ng pangungusap na may pandiwang pawatas at
ipatukoy ang pandiwa nito.
1. Turuan mong magbasa ang iyong kapatid.
2. Itago mo ang mahahalagang bagay upang hindi ito mawala.
3. Tulungan mo siya sa pagbubuhat ng malalaking kahon.
4. Ipagluto mo ang iyong tatay kapag dumating na siya sa bahay.
5. Pagkatapos mong kumain ay tumulong ka muna sa gawaing bahay.
• Ipaisa-isa ang mga pandiwa na ginamit sa pangungusap at ipasalungguhit sa mga
mag-aaral ang mga pandiwa na kanilang nakita sa bawat pangungusap.
• Talakayin ang paggamit ng pandiwang pawatas at magbigay ng ilang mga gabay na
tanong tulad ng, “Ano ang mapapansin ninyo sa mga salitang inyong sinalunggu-
hitan?”
• Gamitin ang konseptong tinalakay sa letrang A ng Wika Ko… Gagamitin Ko!,
pp. 220–221.
Pagsasanay
• Ipagawa ang pagsasanay na makikita sa letrang B, Gawain 1 ng Wika Ko…
Gagamitin Ko!, p. 221.
• Pangkatin ang klase sa lima at magpasulat ng tatlo o higit pang magkakaugnay
na panuto. Gawing gabay sa gawaing ito ang letrang B, Gawain 2 ng Wika Ko…
Gagamitin Ko!, p. 221.
• Ipagawa rin ang Gawain 3, p. 222.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 3
1. Gumuhit ng parihaba pahalang.
2. Guhitan nang pahalang ang kalahati ng parihaba.
3. Sa kaliwang bahagi ng itaas ng sulok ng parihaba, gumawa ng slant line
hanggang sa umabot ito sa gitnang guhit na humahati sa parihaba.
4. Gawin ulit ito sa ibabang sulok sa kaliwang bahagi upang makagawa ng
tatsulok.
5. Gumuhit ng tatlong bituin sa sulok ng tatsulok.
6. Gumuhit ng isang araw na may walong silahis sa gitna ng tatsulok.
7. Kulayan ng dilaw ang araw at ang tatlong bituin.
8. Kulayan ng puti ang natitirang espasyo ng tatsulok.
9. Kulayan ng ausl ang itaas na bahagi ng parihaba.
10. Kulayan ng pula ang ibabang bahagi ng parihaba.
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magtawag ng dalawa hanggang tatlong mag-aaral sa harapan. Ipasunod sa kanila
ang mga panuto ng tatlo hanggang limang pangungusap kung saan sila ay guguhit
ng larawan ng bahay sa pisara. (Maaari ding magbigay ang guro ng iba pang halim-
bawa.)
Pagtalakay
• Magbigay ng mga halimbawa o mga pangyayari na mayroong pagsunod sa panuto.
Muling talakayin ang kabutihan ng pagsunod sa panuto.
• Isulat ang mga panutong ipinagawa sa mga mag-aaaral sa bahaging Pagganyak.
• Talakayin ang mga pandiwang pawatas sa bawat panuto.
Pagsasanay
• Idikit sa pisara ang mga Larong Pilipino. Pangkatin ang mga mag-aaaral na may
tig-aapat na miyembro. Papiliin ang bawat pangkat ng larong kanilang susulatin.
Ipasulat ang mga panuto ng laro sa isang malinis na papel at ipaulat ito pagkatapos.
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, pp. 223–224.
Yunit III | 143
Mahahalagang Konsepto ng Yunit
• Ang pang-uri ay mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng tao, hayop, bagay, lugar, at
pangyayari.
• Magagamit din ang pang-uri sa paglalarawan ng mga pisikal na anyo (kulay, bilang,
laki, hugis, at dami), gayundin ng mga katangian (mabait, malayo, at nakatatakot).
• Ang pang-uring pahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
• Maaaring patulad o palamang ang paghahambing ng katangian ng dalawang bagay na
pinaghahambing.
• Ang pang-uring pasukdol ay katangian na naglalarawan sa isang tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayaring wala nang hihigit pa.
• Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
• Sa pagbibigay o pagsusulat ng mga panuto, laging gumagamit ng mga pandiwa at ito ay
nasa anyong pawatas o pautos.
Lagumang Pagsusulit
II. Salungguhutin ang pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay
pahambing o palamang.
________ 1. Mas mabilis ang kabayo kaysa sa aso.
________ 2. Mas magalang si Ara kaysa kay Kara kaya siya kinagigiliwan.
________ 3. Sintamis ng kendi ang santol na kaniyang nabili.
________ 4. Ang kaniyang lagayan ng damit ay simbango ng mga bulaklak.
________ 5. Si Jerome ay mas masipag kaysa kay Arvin.
V. Buuin ang diwa ng bawat pangungusap. Punan ng angkop na pandiwang pawatas ang
bawat patlang. Makikita sa kahon sa ibaba ang mga salita na iaangkop sa pangungusap.
1. ________ mo ang kawali kay Ronnel habang nililigpit mo ang mga plato.
2. ________ ka sa panuto upang hindi ka magkamali.
3. Pagkatapos mong maligo, ________ ka kaagad upang hindi tayo mahuli sa lakad.
4. _______ mo ang iyong kapatid na bumili ng tinapay sa panaderya.
5. _______ kang mabuti upang maintindihan mo ang itinuturo ng iyong guro.
Ipahugas Utusan
Susi sa Pagwawasto
I.
1. pinakamasipag 4. matapang
2. Magaganda 5. Walo
3. Mapayapa, masaya
II.
1. Mas mabilis; palamang 4. simbango; pahambing
2. Mas magalang; palamang 5. mas masipag; palamang
3. Sintamis; pahambing
III.
1. pinakamalaking 4. Labis ang saya
2. Ubod ng tamis 5. napakaingay
3. Napakarumi
IV.
1. Bumili 4. magkikita; mamasyal
2. tumakbo 5. maglaro
3. naglilinis
V.
1. Ipahugas 4. Utusan
2. Sumunod 5. Makinig
3. Magbihis
Yunit III | 145
YUNIT Sa mga Pagbabagong
IV Nagaganap,
Handa Akong Humarap
Pambungad nG Yunit
Ipakilala ang tema ng yunit. Magkuwento sa mga mag-aaral ng iyong karanasan noong
bata ka na hindi na halos ginagawa ng mga kabataan ngayon. Magbanggit din ng karana-
san na magpapakita ng tinatamasa ng mga kabataan ngayon na hindi mo naranasan noong
nasa edad ka nila. Halimbawa nito ay ang mabilis na pag-upgrade ng cell phone.
Hikayatin ding magbahagi ang klase ng mga pagbabagong naranasan o naganap sa
kanila noong magsimula silang mag-aral hanggang ngayong nasa grado 3 na sila.
Ipabukas ang aklat sa p. 226. Ipakilala sa klase na ang yunit na ito ay tumatalakay sa
mga pagbabagong nagaganap sa mundo at sa mga tungkulin ng tao sa bayan. Banggitin sa
klase na mahahamon sila sa mga kasanayang may kinalaman sa pangyayari sa mundo—
kung paano makatutulong ang mga tao sa pagsabay ng pagbabago, global warming
o pagkakaroon ng pagbabago sa ating klima, at epekto ng teknolohiya sa kasalukuyan.
Bigyang-diin na ilan lamang ito sa mga pagbabagong nagaganap sa pang araw-araw na
pamumuhay na matatalakay sa pagtatapos ng kabuuang aklat.
Pag-usapan ang mga kinakaharap na suliranin sa kasalukuyan at kung paano nila ito
masosolusyunan. Ipaunawa sa bawat mag-aaral na bahagi na ng buhay ng tao ang pagbabago,
na sila ay kailangan lamang matutong maging handa at sumabay sa mga pagbabago.
Itanong sa klase kung ano ang kanilang sariling pagpapakahulugan sa salitang
Pagtutulungan. Idirekta ang kanilang atensiyon sa p. 227.
Magtulungan Tungo sa Pagbabago
ARALIN 1 (Dula-dulaan)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang binigyang-kahulugan
2. Pakikinig
• Nasasagot ang tanong tungkol sa napakinggang pagsasadula
3. Pagsasalita
• Naisasadula ang piling bahagi sa dula-dulaan
4. Pagbasa
• Natutukoy ang layunin ng binasang dula-dulaan
• Nakapagbibigay ng solusyon sa mga tinutukoy na suliranin
• Nakapagbibigay ng kaugnay na impormasyon tungkol sa nilalaman ng dula-
dulaan
5. Gramatika
• Nakikilala at nagagamit ang wastong anyo ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto sa
iba-ibang gawain
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng diyalogo sa tulong ng mga pandiwa na may iba’t ibang aspekto
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa pagtutulungan tungo sa pagbabago
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga interaktibong estratehiya: paki-
kilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahagi-
nan, pagsasalin ng impormasyon sa pamamagitan ng mga grapikong pantulong,
pagbibigay-opinyon sa nabasa at narinig
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagsagot ng tanong tungkol sa napakinggang pagsasadula
B. Pagsasalita: Pagsasadula ng piling bahagi ng dula-dulaan
C. Pagbasa: Pagtukoy sa layunin ng sanaysay, pagbibigay ng solusyon sa mga tinutu-
koy na suliranin, at pagdaragdang ng bago o iba pang impormasyon
Teksto: “Magtulungan Tungo sa Pagbabago” (Dula-dulaan)
D. Gramatika: Paggamit ng wastong anyo ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto
E. Pagsulat: Pagsulat ng diyalogo
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pagtutulungan tungo sa pagbabago
Yunit IV | 147
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 227–240
• Internet
• visual aid
• mp3 player
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magpakita ng tatlo hanggang apat na larawan na tumutukoy sa pagtutulungan ng
mga Pilipino at ipatukoy kung ano ang ipinakikita nito.
• Hayaang mag-isip ang mga mag-aaral sa pinapahulaang salita. Maaaring magbigay
ng ilang mga clue kung hindi ito mahulaan ng mga mag-aaral.
• Matapos nilang mahulaan ang mga nasa larawan ay iugnay ito sa susunod na ta-
lakayan.
Pagtalakay
• Ipanood sa mga mag-aaral ang pabulang pinamagatang “Ang Langgam at ang Tipak-
long.” (Maaaring gamitin ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=MX
ZzxBPCVE4 sa pagsasagawa ng pagtalakay.) Bigyang-diin lamang ang bahagi kung
saan ay nagtutulungan ang mga langgam sa pagkuha ng mga pagkain para sa pagha-
handa sa tag-ulan.
• Talakayin ang nais ipabatid ng kuwento at iugnay ito sa buhay ng mga mag-aaral.
Magbigay ng mga gabay na tanong upang lubos na maintindihan ng mga mag-aaral
ang layunin nito.
Pagsasanay
• Ipatukoy ang mahahalagang mensahe sa napanood na pabula. Ipapunan sa mga
mag-aaral ang patlang upang mabuo ang diwa nito:
• “Tutularan ko ang mga langgam sapagkat _________________.”
• “Kailangang taglayin ng bawat Pilipino ang katangian ng langgam sapagkat
___________.”
• Maaaring ipagawa ito sa isang malinis na papel o sa malayang talakayan. Gabayan
sila sa oras ng pagwawasto.
Kraytirya 5 4 3 2 1
NILALAMAN
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi
KAHANDAAN
• maayos at malikhaing pagtatanghal
INTERES
• may kasiglahan at interes na makikita sa ekspresyon ng
mukha at galaw ng katawan
PAG-ARTE AT DIYALOGO
• angkop ang tono ng boses at ekspresyon ng mukha sa dam-
damin; gayundin ang galaw ng katawan
Yunit IV | 149
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Ipagawa ang gawain sa p. 228. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.
B. Alam mo na, di ba?
• Isulat sa pisara ang salitang global warming. Tanungin ang klase kung pamilyar
sila rito. Magtawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng nalalaman nila
kung ano ang ibig sabihin ng global warming.
• Pahanapan ng kapareha ang mga mag-aaral at ipagawa ang gawain sa p. 228.
Pagtalakay
• Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabasa nang malakas sa klase ng dula-dulaang
“Magtulungan Tungo sa Pagbabago,” pp. 229–232. Pag-usapan sa klase kung paano
nakatutulong ang pagkakaisa para sa magandang pagbabago sa ating mundo.
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa gilid ng ilang bahagi ng dula-dulaan
upang matiyak kung nauunawaan ba nila ang kanilang binabasa.
Pagsasanay
• Ipasagot ang talahanayan sa letrang A ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 233 at
ipatukoy sa mga mag-aaral ang layunin ng nabasang dula-dulaan.
• Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo at hayaang pag-usapan nila ang mga nabuong
ideya tungkol sa nabasang dula-dulaan. Magbibigay at isusulat nila ang solusyon sa
naturang problema sa graphic organizer. Gawing gabay sa pagsasanay ang letrang B,
Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 234.
• Muling pagpangkatin ang mga mag-aaral sa anim na miyembro bawat pangkat.
Ipagawa ang gawain sa letrang C, p. 234.
• Pagkatapos ng pagtatanghal, ipasagot ang mga tanong sa sa ibabang bahagi ng
pahina.
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
Sariling kasagutan ng mga mag-aaaral. Gabayan sila sa oras ng pagwawasto.
B. Pagbibigay-solusyon sa suliranin
Sariling kasagutan ng mga mag-aaral. Gabayan sila sa oras ng pagwawasto.
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipasuri ang tatlong pangkat ng mga pangungusap na ginagamitan ng mga pandi-
wang may iba’t ibang anyo at ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong tungkol
dito. Ang pagsasanay na ito ay makikita sa unang bahagi ng Wika Ko… Gagamitin
Ko!, p. 235. Tiyaking aktibong makalalahok sa mga gawain ang lahat ng mag-aaral.
Yunit IV | 151
Pagtalakay
• Ipakita sa talahanayan ang mga aspekto ng mga pandiwang ibinigay sa p. 235.
Ipabasa ito nang sabay-sabay sa mga mag-aaral.
Aspektong Aspektong Aspektong
Pangnagdaan o Pangkasalukuyan o Panghinaharap o
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Nagkaisa Nagkakaisa Magkakaisa
Nilinis Nililinis Naglilinis
Pinulot Pinupulot Pupulutin
Gawain 2
1. naglilingkod
2. hinihingi
3. tumulong
4. Nakikita
5. Nauunawaan
6. magbigay
7. kumikilos
8. tumutulong
9. tatanungin
10. tutulong
11. hinihintay
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ipabasa nang may angkop na damdamin ang
mga linya ni Katrina sa unang pangkat at sa ikalawang pangkat ang mga linya ni
Jasmin.
Yunit IV | 153
Katrina: Inihabilin ni nanay ang paglilinis ng bahay. Tayo’y magtulu-
ngan upang maaga nating matapos ang gawain.
Jasmin: Sige po, Ate. Ako na po ang kukuha ng walis at basahan para
umpisahan ko na pong linisin ang sala.
Katrina: Sige Jasmin, ako naman ay maghuhugas ng plato. Pagkatapos,
isusunod ko ang paglilinis ng kuwarto.
Jasmin: Sige po, Ate. Kayang-kaya natin ito! Sunod ko na rin pong
wawalisan ang ating bakuran.
Katrina: Mabuti yan, Jasmin! Halika na at mag-umpisa na tayo.
Nagtulungan ang dalawang magkapatid at mabilis nga nilang natapos
ang kanilang gawain.
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 240.
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa gamit nito sa pangungusap
2. Pakikinig
• Nakapagbibigay-opinyon tungkol sa napakinggang impormasyon
3. Pagsasalita
• Naipapaliwanag nang mahusay ang sagot sa mga tanong
4. Pagbasa
• Nabibigyang-interpretasyon ang tula sa pamamagitan ng pagguhit
• Nagbibigay-opinyon at nagpapaliwanag tungkol sa mensahe ng binasa
• Nakapagbibigay-prediksiyon kaugnay ng nilalaman ng tula
• Naiisa-isa ang mabubuti at masasamang bunga o epekto ng paggamit ng
teknolohiya
5. Gramatika
• Nakikilala at nagagamit ang ordinaryong anyo ng pang-abay na pamaraan sa
iba’t ibang gawain
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng talatang naglalarawan
7. Pagpapahalaga
• Higit na nagpapahalaga sa kakayahan ng tao kaysa nagagawa ng robot
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga larawan sa tulong ng mga interaktibong estratehiya: pag-
bibigay-opinyon sa nabasa, narinig, at nakita; pagpuno ng impormasyon sa
tsart; paglalarawan; pagsulat ng tula
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbibigay-opinyon tungkol sa napakinggang impormasyon
B. Pagsasalita: Pagpapaliwanag nang mahusay ang sagot sa mga tanong
C. Pagbasa: Pagbibigay interpretasyon sa tula sa pamamagitan ng pagguhit; pag-
bibigay-opinyon at pagpapaliwanag tungkol sa mensahe ng binasa; pag-
bibigay-prediksiyon kaugnay ng nilalaman ng tula; at pagtukoy ng mga mabubuti
at masasamang bunga o epekto ng paggamit ng teknolohiya
Teksto: “Gusto Ko ng Robot” (Tula)
Yunit IV | 155
D. Gramatika: Paggamit ng pang-abay na pamaraan
E. Pagsulat: Pagsulat ng talatang naglalarawan
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kakayahan ng tao kaysa nagagawa ng robot
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magtawag ng mga mag-aaral na magbibigay ng mga bagay sa bahay at paaralan na
produkto ng teknolohiya. Ipatukoy kung ano ang pinakagusto nila sa mga ito at
ipabahagi kung bakit, saan, at paano ito ginagamit.
• Ibigay ang depinisyon ng teknolohiya.
Pagtalakay
• Ipakita sa mga mag-aaral ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa pamamagitan
ng pagpapanood sa kanila ng isang video clip o pagpaparinig ng artikulo tungkol sa
ebolusyon ng cell phone. Magpakita rin ng mga larawan ng mga model ng cell phone
upang lubos na maunawaan ng klase ang teksto. http://readwrite.com/2014/07/04/
cell-phone-evolution-popsugar/
Pagsasanay
• Talakayin ang nilalaman ng teksto.
• Tanungin ang opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa mga kabutihang naibibigay ng
cell phone gayundin ang mga hindi mabubuti. Talakayin ang mga ito.
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Itanong: Ano-anong mga palabas sa telebisyon o mga pelikula ang napanood na
ninyo na ang tema ay tungkol sa posibilidad na hinaharap ng teknolohiya? Mag-
bigay ng halimbawa kung walang sumasagot. Halimbawa: The Matrix, Wall-E,
Transformers, Voltes V, Doraemon, Avatar, at iba pa.
Yunit IV | 157
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang letrang D ng Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 249
kung saan sila magbibigay ng bunga o epekto tungkol sa pagkatuklas at paggamit
ng robot. Gabayan ang mga mag-aaral sa oras ng pagwawasto.
Susi sa Pagwawasto
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. puspos ng agiw – napupuno ng agiw
2. buong lugod – buo ang kasiyahan/kahali-halina kumilos
3. todo-todo – malinis na malinis
4. tuklasin – alamin; idiskubre
5. maglaho – mawala
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipabasa sa klase ang maikling kuwentong makikita sa unang bahagi ng Wika Ko…
Gagamitin Ko!, p. 250. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan.
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagot.
Pagtalakay
• Talakayin ang konsepto ng pang-abay gamit ang konsepto sa p. 251.
• Magbigay pa ng mga pangungusap na may mga pang-abay at ipatukoy sa mga mag-
aaral kung alin ang mga pang-abay rito.
1. Si Ann ay masayang nakikipaglaro sa kaniyang pinsan.
2. Masarap manirahan sa mga probinsiya sa Pilipinas.
3. Si Cindy ay mabilis kumain.
• Ipaunawa sa mga mag-aaral ang wastong paggamit ng pang-abay. Talakayin ito gamit
ang mga visual aid at ilagay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pang-abay.
• Matapos maituro ang paggamit ng pang-abay, hayaang makapagbigay ang mga mag-
aaral ng mga pangungusap na may pang-abay upang malaman kung naunawaan
nila ang aralin.
Pagsasanay
• Ipasagot nang tahimik sa mga mag-aaral ang tsart na makikita sa letrang B ng
Gawain 1, Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 252.
158 | Wow Filipino! • Grado 3
• Ipasagot ang letrang B ng Gawain 2, Wika Ko… Gagamitin Ko!, pp. 252–253.
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa bawat
pangungusap.
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang kabuuan ng talata at ipapunan ang bawat patlang ng
tamang pang-abay upang mabuo ang diwa. Ang pagsasanay ay makikita sa letrang
B, Gawain 3, Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 253.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. masaya 6. agad
2. nagmamadali 7. mabilis
3. dali-dali 8. dahan-dahan
4. masaya 9. mabuti
5. mabilis 10. masaya
Gawain 3
1. mahilig 6. Matiyaga
2. Maingat 7. Palagi
3. mabuti 8. magalang
4. Isa-isa 9. mabuti
5. dahan-dahan 10. labis
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Pakinggan ang ideya o ipalarawan sa mga mag-aaral ang mga nalalaman nilang mga
makabagong teknolohiya na ginagamit nila sa kanilang pag-aaral o ginagamit ninyo
sa silid-aralan.
Pagtalakay
• Pumili ng isa sa mga ibinigay na makabagong teknolohiya ng mga mag-aaral.
• Magtawag ng mga mag-aaral upang ilarawan ito—mula sa kung ano ang itsura nito
hanggang kung saan ito ginagamit.
Yunit IV | 159
• Gamit ang mga paglalarawang ibinigay ng mga mag-aaral, ipakita sa mga mag-aaral
kung paano ito aayusin o bubuin bilang isang talata.
Pagsasanay
• Magpakita ng nalimbag na aklat at interaktibong aklat.
• Papiliin ang mga mag-aaral kung alin ang gusto nila sa dalawa.
• Maaari ding pasulatin ng talatang naghahambing sa dalawa. Ituro kung paano ito
sulatin gamit ang isang Venn diagram.
Kraytirya 5 4 3 2 1
NILALAMAN
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi o pinapasulat
• pagkakaugnay ng mga ideya
• lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
BALARILA
• wastong gamit ng wika/salita
• baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga ideya
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 254.
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagtukoy sa mahahalagang detalye batay sa napakinggang impormasyon
B. Pagsasalita: Pagpapaliwanag sa nabuong graph
C. Pagbasa: Pagbibigay-interpretasyon sa graph at paksang binasa; pagbibigay ng payo
tungkol sa pagtitipid; at paghinuha sa damdaming namamayani sa pahayag ng mga
tauhan
Teksto: “Pagtitipid sa Oras ng Kagipitan” (Kuwento)
D. Gramatika: Paggamit ng dalawang anyo ng pang-abay
E. Pagsulat: Pagsulat ng pagpapaliwanag tungkol sa ginawang graph
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pagiging handa sa oras ng kagipitan
Yunit IV | 161
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 255–268
• Internet
• visual aid
• mp3 player
• pie graph
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Itanong sa klase ang sumusunod:
1. Ano ang ibig sabihin ng pagtitipid?
2. Ano ang iyong mga tinitipid?
3. Paano mo ginagawa ang pagtitipid?
4. Bakit ka kailangang magtipid?
Pagtalakay
• Ihanda ang klase sa pakiking o
• Iparinig o ipapanood sa mga mag-aaral ang tungkol sa batang nagtitipid. (Maaaring
gamitin ang link na ito – https://www.youtube.com/watch?v=f4hWyt8C2gY.)
• Pagkatapos manood o makinig ng mga bata, talakayin ang nilalaman ng video.
Tanungin muli sila tungkol sa kahalagahan ng pagtitipid. Magbigay ng mga gabay
na tanong tungkol sa video na ipinanood. Gabayan ang mga mag-aaral sa oras ng
pagwawasto.
Mga gabay na tanong:
1. Bakit mahalagang magtipid habang bata pa?
2. Ano ang kahalagahan ng pagtitipid?
3. Anong katangian ang ipinakikita ng batang nagtitipid?
Pagtalakay
• Magparinig ng isang balita o ng isa pang kuwento na kung saan mapagtatanto ng
mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtitipid.
• Pangkatin ang klase sa anim. Tatalakayin ng bawat pangkat ang nilalaman ng balita
o kuwentong kanilang pinakinggan.
• Ipatalakay sa bawat pangkat kung ano ang kanilang magiging aksiyon o solusyon
kung sila ang nasa ganoong sitwasyon. Ipabahagi sa klase ang naging kasagutan ng
bawat pangkat; maaaring sa paulat na paraan, islogan, o dula-dulaan.
2 oras
7 oras
rosas
2 oras
asul
grey
kahel purple
3 oras 1 oras
pul
a
lunti 1 oras
8 oras
Legend:
asul – nag-aaral sa paaralan, 7 oras
rosas – kumakain, 2 oras
grey – naglalaro, 2 oras
kahel – nanonood ng telebisyon, 3 oras
lunti – natutulog, 8 oras
pula – gumagawa ng gawaing bahay, 1 oras
purple – gumagawa ng takdang-aralin, 1 oras
Yunit IV | 163
• Talakayin ang mga ibinigay na impormasyon at datos sa nasabing pie chart. Itanong
ang sumusunod:
• Ano ang nakikita ninyo sa pie chart?
• Ano-ano ang iba’t ibang kulay? Bakit kaya gumamit ng iba’t ibang kulay?
• Tungkol saan ang pie chart?
• Ano ang may pinakamalawak ang kulay? Ano ang ipinakikita nito?
• Bakit kaya pinakamalaki ang oras na nakalaan sa pagtulog? (Magbigay ng im-
pormasyon sa kahalagan ng pagkakaroon ng sapat na oras sa pagtulog.)
• Anong kulay ang pinakamaliit ang nasakop sa pie chart? Anong ipinakikita nito?
• Ilang oras ang nilalaan ni Ben sa paaralan?
• Alin-alin ang may parehong inilaan na oras si Ben?
• Sa tingin ninyo, sapat ba ang isang oras sa paggawa ng takdang-aralin? Bakit?
• Katulad din ba kayo ni Ben na tumutulong sa gawaing bahay? Ano ang ginaga-
wa ninyo?
• Meron ka bang ibang gawain na hindi ginagawa ni Ben? Ano iyon? Ilang oras
ang inilalaan mo para dito?
• Bakit mahalagang gamiting mabuti ang oras?
• Base sa inyong nakikita, ano ang pie chart? Saan ito magagamit?
Pagsasanay
• Pagawan ng pie chart ang mga mag-aaral kung paano nila ginagamit ang 24 oras.
Pangkatin ang klase sa anim. Ibabahagi ng bawat miyembro ang kanilang ginawa sa
kanilang mga kapangkat.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Hatiin ang klase sa tatlo bawat pangkat. Ipagawa ang gawain sa p. 256.
B. Alam mo na, di ba?
• Pasagutan ang gawain sa p. 257. Magtawag ng ilang mag-aaral upang mag-
bahagi ng kanilang sagot sa klase.
Pagtalakay
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwentong “Pagtitipid sa Oras ng Kagipitan” na
makikita sa Babasa Ako, pp. 258–261. Ipasagot ang tanong sa gilid ng ibang talata
upang magabayan ang mga mag-aaral sa pag-unawa sa binabasa.
Pagsasanay
• Upang mapagyaman ang natutuhan sa kuwentong binasa, ipagawa sa mga mag-
aaral ang pagsasanay sa letrang A, Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 262. Ipabahagi
ang kanilang sagot sa klase. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagot.
• Magkakaroon ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral. Sila ay magsasagawa ng
patalastas kaugnay ng pagtitipid na dapat gawin ng sinumang pamilya na may katulad
Susi sa Pagwawasto
HANDA NA AKO!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
Posibleng Kasagutan:
1. badyet – talaan ng tinatayang kita at gastos sa loob ng tiyak na panahon ng
isang pamilya, pamahalaan, pribadong tanggapan, at iba pang organisasyon at
institusyon; halaga ng salapi na kailangan para sa pagbili ng isang bagay
2. gastusin – kung saan ginugugol ang pera o salapi
3. kita – bayad sa trabaho; tubo sa pinuhunan
B. Pagbibigay-payo
Pangka ang kasagutan ng mga mag-aaral.
Yunit IV | 165
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahayag ng dalawang bata sa Binasa Ko… Pag-iisipan
Ko!, p. 264. Ipasuri ang mga salitang may salungguhit at ipasagot ang sumusunod
na katanungan.
• Muling balikan kung ano ang mga pang-abay na pamaraan.
Pagtalakay
• Iugnay ang pahayag ng dalawang bata at ipasagot ang ilang mga katanungan sa iba-
ba nito.
• Talakayin sa klase ang mga pang-abay na pamaraan na ginamit sa pahayag.
• Ipakilala ang isa pang anyo ng pang-abay na pamaraan: nang + pang-abay.
• Magbigay ng mga halimbawa na ginamit sa pangungusap. Ipatukoy ang mga pang-
abay na pamaraan sa bawat pangungusap na iyong ibinigay.
Pagsasanay
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang magkakaugnay na mga pangungusap at ipabilog ang
mga pang-abay na pamaraan na ginamit sa bawat isa. Ang pagsasanay ay makikita
sa letrang B, Gawain 1, Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 265.
• Ipasuri sa mga mag-aaral ang bawat larawan na makikita sa letrang B, Gawain 2,
Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 266. Ang mga mag-aaral ay susulat ng pangungusap na
nagsasabi kung paano ginagawa ang kilos o kung paano nagaganap ang pangyayaring
nakalarawan. Siguraduhin na makagagamit ng mga pang-abay na pamaraan alinman
sa dalawang anyo sa pangungusap. Ipasulat sa patlang ang kanilang sagot.
Susi sa Pagwawasto
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 268.
Yunit IV | 167
ARALIN 4 Wala Akong Kaibigan (Kuwento)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Natutukoy ang salitang binigyang-kahulugan sa tulong ng pagpupuno ng word
puzzle
2. Pakikinig
• Nakapagbibigay ng opinyon sa napakinggang mensahe ng akda
3. Pagsasalita
• Naipaliliwanag nang mahusay ang mensahe ng akda
4. Pagbasa
• Nailalarawan ang tauhan sa kuwento
• Natutukoy ang mensahe ng akda
• Nailalahad muli ang mga pangyayari sa kuwento
5. Pagsulat
• Nakasusulat ng sariling kuwento
6. Gramatika
• Nagagamit sa pagsulat ng kuwento ang mga pang-abay na pamanahon at
panlunan
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa wastong paggamit ng mga makabagong teknolohiya
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga interaktibong estratehiya: pa-
kikilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabaha-
ginan, pagbibigay-opinyon sa nabasa at narinig, pagbibigay-payo, paggawa ng
poster
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pagbibigay-opinyon sa napakinggang mensahe ng akda
B. Pagsasalita: Pagpapaliwanag nang mahusay sa mensahe ng akda
C. Pagbasa: Paglalarawan sa tauhan ng kuwento; pagtukoy ng mensahe sa akda; pagla-
lahad ng mga pangyayari sa kuwento
Teksto: “Wala Akong Kaibigan” (Kuwento)
D. Gramatika: Paggamit ng pang-abay na pamanahon at panlunan
E. Pagsulat: Pagsulat ng sariling kuwento
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa wastong paggamit ng mga makabagong teknolohiya
168 | Wow Filipino! • Grado 3
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 269–282
• Internet
• visual aid
• audio na kanta
• sulating papel
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Tanungin ang mga mag-aaral kung sino-sino ang kanilang mga kaibigan. Ipatukoy
kung sino sa kanilang mga kamag-aral ang itinuturing nilang kaibigan.
• Itanong: Bakit ninyo sila itinuturing na kaibigan? Masaya ka ba kapag kasama mo
ang iyong kaibigan? Ano ang gusto ninyong ginagawa?
Pagtalakay
• Ipapanood ang video na ito tungkol sa tunay na pagkakaibigan: https://www
.youtube.com/watch?v=pR9N1200Bhg. I-off ang volume at habang nagpi-play ang
video, basahin nang malakas ang mga talata at isunod ito sa mga sitwasyon sa video:
Yunit IV | 169
si Elepante at inaantay siya. Naghain si Elepante ng masarap na lugaw sa
isang maliit na mangkok para kay Langgam at isang malaking mangkok
ng lugaw para sa kaniyang sarili. Nalungkot si Langgam sa ginawa ng
kaniyang kaibigan. “Bakit ganito lamang ang inihain sa akin ni Elepante?
samantalang ang sa kaniya ay napakalaki,” ang kaniyang ibinulong sa sarili.
Makaraan ang ilang araw, inimbitahan din ni Langgam si Elepante sa
kaniyang tirahan para doon din mananghalian. Pinuntahan ni Elepante
si Langgam sa kaniyang bahay. Napakaliit ng bahay ni Langgam! Kaya
naman sa labas na lamang naupo si Elepante. Kinuha ni Langgam ang
kaniyang pinakamalaking mangkok na punong-puno ng prutas at inihain
niya ito kay Elepante. Kinain ito nang magiliw ni Elepante. Ipinaghain pa
siya ni Langgam ng iba pang pagkain at inumin. Ngunit, hindi nabusog
si Elepante kaya naman kinain niya ang mga halaman sa labas ng bahay
ni Langgam. Pagkakita ni Langgam sa ginagawa ni Elepante, nagalit ito.
“Mahal kong Kaibigan, bakit mo sinisira ang aking magandang hardin?
Ihinto mo iyan!” sabi ng nadismayang langgam.
Ngunit pinagtawanan lamang siya ni Elepante. “Tingnan mo ako
kaibigang Langgam, napakalaki ko at ikaw ay napakaliit. Konti lang ang
kinakain mo samantalang ako, kailangan kong kumain nang marami.
Kaya ganoon lamang kakonti ang inihain ko sa iyo ng araw na iyon.
Ngayon, kahit inihain mo na lahat sa akin ang iyong pagkain, hindi
pa rin iyon sapat para ako ay mabusog. Patawad aking Kaibigan, kung
kinain ko ang iba mong halaman.”
Magmula noon, naintindihan na ni Langgam ang nararamdaman ng
kaniyang kaibigan. Sa pangyayaring iyon, lalong tumibay ang kanilang
pagkakaibigan. At tunay ngang naging maging matalik na magkaibigan
si Langgam at si Elepante.
Pagsasanay
• Talakayin ang nilalaman ng kuwento. Itanong ang sumusunod:
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Saan nangyari ang kuwento?
3. Paano nakilala ni Elepante si Langgam?
4. Kung ikaw si Langgam, ano ang iyong gagawin pagkatapos kang mailigtas ni
Elepante?
5. Ano ang masasabi mo tungkol kay Elepante? kay Langgam?
6. Paano nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkaibigan?
7. Paano nila ito inayos? Paano pinatunayan nina Elepante at Langgam na tunay
silang magkaibigan?
Pamagat ng Kuwento
______________________________________________
Mensahe
Problema Solusyon
Yunit IV | 171
• Ipaulat ang kanilang nagawa. Maaaring ipasulat ang kanilang kasagutan sa isang
manila paper upang maipaskil ito sa pisara.
C. Pagbasa
Pagganyak/Pagbabalik-aral
A. Kahulugan? Ano nga ba?
• Ipagawa ang gawain sa p. 270.
• Talakayin ang mga kasagutan ng mga mag-aaral.
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang gamitin ang mga tamang sagot sa
pangungusap.
B. Alam mo na, di ba?
• Pahanapin ng kapareha ang bawat mag-aaral at ipagawa ang gawain sa
p. 270.
Pagtalakay
• Bago magpabasa, sabihin: “Basahin natin ang kuwento ng isang batang labis kung
gumamit ng makabagong teknolohiya. Alamin ang mga naging epekto nito sa
kaniya.”
• Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at pabaha-bahaging ipabasa nang malakas ang
“Wala Akong Kaibigan,” pp. 271–274.
Pagsasanay
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang ilan sa mga tanong na makikita sa gilid ng ilang
talata.
• Ipasagawa ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-
dodrowing. Ang gawaing ito ay makikita sa letrang A ng Binasa Ko… Pag-iisipan
Ko!, p. 275.
• Papiliin ang bawat mag-aaral ng kapareha para sa pangkatang gagawin nila. Ipagu-
hit sa kanila sa malinis na papel ang naiisip nilang anyo ng batang tauhan sa kuwen-
tong nabasa. Sa ibabang bahagi ay ipasulat ang talatang naglalarawan sa kanilang
iginuhit. Gamiting gabay sa kanilang sagot ang gawaing makikita sa letrang B ng
Binasa Ko… Pag-iisipan Ko!, p. 276.
• Hatiin ang klase sa tatlong miyembro bawat pangkat. Ipagawa ang letrang C,
p. 276. Pagkatapos maibahagi ng lahat ng pangkat ang kanilang ginawa, ipasagot
ang mga tanong sa pinakababang bahagi ng parehong pahina.
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. pinagbawalan 4. itinutok
2. pinaalalahanan 5. abusuhin
3. nawiwili
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipabasa sa piling mga mag-aaral ang diyalogong makikita sa Wika Ko… Gagamitin
Ko!, p. 277. Talakayin ang mga nakapaloob na tanong.
• Idirekta ang atensiyon ng mga mag-aaral sa mga salitang nakasalungguhit at ipabasa
ang mga ito nang malakas.
Pagtalakay
• Talakayin ang konsepto ng pang-abay na pamanahon at panlunan. Gamiting gabay
sa pagtuturo ang bahagi ng Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 278. Magbigay pa ng
karagdagang impormasyon tungkol sa aralin at hayaang makapagbigay ng mga
karagdagang halimbawa ang mga mag-aaral.
Pagsasanay
• Ipasagot nang tahimik ang Gawain 1, 2, at 3 ng Wika Ko… Gagamitin Ko!,
pp. 279–281.
Susi sa Pagwawasto
Yunit IV | 173
B. Paggamit ng pang-abay na pamanahon at panlunan
Gawain 1
1. pamanahon 4. panlunan
2. pamanahon 5. panlunan
3. panlunan
Gawain 2
1. ngayon 6. sa bahay
2. sa ilog 7. sa labas
3. mamaya 8. noong tag-araw
4. dito 9. kinaumagahan
5. sa ilog 10. ngayon
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Talakaying muli ang mga bahagi ng maikling kuwento. Magbigay ng mga konsepto
kung paano makabubuo/makapagsusulat ng isang maikling kuwento.
Pagtalakay
• Sabihin sa klase na magsusulat kayo ng isang kuwento. Para makabuo ng isang ku-
wento, kailangan muna ninyong kompletuhin ang graphic organizer sa ibaba.
Pamagat ng Kuwento
______________________________________________
Mensahe
Problema Solusyon
Kraytirya 5 4 3 2 1
ANYO
• Nasusunod ang tema ng maikling kuwento
BALARILA
• wastong gamit ng wika/pang-abay
• baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
• lohikal na daloy ng mga pangyayari
• tiyak na balangkas na ginamit sa pagsulat ng kuwento
MALIKHAIN/PAGKAMALIKHAIN
• katangi-tanging estilo sa pagsulat
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 282.
Yunit IV | 175
ARALIN 5 Liham sa Isang Kaibigan (Liham)
I. Mga Layunin
1. Talasalitaan
• Naibibigay ang kahulugan ng ilang lipon ng mga salita batay sa gamit nito sa
pangungusap
2. Pakikinig
• Naiuugnay ang nilalaman ng teksto ayon sa napanood o napakinggan
3. Pagsasalita
• Naibabahagi ang sariling karanasan batay sa nilalaman ng liham
4. Pagbasa
• Nasasagot ang mga gabay na tanong tungkol sa nilalaman ng liham
• Naghihinuha at nagpapaliwanag tungkol sa binasa
• Nakapagpapatotoo tungkol sa paniniwala ng nagsasalita
• Nakapagbibigay ng paglalahat/kongklusyon sa mga pangyayari sa binasa
5. Gramatika
• Nagagamit nang wasto ang mga pang-angkop sa iba’t ibang gawain
6. Pagsulat
• Nakasusulat ng liham pangkaibigan
7. Pagpapahalaga
• Nakapagpapahalaga sa sariling bansa kahit na nasa malayong lugar
8. Estratehiya sa Pag-aaral
• Naisasagawa ang mga gawain sa tulong ng mga interaktibong estratehiya: paki-
kilahok sa mga kolaboratibong/pangkatang gawain, pag-uulat o pagbabahagi-
nan, pagbibigay-opinyon sa nabasa at narinig, paggawa ng liham
II. Mga Paksa
A. Pakikinig: Pag-uugnay ng nilalaman ng teksto ayon sa napanood o napakinggan
B. Pagsasalita: Pagbabahagi ng sariling karanasan batay sa nilalaman ng liham
C. Pagbasa: Pagsagot sa mga gabay na tanong; paghihinuha at pagpapaliwanag tung-
kol sa binasa; pagpapatotoo tungkol sa paniniwala ng nagsasalita; at pagbibigay ng
paglalahat/kongklusyon sa mga pangyayari sa binasa
Teksto: “Liham sa Isang Kaibigan” (Liham)
D. Gramatika: Paggamit nang wasto ng mga pang-angkop sa iba’t ibang gawain
E. Pagsulat: Pagsulat ng liham pangkaibigan
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa sariling bansa kahit na nasa malayong lugar
176 | Wow Filipino! • Grado 3
III. Mga Sanggunian at Kagamitan
• Batayang Aklat Wow Filipino! 3 (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa)
pp. 283–293
• Internet
• visual aid
• audio na kanta
• sulating papel
A. Pakikinig
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magtawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang hinahanap na katangian
sa isang kaibigan at bakit.
Pagtalakay
• Iparinig sa mga mag-aaral ang kantang isinulat ng Apo Hiking Society na pinamaga-
tang “Awit ng Barkada.” (Maaaring magkaroon muna ng maikling pagpapakilala sa
kanta.)
• Ipaintindi ang liriks sa nasabing kanta at talakayin ito.
• Ipaugnay sa mga mag-aaral ang kanta sa kanilang sariling karanasan. Gabayan ang
mga mag-aaral sa gawaing ito.
Pagsasanay
• Ipakompleto ang pariralang nasa ibaba.
Importante ka sa akin, kaibigang _______________, dahil _________________.
• Ipabahagi ang kanilang gawa sa pamamagitan ng pagbigkas sa harap ng klase.
B. Pagsasalita
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Maghanap at magpaskil ng mga larawan na nagpapakita ng tunay na pagkakai-
bigan.
• Ipalarawan ang bawat larawan.
• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkakaibigan at pakinggan ang
kanilang pagpapaliwanag kung bakit ito ang kanilang sagot.
Pagtalakay
• Ihanda ang klase sa pakikinig.
• Basahin nang dalawang beses ang mensahe ng isang kaibigan.
Yunit IV | 177
Abril 9
Hello, Frances!
Kumusta ka na? Kailan ka uuwi rito sa atin? Kailan ang bakasyon
ninyo? Umuwi ka na rito, o. Ang mga tinanim nating rosas at santan
ay malalago na at ang dami-daming bulaklak. Kay gaganda talaga!
Mababango pa! Magpo-post ako ng mga larawan dito sa Facebook para
makita mo.
Hitik na rin sa bunga ang mga puno ng bayabas, balimbing, at
sampalok namin. Kaya marami na tayong masusungkit.
Anihan na rin ng mais sa buwang ito, may dilaw at may puti.
Halos araw-araw nga na iyon ang meryenda namin. Hindi naman
kami nagsasawa dahil nga bagong pitas, matatamis. Pagdating mo,
magsisinangag tayo nila Kuya ng mais at lalagyan natin ng kaunting sili.
Naku, ang sarap niyon lalo na kung mainit-init pa!
Tuwing Sabado naman, namimitas kami ng upo, kalabasa, o ampalaya
para sa pananghalian. Pagdating ng hapon, isinasama ako ni Tatay sa
palaisdaan at sama-sama kaming namimingwit. Ang laki-laki ng mga
tilapya at bangus na nakuha namin noong Sabado!
Sana bakasyon ninyo na riyan sa Maynila para makapagbakasyon ka
na rito.
Ang iyong kaibigan,
Erica
Susi sa Pagwawasto
Handa na Ako!
A. Kahulugan? Ano nga ba?
1. ligtas; malusog; masaya
2. mangyayari o malaki ang posibilidad na mangyayari
3. malinis
4. masarap at malasa
5. ang bansa kung saan ako isinilang o ipinanganak
Yunit IV | 179
B. Pagpapatotoo sa nilalaman ng akda
Sariling kasagutan ng mga mag-aaral.
C. Pagbibigay-kongklusyon
Sariling kasagutan ng mga mag-aaral.
D. Gramatika
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Ipabasa ang talata sa unang bahagi ng Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 290. Pagkata-
pos, ipabasa ang iniwastong talata.
• Isulat ang mga salitang may salungguhit sa pisara katabi ang iniwastong bersiyon.
A B
kaniya kaibigang kaniyang kaibigang
niya naalala niyang naalala
noon nasa noong nasa
ngayon nasa ngayong nasa
iba na bansa ibang bansa
ito kasama ito na kasama
• Bigyan ng dalawang minuto ang klase upang suriin ang pagkakaiba ng dalawang set.
• Talakayin ang pagkakaiba ng dalawang set at ano ang mga idinagdag upang iwasto
ang mga ito.
Pagtalakay
• Talakayin ang wastong paggamit ng mga pang-angkop sa letrang A ng Wika Ko…
Gagamitin Ko!, pp. 290–291.
• Magbigay pa ng halimbawa ng wastong paggamit ng mga pang-angkop upang ma-
palawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral.
Pagsasanay
• Pasagutan ang Gawain 1 at 2, letrang B sa Wika Ko… Gagamitin Ko!, p. 291.
Susi sa Pagwawasto
E. Pagsulat
Pagganyak/Pagbabalik-aral
• Magbalik-aral tungkol sa liham. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kani-kanilang
nalalaman tungkol dito. Itama ang maling mababanggit ng mga mag-aaral tungkol
dito.
• Ipagtibay pa lalo ang mga sagot ng mga mag-aaral at magbigay pa ng karagdagang
impormasyon hinggil dito.
Pagtalakay
• Talakayin ng maigi ang wastong pagsusulat ng isang liham pangkaibigan. Gawing
sanggunian ang liham sa “Liham sa Isang Kaibigan,” pp. 285–287. Ito ang magsi-
silbing gabay nila sa pagsusulat ng liham.
• Bigyang-diin ang mga kahulugan ng bawat bahagi ng liham.
Pagsasanay
• Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 3, letrang B sa Wika Ko… Gagamitin Ko!,
p. 291.
• Ipaabot ito sa kaniya-kaniyang kaibigang sinulatan ng liham upang basahin ito.
Ipasumite ito pagkatapos.
Kraytirya 5 4 3 2 1
NILALAMAN
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
• wastong gamit ng wika/salita
• baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga ideya
• pagkakaugnay ng mga ideya
Yunit IV | 181
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
F. Pagpapahalaga
• Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng Pahalagahan, p. 292.
III. Isulat sa patlang ang angkop na pang-abay na bubuo sa mga hakbang sa paggawa ng
Graham Cake.
Ang mga Hakbang sa Paggawa ng Graham Cake
1. ________ na hiwain ang mangga sa sangkalan.
2. Durugin nang ________ ang galyetas sa isang lalagyan.
3. Ilatag _________ ang graham crackers sa hiwalay na lalagyan.
4. ________ ibuhos ang gatas na malabnaw sa graham crackers at isunod ang dinurog
na galyetas.
5. ________ na ilagay ang mga nahiwang mangga sa ibabaw nito. Gawin muli ang
pangatlo at pang-apat na hakbang hanggang sa mapuno ang lalagyan.
6. ________ maghintay sa pagpapalamig nito. Ihapag na ito sa mesa.
Yunit IV | 183
VI. Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop na na o –ng na bubuo sa parirala.
1. lima _____ piso
2. maluwag ___ daan
3. masama ___ damo
4. malamig ___ hangin
5. masaya ___ usapan
Susi sa Pagwawasto
I.
1. panghinaharap
2. panghinaharap
3. pangnagdaan
4. pangkasalukuyan
5. pangnagdaan
II.
1. nagdidilig
2. natutulog
3. lilipad
4. nangangako
5. manonood
III.
1. maingat
2. maigi
3. nang maayos
4. dahan-dahang
5. maayos
6. matiyagang
IV.
1. masayang
2. matuling
3. biglang
4. nang magkaroon
5. masayang
V.
1. pang-abay na pamanahon
2. pang-abay na panlunan
3. pang-abay na panlunan
4. pang-abay na pamanahon
5. pang-abay na panlunan
VI.
1. -ng
2. na
3. -ng
4. na
5. -ng