Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KUTSERO, KOTSE KO

Ni: Adrian Cornelio

Ako ay may amo, tawag sa kaniya’y Kutsero


Palo dito, Palo doon, lapat ng mainit na latigong pang mando ( dama ang lagitik ng latigong
pangmando)
Hila dito, Hila doon, pasan pasan ko’y bigat ng mundo
Siya’y kaskasero parang kidlat kung magpatakbo

Kasama ko siya noon pa man, itanong mo pa sa nakaraan


Matagal na rin pala ng kami’y nagsimula
Hindi ko alam ilang taon na ang dumaan
Sapagkat, mulat ang mata’y itim ang nakikita habang pumapasada

Bihira na nga ako makarinig ng mga yabag na “Taka! Tak! Taka! Tak!”
Bihira ko na rin maramdaman ang aking mga kasabayan
Bihira na ring tumakbo ng pagka layo-layo
Bihira na ata ang mga tulad ko dito sa mundo

Naalala ko noong kay’ sigla pa ng mga daan sa manila


Parang araw-araw may banda ng musika, sa ingay ng mga kalesa
Mahirap ang trabaho dahil walang tigil ang pagtakbo,
Pero wala kaming ka kumpetensiya, hari ng kalsada kumbaga

Araw-araw kong binabaybay ang walang katapusan na daan


Bit-bit ang kargada na hindi mabilang sa kamay kung ilan
Mga kargadang mayroong patutunguhan
‘Dito lamang ho’ sambit ng karamihan
Teka, naalala ko, nasaang henerasyon na nga ba ako?
Bakit parang andami ng nagbago, iba na ang pakiramdam ko
Mula sa simoy ng hangin hanggang sa boses ng mga tao
Bihira ko ng marinig ang mga katagang “pasakay ho mamang kutsero”

Hanggang sa tumaas ang aking tainga sa malakas na dagundong


Tinaggal ng kutsero ang sa mata ko’y saplot
Agad kong nakita, malaki na ang pinagbago
Isa, dalawa, tatlo nalang pala kaming nandito

Mayroong malaking makina, kulay rosas at magarbo.


Hindi kailangan ng latigo, para lumakad at tumakbo.
Ito narin ang tinatangkilik ng mga tao
Mga paa’y hugis bilog, samut-saring disenyo, isang bakal na otomatiko

You might also like